Want this question answered?
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang estudyante at isang guro na may mabigat na problema sa pamilya ngunit may magandang pananaw sa buhay. Ang kwento ay nagsimula sa silid-aklatan ng kanilang paaralan. Sa isang sulok nito ay naroon ang isang estudyanteng umiiyak dahil sa isang hindi kalalimang bagay 'di gaya ng sa kanyang guro. Nang makita ng guro ang estudyanteng nasabi, sinabi rin nitong siya ay iiyak dahil sa isang mabigat na suliranin sa kanyang buhay. Sila ay naging malapit. Ang suliranin palang ito ay tungkol sa kanyang pamilya: ang kanyang anak at asawa. Ngunit, sa kabila ng suliraning ito, siya ay nanatiling positibo. Sa kanyang pagiging guro, madalas niyang sabihin ang salitang mabuti sa bawat kataga kaya ang kwentong ito'y naging "kwento ni Mabuti".
DAYUHANNi Buenaventura S. Medina, Jr.JANILO B. SARMIENTOBOHOL ISLAND STATE UNIVERSITY-BILAR CAMPUSBUOD:Isang gabi, napakislot sa pagkakahiga ang persona ng maikling kwentong ito (may-akda) nang marinig na naman niya ang daing ng kanyang masakiting ama mula sa silid nito. Nagbalikwas siya para tunguhin ang silid ng kanyang ama, subalit nagbaga na naman ang kanyang damdaming hindi maipaliwanag. Nang buksan niya ang kanyang pinto, nakita niya ang kanyang ina at sa pamamagitan ng tingin nito'y alam na niya ang dapat gawin. Pumunta siya sa lansangang-bayan para tawagin si Dr. Santos. Sumama naman ang doktor para tingnan ang kalagayan ng kanyang ama. Matagal ng may sakit ang kanyang ama ngunit hindi rin lubusang gumaling dahil sa lagi nitong sinusuway ang bilin ng doktor. Kung paalalahanan naman ng kanyang ina, nagagalit ang kanyang ama dahil alam daw nito ang kanyang ginagawa. Dahil tanging lalaking sa pamilya, ay inako na niya ang tungkuling tumawag ng manggagamot sa anumang oras naroroon siya tuwing maririnig niya ang daing ng kanyang ama.Iyon ay isang gawain na matapat na niyang nagagampanan matapos ibinilin sa kanya ng mga kapatid ang kalagayan ng kanilang ina nang nagsisama ang mga ito sa kanilang napangasawa sa Kabisayaan. At ito nga ang kanyang ginagawa, ang tulungan ang ina sa pag-aalaga sa kanyang ama. Lubos na lamang ang kanyang pagtataka kung bakit nasabi ng kanyang mga nakakatandang kapatid na siya na ang bahala sa kanilang ina. May mga bagay siyang hindi nalalaman na tanging mga kapatid lamang niyang nakakatanda ang nakakaalam mula sa kanilang pinag-uusapan. Ngunit nabuo na sa isip nito ang pinag-uusapan nila, sapagkat sa ibang umpukan sa maliit na pamayanang iyon, ay narinig niya: Ang kanyang ama, si Ading at isang sanggol. At sa isip niya, marahil ay marami pang Ading at marami pang sanggol sa buhay ng kanyang ama.Ang mga luhang nakikita niya sa kanyang ina, ang hinanakit ng kanyang mga kapatid sa ama, ang natuklasang katotohanan tungkol sa ama at kay Ading at sa sanggol ay ang mga rason marahil kung bakit nakakaramdam siya ng isang damdaming dayuhan. At iyon nga ang kanyang nararamdaman sa tuwing makikita niya ang ama sa silid nito at tila ba isa siyang dayuhan sa pook na iyon.Nang marating na niya at ni Dr. Santos ang kanilang bahay, nakita niya ang ina at dalawang nakakabatang kapatid sa pinto ng silid ng kanyang ama. Pumunta siya sa sariling silid ngunit muling nagbalikwas ng marinig ang mga hirap na paghingal at pigil na pag-iyak. Nasalubong niya si Dr. Santos at sinabihan na maiwan nalang at huwag na siyang ihatid dahil kakailanganin daw siya. Mula sa mga sinasabi ng kanyang ina, iyakan ng mga kapatid hanggang sa nakaratay na ama, napagtanto niyang nalalapit na talaga ang oras ng kamatayan ng kanyang ama. May kumurot sa kanyang laman, at bigla ay nadama niyang kilala na niya ang silid na iyon at lumapit siya siya sa ama.
ano ang mga nasabi ni pangulong aquino nung siya ay presidente sa sona
"Ang Mangingisda" is a Filipino short story about an old fisherman named Tio Sabel who faces challenges in his life while trying to provide for his family. Despite his struggles, he remains resilient and hopeful, showcasing themes of perseverance and familial love. The story emphasizes the importance of resilience and determination in the face of adversity.
ifugao dance is called tayoh (tuwali) it has different kinds danced by certain tribes during occassions, dancers dance with the rhythms of gongs, usually three or more gongs are played.
Ito ay mga kwentong may aral na hango sa bibliya. Halimbawa nito ay ang "Alibughong Anak" o "The prodigal son" sa wikang english.Ang Alibughang Anak(Lucas 15 :11-32)Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso. "Ama, ibigay n'yo na po sa akin ang mamanahin ko." At ibinahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo'y nilustay ang lahat sa di wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, at nagdalita siya. Kaya't namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing iyon. Siya'y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit na ng bungang kahoy na ipinapakain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapag-isip- isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa kanyang sarili, " Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain at lumalabis pa samantalang ako'y namamatay na sa gutom dito! Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, "Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapatdapat na tawagin ninyong anak; ibilang n'yo na lamang akong isa sa inyong mga alila." At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama.Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama at ito'y labis na nahabag sa kanya, kayat patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. Sinabi ng anak, "Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo, hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong akong anak." Ngunit tinawag ng kanyang ama ang kanyang mga alila. "Madali! Dalhin n'yo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinakamatabang guya at patayin; kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kong ito, ngunit muling nabuhay; nawala ngunit nasumpungan." At silay nagsaya.Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at ng malapit na sa bahay ay narinig niya tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa alila at tinanong: "Bakit? May ano sa atin?" "Dumating po ang inyong kapatid!" Tugon ng alila. "Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit." Nagalit ang panganay at ayaw nitong pumasok sa bahay. Kayat lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi nito, "Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit noong dumating ang anak ninyong lumustay ng iyong kabuhayan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!" Sumagot ang ama, "Anak lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko'y sa iyo. Ngunit dapat tayo'y magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala ngunit nasumpungan."Ang mga iba pang halimbawa ng parabula ay ang mga sumusunod:Ang Mabuting SamaritanoThe Good SamaritanAng Publiko at ang PariseoThe Pharisee and the PublicanAng maraming parabula (parable in English) ay matatagpuan sa Bibliya gaya ng sumusunod:* The Sower * The Prodigal Son * The Lost Sheep * The Good SamaritanMga halimbawa ng parabula ay ang Torre ni babel, Ang Mabuting Samaritano, Ang Alibughang Anak.Isang Halimbawa ng Parabula ay: Ang Aso at ang PusaIsang araw, ang aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan, Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod- lakas. Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapa-aalis ng kanyang bikig. Parang namamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makapag aalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan. Tumihaya na ang aso at ibinuka ang kanyang bunganga. Ipinasok naman ng pusa ang kanyang ulo hanggang leeg upang alisin ang bikig. Pagkabunot ng bikig, ang pusa ay nagsalita, "Akin na ang aking gantimpala." Umuungol ang aso. Inilabas ang matatalim na pangil. "Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulos sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi napahamak", wika ng aso na waring nanunumbat.Sagot:1. Cartesian2. Latus rectum, semi-latus rectum at polar coordinates3. Gauss-mapped
BANGKANG PAPEL -------------------------- ni Genoveva Matute Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo'y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan. Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak. Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman... Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat. Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya'y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan. Sa karimla't pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina. Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo'y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala'y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako. Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan. "Inay, umuulan, ano?" "Oo, anak, kangina," anang tinig mula sa dulo ng hihigan. "Inay," ang ulit niya sa karimlan, "dumating na ba ang Tatay?" Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya't itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito'y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito'y nakita niya ang banig na walang tao. Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito'y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya't ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya'y namaluktot sa nalabing kalahati. Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig. Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot. "Inay," ang tawag niyang muli, "bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?" "Ewan ko," ang sagot ng kanyang ina. "Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo." Natuwa ang bata sa kanyang narinig. Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki'y malalaki't matitibay...hindi masisira ng tubig. Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo'y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita: "Siya, matulog ka na." Ngunit ang bata'y hindi natulog. Mula sa malayo'y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon. "Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi," ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama. "Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?" ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito'y hindi sumagot. Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita. Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat... At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan... Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan. Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina. Pupungas siyang bumangon. Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao'y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay. Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa. Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat. Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao. Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina. Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo'y hindi pumupikit, nakatingin sa wala. Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. "Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?" Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo'y patuloy sa hindi pagsikap. Ang kamay noo'y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling. Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila'y biglang natigil nang siya'y makita. Wala siyang narinig kundi... "Labinlimang lahat ang nangapatay..." Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita. Sa pagitan ng mga hikbi, siya'y patuloy sa pagtatanong... "Bakit po? Ano po iyon?" Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya'y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya'y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na. Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao. "Handa na ba kaya?" anang isang malakas ang tinig. "Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo'y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila'y papasok dito... Kaya't walang maaaring maiwan." Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari. Sila'y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan. Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay. Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan. Nag-aalinlangan, ang batang lalaki'y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang. "Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?" Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita. "Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman." Samantala... Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan. Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel - ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili'y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon. Kaya nga ba't sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman...
BANGKANG PAPEL -------------------------- ni Genoveva Matute Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo'y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan. Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak. Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman... Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat. Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya'y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan. Sa karimla't pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina. Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo'y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala'y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako. Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan. "Inay, umuulan, ano?" "Oo, anak, kangina," anang tinig mula sa dulo ng hihigan. "Inay," ang ulit niya sa karimlan, "dumating na ba ang Tatay?" Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya't itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito'y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito'y nakita niya ang banig na walang tao. Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito'y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya't ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya'y namaluktot sa nalabing kalahati. Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig. Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot. "Inay," ang tawag niyang muli, "bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?" "Ewan ko," ang sagot ng kanyang ina. "Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo." Natuwa ang bata sa kanyang narinig. Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki'y malalaki't matitibay...hindi masisira ng tubig. Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo'y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita: "Siya, matulog ka na." Ngunit ang bata'y hindi natulog. Mula sa malayo'y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon. "Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi," ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama. "Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?" ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito'y hindi sumagot. Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita. Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat... At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan... Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan. Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina. Pupungas siyang bumangon. Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao'y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay. Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa. Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat. Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao. Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina. Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo'y hindi pumupikit, nakatingin sa wala. Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. "Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?" Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo'y patuloy sa hindi pagsikap. Ang kamay noo'y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling. Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila'y biglang natigil nang siya'y makita. Wala siyang narinig kundi... "Labinlimang lahat ang nangapatay..." Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita. Sa pagitan ng mga hikbi, siya'y patuloy sa pagtatanong... "Bakit po? Ano po iyon?" Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya'y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya'y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na. Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao. "Handa na ba kaya?" anang isang malakas ang tinig. "Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo'y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila'y papasok dito... Kaya't walang maaaring maiwan." Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari. Sila'y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan. Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay. Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan. Nag-aalinlangan, ang batang lalaki'y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang. "Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?" Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita. "Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman." Samantala... Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan. Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel - ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili'y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon. Kaya nga ba't sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman...
Ang pangatnig ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.Mga Uri ng Pangatnig1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan.Halimbawa:Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.Halimbawa:Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkatnariyan si Dong na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain.3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan.Halimbawa:Maging ang mga kasamahan niya'y nagpupuyos ang kalooban.4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.Halimbawa:Sumisigaw ang kanyang pusoat humihingi ng katarungan.Pangatnig na panimbang din ang tawag sa at, ngunit, datapwat sapagkat nag-uugnay ng mga salitang magkakapantay; ng mga parirala, ng mga sugnay na pantulong, at ng mga sugnay na nakapag-iisa. Panlinaw rin ang mga pangatnig na samakatuwid, kung gayon, kaya.5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan.Halimbawa:Sakaling Hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.Halimbawa:At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari.Halimbawa:Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.
Ang Mabuting Araw Ay Nakikilala Sa UmagaKinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libinga. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo. Ang usapan ay Hindi nakaligtas sa matalas na paningin Nina Don Filipo at Pilosopong Tasyo na ilang araw na ng naghihina. Nasabi ni Don na tinaggap ng alkade ang kanyang pagbibtiw sa tungkulin. Hindi naman mapakali si Tandang Tasyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ay Hindi nararpat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya, ang puno ay dapat na manatili sa kanyang Tao. Sa pagiisip ni Pilosopong Tasyo. Ayon sa kanya, nag iba ang bayan na di na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin. Namamalas na nag naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadadma na rin .Ang mga kabataang nakapag aral sa Europa ay nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa kasaysayan, Matematika, Agham, wika at iba pang uri ng kaalaman na itinuturing na enerhiya noong una. Kaya na ng Tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na kanyang ginagalawan at tinatahanan. Sa panitikan, nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang nagpapahayag ng malaya at mga makaagham ng pagsubok. Hindi na rin kayang sawatain ng kumbento ang paglaganap ng mga modernong kabihasnan.Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan, sa relihiyon, sa kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang ng mga naglilingkod sa Simbahan hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Tandang Tasyo kung Hindi nangangailangan ng mga gamot sapagkat napansin nitong hinang-hina na sya. Pero tinugon sya ni Tandang Tasyo na ang mga mamamatay ay Hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang mangangailangan. Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa kanya sa loob ng ilang araw sapagkat malapit na siyang yumao. Sa kabila ng karamdaman ni Tandang Tasyo ang kapakanan ng bayan ang kanyang inaalagata. Matibay ang kanyang paniniwala ng ang Pilipinas ay tumatahak parin sa karimlan. Hindi nagluwat, nagpaalam na si Don Filipo.
ANG KWINTASIsa siya sa mga pinaka-marikit at kahali-halinang babae na isinilang, at para bang nagkamali ang tadhana dahil isang pamilya ng mga manggagawa ang kanyang pinagmulan. Hindi siya itinakda na ikasal kaninoman, walang umaasa na aangat siya, at wala rin siyang paraan para makilala, maunawaan, mahalin, at makapangasawa ng isang marangya at marangal na lalaki. Bagkus, isang hamak na kawani ng Kagawaran ng Edukasyon ang pinakasalan niya. Simple lang ang kanyang panlasa dahil hindi naman niya kaya ang mga mamahaling bagay. Hindi siya masaya dahil sa pakiwari niya, nagpakasal siya sa isang lalaking mas mababa pa sa kanyang uri. Pero ang mga babae naman talaga ay hindi nabibilang sa kahit anumang uri. Ang kanilang kagandahan, kahinhinan, at alindog ay nagagamit nila para magkaroon ng asawa at pamilya. Ang natural na pagkahilig nila sa karangyaan, ang kanilang angking karingalan, at matalisik na isip ay nagsisilbing mga palatandaan ng kanilang ranggo. At sa mga bagay na ito, ang babaeng tinutukoy natin na nagmula sa kahirapan ay maituturing na kapantay ng pinakamataas na babae sa balat ng lupa.Hindi matapus-tapos ang kanyang pagdurusa, dahil pakiramdam niya'y ipinanganak siya para matikman ang lahat ng karangyaan at kaginhawahan. Pinagdurusahan niya ang kanyang hamak na tirahan, ang mga nanlilimahid na dingding nito, ang mga gapok na silya, at marurungis na kurtina. Lahat ng ito-na maaaring hindi alam ng mga babaeng kauri niya-ay nagdudulot sa kanya ng pasakit at insulto. Nang makita niyang pumasok ang batang babae na Breton sa kanyang hamak na tirahan para magtrabaho, nabagbag ang kanyang damdamin at natigatig ang kanyang mga walang kapararakang pangarap. Umandar ang kanyang imahinasyon at naisip niya ang mga tahimik na silid, na natatakpan ng mabibigat na kurtinang Oryental, naiilawan ng mga nagtataasang sulo na yari sa tanso, at binabantayan ng mga nagtatangkarang lalaki na may suot na mahahabang medyas na umaabot hanggang sa tuhod at nahihimbing sa malalaking sopa, dahil sa nakalilipos na init na nagmumula sa kalan. Naisip niya rin ang malalawak na silid na napapalamutian ng antigong telang sutla, at maliliit ngunit kaaya-aya at mababangong silid na nilikha para sa mga munting salusalo kasama ang mga pinakamalapit na kaibigan, at mga lalaking pamoso at inaasam-asam, na ang pamimitagan ay nakatitigatig ng inggit at pagnanasa sa kababaihan.Nang dumulog siya para sa hapunan sa hapag na natatakpan ng mantel na kalalagay lang tatlong araw na ang nakararaan, katapat ng kanyang asawa na nag-alis ng takip ng lalagyan ng sopas at napabulalas nang buong saya: "Aha! Scotch broth! May hihigit pa ba rito?", muli na namang lumipad ang imahinasyon ng babae at naisip niya ang mga pagkasarap-sarap na pagkain, mga kumikinang na kubyertos, mga tapiseriya na tumatakip sa mga dingding at naglalarawan sa mga sinaunang tao at mga kakatwang ibon mula sa mga kagubatang pinamamahayan ng mga diwata; naisip niya ang mga kasiya-siyang pagkain na nakalatag sa mga kamangha-manghang bandehado, mga pabulong na panunuyo, na pinakikinggan nang may di mawaring ngiti habang ngumangasab ng mamula-mulang laman ng isda o pakpak ng manok na may halong asparago.Wala siyang magagandang damit at alahas. At ito ang mga bagay na iniibig niya. Pakiramdam niya'y nilikha siya para sa mga bagay na ito. Matagal na niyang inaasam na makapang-akit, na mapagnasaan, na kahumalingan, at maging kaasam-asam.Nagkaroon siya ng isang mayamang kaibigan, isang dating kaklase na ayaw niyang bisitahin, dahil nakararamdam siya ng matinding pagkasawi habang papauwi siya sa kaniyang tirahan. Ilang araw siyang umiiyak, saklot ng kalungkutan, pagsisisi, kawalang-pag-asa, at pagdurusa.Isang gabi, umuwi ang kanyang asawa na masayang-masaya, hawak ang isang malaking sobre."Para sa iyo ito," sabi niya.Mabilis na pinunit ng babae ang sobre at hinugot mula sa loob nito ang isang papel kung saan nakasulat ang mga katagang ito:"Hinihiling ng Ministro ng Edukasyon at ni Ginang Ramponneau na makapiling sina Ginoo at Ginang Loisel sa Kagawaran ngayong Lunes ng gabi, ika-18 ng Enero."Ngunit imbes na matuwa, gaya ng inaasahan ng kanyang asawa, inihagis ng babae ang imbitasyon sa mesa, sabay bulong ng:"Ano'ng gusto mong gawin ko rito?""Bakit, mahal ko? Akala ko'y masisiyahan ka. Matagal ka nang hindi lumalabas. Napaka-importanteng okasyon nito, at pinaghirapan kong makakuha ng imbitasyon para rito. Lahat ay gustong maanyayahan sa pagtitipong ito. Piling-pili ang makakapunta, at iilan lang ang napaunlakang kawani na gaya ko. Makikita mo rito ang lahat ng matataas na tao."Tumalim ang tingin ng babae sa asawa, saka nagsalita na parang naubusan na ng pasensya: "At ano sa palagay mo ang isusuot ko sa pagtitipong 'yan?"Hindi iyon naisip ng lalake; pautal niyang nasabi:"Ba't di mo gamitin 'yung isinusuot mo pag nagpupunta ka sa teatro? Napakaganda noon, para sa akin…"Natigilan ang lalake, natuliro, at naghahanap ng sasabihin nang makita niyang umiiyak na ang kanyang asawa. Dalawang malaking patak ng luha ang tumulo mula sa gilid ng kanyang mga mata patungo sa gilid ng kanyang labi."Ano'ng nangyayari sa iyo?"Ngunit mabilis na nakabawi mula sa kanyang kalungkutan ang babae, at kalmado siyang tumugon habang pinapahiran ang nabasang pisngi:"Wala. Wala lang kasi akong maisusuot na damit kaya hindi ako makadadalo sa kasayahang 'yan. Ibigay mo na lang ang imbitasyon sa kasamahan mo na may asawang mas nababagay diyan kaysa sa akin."Halos madurog ang puso ng lalaki."Sandali lang, Matilda," giit ng asawa. "Magkano ba ang isang simpleng damit na nababagay sa ganyang okasyon, na maaari mo pang gamitin sa iba pang pagtitipon?"Ilang sandaling nag-isip ang babae. Inalala niya ang mga presyo ng ganoong klaseng damit habang iniisip niya rin kung gaano kalaking pera ang pwede niyang hingin sa asawa, na hindi matatanggihan at hindi rin ikagugulantang ng lalaki.Sa wakas, nag-aalinlangang sumagot ang babae:"Hindi ako sigurado, pero pwede na siguro ang apat na raang francs."Tila namutla ang lalaki, dahil ganitong halaga rin ang pinag-iipunan niya para makabili ng isang baril. Binabalak niya kasing mamaril sa susunod na tag-araw sa kapatagan ng Nanterre. Ito ang pinupuntahan ng kanyang mga kaibigang namamaril ng ibon tuwing Linggo.Ngunit gayunpaman, sinabi ng lalaki: "Kung ganoon, bibigyan kita ng apat na raang francs. Siguruhin mo lang na makabibili ka ng isang napakagandang damit."Papalapit na nang papalapit ang araw ng kasayahan. Kahit handa na ang kanyang damit, nagiging malungkutin pa rin si Ginang Loisel, laging di mapalagay, at balisa."Ano ba'ng nangyayari sa iyo? Tatlong araw nang kakaiba ang kilos mo…""Nahahabag ako sa aking sarili, dahil wala akong alahas, ni isang mamahaling bato ay wala akong maisusuot," tugon ng babae. "Wala akong mukhang ihaharap kaninoman. Mas mabuti pa yatang 'wag na lang akong dumalo sa kasayahan.""Magsuot ka ng bulaklak," sabi ng lalaki. "Sa halagang sampung piso, makakabili ka ng dalawa o tatlong rosas."Ngunit hindi kumbinsido rito ang babae."'Wag na lang… Kahihiya-hiya kung magmumukha akong dukha sa harap ng napakaraming mayamang babae.""Napaka-estupida mo!" bulalas ng asawa. "Pumunta ka kay Ginang Forestier at tanungin mo kung pwede ka niyang pahiramin ng mga alahas. Alam mo namang kilala siyang alahera, di ba?"Napabulalas ng tuwa ang babae."Tunay nga. Hindi ko 'yon naisip."Kinabukasan, nagpunta ang babae kay Ginang Forestier at ikinuwento niya rito ang kanyang problema.Nagtungo si Ginang Forestier sa kanyang iskaparate, kinuha mula rito ang isang malaking kahon, binuksan ito, at sinabi:"Mamili ka rito, mahal."Unang tiningnan ng babae ang mga pulseras, tapos ay isang kuwintas na may perlas, at isang gintong krus na may makikinang na bato. Galing ito sa Venetia, at sadyang napakahusay ng pagkakagawa. Tumingin siya sa salamin at tiningnan ang sarili na gamit ang mga alahas. Nagbabantulot siya at di makapagdesisyon kung iiwan o isosoli niya ba ang mga alahas. Panay ang tanong niya:"Mayroon ka pa bang iba?""Oo. Ikaw na ang mamili. Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto mo."Kapagdaka'y nakita niya sa isang maliit at itim na lalagyan na yari sa satin ang isang napakagandang alahas na diamante.Tumibok ang pagnanasa sa puso niya. Nanginginig ang mga kamay niya nang kunin niya ang alahas. Isinuot niya iyon sa kanyang leeg, sa ibabaw ng kanyang mahabang damit, at ilang sandali siyang nalunod sa kaligayahan habang pinagmamasdan niya ang kanyang sarili.Tapos ay nag-aalinlangan siyang nagtanong:"Maaari mo ba itong ipahiram sa akin? Tanging ito lamang?""Oo naman."Napahilig siya sa dibdib ng kaibigan, niyakap niya ito nang mahigpit, at dali-dali siyang umuwi na bitbit ang natatanging hiyas. Dumating din ang araw ng kasayahan. Tagumpay si Ginang Loisel. Siya ang pinakamarikit na babae sa lahat, elegante, mabining kumilos, laging nakangiti, at nag-uumapaw ang kaligayahan. Lahat ng mga lalaking nandoon ay napapatingin sa kanya, itinatanong ang kanyang pangalan, at gusto siyang makilala. Lahat din ng mga Pangalawang Sekretaryo ng Pamahalaan ay gusto makipag-balse sa kanya. Napansin din siya ng Ministro.Haling na haling siya sa pakikipagsayaw, nag-uumapaw ang kanyang saya, at panay ang inom niya, walang pakialam sa lahat, maging sa pagwawagi ng kanyang kagandahan, sa karangalan ng kanyang pagkakapanalo, sa lambong ng kaligayahang bumalot sa kanya dulot ng mga pagtangi at paghanga, ng mga pagnanasang kanyang ginising, ng kabuuan ng kanyang tagumpay na sadyang napakalapit sa kanyang puso.Mag-a-alas-kuwatro na ng madaling-araw nang magpasya siyang umuwi. Hatinggabi pa'y tulog na ang kanyang asawa sa isang maliit na silid, kasama ang tatlo pang kaibigan na may mga asawang nagkakasayahan. Ipinatong ng lalaki sa balikat ng babae ang mga kasuotang dinala niya para magamit nila sa pag-uwi-mga ordinaryong kasuotan na alangan sa napakagandang saya ng babae. Napansin niya iyon kaya't nagmamadali siyang umalis upang hindi siya makita ng ibang mga babae na nagsusuot ng kanilang mga mamahaling fur.Pinigilan ng lalaki ang kanyang asawa."Sandali lang. Malamig sa labas. Baka magkasipon ka. Tatawag ako ng taxi."Pero hindi siya pinakinggan ng babae at nagmamadali itong bumaba sa hagdanan. Nang makalabas na'y wala silang maparang taxi. Nag-abang sila at ilang beses nilang sinigawan ang mga taxing dumaraan.Naglakad sila patungo sa Seine, tuliro at nangangatal sa lamig. Sa wakas ay nakatagpo sila ng isang pipitsuging taxi na tuwing gabi lamang nagbibiyahe sa Paris, dahil tila ikinahihiya nito ang kanilang kalumaan.Inihatid ng taxi ang mag-asawa sa Rue des Martyrs, at malungkot nilang nilakad ang daan patungo sa kanilang bahay. Iyon na ang wakas, naisip ng babae. Kailangang nasa opisina na siya nang alas-diyes, naisip naman ng lalaki.Hinubad ng babae ang mga kasuotang nakabalot sa kanyang balikat, upang muli niyang mapagmasdan ang kanyang kagandahan sa harap ng salamin. Ngunit bigla siyang napabulalas. Nawawala ang kuwintas!"Bakit? Ano'ng problema?" tanong ng asawa, na halos nakahubad na.Maligalig na bumaling ang babae sa lalaki."Naiwala ko ang kuwintas na hiniram ko kay Ginang Forestier…"Nabigla ang lalaki."Ano?! Imposible!"Hinanap nila ang kuwintas sa bawat tupi ng kanyang kasuotan, sa ilalim ng kaniyang coat, sa mga bulsa, sa lahat ng lugar. Pero hindi nila ito makita."Sigurado ka bang suot mo pa ang kuwintas noong umalis tayo sa kasayahan?" tanong ng lalaki.Oo, hinawakan ko pa ito noong nasa bulwagan tayo.""Pero kung nahulog iyon sa daan, dapat ay narinig natin iyon.""Oo. Malamang. Nakuha mo ba ang numero ng taxi?""Hindi. Ikaw, napansin mo ba iyon?""Hindi."Napatingin ang mag-asawa sa isa't isa. Pareho silang natulala. Agad na muling nagbihis si Ginoong Loisel."Babalikan ko ang daan na nilakad natin," sabi niya.. "Baka mahanap ko pa iyon."Umalis ang lalaki. Naiwan ang babae, suot pa rin ang kanyang saya. Nanghihina siya at ni hindi makahiga sa kama. Napako siya sa kanyang kinauupuan. Ni hindi siya makapag-isip.Ala-siyete na nang makabalik ang kanyang asawa. Hindi nito nakita ang kuwintas.Nagtungo ang lalaki sa istasyon ng pulis, nag-alok ng pabuya. Nagtungo rin siya sa mga diyaryo, sa mga kompanya ng taxi, sa lahat ng lugar na makapagbibigay sa kanya ng kahit katiting na pag-asa.Buong araw na hinintay ng babae ang kanyang asawa. Di masukat ang kanyang pagkawindang sa inabot nilang kamalasan.Gabi na nang umuwi si Ginoong Loisel. Hapis at namumutla ang kanyang mukha. Bigo ang kanyang paghahanap."Kailangang sulatan mo si Ginang Forestier," sabi ng lalaki, "at sabihin mo sa kanyang napatid mo ang kalawit ng kuwintas at ipinapagawa mo pa ito… nang sa gayo'y may oras pa tayo para maghanap."Isinulat ng babae ang idinikta ng asawa.Natapos ang linggong iyon at naglaho na ang pag-asa ng mag-asawa.Sabi ni Ginoong Loisel na tila tumanda ng limang taon:"Dapat nating palitan ang nawalang diamante."Kinabukasan, dinala ng mag-asawa ang kahong pinaglagyan ng kuwintas sa alahero na ang pangalan ay nakasulat sa loob ng kahon. Kinonsulta ng alahero ang kanyang talaan."Ginang, hindi ako ang nagbenta ng kuwintas. Maaaring ako lamang ang nagbigay ng kalawit."Nagpunta ang mag-asawa sa iba't ibang alahero. Naghanap sila ng kuwintas na kapareho ng nawala. Pilit nilang inalala ang itsura nito, at nalipos sila ng pagsisisi at labis na pagdadalamhati.Sa isang tindahan sa Palais-Royal, may nakita ang mag-asawa na diamante na tila kawangis ng hinahanap nila. Nagkakahalaga iyon ng apatnapung libong francs. Nakatawad ang mag-asawa kaya't naging tatlumpu't anim na libong francs na lang ang halaga ng diamante.Nagmakaawa ang mag-asawa sa alahero na huwag ibenta ang diamante sa loob ng tatlong araw. At inareglo rin nila na bago magtapos ang Pebrero, makukuha nila sa halagang tatlumpu't apat na libong francs ang ikalawang diamante sakaling may makabili na ng unang napili nila.May labing-walong libong francs si Ginoong Loisel na minana niya sa kanyang ama. Ipangungutang na lang niya ang iba pa.Nakahiram nga ng pera ang lalaki. Nakakuha siya ng isang libo sa isang kaibigan, limang daan sa isa pa, limang louis dito, limang louis doon. Lumagda siya ng mga kasulatan, pumasok sa mga mapanganib na kasunduan, namalimos sa kung sinu-sinong mga nagpapautang. Isinanla niya ang kanyang mga nalalabing taon, ipinagsapalaran ang kanyang lagda nang walang kasiguruhan kung matutupad niya ang mga napagkasunduan, at nangilabot siya sa kanyang sariling kinabukasan, sa napakadilim na hinaharap na nakatakdang bumagsak sa kanya, sa mga pangitain ng lahat ng klase ng pagdarahop at pagdurusa… hanggang sa nabili ng lalaki ang bagong kuwintas at naibayad niya ang tatlumpu't anim na libong francs na hiningi ng alahero.Nang isauli ni Ginang Loisel ang kuwintas kay Ginang Forestier, nagsalita ang huli nang may nanlalamig na tinig:"Sana'y isinoli mo ito agad sa akin. Maaaring nagamit ko pa sana ito."Ngunit taliwas sa kinatatakutan ng babae, hindi na binuksan ng kanyang kaibigan ang lalagyan. Kung napansin ng kaibigan ang ipinalit niyang kuwintas, ano kaya ang iisipin nito? Ano kaya ang kanyang sasabihin? Isipin niya kaya na isang magnanakaw si Ginang Loisel?Naranasan ni Ginang Loisel ang labis na kahirapan. Sa umpisa pa lang ay tinanggap na niya ng buong tapang ang kanyang kinahinatnan. Dapat na mabayaran ang pagkakautang. Kaya iyon ay kanyang pagdurusahan. Pinaalis na niya ang utusan. Lumipat silang mag-asawa ng tirahan. Nagtiyaga sila sa isang maliit na kuwartong nasa pagitan ng isang bubungan at kisame.Napilitang gawin ni Ginang Loisel ang mabibigat na gawaing-bahay at ang kinabubuwisitan niyang trabaho sa kusina. Natuto siyang maghugas ng mga pinggan. Dahil sa pag-iisis ng magagaspang na palayok at puwitan ng mga kawali, nagasgas at numipis ang kanyang mamula-mulang mga kuko. Nilabhan niya ang maruruming kubre-kama, ang mga baro at mantel, at isinampay niya ang mga iyon. Tuwing umaga, itinatapon niya ang laman ng basurahan at umiigib siya ng tubig. Kailangan niyang tumigil paminsan-minsan para habulin ang kanyang paghinga. At suot ang hamak na damit ng isang pobreng babae, siya rin ang namamalengke, dala ang kanyang basket. Naranasan niyang makipagtawaran, mainsulto, at makipag-away para sa bawat sentimo ng kanyang kakapiranggot na salapi.May mga kasulatan sa pagkakautang na dapat bayaran buwan-buwan, ang iba'y kailangang palitan ng bago, kaya't lalo pang tumagal ang mga pananagutan.Sa gabi'y kailangang magtrabaho ni Ginoong Loisel bilang tagaayos ng talaan ng isang negosyante. Sa bawat pahina, kumikita siya ng katiting na barya.Tumagal ng sampung taon ang ganitong buhay ng mag-asawa.Nang magwakas ang sampung taon, nabayaran na rin nila ang lahat ng mga pagkakautang, pati na rin ang interes na ipinatong ng mga usurero.Malaki ang itinanda ni Ginang Loisel. Katulad na siya ng iba pang matatag na mga babae na nasanay na sa kahirapan. Hindi na maayos ang kanyang buhok, masagwa na ang kanyang damit, at maligasgas na ang kanyang mga palad. Garalgal na ang kanyang boses, at kapag nagpupunas siya ng sahig, nagkalat ang tubig sa paligid. Minsan, kapag nasa opisina ang kanyang asawa, napapatigil ang babae sa tabing-bintana at naaalala niya ang gabing iyon, ang gabi ng kasayahan kung saan nagningning ang kanyang kagandahan at labis-labis siyang hinangaan.Ano kaya ang nangyari kung hindi niya naiwala ang kuwintas? Sino nga ba ang nakaaalam? Sadyang napaka-hiwaga ng buhay! Napaka-salawahan! Maaaring mawasak o mabago ang lahat sa isang mumunting dahilan lamang!Isang Linggo, habang naglalakad siya sa Champs-Elysees upang magpahinga, nakita ni Ginang Loisel ang isang babae na namamasyal kasama ang kanyang anak. Si Ginang Forestier pala iyon, at mukha pa rin siyang bata, maganda, at kaakit-akit.Nakaramdam si Ginang Loisel ng pag-aalinlangan. Dapat niya bang kausapin si Ginang Forestier? Oo, dapat lang. At ngayong nabayaran na niya ang kanyang mga utang, ikukuwento ni Ginang Loisel sa kanyang kaibigan ang lahat ng nangyari.Nilapitan ni Ginang Loisel si Ginang Forestier."Magandang umaga, Jeanne."Hindi agad nakilala ni Ginang Forestier si Ginang Loisel. Nabigla pa nga ito dahilsa kapangahasan ng pobreng babae."Ngunit… Ginang…" pautal na sabi ni Ginang Forestier. "Hindi kita kilala… Nagkakamali ka…""Hindi… Ako si Matilda Loisel."Nabigla ang kanyang kaibigan."Ay! Ikaw pala 'yan, Matilda! Ang laki ng ipinagbago mo!""Oo… Naghirap kasi ako mula nang huli tayong nagkita. At marami akong dinanas na kalungkutan… Dahil sa iyong kagagawan…""Kagagawan ko!? Paano nangyari iyon?""Naaalala mo ba 'yung diamanteng kuwintas na ipinahiram mo sa akin para sa kasayahan noon sa Ministro?""Oo. Ano'ng kinalaman noon?""Naiwala ko iyon.""Hindi ba't ibinalik mo naman iyon sa akin?""Ang ibinalik ko sa iyo ay kawangis lamang noon… At pinagbayaran namin iyon sa loob ng sampung taon. Alam mo namang hindi ganoon kadali para sa amin ang magbayad ng utang. Wala kaming pera… Pero bayad na iyon ngayon… At natutuwa ako dahil tapos na ang aming obligasyon."Natigilan si Ginang Forestier."Ang ibig mong sabihi'y bumili ka ng bagong diamanteng kuwintas para palitan ang hiniram mo sa akin?""Oo… Hindi mo ba iyon napansin? Parehong-pareho kasi ang dalawa."Napangiti pa si Ginang Loisel nang buong pagmamalaki at kainosentehan.Labis na nagulumihanan si Ginang Forestier kaya't napahawak siya sa kamay ni Ginang Loisel."Ay kaawa-awang Matilda! Ang kuwintas kong iyon ay isang imitasyon lamang. Nagkakahalaga lamang iyon ng hindi hihigit sa limang daang francs!" *~ CMSHS STUDENT ^^
AKO NGA POH PALA SI REY RONNEL T. RODRIGUEZ NG VI-1 BN II NHS......SANA MAKATULONG TO!!!!!Si PingkawMaikling Kwentong HiligaynonNi Isabelo S. SobregaNaalimpongatan ako sa pagtulog nang hapong iyon sa sigawan at nanunuyang tawanan ng mga bata sa kalsada. Dali-Dali akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si Pingkaw pala na sinusundan ng mga bata. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian at may medyas ang isang paa na ewan kung asul o berde. Malayo siya kaya't di ko Makita nang mabuti. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel de Hapon na may kabit na lata sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na palara na kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw."Hoy, Pingkaw," sigaw ng isang bata na nakasundong abot sa tuhod at may itinatawing-tawing sa daga. "Sige nga, kumanta ka ng blak is blak.""Ay, hiya ako," nag-aatubiling sagot ng babae, sabay subo sa daliri."Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo," nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat, mahaba ang buhok at nakakorto lamang. At umambang aagawin ang karga ni Pingkaw.Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga."Sige agawin natin ang kanyang anak," sabi nilang pahalakhak habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pingkaw.Maya-Maya'y nakita kong lumuhod si Pingkaw sa lupa at nag-iiyak na parang bata."Huwag niyo naming kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor." Patuloy pa rin ang panindyo ng mga bata kahit na lumakas ang hagulhol ni Pingkaw.Nakadama ako ng pagkaawa kay Pingkaw at pagkainis sa mga bata. Kaya't sumigaw ako para takutin sila. "Hoy mga bata, salbahe n'yo! Tigilan n'yo ang pagtukso sa kanya."Ewan kung sa lakas ng pagsigaw ko'y natakot ang mga batang isa-isang nag-aalisan. Pagkaalis nila, tumingala si Pingkaw sa akin at nagsabi:"Meyor, kukunins nila ang aking anak."Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. May koronel, may sergeant, may senador siyang tawag sa akin. Ngayon meyor na naman. "O sige, Hindi na nila kukunin yan. Huwag ka nang umiyak."Ngumiti siya sa akin. Inihele ang kayang karga. Nahulog ang basahang ibinalot sa lata ng biskwit. Dali-Dali niya itong pinulot at muling ibinalot sa lata."Hele, hele tulog muna, wala ditto ang iyong ina…" ang kayang kanta habang ang lata'y ipinaghele at siya'y patiyad na nagsasayaw.Natigilan ako.At naalala ko ang Pingkaw na dati naming kapitbahay sa tambakan, nang Hindi pa siya ganito.Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (sa amin ang tambakan ng syudad) at ditto nagmumula ang kanyang makakain, magagamit o maipagbili. Madalas siyang umawit dati-rati. Hindi naman kagandahan ang kanyang tinig -basag at boses-lalaki. Subalit kung may ano itong gayuma na bumabalani sa pandinig. Ewan kung dahil sa tila malungkot na tinig ng kanyang paghehele o kung dahil sa pagtataka sa kanyang kasiyahan gayong isa lamang siyang naghahalukay ng basura.Kadalasan, pabalik na siya niyang galling sa tambakan. Ang kariton niya'y puno ng kartong papel, bote, mga sirang sapatos, at sa loob ng bag na burin a nakasabit sa gilid ng kanyang kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Ito'y mga tira-tirang sadinas, karne norte o kaya'y pork and beans, pandesal na kadalasa'y nakagatan na at kung minsan, kung sinuswerte, may buto ng fried chicken na may lamang nakadikit. Sa kanyang yayat na katawan masasabing tunay na mabigat ang kanyang tinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at nakakakanta pa ng kundimang Bisaya.Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong, agad niyang tatawagan ang kanyang anak: "Poray, Basing, Takoy, nandito na ako." At ang mga ito, Dali-daling nagtakbuhan pasalubong sa kanya habang Hindi makaringgan sa pagtatanong kung may uwi ba raw siyang dyens na estretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili ba raw siya ng bitsukoy?Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit Hindi ko man lamang nalaman ang kanyang tunay na pangalan. Pingkaw ang tawag ng lahat sa kanya, b'yuda na s'ya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit ng epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Samantala, si Pisyang Tahur ay sumusumpa sa kanyang paboritong santo na Hindi raw kailanman nakasal si Pingkaw. Iba-iba raw ang ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay, si Poray, ay labis na mataas para sa kanyang gulang na labintatlong taon at masyadong payat. Tuwing makikita mo iting nakasuot ng estretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, maaalala mo agad ang panakot-uwak sa maisan. Si Basing, ang sumunod, sungi ngunit mahilig pang pumangos tubo gayong umaagos lamang ang katas sa biyak ng kayang labi. Ang bunsong ewan kung tatlong taon pa lamang ay maputi at guwapung-gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga kapatid kaya kung minsa'y naisip mong totoo nga ang sinasabi ni Pisyang Tahur.Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pingkaw ang mga laman ng kariton, ihihiwalay ang mga lata mga bote, mga kariton at iba pang nakalagay rito sa napulot sa tambakan katulong ang kayang mga anak. Kinasanayan na ni Pingkaw na umawit habang gumagawa. Kung minsan, sumasabay ang kayang mga anak at ang sungi ang siyang may pinakamataas na tinig,. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Tsino na tagabili.Talagang mahal ni Pingkaw ang kanayang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit Hindi mo man lamang makikita si Pingkaw na inaambaan ang kanyang mga anak. "Ang mga bata," nasabi niyang minsang bumili siya ng tuyo sa talipapa at nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit na anak na nahuli nitong tumitingin sa malalaswang larawan, "Hindi kailangang paluin, sapat nang turuan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang mga bata, kung saktan, susunod sa iyo subalit magrerebelde at magkimkim ng sama ng loob."Sa tunggalian ng pamumuhay sa tambakan na roo, ang isang tao'y handing tumapak sa ilong ng kapwa tao mabuhay lamang. Nakapagtataka si Pingkaw. Lubha siyang matulungin lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na ng mga bata at matatanda. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing Linggo Hindi kukulangin sa piseta anf kayang ipinamamahagi sa mga nagpapalimos.Alam ng lahat sa tambakan ang pangyayaring ito. Minsan, nagkasakit ng el to rang sunging anak ni Pingkaw. Nagtungo ang babae sa suking Tsino. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Tsino ngunit sa isang kondisyon. Bukambibig na ang pagkagahaman sa babae ng Tsino na ito: pinagdugtung-dugtong ng mga tagatambakan kung ano ang kondisyong iyon sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Nalaman na ng lahat ang mga naganap; ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pingkaw sa ulo ng Tsino.Hindi rin nadala ni Pingkaw ang kanyang anak sa doctor. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon nalamang ang nakapagpabuti sa bata."Nagpapakita rin na may awa ang Diyos. Kung ninais Niyang mamatay ang aking anak, sana'y namatay na. ngunit dahil naisip pa Niyang mabuhay ito, nabuhay rin kahit Hindi naipadoktor," ang sabi ni Pingkaw nang magpunta siya sa talipapa bago pa man gumaling ang kanyang anak.Minsang nag-uusap ang mga nagsisipagtipon sa talipapa tungkol sa bigas relip, at iba pang bagay na ipinamimigay ng ahensya na nangangalaga sa mga mahihirap. Sumabat si Pingkaw na nagkataong naroroon, "Bakit iaasa ko pa sa ahensya ang aking pamumuhay? Malusog at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang tulungan. Marami pa riyang iba na higit na nararapat tulungan. Ang hirap lang sa ating pamahalaan, kung sino ang dapta tulungan ay Hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang mabuti naman ang pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng tulong. Kabaliwan…"Iyan si Pingkaw. Kontento na siya sa kanyang naabot sa buhay.Naganap ang sumunod na pangyayai kay Pingkaw nang ako'y nasa bahay ng aking kapatid na may sakit. Isinalaysay ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at matinding galit ang aking nadama.Isang araw, matapos silang mag-agahan ng kayang mga anak, bigla na lamang namilipit ang mga bata sa sakit sa tiyan. Ewan kung dahil sa sardines o sa kung ano mang panis na kanilang nakain.Natuliro si Pingkaw. Nagsisigaw. Tumakbo siya sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsabihan siyang kailangan dalhin ang mga anak sa ospital.Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pingkaw ang kanyang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng isang doktor na malapit lamang, ngunit wala ang doktor at naglalaro ng golp, ayon sa katulong.Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa bahay ng isa pang doktor. Matagal siyang tumimbre nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana.Kaya nagugulkuhang itinulak na naman ni Pingkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. May doktor doon ngunit wala naming gamut para sa nalason.Halos Hindi makakilos sa pagod si Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang pagkalumbay sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan ang kanyang pinahinto upang isakay ang kanyang mga may sakit na anak ngunit wala ni isa sa mga ito ang tumigil. Maya-Maya napansin niyang Hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Para siyang sinakluban ng langit nang mabatid niyang Hindi na ito humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy sa pagtulak ng kariton para iligtas ang buhay ng natitira pa niyang dalawang anak. Maraming tao ang may pagkamanghang nagmasid sa kanya, subalit wala kahit isa mang lumapiot upang tumulong. Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton habang nagdaraan ito sa mga lubak-lubak ng kalsada.Pakiramdam niya'y isang daang taon na siya nang makarating sa pambansang ospital. Matapos ang pagtuturuan ng mga doktor at narses na ang tinitingnan lamang ay mga pasyenteng mayayaman na wala naming sakit, binigyan din ng gamut ang dalawang anak ni Pingkaw.Nang gumabi'y namatay si Poray, ang pinakamatanda. Dalawang araw pa ang lumipas, sumunod namang namatay ang bunso.Nakarinig na naman ako ng kaguluhan. Muli akong dumungaw. Si Pingkaw na nagbalik, sinusundan na naman ng mga pilyong bata."Hele-hele, tulog muna, wala ditto ang iyong nanay…" ang kanta niya, habang ipinaghehele ang binihisang lata