answersLogoWhite

0

Ang Mabuting Araw Ay Nakikilala Sa UmagaKinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libinga. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.

Ang usapan ay Hindi nakaligtas sa matalas na paningin Nina Don Filipo at Pilosopong Tasyo na ilang araw na ng naghihina. Nasabi ni Don na tinaggap ng alkade ang kanyang pagbibtiw sa tungkulin. Hindi naman mapakali si Tandang Tasyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ay Hindi nararpat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya, ang puno ay dapat na manatili sa kanyang Tao. Sa pagiisip ni Pilosopong Tasyo. Ayon sa kanya, nag iba ang bayan na di na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin. Namamalas na nag naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadadma na rin .

Ang mga kabataang nakapag aral sa Europa ay nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa kasaysayan, Matematika, Agham, wika at iba pang uri ng kaalaman na itinuturing na enerhiya noong una. Kaya na ng Tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na kanyang ginagalawan at tinatahanan. Sa panitikan, nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang nagpapahayag ng malaya at mga makaagham ng pagsubok. Hindi na rin kayang sawatain ng kumbento ang paglaganap ng mga modernong kabihasnan.

Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan, sa relihiyon, sa kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang ng mga naglilingkod sa Simbahan hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Tandang Tasyo kung Hindi nangangailangan ng mga gamot sapagkat napansin nitong hinang-hina na sya. Pero tinugon sya ni Tandang Tasyo na ang mga mamamatay ay Hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang mangangailangan. Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa kanya sa loob ng ilang araw sapagkat malapit na siyang yumao. Sa kabila ng karamdaman ni Tandang Tasyo ang kapakanan ng bayan ang kanyang inaalagata. Matibay ang kanyang paniniwala ng ang Pilipinas ay tumatahak parin sa karimlan. Hindi nagluwat, nagpaalam na si Don Filipo.

User Avatar

Wiki User

13y ago

Still curious? Ask our experts.

Chat with our AI personalities

JordanJordan
Looking for a career mentor? I've seen my fair share of shake-ups.
Chat with Jordan
LaoLao
The path is yours to walk; I am only here to hold up a mirror.
Chat with Lao
ReneRene
Change my mind. I dare you.
Chat with Rene

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang Gintong aral ng kabanata 54 noli mi tangere?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp