answersLogoWhite

0


Best Answer

DAYUHAN

Ni Buenaventura S. Medina, Jr.

JANILO B. SARMIENTO

BOHOL ISLAND STATE UNIVERSITY-BILAR CAMPUS

BUOD:

Isang gabi, napakislot sa pagkakahiga ang persona ng maikling kwentong ito (may-akda) nang marinig na naman niya ang daing ng kanyang masakiting ama mula sa silid nito. Nagbalikwas siya para tunguhin ang silid ng kanyang ama, subalit nagbaga na naman ang kanyang damdaming hindi maipaliwanag. Nang buksan niya ang kanyang pinto, nakita niya ang kanyang ina at sa pamamagitan ng tingin nito'y alam na niya ang dapat gawin. Pumunta siya sa lansangang-bayan para tawagin si Dr. Santos. Sumama naman ang doktor para tingnan ang kalagayan ng kanyang ama. Matagal ng may sakit ang kanyang ama ngunit hindi rin lubusang gumaling dahil sa lagi nitong sinusuway ang bilin ng doktor. Kung paalalahanan naman ng kanyang ina, nagagalit ang kanyang ama dahil alam daw nito ang kanyang ginagawa. Dahil tanging lalaking sa pamilya, ay inako na niya ang tungkuling tumawag ng manggagamot sa anumang oras naroroon siya tuwing maririnig niya ang daing ng kanyang ama.

Iyon ay isang gawain na matapat na niyang nagagampanan matapos ibinilin sa kanya ng mga kapatid ang kalagayan ng kanilang ina nang nagsisama ang mga ito sa kanilang napangasawa sa Kabisayaan. At ito nga ang kanyang ginagawa, ang tulungan ang ina sa pag-aalaga sa kanyang ama. Lubos na lamang ang kanyang pagtataka kung bakit nasabi ng kanyang mga nakakatandang kapatid na siya na ang bahala sa kanilang ina. May mga bagay siyang hindi nalalaman na tanging mga kapatid lamang niyang nakakatanda ang nakakaalam mula sa kanilang pinag-uusapan. Ngunit nabuo na sa isip nito ang pinag-uusapan nila, sapagkat sa ibang umpukan sa maliit na pamayanang iyon, ay narinig niya: Ang kanyang ama, si Ading at isang sanggol. At sa isip niya, marahil ay marami pang Ading at marami pang sanggol sa buhay ng kanyang ama.

Ang mga luhang nakikita niya sa kanyang ina, ang hinanakit ng kanyang mga kapatid sa ama, ang natuklasang katotohanan tungkol sa ama at kay Ading at sa sanggol ay ang mga rason marahil kung bakit nakakaramdam siya ng isang damdaming dayuhan. At iyon nga ang kanyang nararamdaman sa tuwing makikita niya ang ama sa silid nito at tila ba isa siyang dayuhan sa pook na iyon.

Nang marating na niya at ni Dr. Santos ang kanilang bahay, nakita niya ang ina at dalawang nakakabatang kapatid sa pinto ng silid ng kanyang ama. Pumunta siya sa sariling silid ngunit muling nagbalikwas ng marinig ang mga hirap na paghingal at pigil na pag-iyak. Nasalubong niya si Dr. Santos at sinabihan na maiwan nalang at huwag na siyang ihatid dahil kakailanganin daw siya. Mula sa mga sinasabi ng kanyang ina, iyakan ng mga kapatid hanggang sa nakaratay na ama, napagtanto niyang nalalapit na talaga ang oras ng kamatayan ng kanyang ama. May kumurot sa kanyang laman, at bigla ay nadama niyang kilala na niya ang silid na iyon at lumapit siya siya sa ama.

User Avatar

Wiki User

βˆ™ 13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Anonymous

Lvl 1
βˆ™ 4y ago

akdang kapangyarihan ni buenaventura s. medina jr.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Anonymous

Lvl 1
βˆ™ 4y ago

Tungkol sa Misteryusong pangyayari

This answer is:
User Avatar
Opo

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang kapangyarihan ni Buenaventura Medina?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ano ang ibig sabihin ng cumplase?

kapangyarihan ng gobernador heneral


Ano ang ibi sabihin ng VETO?

ang veto ay ang kapangyarihan o karapatang nilikha sa isang sangay ng pamahalaan upang ikansela o ipagpaliban ang mga desisyon :)


May-akda ng palaka at ang kalabaw?

ikaw ba ang nag akda ng palaka at ang kalabaw


Ano ang ibag sabahin ng unitaryo?

may malawak na kapangyarihan sa pamahalaang lokal. answer by:sharylle


Ano ang soberanyang panlabas?

Ang SobeRanyanG panLabas ay anG KapangyarihaN nG isanG BansaNg MaginG Malaya sa Pakikialam ng ibanG bansa


Sino ang may tungkulin at kapangyarihan na magpatupad ng mga batas pambansa at panlalawigan?

Ano ang nais ipahiwatig ng nalagay na sa alanganin ang tradisyonal na niyutralidad ng cambodia


Ano ang mga bansa na nasa pamahalaang totalitaryan?

Ang pamahalaang tolitaryan,ang kanilang kapangyarihan ay nanggagaling lamang sa iisang pangkat.Anong pamahalaan man iyon,bahala na kayo ! XD


Ano ano ang suliranin kinakaharap ng lipunan?

Ang lipunan ay kinakaharap ang mga suliranin tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kakulangan sa edukasyon, diskriminasyon, katiwalian, at pang-aabuso sa kapangyarihan. Mahalaga ang pagtutulungan at pagtutulungan ng mga mamamayan at pamahalaan upang malutas ang mga ito at mapabuti ang kalagayan ng lipunan.


Ano ang pamahalaang monarkiya?

Ang limitadong monarkiya ay uri ng monarkiya na ang kapangyarihan ay nalilimitahan ng iba pang tao


Kailan naisulat ni Conrado De Quiros ang akdang Wika ng Kapangyarihan Kapangyarihan ng Wika?

2017


Ano ang ibig sabihin ng sinasamba?

Ang sinasamba ay ang aktong paggalang o pagsunod sa isang diyos o entidad na pinaniniwalaan na may kapangyarihan o awtoridad. Ito ay isang uri ng debosyon o pagsamba sa isang pinapuring nilalang.


Ano ang pagkakaiba ng de facto government at de jure government?

ang pamahalaang de facto ay isang pamahalaan kung saan ang mga mamamayan ang may kapangyarihan kaysa sa pamahalaan. Ang de jure naman ay ang pamahalaan ang masusunod kaysa sa mga mamamayan ng isang bansa.