answersLogoWhite

0

Ang pangatnig ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.

Mga Uri ng Pangatnig

1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan.

Halimbawa:

Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.

2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.

Halimbawa:

Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkatnariyan si Dong na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain.

3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan.

Halimbawa:

Maging ang mga kasamahan niya'y nagpupuyos ang kalooban.

4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.

Halimbawa:

Sumisigaw ang kanyang pusoat humihingi ng katarungan.

Pangatnig na panimbang din ang tawag sa at, ngunit, datapwat sapagkat nag-uugnay ng mga salitang magkakapantay; ng mga parirala, ng mga sugnay na pantulong, at ng mga sugnay na nakapag-iisa. Panlinaw rin ang mga pangatnig na samakatuwid, kung gayon, kaya.

5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan.

Halimbawa:

Sakaling Hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.

6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.

Halimbawa:

At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.

7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari.

Halimbawa:

Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.

User Avatar

Wiki User

13y ago

Still curious? Ask our experts.

Chat with our AI personalities

JordanJordan
Looking for a career mentor? I've seen my fair share of shake-ups.
Chat with Jordan
BlakeBlake
As your older brother, I've been where you are—maybe not exactly, but close enough.
Chat with Blake
RossRoss
Every question is just a happy little opportunity.
Chat with Ross
More answers

Uri ng Pangatnig: pamukod paninsay panubali pananhi panlinaw panulad panapos

User Avatar

Wiki User

16y ago
User Avatar

ano ang ibat ibang tugan?

User Avatar

Wiki User

12y ago
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Mga kantang may ibat- ibang tunugang?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp