TUWIRANG PAGTATANIMITO UNG MGA HALAMANG TIDIREKTANG ITATANIM SA LUPA..TULAD NG MGA..TUWIRAN:LABANOSPATOLASILIKALABASAANG DI TUWIRAN NAMAN AY UNG HALAMANG ITINATANIM MUNA SA SEED BOX PAG TUMUBO NA ITO CHAKA ILALAGAY SA LUPA O KAYA SA GARDEN PLOTKATAKA TAKAKAMATISKALAMANSIMUGGOPETCHAYKINSAYUN LANGBY: dolly ng silang cavite..
Mga Bahagi ng Aklat1. Pabalat- Ito ang pinakamakulay na bahagi at may ilustrasyon makikita din ang pamagat, may akda at ang naglimbag ng aklat.2. Bakanteng Dahon- Ito ang pahinang walang nakasulat na nagsisilbing proteksyon ng mga nilalaman.3. PAhinang Pampamagat- ipinakikitang muli ang pamagat , may akda at tagapaglimbag.4. Karapatang Ari- dito makikita ang taon kung kailan inilimbag ang aklat, ang may akda at tagapaglimbag,sa pahinanag ito isinasaad ang pagmamaya ari ng aklat at walang sinumang tumulad sa mga nilalaman nito.5. Pag-aalay o Pasasalamat- dito iniaalay ng may akda ang aklat o ang kanyang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanya upang mabuo ang aklat.6. Paunang salita- sinasabi dito ang layunin kung bakit isinulat ng may akda ang aklat.7. Talaan ng mga nilalalaman- dito nakatala ang mga nilalaman at ang mga pahina kung saan makikita ang bawat seleksyon.8. Katawan ng aklat- ito ang pinakamakapal na bahagi ng aklat, duito makikita ang lahat a ng seleksyon na nakatala sa talaan ng mga nilalalaman.9. Bibliograpiya-Isang listahan ng mga aklat, mga artikulo ect. ginagamit o refereed sa pamamagitan ng ang may-akda sa dulo ng aklat.10. Glosari o Talahhulugan- dito nakatala ang mga mahihirap na salita na ginamit sa aklat at ang katumbas na kahulugan nito. Ang mga Tala ay nakahanay ng ayos alpabeto.11. Indeks- Ito ang bahagi ng aklat kung saan nakatala ang mga paksa na maaring makita sa aklat. Ang mga salitang- paksa ay nakaayos sa pagkasunod sunod ng mga letra sa alpabeto ang bawat paksa ay may katumbas na bilang na pahina kung saan makikita ito sa hulian na pahina ng aklat.
Teoryang pampanitikanRomantisismoNaniniwala ang mga romantisist na ang tao ay may kapasidad na bumuo ng sarili nilang daigdig. Sa panahon ng mga suliranin makakalikha ang tao ng mga gawaing maaring makaaliw sa kanya upang sandaling lumipas ang dinadala na naghahari sa kabuuan ng akda. Ang mga ito ay maaring madama sa tulong ng mga salitang ginagamit sa akda. Sa pamamagitan nito, makikilala ng nangingibabaw na damdaming napulutan sa kabuuan ng akda. Ito'y namayagpag sa panahon ng Amerikano (mula 1990 - 1940). HumanismoBinibigyang pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagandang damdaming taglay ng isang tao.Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda. Ipinakikita ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda. Maari ring idagdag ang magagandang damdaming taglay ng tauhan. Ito'y namayagpag sa makabagong panahon. EksistensyalismoBinibigyan-diin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan. Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan niyang harapin anuman ang magiging kahinatnan nito. Mahalagang makita ang kalakasan ng paninindigan ng tauhan. Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon at kung paano niya ito harapin. Ito'y namayagpag sa panahon ng Kastila at hanggang sa kasalukuyan. NaturalismoAng pagsusuri ng akda batay sa damdamin ng namayani sa tauhan, nagbigay-puri at naglalahad ng kagalingan ng tauhan ay teoryang naturalismo. PormalismoPinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o pagkabuo nito. Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag. Kabilang din dito ang sukat sa tula na nagpapakita ng bilang ng pantig sa bawat taludtod. Maaring itong lalabindalawahin, lalabing-anim at iba pa. Ang tugmaan naman ay ang pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling salita sa bawat taludtod. Kariktan naman kapag gumagamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mambabasa dahil may adhikaing gawing obhektibo ang pagsusuri , wala rin lugar ang opinyon at interpretasyon ng mambabasa. Ito'y namayani sa panahon ng amerikano at kasalukuyan. MarkismoMahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap . Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas ng dukha ang mayaman. Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y sumibol sa panahon ng kastila at hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon ImahismoNakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mamababsa. Ito'y naghari sa panahon ng amerikano. MoralistikoIpinalalagay ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang nilalang na balon ng maraming kaalaman. Ginagamit ng manunulat ang kanyang akda bilang instrumentong maaring paghanguan ng mga aral na gagabay sa pangaraw-araw na buhay at pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maari niyang dalhin ang kanyang mambabasa sa mabuti o masamang landas. Namayagpag ito sa panahon ng kastila at makabagong panahon. SosyolohikalNaniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan ,kultura,at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan. Namayagpag ito sa panahon ng propaganda. BiyograpikalNaniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid. Kung gayon, ang mga isinusulat niyang mga akda ay mga hibo o impluwensiya ng mga karanasan at nangyari sa buhay. Ito'y namayagpag sa kasalukuyan. SikolohikalAyon kay Freud at crionatekstong matapang (ama at ina ng sikolohiya), ang tao ay isang iceberg na lumulutang sa ibabaw ng karagatan. Nahahati ang iceberg ("bundok ng yelo") sa dalawa ang nakikitang bahagi at ang nakalubog na bahagi. Ang nakikitang bahagi ay ang malay na bahagi ng ating katauhan: ito ang mga impormasyon na alam ng tao ukol sa kanyang sarili. Ang nakalubog na bahagi naman ay ang di-malay na bahagi ng ating katauhan. Tungkulin ng manunuri nito na pag-aralan ang kabataan at personalidad ng may akda at kung paano nilikha ng manunulat ang kanyang akda. Namayagpag ito sa kasalukuyan. ArketipalAyon kay Carl Jung at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa pananaw ni Freud na may di-malay na bahagi ang tao,subalit hindi ito personal na unconscious, bagkus ay kolektibong unconscious. Naniniwala rin siya na magkakatulad o iisa lamang ang karanasan ng nasa di-malay na bahagi ng isipan ng mga tao. Ito ay bunga ng iisang karanasan ng mga ninuno ng tao na naipapasa sa kasalukuyang henerasyon at dahil dito nakalilikha ang mga manunulat ng mga imahen at pangyayaring hango sa mga sinaunang teksto. Patuloy itong namamayagpag sa kasalukuyan. PeminismoSa teoryang ito, maaring tignan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda. Ito'y maaring komokompows ng mga panlipunan, kultural, pulitikang pamamalakad, teorya, at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan ng kasarian.
^thats filipino. in english it mean literary theory
RomantisismoSa teoryang romantisimo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay angpapakita ng pagmamahal ng Tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa. HumanismoBinibigyang pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagandang damdaming taglay ng isang Tao.Itinataas din ang karangalan ng Tao bilang sentro ng akda. Ipinakikita ang magagandang saloobin ng Tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda. Maari ring idagdag ang magagandang damdaming taglay ng tauhan. Ito'y namayagpag sa makabagong panahon. EksistensyalismoBinibigyan-diin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan. Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan niyang harapin anuman ang magiging kahinatnan nito. Mahalagang makita ang kalakasan ng paninindigan ng tauhan. Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon at kung paano niya ito harapin. Ito'y namayagpag sa panahon ng Kastila at hanggang sa kasalukuyan.Ang teoryang ito ay nagpapakita ng isang konseptong ipinaglalaban ng karakter.Ipinapakita rin nito kung papaano nya iyon ipinaglaban. NaturalismoAng teoryang Naturalismo ay nagtataglay ng mga pinasidhing katangian ng teoryang Realismo. Sa teoryang Naturalismo, itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalaban-labang mga Tao. Mas detalyado ang paglalarawan ng mga kasuklam-suklam na pangyayari sa buhay ng Tao. Tinitignan ang Tao na parang hayop na pinag-eeksperementuhan sa isang laboratoryo. Natural sa teoryang ito ang pagkakahati ng lipunan: mayaman at mahirap, babae at lalaki, mabait at masama. PormalismoPinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o pagkabuo nito. Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag. Kabilang din dito ang sukat sa tula na nagpapakita ng bilang ng pantig sa bawat taludtod. Maaring itong lalabindalawahin, lalabing-anim at iba pa. Ang tugmaan naman ay ang pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling salita sa bawat taludtod. Kariktan naman kapag gumagamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mambabasa dahil may adhikaing gawing obhektibo ang pagsusuri , wala rin lugar ang opinyon at interpretasyon ng mambabasa. Ito'y namayani sa panahon ng amerikano at kasalukuyan. MarkismoMahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap . Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas ng dukha ang mayaman. Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng Tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y sumibol sa panahon ng kastila at hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon ImahismoNakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mamababasa. Ito'y naghari sa panahon ng amerikano. MoralistikoIpinalalagay ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang nilalang na balon ng maraming kaalaman. Ginagamit ng manunulat ang kanyang akda bilang instrumentong maaring paghanguan ng mga aral na gagabay sa pangaraw-araw na buhay at pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maari niyang dalhin ang kanyang mambabasa sa mabuti o masamang landas. Namayagpag ito sa panahon ng kastila at makabagong panahon. SosyolohikalNaniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan ,kultura,at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan. Namayagpag ito sa panahon ng propaganda. BiyograpikalNaniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid. Kung gayon, ang mga isinusulat niyang mga akda ay mga hibo o impluwensiya ng mga karanasan at nangyari sa buhay. Ito'y namayagpag sa kasalukuyan. SikolohikalAyon kay Freud at crionatekstong matapang (ama at ina ng sikolohiya), ang Tao ay isang iceberg na lumulutang sa ibabaw ng karagatan. Nahahati ang iceberg ("bundok ng yelo") sa dalawa ang nakikitang bahagi at ang nakalubog na bahagi. Ang nakikitang bahagi ay ang Malay na bahagi ng ating katauhan: ito ang mga impormasyon na alam ng Tao ukol sa kanyang sarili. Ang nakalubog na bahagi naman ay ang di-Malay na bahagi ng ating katauhan. Tungkulin ng manunuri nito na pag-aralan ang kabataan at personalidad ng may akda at kung paano nilikha ng manunulat ang kanyang akda. Namayagpag ito sa kasalukuyan. ArketipalAyon kay Carl Jung at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa pananaw ni Freud na may di-Malay na bahagi ang Tao,subalit Hindi ito personal na unconscious, bagkus ay kolektibong unconscious. Naniniwala rin siya na magkakatulad o iisa lamang ang karanasan ng nasa di-Malay na bahagi ng isipan ng mga Tao. Ito ay bunga ng iisang karanasan ng mga ninuno ng Tao na naipapasa sa kasalukuyang henerasyon at dahil dito nakalilikha ang mga manunulat ng mga imahen at pangyayaring hango sa mga sinaunang teksto. Patuloy itong namamayagpag sa kasalukuyan. PeminismoSa teoryang ito, maaring tignan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda. Ito'y maaring komokompows ng mga panlipunan, kultural, pulitikang pamamalakad, teorya, at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan ng kasarian. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa Tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
pangngalan panghalip pandiwa pang-uri pang-abay pang-ukol pangatnig pang-angkop pantukoy padamdam
Dapit-hapon na. Sa pagkahiga sa papag ay nakikita ni Mang Karyas ang anino ng malabay na akasyang sumasablay sa dingding na sasag ng silid. Dapithapon na nga. Naririnig na niya ang sunud-sunod na pagkukukiya ng asawa sa kanilang alagang mga manok.Kruuuuk. . . kiya. . . kruuk. . . tikatik. . . tik. . . tik. . .Makasandali pa ay narinig na ni Mang Karyas ang tila naghahabulang mga paa ng nagsisipanakbuhang mga sisiw, inahin, at katyaw. Nakinita -kinita niya ang asawa, si Aling Asyang, na nakaupo sa nakahigang lusong at may kandong na bilao ng mais.Mabubuudbod na si Aling Asyang. Naging ugali na nitong patukain ang mga manok bago iyon magsipag-hapunan sa kanilang masinop na silong.Hiyuu… hiyu. . .hiyuuuu. . .Mandi'y binubugaw ni Aling Asyang ang kapong baboy na gayong kapapakain pa lamang ay nanginginain pa ng mais na ibinubudbod sa mga manok.Maya-Maya'y narinig ni Mang Karya ang sunud-sunod na kahol ni Sagani. Alam ni Mang Karyas kung sino ang kinakahulan ng aso. Iyo'y ang kanyang matandang kalabaw, si Pugante, na umuwi buhat sa pakawalaan. Magkaaway na mahigpit ang kanyang kalabaw at aso.Inut-inot na bumangon si Mang Karyas sa pagkakahiga sa papag. Nais niyang makita si Pugante. Parang may isip ang kalabaw niyang iyon. Itataboy iyon ni Aling Asyang kung umaga, manginginain sa pastulan, at uuwi iyon kung ganoong magdadapithapon.Hindi na kailangang saklawan pa si Pugante. Nalalaman nito kung anong oras dapat umuwi.Kapag nakikita ni Mang Karyas ang kalabaw ay Hindi niya napipigilang kahabagan iyon. Matanda na si Pugante. Payat. Wala na ang dating laman sa dalawang hita. Kung wala lamang siyang sakit ay Hindi magkakaganoon ang kanyang kalabaw.Mabagal nang lumakad si Pugante. Kung nadadala niya marahil ito sa higit na madaramong pastulan ay Hindi mananalim ang dati nitong bilugang likod. Naihambing ni Mang Karyas ang sarili sa kalabaw. Kapwa na sila matanda. Subalit malaki ang kanilang pagkakaiba. Laya si Pugante samantalang siya'y namamalagi sa papag na iyon., nasasabik makabangon, makapanaog. . .Matagal nang Hindi nadadalaw ni Mang Karyas ang bukid. Malapit lamang sa kanila iyon. Kung durungaw siya'y matatanaw niya iyon. Kung gabi'y dinig niya ang ingay ng traktorang gumigiik ng ani ng kanyang mga kahangga. Lihim na naiinggit si Mang Karyas sa kanyang mga kahangga. Kung Hindi niya marahil napabayaan ang bukid ay kabilang siya sa maliligayang magsasakang nagbibilang ng mga kaban ng palay."Tssk. . . tssk. . .tssk. . . Aba't lalo pang binagalan . . . "Napahawak nang mahigpit si Mang Karyas sa palababahan ng bintana nang Makita niyang pabiglang hinatak ni Aling Asyang sa paghapon ang nagmamabagal na kalabaw. Nakaramdam siya ng pagkaawa sa matandang kalabaw. Nagpumiglas at tila naghimagsik ang nakabalatay na mga ugat sa kanyang mga bisig.Nang makaradam ng pangangawit si Mang Karyas ay itinukod niya ang bisig sa papag upang huwag mabigla ang kanyang paghiga. Ilang sandali lamang siyang naupo subalit sumasakit na ang kanyang likod. Nakagat ni Mang Karyas ang labi nang sumayad ang katawan sa papag."Darating na raw ang anak mo, Karyas. Dumaan kanina si Pablo at sinabi sa akin. Mamayang gabi raw," narinig niyang pagbabalita ng asawang nagluluto sa dapugan."Ngayon pang gabi ay humuli ka na ng dumalaga, Asyang," habilin ni Mang Karyas."Ipagpatay mo si Kiyel."Malalim ang bunting-hiningang hinugot ni Mang Karyas sa dibdib. Naisaloob niyang matutupad na rin ang kanyang pangarap na mahango sa bukid ang anak. Sumingit sa kanyang kamalayan ang nangyari nang minsang tangkain ng anak na tulungan siya sa pag-aararo."Kiyel, Anak." Natatandaan pa niyang sinabi sa anak, "mag-aral ka sanang mabuti. Sa kabila n gating kahirapan ay itataguyod ka naming ng iyong ina."Napadiin noon ang ugit ng ararong hawak ni Kiyel."Hindi ka sadyang laan dito sa bukid, Kiyel. Hindi ganyan ang pag-aararo. Patag ang kailangang paghawak sapagkat sa minsang magkamali ka ng diin aay mababali ang sudsod."1Natitigan siya noon ni Kiyel. Alam niyang sa titig na iyon ay kinahahabagan siya ng anak."Matanda na kayo, Tatang. Ipaubaya na ninyo saa akin ang paggawa rito sa bukid. Kailangan na ninyong mamahinga.""Hindi mo ako nauunawaan, Anak. Tingnan mo ako. Ilang taon na akong naging alipin ng araro? Tingnan mo ang aking kamay, kulay sunog. Isa akong magsasaka, Kiyel. Kaya lamang ako nasisiyahan sa paggawa sa bukid ay sapagkat dito ako nakalaan. Kailangang mag-aral ka, nang Hindi mo malasap ang hirap na aking dinaranas, nang maging higit na maganda ang iyong kinabukasan. Magsikap ka, Anak, at sa pamamagitan ng bukid na ito'y igagapang ka naming ng iyong ina.Kaligayahan naming Makita kang Malaya sa ugit ng isang araro."Hindi kumibo si Kiyel nang sabihin ni Mang Karyas iyon sa kanya. Nalalaman ni Mang Karyas na nahihirapan an anak sa pagtatakwil sa buhay-magsasakang kinagisnan. Subalit na kay Kiyel ang lahat ng katangiang mapupuhunan sa pagtatagumpay. Hindi siya nangangambang mabibigo si Kiyel.Nang minsang umuwi si Kiyel ay ganoon na lamang ang galak ni Mang Karyas nang isalaysay nito ang ginagawang pagsisikap sa pag-aaral. Nagmamalaki ang kanyang puso. Ngayo'y may karapatan na siyang magmalaki sa nayon: mayroon na siyang anak na nakapag-aral.Mamayang gabi ay darating si Kiyel.Maligayang-maligaya si Mang Karyas sa pagkakahiga sa papag. Sa wakas ay malalagot na rin niya ang tanikalang nag-uugnay sa kanilang mag-ama sa bukid. Malalagot na niya iyon- sa pamamagitan din ng bukid na sinasaka.Parang nag-iinit ang katawang napaupong muli si Mang Karyas sa papag. Isinaklay niya ang kamay sa palababahan ng bintana at tinanaw ang dakong pagbubuhatan ng anak. Naramdaman ni Mang Karyas ang malamyos na dapyo ng amihan sa kanyang pisngi. Naramdaman niyang parang nasabukay ang maputi na niyang buhok.Gumagala ang kanyang paningin sa bukid. Sa kumakalat na kadilima'y nababanaagan pa niya ang punong manggang naghuhumindig sa kalagitnaan ng kanyang bukid. Napangiti si Mang Karyas. Bukid din niya ang magpapalaya sa kanyang anak. Nagbangon sa kanyang alaala ang paggawa sa saka. Sa silong ng ulan at liwanag ng kidlat ay nahuhukot siya sa pag-aararo at pagsusuyod ng putikang linang. Sa panahon naman ng anihan ay tila natatayantang pati ang kanyang mga labi sa tindi ng sikat ng araw. Isang pagpapakasakit ang buhay ng isang magsasaka, isang walang katapusang pagpapakasakit."Ano ba, Karyas, Kumusta an gating palay?" Kung Hindi ko naalagaa'y baka inaksip." "Ano ba, Karyas, kailan ang paggaas?" "Kung Hindi gagapasin ng kabisilya ay papayukin naming mag-asawa!" "Ano ba, Karyas, kailan ang giik?" "Mamayang alas dose ng gabi, pag nagdaan ang traktorang galing sa ibayo."May panahong uhaw ang lupa. May panahong tigang na tigang. May panahong maraming bitak dahil sa pagsasalat sa bukid. May panahong mabulas ang palay, walang sakit, at nangangako ng mabuting ani.Naranasang lahat iyan ni Mang Karyas.Nangakakintal ang mga karanasang iyon sa lapad ng kanyang tila mga luyang mga paa, sa putik ng kanyang hinahalas na binti, at sa pangangapal ng dalawa niyang palad.Sa pagsisikap na mapaunlad ang ani sa ginagawang pagpapaaral sa anak ay lalong humigpit ang kaugnayan ni Mang Karyas sa sinasakang lupa. Naging bahagi sa buhay ni Mang Karyas ang bukid at sa dakong huli'y tuluyan naman siyang inangkin nito. Nang minsang dinaramuhan ni Mang Karyas ang mga puno ng palay ay inabot siya ng malakas na ulan. Doon nga nagsimula ang kanyang sakit.Nang lumalangitngit ang sahig na kawayan ay napalingon si Mang Karyas. Nakita niyang nagpapasok na ang asawa ng pagkain. Dagli niyang itinukod ang kanang kamay upang maalalayan nito ang kanyang paghiga.Subalit huli na. Nahuli siya ni Aling Asyang sa kanyang pagkakapanungaw."Sinabi ko naman sa iyong huwag ka munang mag-uupo, e," may paninising lumangkap sa tinig ni Aling Asyang."Ikaw nga ang dumadaing na masakit ang iyong likod.""Tinitingnan ko lamang, Asyang, ang ating bukid,: dahilan ni Mang Karyas at tiningnan ang asawang nakakunot-noo."Siya, siya kumain ka na, Karyas. . .," wika ni Aling Asyang at inilapag ang mangkok sa papag. Tinanganan ang kutsara at sinimulang subuan si Mang Karyas.2"Sipag nitong anak ni Ba Kayong, oo!" pagbibiro ni Mang Karyas sa asawang may salit-salit na ring puti ang buhok."Sulong. Kumain ka't darating ang anak mo!" Marahan pang dinunggol ni Aling Asyang ang baywang ni Mang Karyas.Nalarawan ang kasiyahan sa mukha ni Mang Karyas. Kay bait ng kanyang asawa! Hindi pa rin nagbabawa ang kanyang si Asyang. Ito pa rin ang dating masuyo, masipag, at mapagmahal na anak ni Ba Kayong."Ano ang pakiramdam mo?" mayamaya'y nausisa ni Aling Asyang."Parang namimigat ang aking katawan, Asyang.""Kasi'y bangon ka nang bangon. Hala, ubusin mo ito, o . . ."Walang imik na kumain si Mang Karyas. Wala siyang gana. Pinipilit lamang niya ang pagkain ng nilugaw at ng malambot na tapang inihaw."Inggit na inggit sa iyo si Kiko, oy," ani Aling Asyang kay Mang Karyas,"mabuti ka pa raw at nakapagpatapos.""Paggaling na paggaling ko'y lilibutin ko ang buong nayon at ipagsisigawan kong tapos na ang ating anak, Asyang!" nagmamalaking nawika ni Mang Karyas." "Paggaling ko ay lilibot kami ni Kiyel at tingnan mo kung Hindi nila ako hangaan!"Nasa gayon silang pag-uusap nang makarinig sila ng halinghing ng aso. Hindi hahalinghing si Sagani kung kilala nito ang pumapasok. Tatahol ito."Bakit si Kiyel na 'yan, Asyang !" nausal ni Mang Karyas at nagsikap na makaupo upang makadungaw sa bintana.Marahang diniinan siya ni Aling Asyang sa balikat.Pagkaraa'y dumungaw ito at inaninaw kung sino ang sinasalta ni Isagani."Tatang, Inang!" Narinig nilang dalawa ang tinig ni Kiyel, Nagmadaling sinalubong ni Aling Asyang ang anak. Noo'y wala na ang sakit na naramdaman ni Mang Karyas sa likod. Dumating na si Kiyel! May dumadaloy na panibagong lakas sa mga ugat ni Mang Karyas.Waring para siyang biglang sumigla."Naku, ang dami-dami mong dala, Kiyel!" Narinig niya ang tinig ng asawa." Ang Tatang, kumusta?" Noon pa ma'y nais na ni Mang Karyas na iwan ang papag na kinauupuan at salubungin ang anak. Sabik na sabik si Mang Karyas. Sa sinabi ni Kiyel na "Ang Tatang, kumusta?"ay nais niyang isagot na "Narito ako!"Nang makapanhik na si Kiyel ay tila tumaas pa ito sa paningin ni Mang Karyas.Mabulas ang katawan ni Kiyel.Matitipuno ang mga bisig, masiglang-masigla ang pusong-ama ni Mang Karyas."Tatang!" ani Kiyel at hinalikan ang kamay ni Mang Karyas.Makapal ang palad na nadama ni Mang Karyas nang tangnan ng anak ang kanyang kamay. Subalit Hindi niya pinansin iyon. Sa wakas ay narito na si Kiyel!"Magaling na ako!" Naisaloob ni Mang Karyas. :Lilibot tayo sa buong nayo! Ipakikita k okay Kiko ang aking anak na aking napagtapos! Lilibutin ni Kiyel ang buong nayon. Ipagmamalaki ko si Kiyel!""Maghubad ka muna, Anak," anang ina ni Kiyel at ibinigay sa anak ang tsinelas na malapad ang dahon. "Pagod na pagod ka marahil sa biyahe." Pagkawika niyo'y nagtungo sa labas si Aling Asyang upang maghanda ng hapunan."Paparito bukas ang mga kaibigan mo, Kiyel," pagbabalita ni Mang Karyas sa anak."Marahil ay babatiin ka."Piit ang ngiting nakita ni Mang Karyas na sumilay sa mga labi ng anak. Nakita niyang napatungo si Kiyel. At naramdaman na lamang niya ang pagpisil ni Kiyel sa kanyang palad."Ikinalulungkott ko, Tatang, na sinuway ko kayo," marahang sabi ni Kiyel sa ama.Nabaghan si Mang Karyas. Piit nitong sininag sa mukha ng anak kung ano ang ibig ipakahulugan nito sa sinabing iyon."Sinikap kong sundin, Tatang, ang iminungkahi ninyong kurso ngunit Hindi ko iyon naipagpatuloy."Sinalat ni Mang Karyas ang palad ni Kiyel.Parang binubuhawi ang kanyang kalooban."Makapal ang iyong palad, Kiyel.""Agrikultura ang kinuha ko, Tatang, sa Los Banos."3Nakuyom ni Mang Karyas ang dalawag palad. Gumapang sa kanyang katawan ang init. Nang pagdaupin niya ang mga palad ay naglitawan ang mga ugat sa kanyang mga bisig."Sinuway mo ako, Kiyel," mariin niyang sabi sa anak. Sinuway mo kami ng iyong ina. Sa kahirapan natin ay sinikap ka naming mapag-aral upang mailayo ka sa bukid. Ayaw kong maging magsasaka ka. Ang pagsasaka, Kiyel, ay panghabambuhay na pagpapakasakit. Ang bukid na dati kong sinasaka'y minana ko pa sa iyong mga ninunong nangamatay na mga magsasaka, Kami'y binhing natanim saa bukid. Sa pagnanais ko na lamang na Hindi ka rin makaugat sa bukid kaya pinapag-aral ka naming ng iyong ina. . . Binigo mo kami, Kiyel.""Kung kayo'y aking sinunod ay Hindi ko maituturing na ako'y inyong anak," pagpapaliwanag ni Kiyel sa ama.Nanlalim ang mga guhit sa noo ni Mang Karyas sa itinugong iyon ng anak."Ako'y anak ng isang magsasaka, Tatang. Anak ninyo.Nananalaytay sa aking mga ugat ang tubig na dumadaloy sa mga linang. Nakahasik sa aking puso ang mga binhing inyong isinasabog kung panahon ng punlaan. . ."Naramdaman ni Mang Karyas ang pagpisil ng anak sa kanyang kamay. Hindi niya namamalaya'y namalisbis sa kanyang kulubot na mga pisngi ang luha. Napabaling siya sa bintana upang ikubli iyon sa anak. Pinilakan ang liwanag ng sumisikat na buwan sa kanilang bukid.Mayaman ang liwanag subalit ang kanilang lupa'y pagas, tigang, mabitak.Mandi'y naghihintay ng ulan."Kayo'y matanda na, Tatang. Tulad ng ginawa ng aking mga nuno'y hinihiling ko sa inyong ipaubaya ninyo sa akin ang paggawa sa bukid. Ipagmamalaki ninyo ako, Tatang!"At nayakap ni Mang Karyas ang anak. Ang binhi ng kaligayaha'y muling sumibol sa kanyang puso. Mayabong ang kaligayahang iyon."Ang pagsasakang aking natutuha'y di tulad ng pagsasakang ating ginagawa sa kasalukuyan dito sa atin, Tatang. Iyo'y pagsasakang pag-uugatan ng pag-unlad. . ."Naghuhumindig sa bughaw na liwanaga ng buwan ang punong mangga nang tanawin ni Mang Karyas at Kiyel ang kanilang bukid.
"BAKA makikipag-away ka na naman, Impen."Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay."Hindi ho," paungol niyang tugon."Hindi ho...," ginagad siya ng ina. "Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin mo'y lagi ka ngang mababasag-ulo."May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na niya ang mga iyon. Paulit-ulit na niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang tainga.Isinaboy niya ang tubig na nasa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay, pinagkiskis ang mga palad at pagkaraa'y naghilamos."Dumaan ka kay Taba mamayang pag-uwi mo," narinig niyang bilin ng ina. "Wala nang gatas si Boy. Eto ang pambili."Tumindig na siya. Nanghihinamad at naghihikab na iniunat ang mahahabang kamay. Inaantok pa siya. Gusto pa niyang magbalik sa sulok na kanyang higaan. Ngunit kailangang lumakad na siya. Tatanghaliin na naman bago siya makasahod. At naroon na naman marahil si Ogor. Kahit siya ang nauna ay lagi siyang inuunahan ni Ogor sa pagsahod.Umingit ang sahig ng kanilang barungbarong nang siya'y pumasok."Nariyan sa kahon ang kamiseta mo."Sa sulok ng kanyang kaliwang mata'y nasulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas ang kaliwang paa, sa dulo ng halos dumapa nang bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpiang dingding. Nakalugay ang buhok. Bukas ang kupasing damit na giris, nakahantad ang laylay at tuyot na dibdib. Kalong nito ang kanyang kapatid na bunso. Pinasususo."Mamaya,aka umuwi ka namang...basag ang mukha."Bahagya na niyang maulinigan ang ina. Nakatitig siya sa tatlo pa niyang kapatid. Sunud-sunod na nakatalungko ang mga ito sa isa pang bangkong nas atagiliran ng nanggigimalmal na mesang kainan. nagsisikain pa.Matagal na napako ang kanyang tingin kay Kano, ang sumunod sa kanya. Maputi si Kano, kaya ganito ang tawag dito sa kanilang pook. Kakutis ni Kano ang iba pa niyang kapatid. Marurusing ngunit mapuputi. May pitong taon na si Kano. Siya nama'y maglalabing-anim na. Payat siya ngunit mahahaba ang kanyang biyas.Hinalungkat na niya ang kahong karton na itinuro ng ina. Magkakasama ang mga damit nila nina Kano, Boyet at Diding. Sa may ilalim, nakuha niya ang kulay-lumot niyang kamiseta. Hinawakan niya iyon sa magkabilang tirante. Itinaas. Sinipat."Yan na'ng isuot mo." Parang nahulaan ng kanyang ina ang kanyang iniisip.Isinuot niya ang kamiseta. Lapat na lapat sa kanya ang kamisetang iyon noong bagong bili ngunit ngayo'y maluwag na. Nagmumukha siyang Intsik-beho kapag suot iyon ngunit wala naman siyang maraming kamisetang maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang ina sa paglalabada; mahina rin ang kanyang kita sa pag-aagwador.Nagbalik siya sa batalan. Nang siya'y lumabas, pasan na niya ang kargahan. Tuluy-tuloy niyang tinungo ang hagdan."Si Ogor, Impen," pahabol na bilin ng kanyang ina. "Huwag mo nang papansinin."Naulinigan niya ang biling iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya, muntik na siyang madapa nang matalisod sa nakausling bato sa may paanan ng kanilang hagdan.Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor. Talaga raw gayon ito: basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunuksyo sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor.Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit magsisimula ng panunukso:"Ang itim mo, Impen!" itutukso nito."Kapatid mo ba si Kano?" isasabad ng isa sa mga nasa gripo."Sino ba talaga ang tatay mo?""Sino pa," isisingit ni Ogor, "di si Dikyam!"Sasambulat na ang nakabibinging tawanan. Pinakamatunog ang tawa ni Ogor. Si Ogor ang kinikilalang hari sa gripo.Noong una, sinasagot niya ang mga panunuksong ito:"E ano kung maitim?" isasagot niya.Nanunuri ang mga mata at nakangising iikutan siya ni Ogor. Pagkuwa'y bigla na lamang nitong kakayurin ng hintuturo ang balat sa kanyang batok."Negrung-negro ka nga, Negro," tila nandidiring sasabihin ni Ogor. Magsusunuran nang manukso ang iba pang agwador. Pati ang mga batang naroon: Tingnan mo ang buhok. Kulot na kulot! Tingnan mo ang ilong. Sarat na sarat! Naku po, ang nguso...Namamalirong!Sa katagalan, natanggap na niya ang panunuksong ito. Iyon ang totoo, sinasabi niya sa sarili. Negro nga siya. Ano kung Negro? Ngunit napapikit siya. Ang tatay niya'y isang sundalong Negro na nang maging anak siya'y biglang nawala sa Pilipinas.Ang panunuksong hindi niya matanggap, at siya ngang pinagmulan ng nakaraan nilang pagbababag ni Ogor, ay ang sinabi nito tungkol sa kanyang ina. (Gayon nga kaya kasama ang kanyang ina?)"Sarisari ang magiging kapatid ni Negro," sinabi ni Ogor. "Baka makatatlo pa ang kanyang nanay ngayon!"Noong kabuntisan ng kanyang ina sa kapatid niyang bunso ay iniwan ito ng asawa. Hindi malaman kung saan nagsuot. At noon, higit kailanman, naging hamak sila sa pagtingin ng lahat. Matagal-tagal ding hindi naglabada ang kanyang ina, nahihiyang lumabas sa kanilang barungbarong. Siya ang nagpatuloy sa pag-aagwador. At siya ang napagtuunan ng sarisaring panunukso.Natandaan niya ang mga panunuksong iyon. At mula noon, nagsimula nang umalimpuyo sa kanyang dibdib ang dati'y binhi lamang ng isang paghihimagsik: nagsusumigaw na paghihimagsik sa pook na iyong ayaw magbigay sa kanila ng pagkakataong makagitaw at mabuhay nang payapa.Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor, naiisip ni Impen habang tinatalunton niya ang mabatong daan patungo sa gripo. Mula sa bintana ng mga barungbarong, nakikita niyang nagsusulputan ang ulo ng mga bata. Itinuturo siya ng mga iyon. Sa kanya rin napapatingin ang matatanda. Walang sinasabi ang mga ito, ngunit sa mga mata, sa galaw ng mga labi nababasa nya ang isinisigaw ng mga paslit: Negro!Napapatungo na laamang siya.Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa malamig ngunit maliwanag nang sikat ng araw, nakikita na niya ang langkay ng mga agwador. Nagkakatipun-tipon ang mga ito. Nagkakatuwaan. Naghaharutan.Sa langkay na iyon ay kilalang-kilala niya ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si Ogor? Sa mula't mula pa, itinuring na siya nitong kaaway, di kailanman binigyan ng pagkakataong maging kaibigan.Halos kassingulang niya si Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito. Malakas si Ogor. Tuwid ang tindig nito at halos hindi yumuyuko kahit may pasang balde ng tubig; tila sino mang masasalubong sa daan ay kayang-kayang sagasaan.Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulog tinungo niya ang hulihan ng pila. Marahan niyang inalis sa pagkakakawit ang mga balde. Sa sarili, nausal niyang sana'y huwag siya ang maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng mga agwador.Nakakaanim na karga na si Impen. May sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kutod niyang maong. May isa pang nagpapaigib sa kanya. Diyes sentimos na naman. Kapag tag-araw ay malaki-laki rin ang kinikita ng mga agwador. Mahina ang tulo ng tubig sa kanilang pook. At bihira ang may poso.Tanghali na akong makauuwi nito, nausal niya habang binibilang sa mata ang mga nakapilang balde. Maluwag ang parisukat na sementong kinatitirikan ng gripo at ang dulo ng pila'y nasa labas pa niyon.Di-kalayuan sa gripo ay may isang tindahan. Sa kalawanging medya-agwa niyon ay nakasilong ang iba pang agwador. May naghubad na ng damit at isinampay na lamang sa balikat. May nagpapaypay May kumakain ng halu-halo.Sa pangkat na iyon ay kay Ogor agad natutok ang kanyang tingin. Pnilit niyang supilin ang hangaring makasilong. Naroon sa tindahan si Ogor. Hubad-baro at ngumingisi. Mauupo na lamang siya sa kanyang balde. Mabuti pa roon, kahit nakabilad sa init. Pasasaan ba't di iikli ang pila? naisip niya. Makasasahod din ako.Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang siga mula sa tindahan:"Hoy, Negro, sumilong ka. Baka ka pumuti!"Si Ogor iyon. Kahit hindi siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at nanunukso na naman."Negro," muli niyang narinig, "sumilong ka sabi, e. Baka ka masunog!"Malakas ang narinig niyang tawanan. Hindi pa rin siya lumilingon. Tila wala siyang naririnig. Nakatingin siya sa nakasahod na balde ngunit ang naiisip niya'y ang bilin ng ina, na huwag na niyang papansinin si Ogor. Bakit nga ba niya papansinin si Ogor?Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuang balde. At habang umiisod ang pila, nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng araw. Sa paligid ng balde, nakikia niya ang kanyang anino. Tumingala siya ngunit siya'y nasilaw. Nanghahapdi at waring nasusunog ang kanyang balat. Tila ibig nang matuklap ang balat sa kanyang batok, likod at balikat. Namumuo ang pawis sa kanyang anit at sa ibabaw ng kanyang nguso. may butil na rin ng pawis sa kanyang ilong.Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipan-hipan niya ang manipis na dibdib. Di natagalan, isinawak niya ang kamay sa nalalabing tubig sa balde. Una niyang binasa ang batok---kaylamig at kaysarap ng tubig sa kanyang batok. Malamig. Binasa niya ang ulo. Kinuskos niya ang kanyang buhok at nabasa pati ang kanyang anit. Binasa niya ang balikat, ang mga bisig. May nadama siyang ginhawa ngunit pansamantala lamang iyon. Di nagtagal, muli niyang naramdaman na tila nangangalirang na naman ang kanyang balat. Kay hapdi ng kanyang batok at balikat."Negro!" Napauwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon. Nasa likuran lamang niya ang nagsalita. Si Ogor. "Huwag ka nanag magbibilad. Doon ka sa lamig."Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa gripo, muli niyang nakita na nginingisihan siya nito.Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng mga balde ni ogor. Napabuntong-hininga siya nang makitang kinakawitan na ni Ogor ang mga balde. Sa wakas, aalis na si Ogor, naisip niya. Aalis na si Ogor. Huwag na sana siyang bumalik.May galak na sumusuno sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang pagkapuno ng sinundang balde. Susunod na siya. Makaka sahod na siya. Makakasahod na rin ako, sabi niya sa sarili. pagkaraan ng kargang iyon ay uuwi na siya. Daraan pa nga pala siya kay Taba. Bibili ng gatas.Datapwa, pagkaalis ng hinihintay niyang mapunong balde, at isasahod na lamang ang sa kanya, ay isang mabigat at makapangyarihang kamay ang biglang pumatong sa kanyang balikat. Si Ogor ang kanyang natingala. Malapit lamang pala ang pinaghatidan nito ng tubig."Gutom na ako, Negro," sabi ni Ogor. "Ako muna."Pautos iyon. Iginitgit ni Ogor ang bitbit na balde at kumalantog ang kanilang mga balde. Iginitgit din niya ang sa kanya, bahagya nga lamang at takot na paggitgit. "Kadarating mo pa lamang, Ogor, nais niyang itutol. Kangina pa ako nakapila rito, a. Ako muna sabi, e," giit ni Ogor.Bantulot niyang binawi ang balde, nakatingin pa rin kay Ogor. Itinaob niya ang kaunting nasahod na balde at ang tubig ay gumapang sa semento at umabog sa kanilang mga paa ni Ogor. Uuwi na ako, bulong niya sa sarili. Uuwi na ako. Mamaya na lang ako iigib uli. Nakatingin sa araw, humakbang siya upang kunin ang pingga ngunit sa paghakbang na iyon, bigla siyang pinatid ni Ogor."Ano pa ba ang ibinubulong mo?"Hindi n a niya narinig iyon. Nabuwal siya. Tumama ang kanan niyang pisngi sa labi ng nabiawang balde. Napasigaw siya. Malakas. Napaluhod siya sa madulas na semento. Kagyat na bumaha ang nakaliliyong dilim sa kanyang utak. Habang nakaluhod, dalawang kamay niyang tinutop ang pisngi. Takot, nanginginig ang kanyang mga daliri. Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Basa...Mapula...Dugo!Nanghilakbot siya. Sa loob ng isang saglit, hindi niya maulit na salatin ang biyak na pisngi. Mangiyak-ngiyak siya."O-ogor...O-ogor..." Nakatingala siya kay Ogor, mahigpit na kinukuyom ang mga palad. Kumikinig ang kanyang ulo at nangangalit ang kanyang ngipin. "Ogor!" sa wakas ay naisigaw niya.Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw. Sinipa siya nito. Gumulong siya. Buwal ang lahat ng baldeng nalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng tawanan. At samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa walang malamang sulingan niyang mga mata ang mga paang alikabukin. Paparami iyon at pumapaligid sa kanya.Bigla siyang bumaligtad. nakita niya ang naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakaakma ang mga bisig."O-ogor..."Tumawa nang malakas si Ogor. Humihingal at nakangangang napapikit siya. Pumuslit ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Nasa ganito siyang kalagayan nang bigla niyang maramdaman ang isang ubos-lakas na sipa sa kanyang pigi. Napasigaw iya. Umiiyak siyang gumuglong sa basa at madulas na semento. Namimilipit siya. Tangan ang sinipang pigi, ang buong anyo ng nakaangat niyang mukha'y larawan ng matinding sakit.Matagal din bago napawi ang paninigas ng kanyang pigi. Humihingal siya. Malikot ang kanyang mga mata nang siya'y bumangon at itukod ang mga kamay sa semento.Si ogor...Sa mula't mula pa'y itinuring na siya nitong kaaway...Bakit siya ginaganoon ni Ogor?Kumikinig ang kanyang katawan. Sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita niyang muling aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli ay tila nauulol na asong sinunggaban niya iyon at niyakap at kinagat.Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. nagyakap sila. Pagulung-gulong. Hindi siya bumibitiw. Nang siya'y mapaibabaw, sinunud-ssunod niya: dagok, dagok, dagok... pahalipaw... papaluka...papatay.Sa pook na iyon, sa nakaririmarim na pook na iyon, aba ang pagtingin sa kanila. Marumi ng babae ang kanyang ina. Sarisari ang anak. At siya isang maitim, hamak na Negro! Papatayin niya si Ogor. papatayin. Papatayinnn!Dagok, dagok, dagok...Nag-uumigting ang kanyang mga ugat. Tila asong nagpipilit makapaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit ang mga kamay. Sa isang iglap siya naman ang napailalim. Dagok, dagok. Nagpipihit siya. Tatagilid. Naiiri. Muling matitihaya. Hindi niya naiilagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw siya sa araw. Napipikit siya. Mangungudngod siya, mahahalik sa lupa. Ngunit wala siyang nararamdaman sakit. Wala siyang nararamdamang sakit!Kakatatlo ng asawa si Inay. Si Kano...si Boyet...si Diding...At siya...Negro. Negro. Negro!Sa mga dagok ni ogor, tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla, ubos-lakas at nag-uumiri siyang umigtad. napailalim si Ogor. Nahantad ang mukha ni Ogor. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, bayo, dagok...Kahit saan. Sa dibdib. Sa mukha. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, dagok, dagok...Mahina na si ogor. Lupaypay na. Nalalaglag na ang nagsasanggang kamay. Humihingal na rin siya, humahagok. Ngunit nagliliyab pa rin ang poot sa kanyang mga mata. Dagok. Papaluka. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok...Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni Ogor."Impen..."Muli niyang itinaas ang kamay."I-Impen..." Halos hindi niya narinig ang halingling ni Ogor. "I-Impen...s-suko n-na...a-ako...s-suko...n-na...a-ako!"Naibaba niya ang nakataas na kamay. Napasuko niya si Ogor! Napatingala siya Abut-abot ang pahingal. makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at nanlalambot siyang tumindig, nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang kanyang kamiseta at duguan ang kanyang likod. May basa ng dugo't lupa ang kanyang nguso.Marmaing sandaling walang nangahas magsalita. Walang makakibo sa mga agwador. Hindi makapaniwala ang lahat. Lahat ay nakatingin sa kanya.Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga mata ng mga ito. Ang nababakas niya'y paghanga. Ang nakita niya'y pangingimi.Pinangingimian siya!May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod niya ang mga kamao. nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa'y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha.Sa matinding sikat ng araw, tila sya ang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan.
Impeng Negro ni Rogelio Sikat"Sa matinding sikat ng araw, tila siya mandirigmang sugatan,ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan."Mga Tauhan:Impen- 16 taong gulang, maitim ang kulay ng balat, may mga kapatid sa ibang ama, isang agwador o taga-igib ng tubigIna ni Impen- iniwan ng huling asawa habang kanyang ipinagbubuntis ang bunsong anakMga Kapatid ni Impen na sina Kano, Boyet, DidingTaba- tinderang uutangan ng gatas para sa bunsong kapatid ni ImpenOgor- matipunong agwador na laging nanunukso at nang-aapi kay ImpenMga AgwadorBanghay:Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o pangaralan siya ng kanyang ina. Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha.Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador. Mahina na ang kita ng kanyang ina sa paglalaba at mahina na rin ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa pagtatrabaho kahit na maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya dahil sa estado ng kanilang pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa agwador na si Ogor.Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang.Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pagtadyak, pagsuntok, at pananakit kay Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na dagok at bayo ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor. Tiningnan ni Impen ang nakabulagtang si Ogor. Nakadama siya ng kapangyarihan.
ANG KWINTASIsa siya sa mga pinaka-marikit at kahali-halinang babae na isinilang, at para bang nagkamali ang tadhana dahil isang pamilya ng mga manggagawa ang kanyang pinagmulan. Hindi siya itinakda na ikasal kaninoman, walang umaasa na aangat siya, at wala rin siyang paraan para makilala, maunawaan, mahalin, at makapangasawa ng isang marangya at marangal na lalaki. Bagkus, isang hamak na kawani ng Kagawaran ng Edukasyon ang pinakasalan niya. Simple lang ang kanyang panlasa dahil hindi naman niya kaya ang mga mamahaling bagay. Hindi siya masaya dahil sa pakiwari niya, nagpakasal siya sa isang lalaking mas mababa pa sa kanyang uri. Pero ang mga babae naman talaga ay hindi nabibilang sa kahit anumang uri. Ang kanilang kagandahan, kahinhinan, at alindog ay nagagamit nila para magkaroon ng asawa at pamilya. Ang natural na pagkahilig nila sa karangyaan, ang kanilang angking karingalan, at matalisik na isip ay nagsisilbing mga palatandaan ng kanilang ranggo. At sa mga bagay na ito, ang babaeng tinutukoy natin na nagmula sa kahirapan ay maituturing na kapantay ng pinakamataas na babae sa balat ng lupa.Hindi matapus-tapos ang kanyang pagdurusa, dahil pakiramdam niya'y ipinanganak siya para matikman ang lahat ng karangyaan at kaginhawahan. Pinagdurusahan niya ang kanyang hamak na tirahan, ang mga nanlilimahid na dingding nito, ang mga gapok na silya, at marurungis na kurtina. Lahat ng ito-na maaaring hindi alam ng mga babaeng kauri niya-ay nagdudulot sa kanya ng pasakit at insulto. Nang makita niyang pumasok ang batang babae na Breton sa kanyang hamak na tirahan para magtrabaho, nabagbag ang kanyang damdamin at natigatig ang kanyang mga walang kapararakang pangarap. Umandar ang kanyang imahinasyon at naisip niya ang mga tahimik na silid, na natatakpan ng mabibigat na kurtinang Oryental, naiilawan ng mga nagtataasang sulo na yari sa tanso, at binabantayan ng mga nagtatangkarang lalaki na may suot na mahahabang medyas na umaabot hanggang sa tuhod at nahihimbing sa malalaking sopa, dahil sa nakalilipos na init na nagmumula sa kalan. Naisip niya rin ang malalawak na silid na napapalamutian ng antigong telang sutla, at maliliit ngunit kaaya-aya at mababangong silid na nilikha para sa mga munting salusalo kasama ang mga pinakamalapit na kaibigan, at mga lalaking pamoso at inaasam-asam, na ang pamimitagan ay nakatitigatig ng inggit at pagnanasa sa kababaihan.Nang dumulog siya para sa hapunan sa hapag na natatakpan ng mantel na kalalagay lang tatlong araw na ang nakararaan, katapat ng kanyang asawa na nag-alis ng takip ng lalagyan ng sopas at napabulalas nang buong saya: "Aha! Scotch broth! May hihigit pa ba rito?", muli na namang lumipad ang imahinasyon ng babae at naisip niya ang mga pagkasarap-sarap na pagkain, mga kumikinang na kubyertos, mga tapiseriya na tumatakip sa mga dingding at naglalarawan sa mga sinaunang tao at mga kakatwang ibon mula sa mga kagubatang pinamamahayan ng mga diwata; naisip niya ang mga kasiya-siyang pagkain na nakalatag sa mga kamangha-manghang bandehado, mga pabulong na panunuyo, na pinakikinggan nang may di mawaring ngiti habang ngumangasab ng mamula-mulang laman ng isda o pakpak ng manok na may halong asparago.Wala siyang magagandang damit at alahas. At ito ang mga bagay na iniibig niya. Pakiramdam niya'y nilikha siya para sa mga bagay na ito. Matagal na niyang inaasam na makapang-akit, na mapagnasaan, na kahumalingan, at maging kaasam-asam.Nagkaroon siya ng isang mayamang kaibigan, isang dating kaklase na ayaw niyang bisitahin, dahil nakararamdam siya ng matinding pagkasawi habang papauwi siya sa kaniyang tirahan. Ilang araw siyang umiiyak, saklot ng kalungkutan, pagsisisi, kawalang-pag-asa, at pagdurusa.Isang gabi, umuwi ang kanyang asawa na masayang-masaya, hawak ang isang malaking sobre."Para sa iyo ito," sabi niya.Mabilis na pinunit ng babae ang sobre at hinugot mula sa loob nito ang isang papel kung saan nakasulat ang mga katagang ito:"Hinihiling ng Ministro ng Edukasyon at ni Ginang Ramponneau na makapiling sina Ginoo at Ginang Loisel sa Kagawaran ngayong Lunes ng gabi, ika-18 ng Enero."Ngunit imbes na matuwa, gaya ng inaasahan ng kanyang asawa, inihagis ng babae ang imbitasyon sa mesa, sabay bulong ng:"Ano'ng gusto mong gawin ko rito?""Bakit, mahal ko? Akala ko'y masisiyahan ka. Matagal ka nang hindi lumalabas. Napaka-importanteng okasyon nito, at pinaghirapan kong makakuha ng imbitasyon para rito. Lahat ay gustong maanyayahan sa pagtitipong ito. Piling-pili ang makakapunta, at iilan lang ang napaunlakang kawani na gaya ko. Makikita mo rito ang lahat ng matataas na tao."Tumalim ang tingin ng babae sa asawa, saka nagsalita na parang naubusan na ng pasensya: "At ano sa palagay mo ang isusuot ko sa pagtitipong 'yan?"Hindi iyon naisip ng lalake; pautal niyang nasabi:"Ba't di mo gamitin 'yung isinusuot mo pag nagpupunta ka sa teatro? Napakaganda noon, para sa akin…"Natigilan ang lalake, natuliro, at naghahanap ng sasabihin nang makita niyang umiiyak na ang kanyang asawa. Dalawang malaking patak ng luha ang tumulo mula sa gilid ng kanyang mga mata patungo sa gilid ng kanyang labi."Ano'ng nangyayari sa iyo?"Ngunit mabilis na nakabawi mula sa kanyang kalungkutan ang babae, at kalmado siyang tumugon habang pinapahiran ang nabasang pisngi:"Wala. Wala lang kasi akong maisusuot na damit kaya hindi ako makadadalo sa kasayahang 'yan. Ibigay mo na lang ang imbitasyon sa kasamahan mo na may asawang mas nababagay diyan kaysa sa akin."Halos madurog ang puso ng lalaki."Sandali lang, Matilda," giit ng asawa. "Magkano ba ang isang simpleng damit na nababagay sa ganyang okasyon, na maaari mo pang gamitin sa iba pang pagtitipon?"Ilang sandaling nag-isip ang babae. Inalala niya ang mga presyo ng ganoong klaseng damit habang iniisip niya rin kung gaano kalaking pera ang pwede niyang hingin sa asawa, na hindi matatanggihan at hindi rin ikagugulantang ng lalaki.Sa wakas, nag-aalinlangang sumagot ang babae:"Hindi ako sigurado, pero pwede na siguro ang apat na raang francs."Tila namutla ang lalaki, dahil ganitong halaga rin ang pinag-iipunan niya para makabili ng isang baril. Binabalak niya kasing mamaril sa susunod na tag-araw sa kapatagan ng Nanterre. Ito ang pinupuntahan ng kanyang mga kaibigang namamaril ng ibon tuwing Linggo.Ngunit gayunpaman, sinabi ng lalaki: "Kung ganoon, bibigyan kita ng apat na raang francs. Siguruhin mo lang na makabibili ka ng isang napakagandang damit."Papalapit na nang papalapit ang araw ng kasayahan. Kahit handa na ang kanyang damit, nagiging malungkutin pa rin si Ginang Loisel, laging di mapalagay, at balisa."Ano ba'ng nangyayari sa iyo? Tatlong araw nang kakaiba ang kilos mo…""Nahahabag ako sa aking sarili, dahil wala akong alahas, ni isang mamahaling bato ay wala akong maisusuot," tugon ng babae. "Wala akong mukhang ihaharap kaninoman. Mas mabuti pa yatang 'wag na lang akong dumalo sa kasayahan.""Magsuot ka ng bulaklak," sabi ng lalaki. "Sa halagang sampung piso, makakabili ka ng dalawa o tatlong rosas."Ngunit hindi kumbinsido rito ang babae."'Wag na lang… Kahihiya-hiya kung magmumukha akong dukha sa harap ng napakaraming mayamang babae.""Napaka-estupida mo!" bulalas ng asawa. "Pumunta ka kay Ginang Forestier at tanungin mo kung pwede ka niyang pahiramin ng mga alahas. Alam mo namang kilala siyang alahera, di ba?"Napabulalas ng tuwa ang babae."Tunay nga. Hindi ko 'yon naisip."Kinabukasan, nagpunta ang babae kay Ginang Forestier at ikinuwento niya rito ang kanyang problema.Nagtungo si Ginang Forestier sa kanyang iskaparate, kinuha mula rito ang isang malaking kahon, binuksan ito, at sinabi:"Mamili ka rito, mahal."Unang tiningnan ng babae ang mga pulseras, tapos ay isang kuwintas na may perlas, at isang gintong krus na may makikinang na bato. Galing ito sa Venetia, at sadyang napakahusay ng pagkakagawa. Tumingin siya sa salamin at tiningnan ang sarili na gamit ang mga alahas. Nagbabantulot siya at di makapagdesisyon kung iiwan o isosoli niya ba ang mga alahas. Panay ang tanong niya:"Mayroon ka pa bang iba?""Oo. Ikaw na ang mamili. Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto mo."Kapagdaka'y nakita niya sa isang maliit at itim na lalagyan na yari sa satin ang isang napakagandang alahas na diamante.Tumibok ang pagnanasa sa puso niya. Nanginginig ang mga kamay niya nang kunin niya ang alahas. Isinuot niya iyon sa kanyang leeg, sa ibabaw ng kanyang mahabang damit, at ilang sandali siyang nalunod sa kaligayahan habang pinagmamasdan niya ang kanyang sarili.Tapos ay nag-aalinlangan siyang nagtanong:"Maaari mo ba itong ipahiram sa akin? Tanging ito lamang?""Oo naman."Napahilig siya sa dibdib ng kaibigan, niyakap niya ito nang mahigpit, at dali-dali siyang umuwi na bitbit ang natatanging hiyas. Dumating din ang araw ng kasayahan. Tagumpay si Ginang Loisel. Siya ang pinakamarikit na babae sa lahat, elegante, mabining kumilos, laging nakangiti, at nag-uumapaw ang kaligayahan. Lahat ng mga lalaking nandoon ay napapatingin sa kanya, itinatanong ang kanyang pangalan, at gusto siyang makilala. Lahat din ng mga Pangalawang Sekretaryo ng Pamahalaan ay gusto makipag-balse sa kanya. Napansin din siya ng Ministro.Haling na haling siya sa pakikipagsayaw, nag-uumapaw ang kanyang saya, at panay ang inom niya, walang pakialam sa lahat, maging sa pagwawagi ng kanyang kagandahan, sa karangalan ng kanyang pagkakapanalo, sa lambong ng kaligayahang bumalot sa kanya dulot ng mga pagtangi at paghanga, ng mga pagnanasang kanyang ginising, ng kabuuan ng kanyang tagumpay na sadyang napakalapit sa kanyang puso.Mag-a-alas-kuwatro na ng madaling-araw nang magpasya siyang umuwi. Hatinggabi pa'y tulog na ang kanyang asawa sa isang maliit na silid, kasama ang tatlo pang kaibigan na may mga asawang nagkakasayahan. Ipinatong ng lalaki sa balikat ng babae ang mga kasuotang dinala niya para magamit nila sa pag-uwi-mga ordinaryong kasuotan na alangan sa napakagandang saya ng babae. Napansin niya iyon kaya't nagmamadali siyang umalis upang hindi siya makita ng ibang mga babae na nagsusuot ng kanilang mga mamahaling fur.Pinigilan ng lalaki ang kanyang asawa."Sandali lang. Malamig sa labas. Baka magkasipon ka. Tatawag ako ng taxi."Pero hindi siya pinakinggan ng babae at nagmamadali itong bumaba sa hagdanan. Nang makalabas na'y wala silang maparang taxi. Nag-abang sila at ilang beses nilang sinigawan ang mga taxing dumaraan.Naglakad sila patungo sa Seine, tuliro at nangangatal sa lamig. Sa wakas ay nakatagpo sila ng isang pipitsuging taxi na tuwing gabi lamang nagbibiyahe sa Paris, dahil tila ikinahihiya nito ang kanilang kalumaan.Inihatid ng taxi ang mag-asawa sa Rue des Martyrs, at malungkot nilang nilakad ang daan patungo sa kanilang bahay. Iyon na ang wakas, naisip ng babae. Kailangang nasa opisina na siya nang alas-diyes, naisip naman ng lalaki.Hinubad ng babae ang mga kasuotang nakabalot sa kanyang balikat, upang muli niyang mapagmasdan ang kanyang kagandahan sa harap ng salamin. Ngunit bigla siyang napabulalas. Nawawala ang kuwintas!"Bakit? Ano'ng problema?" tanong ng asawa, na halos nakahubad na.Maligalig na bumaling ang babae sa lalaki."Naiwala ko ang kuwintas na hiniram ko kay Ginang Forestier…"Nabigla ang lalaki."Ano?! Imposible!"Hinanap nila ang kuwintas sa bawat tupi ng kanyang kasuotan, sa ilalim ng kaniyang coat, sa mga bulsa, sa lahat ng lugar. Pero hindi nila ito makita."Sigurado ka bang suot mo pa ang kuwintas noong umalis tayo sa kasayahan?" tanong ng lalaki.Oo, hinawakan ko pa ito noong nasa bulwagan tayo.""Pero kung nahulog iyon sa daan, dapat ay narinig natin iyon.""Oo. Malamang. Nakuha mo ba ang numero ng taxi?""Hindi. Ikaw, napansin mo ba iyon?""Hindi."Napatingin ang mag-asawa sa isa't isa. Pareho silang natulala. Agad na muling nagbihis si Ginoong Loisel."Babalikan ko ang daan na nilakad natin," sabi niya.. "Baka mahanap ko pa iyon."Umalis ang lalaki. Naiwan ang babae, suot pa rin ang kanyang saya. Nanghihina siya at ni hindi makahiga sa kama. Napako siya sa kanyang kinauupuan. Ni hindi siya makapag-isip.Ala-siyete na nang makabalik ang kanyang asawa. Hindi nito nakita ang kuwintas.Nagtungo ang lalaki sa istasyon ng pulis, nag-alok ng pabuya. Nagtungo rin siya sa mga diyaryo, sa mga kompanya ng taxi, sa lahat ng lugar na makapagbibigay sa kanya ng kahit katiting na pag-asa.Buong araw na hinintay ng babae ang kanyang asawa. Di masukat ang kanyang pagkawindang sa inabot nilang kamalasan.Gabi na nang umuwi si Ginoong Loisel. Hapis at namumutla ang kanyang mukha. Bigo ang kanyang paghahanap."Kailangang sulatan mo si Ginang Forestier," sabi ng lalaki, "at sabihin mo sa kanyang napatid mo ang kalawit ng kuwintas at ipinapagawa mo pa ito… nang sa gayo'y may oras pa tayo para maghanap."Isinulat ng babae ang idinikta ng asawa.Natapos ang linggong iyon at naglaho na ang pag-asa ng mag-asawa.Sabi ni Ginoong Loisel na tila tumanda ng limang taon:"Dapat nating palitan ang nawalang diamante."Kinabukasan, dinala ng mag-asawa ang kahong pinaglagyan ng kuwintas sa alahero na ang pangalan ay nakasulat sa loob ng kahon. Kinonsulta ng alahero ang kanyang talaan."Ginang, hindi ako ang nagbenta ng kuwintas. Maaaring ako lamang ang nagbigay ng kalawit."Nagpunta ang mag-asawa sa iba't ibang alahero. Naghanap sila ng kuwintas na kapareho ng nawala. Pilit nilang inalala ang itsura nito, at nalipos sila ng pagsisisi at labis na pagdadalamhati.Sa isang tindahan sa Palais-Royal, may nakita ang mag-asawa na diamante na tila kawangis ng hinahanap nila. Nagkakahalaga iyon ng apatnapung libong francs. Nakatawad ang mag-asawa kaya't naging tatlumpu't anim na libong francs na lang ang halaga ng diamante.Nagmakaawa ang mag-asawa sa alahero na huwag ibenta ang diamante sa loob ng tatlong araw. At inareglo rin nila na bago magtapos ang Pebrero, makukuha nila sa halagang tatlumpu't apat na libong francs ang ikalawang diamante sakaling may makabili na ng unang napili nila.May labing-walong libong francs si Ginoong Loisel na minana niya sa kanyang ama. Ipangungutang na lang niya ang iba pa.Nakahiram nga ng pera ang lalaki. Nakakuha siya ng isang libo sa isang kaibigan, limang daan sa isa pa, limang louis dito, limang louis doon. Lumagda siya ng mga kasulatan, pumasok sa mga mapanganib na kasunduan, namalimos sa kung sinu-sinong mga nagpapautang. Isinanla niya ang kanyang mga nalalabing taon, ipinagsapalaran ang kanyang lagda nang walang kasiguruhan kung matutupad niya ang mga napagkasunduan, at nangilabot siya sa kanyang sariling kinabukasan, sa napakadilim na hinaharap na nakatakdang bumagsak sa kanya, sa mga pangitain ng lahat ng klase ng pagdarahop at pagdurusa… hanggang sa nabili ng lalaki ang bagong kuwintas at naibayad niya ang tatlumpu't anim na libong francs na hiningi ng alahero.Nang isauli ni Ginang Loisel ang kuwintas kay Ginang Forestier, nagsalita ang huli nang may nanlalamig na tinig:"Sana'y isinoli mo ito agad sa akin. Maaaring nagamit ko pa sana ito."Ngunit taliwas sa kinatatakutan ng babae, hindi na binuksan ng kanyang kaibigan ang lalagyan. Kung napansin ng kaibigan ang ipinalit niyang kuwintas, ano kaya ang iisipin nito? Ano kaya ang kanyang sasabihin? Isipin niya kaya na isang magnanakaw si Ginang Loisel?Naranasan ni Ginang Loisel ang labis na kahirapan. Sa umpisa pa lang ay tinanggap na niya ng buong tapang ang kanyang kinahinatnan. Dapat na mabayaran ang pagkakautang. Kaya iyon ay kanyang pagdurusahan. Pinaalis na niya ang utusan. Lumipat silang mag-asawa ng tirahan. Nagtiyaga sila sa isang maliit na kuwartong nasa pagitan ng isang bubungan at kisame.Napilitang gawin ni Ginang Loisel ang mabibigat na gawaing-bahay at ang kinabubuwisitan niyang trabaho sa kusina. Natuto siyang maghugas ng mga pinggan. Dahil sa pag-iisis ng magagaspang na palayok at puwitan ng mga kawali, nagasgas at numipis ang kanyang mamula-mulang mga kuko. Nilabhan niya ang maruruming kubre-kama, ang mga baro at mantel, at isinampay niya ang mga iyon. Tuwing umaga, itinatapon niya ang laman ng basurahan at umiigib siya ng tubig. Kailangan niyang tumigil paminsan-minsan para habulin ang kanyang paghinga. At suot ang hamak na damit ng isang pobreng babae, siya rin ang namamalengke, dala ang kanyang basket. Naranasan niyang makipagtawaran, mainsulto, at makipag-away para sa bawat sentimo ng kanyang kakapiranggot na salapi.May mga kasulatan sa pagkakautang na dapat bayaran buwan-buwan, ang iba'y kailangang palitan ng bago, kaya't lalo pang tumagal ang mga pananagutan.Sa gabi'y kailangang magtrabaho ni Ginoong Loisel bilang tagaayos ng talaan ng isang negosyante. Sa bawat pahina, kumikita siya ng katiting na barya.Tumagal ng sampung taon ang ganitong buhay ng mag-asawa.Nang magwakas ang sampung taon, nabayaran na rin nila ang lahat ng mga pagkakautang, pati na rin ang interes na ipinatong ng mga usurero.Malaki ang itinanda ni Ginang Loisel. Katulad na siya ng iba pang matatag na mga babae na nasanay na sa kahirapan. Hindi na maayos ang kanyang buhok, masagwa na ang kanyang damit, at maligasgas na ang kanyang mga palad. Garalgal na ang kanyang boses, at kapag nagpupunas siya ng sahig, nagkalat ang tubig sa paligid. Minsan, kapag nasa opisina ang kanyang asawa, napapatigil ang babae sa tabing-bintana at naaalala niya ang gabing iyon, ang gabi ng kasayahan kung saan nagningning ang kanyang kagandahan at labis-labis siyang hinangaan.Ano kaya ang nangyari kung hindi niya naiwala ang kuwintas? Sino nga ba ang nakaaalam? Sadyang napaka-hiwaga ng buhay! Napaka-salawahan! Maaaring mawasak o mabago ang lahat sa isang mumunting dahilan lamang!Isang Linggo, habang naglalakad siya sa Champs-Elysees upang magpahinga, nakita ni Ginang Loisel ang isang babae na namamasyal kasama ang kanyang anak. Si Ginang Forestier pala iyon, at mukha pa rin siyang bata, maganda, at kaakit-akit.Nakaramdam si Ginang Loisel ng pag-aalinlangan. Dapat niya bang kausapin si Ginang Forestier? Oo, dapat lang. At ngayong nabayaran na niya ang kanyang mga utang, ikukuwento ni Ginang Loisel sa kanyang kaibigan ang lahat ng nangyari.Nilapitan ni Ginang Loisel si Ginang Forestier."Magandang umaga, Jeanne."Hindi agad nakilala ni Ginang Forestier si Ginang Loisel. Nabigla pa nga ito dahilsa kapangahasan ng pobreng babae."Ngunit… Ginang…" pautal na sabi ni Ginang Forestier. "Hindi kita kilala… Nagkakamali ka…""Hindi… Ako si Matilda Loisel."Nabigla ang kanyang kaibigan."Ay! Ikaw pala 'yan, Matilda! Ang laki ng ipinagbago mo!""Oo… Naghirap kasi ako mula nang huli tayong nagkita. At marami akong dinanas na kalungkutan… Dahil sa iyong kagagawan…""Kagagawan ko!? Paano nangyari iyon?""Naaalala mo ba 'yung diamanteng kuwintas na ipinahiram mo sa akin para sa kasayahan noon sa Ministro?""Oo. Ano'ng kinalaman noon?""Naiwala ko iyon.""Hindi ba't ibinalik mo naman iyon sa akin?""Ang ibinalik ko sa iyo ay kawangis lamang noon… At pinagbayaran namin iyon sa loob ng sampung taon. Alam mo namang hindi ganoon kadali para sa amin ang magbayad ng utang. Wala kaming pera… Pero bayad na iyon ngayon… At natutuwa ako dahil tapos na ang aming obligasyon."Natigilan si Ginang Forestier."Ang ibig mong sabihi'y bumili ka ng bagong diamanteng kuwintas para palitan ang hiniram mo sa akin?""Oo… Hindi mo ba iyon napansin? Parehong-pareho kasi ang dalawa."Napangiti pa si Ginang Loisel nang buong pagmamalaki at kainosentehan.Labis na nagulumihanan si Ginang Forestier kaya't napahawak siya sa kamay ni Ginang Loisel."Ay kaawa-awang Matilda! Ang kuwintas kong iyon ay isang imitasyon lamang. Nagkakahalaga lamang iyon ng hindi hihigit sa limang daang francs!" *~ CMSHS STUDENT ^^
sa pula sa puti ni francisco soc rodrigo?Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema.Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!Celing: E ano kung puti?Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.Celing: Totoong-totoo?Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.Kulas:(Kukunin ang salapi)Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)Sioning: Kumusta ka, Kulas?Kulas:(Nagmamadali)Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.(Lalabas si Kulas).Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.Sioning: Celing, talaga bang…Celing: Sandali lang ha, Sioning.(Sisigaw sa gawing kusina).Teban! Teban! Teban!Teban:(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).Ano po iyon Aling Celing?Celing:(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!Teban:(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam kaninuman.Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo yata ako.Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.Sioning:(May kahinaan din ang ulo).Sa anong dahilan?Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.Sioning:(Lalong lalakas ang sigawan).Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin.(Dudungaw)O heto na nga si Teban. Tumatakbo.(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).Teban:(Tuwang-tuwa)Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.(Magmamadaling lalabas si Teban).Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.Kulas:(Mainit ang ulo)Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)Castor: Hoy, Kulas kumusta na?Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?Castor: O saan?Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.Kulas: Ano bang hindi tama?Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!Kulas: Ngunit paano iyan?Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?Castor: Talaga bang gusto mo malaman?Kulas: Aba, oo. Sige na.Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)Kulas:(Ibibigay ang tinali kay Castor).O heto, Castor.Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.Kulas: Karayom?Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!Kulas: Ah…(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)O heto ang karayom.Castor:(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo…(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)Hayan!(Ibababa ang tinali.)Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo.Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.Kulas:(Balisa)Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.Kulas: Kung sa bagay…Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.Kulas: Siya nga, may katwiran ka.Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.Kulas: Oo…Este…Castor…Castor: O, ano na naman?Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.Castor:(Tatawa)Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?Kulas:(Lulundag na palapit.)Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.Sioning:(Kikindatan si Celing)Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!Celing: Magkano ba ang kailangan mo?Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.Celing: Dalawampung piso?Sioning: Susmaryosep!Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.(Mag-aatubili si Celing).Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.Celing: O buweno, heto.(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)Kulas:(Kukunin ang salapi)Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).Celing:(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)Teban! Teban!Sioning: Teban, madali ka!(Papasok si Teban buhat sa kusina)Teban: Opo, opo, Aling Celing.Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.Teban:(Magugulat sa dami ng salapi).Dalawampung piso ito a…Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.Teban:(Hindi maintindihan)ito ba'y itotodo ko?Sioning: Oo, todo.Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…(lalabas si Teban).Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.Sioning: Eh ano pa?Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.(Lalong lalakas ang sigawan)Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami.Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.(Agad huhupa ang sigawan).Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas.Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.Celing: Huwag kang mag-alala…(Papasok si Teban)Teban:(Walang sigla)Aling Celing, natalo po tao.Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.(Lalabas si Teban)Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.Celing:(Nalulungkot)Siya nga.Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan.(Papasok si Kulas na nalulumbay).Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman.Sioning: Ha?Celing: Ano kamo?Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!Celing:(May hinala)Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor.Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?Celing:(Lalo pang maghihinala)Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.Sioning:(Magliliwanag ang mukha)A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.Celing: Siya nga pala.Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).Celing: Teban! Teban!(Lalabas si Teban)Teban: Ano po iyon?Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.Teban: Alin pong pera?Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.Teban: Aba e, natalo po, e.Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.Teban:(Hindi maintindihan)Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?Teban: Opo.Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?Teban: Kay Aling Celing po.Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim.Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.Kulas:(kay Celing)A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayoawawalan.Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na…Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang pera?Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta.Sioning: Naku, at lalong nag-block out.Celing:(Kay Kulas)Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope(Tatawa)Kulas: Aba, at nagtawa pa.Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?Celing:(Tumatawa pa)Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.Kulas: Ha! Maghahanda?Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.Teban: Opo, opo.(Lalabas sa pintuan ng kusina)Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso.Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.Kulas: Huling paalam?Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng ulam.Kulas: Bakit?Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.)
Ang "Lupain ng Taglamig ni Rogelio" ay isang maikling kwento ni Rogelio Sikat na nagsasalaysay tungkol sa isang magsasaka na naghahanap ng mas magandang buhay sa kabundukan. Ito ay tungkol sa pakikibaka ng tao sa kalikasan at ang kanyang pakikisalamuha sa kapwa at kalikasan.