answersLogoWhite

0


Best Answer
RomantisismoSa teoryang romantisimo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay angpapakita ng pagmamahal ng Tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa. HumanismoBinibigyang pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagandang damdaming taglay ng isang Tao.Itinataas din ang karangalan ng Tao bilang sentro ng akda. Ipinakikita ang magagandang saloobin ng Tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda. Maari ring idagdag ang magagandang damdaming taglay ng tauhan. Ito'y namayagpag sa makabagong panahon. EksistensyalismoBinibigyan-diin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan. Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan niyang harapin anuman ang magiging kahinatnan nito. Mahalagang makita ang kalakasan ng paninindigan ng tauhan. Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon at kung paano niya ito harapin. Ito'y namayagpag sa panahon ng Kastila at hanggang sa kasalukuyan.Ang teoryang ito ay nagpapakita ng isang konseptong ipinaglalaban ng karakter.Ipinapakita rin nito kung papaano nya iyon ipinaglaban. NaturalismoAng teoryang Naturalismo ay nagtataglay ng mga pinasidhing katangian ng teoryang Realismo. Sa teoryang Naturalismo, itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalaban-labang mga Tao. Mas detalyado ang paglalarawan ng mga kasuklam-suklam na pangyayari sa buhay ng Tao. Tinitignan ang Tao na parang hayop na pinag-eeksperementuhan sa isang laboratoryo. Natural sa teoryang ito ang pagkakahati ng lipunan: mayaman at mahirap, babae at lalaki, mabait at masama. PormalismoPinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o pagkabuo nito. Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag. Kabilang din dito ang sukat sa tula na nagpapakita ng bilang ng pantig sa bawat taludtod. Maaring itong lalabindalawahin, lalabing-anim at iba pa. Ang tugmaan naman ay ang pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling salita sa bawat taludtod. Kariktan naman kapag gumagamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mambabasa dahil may adhikaing gawing obhektibo ang pagsusuri , wala rin lugar ang opinyon at interpretasyon ng mambabasa. Ito'y namayani sa panahon ng amerikano at kasalukuyan. MarkismoMahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap . Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas ng dukha ang mayaman. Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng Tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y sumibol sa panahon ng kastila at hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon ImahismoNakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mamababasa. Ito'y naghari sa panahon ng amerikano. MoralistikoIpinalalagay ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang nilalang na balon ng maraming kaalaman. Ginagamit ng manunulat ang kanyang akda bilang instrumentong maaring paghanguan ng mga aral na gagabay sa pangaraw-araw na buhay at pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maari niyang dalhin ang kanyang mambabasa sa mabuti o masamang landas. Namayagpag ito sa panahon ng kastila at makabagong panahon. SosyolohikalNaniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan ,kultura,at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan. Namayagpag ito sa panahon ng Propaganda. BiyograpikalNaniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid. Kung gayon, ang mga isinusulat niyang mga akda ay mga hibo o impluwensiya ng mga karanasan at nangyari sa buhay. Ito'y namayagpag sa kasalukuyan. SikolohikalAyon kay Freud at crionatekstong matapang (ama at ina ng sikolohiya), ang Tao ay isang iceberg na lumulutang sa ibabaw ng karagatan. Nahahati ang iceberg ("bundok ng yelo") sa dalawa ang nakikitang bahagi at ang nakalubog na bahagi. Ang nakikitang bahagi ay ang Malay na bahagi ng ating katauhan: ito ang mga impormasyon na alam ng Tao ukol sa kanyang sarili. Ang nakalubog na bahagi naman ay ang di-Malay na bahagi ng ating katauhan. Tungkulin ng manunuri nito na pag-aralan ang kabataan at personalidad ng may akda at kung paano nilikha ng manunulat ang kanyang akda. Namayagpag ito sa kasalukuyan. ArketipalAyon kay Carl Jung at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa pananaw ni Freud na may di-Malay na bahagi ang Tao,subalit Hindi ito personal na unconscious, bagkus ay kolektibong unconscious. Naniniwala rin siya na magkakatulad o iisa lamang ang karanasan ng NASA di-Malay na bahagi ng isipan ng mga Tao. Ito ay bunga ng iisang karanasan ng mga ninuno ng Tao na naipapasa sa kasalukuyang henerasyon at dahil dito nakalilikha ang mga manunulat ng mga imahen at pangyayaring hango sa mga sinaunang teksto. Patuloy itong namamayagpag sa kasalukuyan. PeminismoSa teoryang ito, maaring tignan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda. Ito'y maaring komokompows ng mga panlipunan, kultural, pulitikang pamamalakad, teorya, at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan ng kasarian.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa Tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

11y ago

anong teorya ng panitikan ang kwento ni mabuti

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

11y ago

mga teorya pinagmulan ng pilipinas

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

11y ago

wala

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

13y ago

123456

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

12y ago

suma nimo

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Anu ano ang teorya ng panitikan?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp