"Inhinyero" is the Filipino term for "engineer," referring to a professional who applies scientific and mathematical principles to design, build, and maintain structures, machines, and systems. Engineers work in various fields, including civil, mechanical, electrical, and software engineering. Their role is crucial in developing innovative solutions to address technical challenges and improve infrastructure and technology.
Tagalog of engineer: inhinyero
The abbreviation of "inhinyero," which is the Filipino term for "engineer," is "Engr." This abbreviation is commonly used before a person's name to indicate their professional title.
tungkulin ng inhenyero
ewanmataas na antas ng kaalaman sa teknolihiya sistema ng pagsulat organisado at sentralisang pamahalaan sining
Idolo ng Masa ang paboritong tawag kay Ramon Magsaysay noon.Pagsilang: Agosto 31, 1907-Iba, Zambales-Exequiel MAgsaysay, Perfecta Del FieroPag-aaral:Castillejos Elementary School-Zambales Academy-Unibersidad ng Pilipinas, inhinyero, Mekaniko-Jose Rizal College, KomersyoPag-aasawa at Pamilya: Luz Banzon-Balanga, Bataan-Limang anakKamatayan: Marso 17, 1952-Mt.Manuggal, asturias, Cebu-Pagbagsak ng eroplanong sinasakyan niya
Ang tape measure ay isang kasangkapan na ginagamit para sukatin ang haba o distansya. Karaniwan itong gawa sa flexible na materyal na may mga marka ng sukat, kadalasang nasa pulgada at sentimetro. Madalas itong ginagamit sa mga proyekto sa konstruksyon, pagtutukoy sa mga sukat ng mga bagay, at sa mga gawain sa bahay. Ang tape measure ay mahalagang kagamitan para sa mga karpintero, inhinyero, at kahit sa mga simpleng gawain sa bahay.
Ang "gantry operator" ay isang tao na nagpapatakbo ng mga makinarya na ginagamit sa pag-aangat at paglipat ng mga kargamento. Ang "ground engineer" naman ay isang inhinyero na responsable sa mga operasyon sa lupa, tulad ng pagpapanatili ng mga kagamitan. Ang "transport and logistic" ay tumutukoy sa pamamahala ng paglipat at pag-iimbak ng mga produkto. Samantalang ang "mechanical operator" ay isang tao na nag-ooperate ng mga mekanikal na makina sa mga industriya.
Ang komunikasyon, kailanman, ay Hindi maiiwasan. Kung walang komunikasyon Hindi magagampanan ng Tao nang maayos ang kanyang tungkulin; Hindi makakamit ang mga nais at Hindi matatamo ang karunungan, kasanayan at tagumpay. Anuman ang kalagayan ng Tao -- pipi man, gwapo, inhinyero o emperador, gustuhin man niya o Hindi ay nagiging bahagi siya ng komunikasyon - Berbal man o di berbal. Ang isang naglalakad na babae, makakasalubong niya o maaari ring iiwas niya ang kanyang tingin dito. Alinmang reaksyon ang ibigay ng babae ay may mensahe siyang ipinaaabot o may nagaganap na komunikasyon.Maaaring ang komunikasyon ay interpersonal o dalawahang pag-uusap, pangmaliit na grupo o pampublikong komunikasyon. Paano man nagaganap, nakatutulong ito sa Tao na magsimula, maglinang, magkontrol at magpanatili ng relasyon sa kapwa Tao.Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng komunikasyon sa relasyon ng mga Tao sa epektibong pagsasakatuparan ng mga gawain at tungkulin kayat Hindi nakapanghihinayang ang mga panahon gugugulin sa paglinang ng kasanayang at kahusayan dito. Ang pakikipag-usap nang maraming iba't ibang bilang ng Tao araw-araw ay Hindi nagbibigay katiyakan na ang isang indibidwal ay mahusay nang komyunikeytor. ang pagalam at paglinang ng mga pamamaraan upang maging mahusay na komyunikeytor ay makapaghahatid ng tagumpay sa relasyon at sa lahat ng aspekto ng buhay at makapagdudulot ng pansariling kaganapan o self - fulfillment.Ayon sa kahulugang ibinigay ni Webster (1973), ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.Masasabi na ang komunikasyon ay pakikibahagi ng Tao sa kanyang kapwa at pakikibagay sa kanyang kapaligiran.Ayon naman sa bagong American College Dictionary Nina Barnhart, ang komunikasyon ay pagpapahayag at paglilinang ng ideya, opinion o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat at pagsenyas.Special Thanks to:Komunikasyon sa Akademikong Filipino (filipino 1)Adventist University of the Philippines (AUP)Puting Kahoy, Silang Cavite
Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak Abril 19, 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap, ang ikasiyam na pangulo ng Republika ng Pilipinas o ika-13 simula noong Unang Republika. Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya Nina Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero, at ni Maria Marcelo. Nilalaman [itago] Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula. Pinasok ni Estrada ang larangan ng pulitika noong 1967 nang mahalal siya bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll. Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution. Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa "Three Outstanding Senators of the Year". Isa si Estrada sa mga senador na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992. Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997. Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat ng boto. "Erap Para sa Mahirap" ang kaniyang islogan sa pangangampanya.
Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 - k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay Hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima Mga Magulang May palayaw na Pepe, siya ay ang ika-pito sa labing-isang anak Nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo[2]. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal). Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal. Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak Nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849. Kabataan Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring nakaaangat sa buhay dahil sa kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang labing-isang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad. Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang alpabeto sa edad na tatlo at limang taong gulang naman nang siya ay mututong bumasa at sumulat. Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking pagguhit at paglilok. Walong taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa Aking Mga Kababata," na ang paksa ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na noon ay Tagalog)[3] Edukasyon Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz sa Biñan, Laguna. Pagkatapos noon, siya ay ipinadala sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo de Manila University at doon ay tinamo ang Bachelor of Arts noong 1877 (siya ay 16 taong gulang) at nakasama sa siyam na estudyanteng nabigyan ng sobresaliente o namumukod-tanging marka. Ipinagpatuloy ni Jose ang pag-aaral sa Ateneo upang maging dalubhasa sa pagsusukat ng lupa at pagiging asesor. Natapos siya sa kursong asesor noong 21 Marso 1877 at naipasa ang Lupong Pagsusulit para dito noong 21 Mayo 1878 subalit dahil siya ay 17 taong gulang pa lamang ay Hindi siya pinahintulutang magtrabaho bilang asesor hanggang 30 Disyembre 1881. Noong 1878, pumasok siya sa University of Santo Tomas upang mag-aral ng medisina ngunit dito ay naranasan niya ang diskriminasyon mula sa mga paring Dominikano. Ipinasya niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa Espanya ng sa kaalaman ng kaniyang mga magulang. Noong 21 Hunyo 1884, sa edad na 23, iginawad sa kanya ang Lisensiya sa Medisina at noong 19 Hunyo 1885, sa edad na 24, ay natapos din niya ang kurso sa Pilosopiya na may markang ekselente. Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil niya ito upang mag-aral ng optalmohiya sa Paris sa ilalim ng pagtuturo ni Dr. Weckert at sa Aleman sa ilalim ni Dr. Otto Becker. Ginawa niya ito sapagkat noong panahong iyon ay malala na ang sakit sa mga mata ng kaniyang ina. Sa Berlin, siya ay naging kasapi ng Berlin Ethnological Society at Berlin Anthropological Society sa ilalim ng pamunuan ng pamosong patolohistang si Rudolf Virchow Paglalakbay " He who knows the surface of the earth and the topography of a country only through the examination of maps..is like a man who learns the opera of Meyerbeer or Rossini by reading only reviews in the newspapers. The brush of landscape artists Lorrain, Ruysdael, or Calame can reproduce on canvas the sun's ray, the coolness of the heavens, the green of the fields, the majesty of the mountains...but what can never be stolen from Nature is that vivid impression that she alone can and knows how to impart--the music of the birds, the movement of the trees, the aroma peculiar to the place--the inexplicable something the traveller feels that cannot be defined and which seems to awaken in him distant memories of happy days, sorrows and joys gone by, never to return. " --Rizal, "Los Viajes" [4] Kay Rizal ang isa sa mga pinakadokumentadong buhay noong ika-labingsiyam na siglo dahil sa mga tala tungkol sa kaniya (ang ilan sa mga ito ay sa tala-arawan niya mismo nanggaling),[5] kahit pa nahirapan ang mga manunulat na gumawa ng kaniyang talambuhay dahil sa paggamit niya ng iba't ibang lengguwahe. Karamihan sa mga tala ay hinango mula sa kaniyang paglalakbay bilang isang batang Asyanong namumulat sa kultura ng Kanluran. Kasama rin dito ang kaniyang paglalakbay sa Europa, Hapon, Estados Unidos, at sa Hongkong kabilang na rin ang mga babaeng naging bahagi ng kaniyang buhay.
SaranggolaNi Efren R. AbuegRading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang lalaki, walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon."Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng saranggola," wika ng ama."Hindi ako marunong, Tatay," anang batang lalaki."Madali 'yan. Tuturuan kita," sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak.Bumili nga ito ng papel at kawayan at tinuruang gumawa ng saranggola ang anak."Tatay… ibili mo ako ng guryon," sabi uli ng bata sa ama."Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas. Madadaig mo ang taas at tagal ng lipad ng guryon!"Nainis ang bata sa kanyang ama."Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay," anang bata. "Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang istasyon ng gasolina sa bayan… bakit daw kay liit ng saranggola ko!"Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati na ang pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang, wasak-wasak.Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang tali niyon. Umalagwa ang saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang nakasampid sa isang balag."Tingnan mo…hindi nasira," nagmamalaking wika ng ama. "Kung guryon 'yan, nawasak na dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak, laging nawawasak."Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging katorse anyos siya. May iba na siyang hilig; damit, sapatos, malaking baon sa eskwela, pagsama-sama sa mga kaibigan."Anak… dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira, saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi madaling kitain ang salapi," pagunita ng kanyang ama."Kawawa nga ako, Tatay," katwiran ng bata. "Anak ako ng tanging may-ari ng istasyon ng gasoline at machine shop sa bayan natin, pero ang itsura ko… parang anak ng pobre.""Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa eskwela at husto ka rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan ang isang kabataang tulad mo. Hindi natututuhan ang pagtitipid."Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit dito. Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga kabarkada at madalas, pinatatao sa istasyon ng gasolina at pinatutulong sa machine shop kung araw na walang klase."Pinahihirapan talaga ako ng Tatay," puno ng hinanakit ang tinig na pagsusumbong ng bata sa ina. "Kaisa-isa pa naman akong anak, ang turing niya sa akin… parang ampon!""Hindi totoo ang sinabi mo, anak," malumanay na sansala ng kanyang ina sa paghihinanakit niya sa ama. Alam mo mataas ang pangarap niya para sa iyo.""Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?""Ibig niyang maging mahusay kang inhinyero."Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama. Gayunman, hindi siya makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang kanyang ina.Nang labingwalo na siya napagkaisahan ng kanyang mga barkada na kumuha sila ng commerce."Mabuti 'yon. Magsama-sama tayo sa isang unibersidad," mungkahi ng isa sa limang magkakaibigan.Pumayag siya. Ngunit nang kausapin niya ang ama, tumutol ito."Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig ang commerce. Palagay ko mechanical engineering ang bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong ina."Masama man ang loob, sumangguni pa rin siya sa ina."Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin ko….engineering nga ang bagay sa iyo. May machine shop tayo…sino ba ang magmamana niyon kundi ikaw?"Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang barkada. Napag-isa siya sa pag-aaral sa lunsod at ngayong binata na siya, hindi na hinanakit kundi paghihimagsik sa ama ang kanyang nadarama."Ayoko nang mag-aral, Inay," sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya nito sa dormitoryo. "Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?"Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban."Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti sa iyong hinaharap.""Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?""Makabubuting matuto kang magtiis. Pagkatapos mo naman ng pag-aaral at magtagumpay ka sa hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat.""Bakit kailangan ko pang magtagumpay? Hindi ba't ipamamana ninyo sa akin ni Itay ang ating kabuhayan?""Totoo iyan, anak…pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi mo alam ang mga hirap sa pagtatayo niyan?"Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip niyang makapagtitiis pa siya. Isinubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral.Nakatapos naman ng inhinyerya ang binata. Hindi siya pangunahin sa klase, ngunit sa pagsusulit sa gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang dalawampu."Ngayon anak…bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa paghahanapbuhay," sabi ng kanyang ama nang makuha na niya ang lisensiya bilang mechanical engineer.Namangha siya."Akala ko…ako na ang hahawak ng ating machine shop pagkatapos ko ng pag-aaral," nawika niya sa ama."Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka ibig ko, magpundar ka ng sariling negosyo.""Bakit pa, Itay? Mayroon na tayong negosyo.""Mabuti na 'yong makatindig ka sa sarili mong mga paa."Tinanggap niya ang halagang ipinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya ng tirahan sa mga magulang."Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong isaisip mong, ang kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala."Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya nanininwala sa sinabi ng kanyang ina. Naging lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama.Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-agad siyang pinagsadya ng kanyang ama."Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng machine shop? Magkukumpetensiya pa tayo rito.""Akala ko ba'y bahala na ako sa buhay ko, Itay?"Natigilan ang kanyang ama. Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita bago lumisan."Kung sa bagay…mabuting magturo ang karanasan!"May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit na machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na malaki ang machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito. Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng materyales. Nang hindi siya makabayad, inilit ang mga makinang kanyang ginagamit."Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa mungkahi ko na umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng puhunan sa sarili mong pagsisikap."Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga magulang. Dumabog siya sa harap ng ama."Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba ninyong makitang nahihirapan ako?""Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi madali ang mabuhay sa mundo, anak.""Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga anak?""Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa mga itinuturo nila sa mga ito."Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man lamang nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho hanggang pagkaraan ng limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at nakabili ng maliit na machine shop. Kumuntrata siya ng paggawa ng tambutso sa isang auto assembler at kumita siya nang malaki. Sa loob ng tatlong taon, gumawa na rin ang machine shop niya ng mga partes ng kotse.Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang may edad nang ina. Isang araw, dumating ito sa kanilang bahay, gaya ng dati may pasalubong sa tatlong apong lalaki."Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw dahil sa hinanakit mo," sabi ng kanyang ina."Kinalimutan ko na, Inay, na nagakaroon ako ng ama!"Umiyak ang kanyang ina."Kung gayon… baka hindi na kayo magkita, anak!" nawika nito bago umalis.Sa tindi ng hinanakit, hindi pa rin niya binigyang-halaga ang bulalas na iyon ng kanyang ina. Nagpakagumon siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong kontrata hanggang sa loob pa ng dalawang taon, kilala na ang kanyang machine shop sa Pasay. Isang araw, hindi niya dinatnan ang kanyang asawa at tatlong anak sa bahay."Nasaan sila?" usig niya sa katulong."Umuwi ho uli sa probinsya. Patawirin daw ho ang inyong ama!""Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?"Tumango ang tinanong na katulong."May dalawang ulit na hong regular silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang inyong matanda."May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya sa galit. Ngunit sa pagkaunawang patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang masasayang sandali sa piling nito. Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng saranggola."Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas, nasa husay, tiyaga at ingat iyan!"Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng kanyang ama. Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang sinilangan."Patay na siya!" bulalas ng kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib.May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang hinanakit. Nilapitan niya ang ina at sa pagkakayakap dito, umiyak siya nang marahan, kasamang nagdadalamhati ang lahat ng himaymay ng kanyang laman."Huwag kang umiyak… namatay siyang walang hinanakit sa iyo." Anas ng kanyang ina."Wa-walang hinanakit?""Oo, anak… dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. At sabi niya sa akin, pati sa asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon."Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon, nagunita na naman niya ang pagpapalipad nila ng saranggola."Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Hayaan mo… tuturuan kita!" paliwanag na ama.Rading, Paquito, Nelson…tandaan ninyo ang kwentong iyan. Kwento 'yan namin ng inyong namatay na lolo. Kwento naming dalawa.