answersLogoWhite

0

ewanmataas na antas ng kaalaman sa teknolihiya sistema ng pagsulat organisado at sentralisang pamahalaan sining

User Avatar

Rachel Erdman

Lvl 10
3y ago

What else can I help you with?

Related Questions

Naiambag ng hapon sa pilipinas?

Kilala ang bansang Japan na isa sa mga bansang mahuhusay sa paglikha ng mga modernong teknolohiya. Isa ito sa mga naiambag nila sa ating bansa. Marami rin silang naiambag sa larangan ng panitikan, sining, at kultura.


Kailan pinanganak si apolinario mabini?

Si Apolinario Mabini ay pinanganak noong Hulyo 23, 1864, sa Bauang, La Union, Pilipinas. Kilala siya bilang isang mahuhusay na lider at tagapayo ng mga rebolusyonaryong Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya rin ay tinaguriang "Dakilang Lumpo" dahil sa kanyang kapansanan, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanyang mga kontribusyon sa kasaysayan ng Pilipinas.


Sino ang pinakamagaling na heneral ng himagsikan?

Ang pinakamagaling na heneral ng himagsikan sa Pilipinas ay kadalasang itinuturing na si Heneral Emilio Aguinaldo, na naging lider ng Katipunan at unang pangulo ng Pilipinas. Siya ang nanguna sa mga laban laban sa mga mananakop, kabilang ang laban sa mga Espanyol at Amerikano. Gayunpaman, may iba ring mahuhusay na heneral tulad ni Heneral Antonio Luna na kilala sa kanyang galing sa taktika at disiplina sa mga tropa. Ang kanilang mga kontribusyon ay mahalaga sa kasaysayan ng himagsikan.


Ano ang ibigsabihin ng Minoan?

Ang Minoan ay tumutukoy sa isang sinaunang sibilisasyon na umunlad sa pulo ng Crete sa Greece mula sa humigit-kumulang 3000 BCE hanggang 1450 BCE. Ito ay kilala sa kanilang mga kahanga-hangang palasyo, sining, at kalakalan, pati na rin sa kanilang mahuhusay na sistema ng pagsusulat, gaya ng Linear A. Ang pangalan ng sibilisasyon ay nagmula kay Haring Minos, isang mitolohiyang pigura sa Griyego. Ang Minoan ay itinuturing na isa sa mga naunang sibilisasyon sa Europa.


Ano ang dahilan ng pagbagsak na akkadian?

Wala itong gaanong natural na depensa laban sa mga mananalakay.


Sino si augustus octavius Ano ang kanilang nai ambag sa rome at ano ang kanilang pagkatao?

Si Augustus Octavius, na kilala rin bilang Gaius Octavius, ay ang unang emperador ng Roma at inilarawan bilang isang mahuhusay na lider at strategist. Ang kanyang mga naiambag sa Roma ay kinabibilangan ng pagtatatag ng Pax Romana, isang panahon ng kapayapaan at kasaganaan, at ang reporma sa administrasyon at sistema ng buwis. Kilala siya sa kanyang kakayahang magtayo ng matibay na pamahalaan at ang kanyang diplomatikong istilo, na nagpatatag sa kanyang kapangyarihan at nagbigay-daan sa pag-unlad ng imperyo. Sa kabila ng kanyang tagumpay, siya rin ay may reputasyong matatag at minsang malupit sa mga kalaban.


Programa ni Carlos Garcia?

Ano ang mga nagawa ni Carlos P. Garcia· Inilunsad niya ang patakarang "Pilipino Muna" noong ika-21 ng Agosto 1958.· Ipinagpatuloy rin ni Garcia ang pakikipag-ugnayan sa mga karatig-bansa sa Asya. Noong 1959, hinikayat nina Pangulong Garcia at Tungku Abdul Rahman ng Malaysia ang mga bansa sa Asya na bumuo ng isang samahan ngunit tanging Thailand lamang ang tumugon.Itinatag ang tatlong bansa ang Association of Southeast Asia (ASA) noong 1961.· Muling pagpapalakas ng demokrasya sa bansa sa pamamagitan ng paggalang sa mga karapatang pantao.· Muling pagsasabuhay ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gantimpala at parangal sa mahuhusay na Pilipino sa larangan ng sining, agham, at panitikan (Republic Cultural Heritage Award)· Paglikha ng Jose Rizal Centennial Commission na namahala sa pagdiriwang ng First Centenary of the National Hero of the Philippines noong ika-19 ng hunyo 1971.Ang pinakakilalang programa niya ay ang Pilipino Muna (Filipino First Policy). Dito ay binibigyan ng prayoridad ang mga Pilipino kaysa sa mga dayuhan lalo na pagdating sa pag-aayos ng mga papeles at


What is the meaning of bagobo?

Matatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng gulpo ngDavao. Maputi sila, may matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang baba. Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Español sa Mindanao. Noong panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mga Gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at lalaki gayundin ang paghabi ng basket. Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang bayani ang mandirigma at ang datu ang pinuno ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu ang tumayong huwes, mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o paring babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sa paghabi. Sa mga Bagobo, tinatawag nila ang Mt. Apo bilang Apo Sandawa. Ang Apo Sandawa ay isang sagradong lugar para sa kanila. Nagsimula ang tribo nang dumating ang mga taong nagdala ng Hinduism sa Mindanao. Nagpakasal sila sa mga lokal at bumuo ng bagong lipunan. Saan ba nanggaling ang salitang Bagobo? Nahahati ang salitang Bagobo sa dalawa - BAGO at OBO. Sa kanilang wika, ang OBO ay may kahulugan na tumubo. Kaya ang kahulugan ng Bagobo ay bagong pormasyon ng mga tao sa baybayin ng Gulpo ng Davao.


Script ng balagtasan tungkol sa Sipag at Talino?

SIPAG O TALINOLakandiwa: Alin ang mabisang puhunan ng tao? Sa pagpapaunlad ng bayan?Sipag: sipagTalino: talinoLakandiwa: ako nga palang lakandiwang nangbuhat pa sa Bulacan. Buong galang na sa inyo'y bumabati't nagpupugay. Taglay ko din ang pag-asang, naway maging matagumpay. Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi'y balagtasan. Paksang aking ilalatag, patiwari'y mahalaga. Pagkat nasasangkot dito'y Bayan nating sinisinta.Sa pag-unlad nitong bayan, puhuna'y ano baga, Ang SIPAG ba o TALINO ,alin ang mas mahalaga.? Kaya't inyong lakandiwa,ngayo'y muling nag-aanyaya ng dalwang mambibigkas ng mahusa'y at kilala. Ang hiling ko'y , salubungin ng palakpak ang dalawa. Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.Sipag: Kapag baya'y umunlad. Ang papko'y pinupukol. Sa gobyerno at mga tao, sama-sama't tulong-tulong. Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati'y ano ngaun? Wala na ngang trabaho. Kabuhaya'y urong-sulong. Kasipaga'y puhunan nating lahat sa gawain, maliit man o malaki. Mahirap man ang gampanin. Kung ang ating kasipagan, itatabi't magmamaliw. Pilipinas year 2000, di natin masalapi.Talino: Akong aba'y inyong lingkod, isinilang na mahirap, at ni walang kayamanan, maaaring mailantad. Pamana ng magulang ko, ay talinong hinahangad, pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad. Sa gobyerno at lipunan, mga tao'y may puhunan na kanilang tataglayin, habang sila'y nabubuha'y. Ang talino ang nagbubuklod, sa pambansang kalayaan, nagbibigkis sa damdamin, makayao't makabayan.Lakandiwa: Matapos maihayag ang panig ng magtatalo, ngayo'y aming ihahanda sa lawak ng pagtatalo. Bawat isa'y magpapalaong sa impormasyon at sa mga issue. Kaya't inyong timbangin upang inyong mapagsino.Sipag: tuwing mayroong magagalak na halalan sa ating bayan, sinusuri mga kandidata, may nagawang kabutihan, ang anong natapos na kurso, ay di na inaalam. Kakayahan nya't sipag, tangaing pinag-uusapan, aanhin mo ang talino kung di naman nagagamit, mga tao'y umaasa, lalo't silay nagigipit. Matalinong naturingan, tamad naman walang bait. Nawawalan ng bansag, kaluluwa ang kapalit.Talino: nalimutan ng kantaro'y, mga bayaning namatay, na nagtanggol sating bayan , ng laya ay makamtan. Ngunit dahil sa talino, taglay nila nung araw, ngayon tayong lahat alipin pa ng dayuhan. Iba nga'y naging presedente o kongresman. Lahat sila ang talino ay di natin matawaran. Mga batas na pinatupad sa ating bayan, pinuhunan ay talino , kaya't sila'y naging gabay.Sipag: Sa dami ng matalino, namumumuno sa ating bansa, Ibat-ibang pagpapasya at maging paniniwala. Utos dito utos doon, sila'y di gumagawa, kaya't laging nababalang kapakanan naming dukha. Samantalang kung masipag itong mga punong halal, sa problema at kalamidad, sila'y laging naririyan, hindi na kailangang tawagin sila kung saan, pagkat pagtulong nila'y kambal ng kasipagan.Talino: Tila yata nalimutan nitong aking katunggali, sa pagtulong ay talino ang gamit palagi, pag maroong kalamidad, manlloko'y andiyan palagi, kay'yt anong mahalaga, Talino'y ipagbunyi. Matataas na gusali, Super market, pubric at mall, fly overs,sky ways, at ibat-ibang kominikasyon. Lahat ng yan ay nagawan, talino'y naging puhon, kayat bayan ay umunlad, angt biyaya;y tuloy-tuloy.Sipag: SIPAG ANG KAILANGAN !!Talino: TALINO ANG PUHUNAN !!Sipag: matalino nga tamad naman!Talino: ang taong tamad ginagamit ang talino para sumipag.Sipag: sipag.!Talino: talino.!Lakandiwa: Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa. Pagtatalo nitong dalwa, mahuhusay na makata, pagkat tila nag-iinit, at di masawata. Lahat ng katwiran, nakatatak sating diwa, ang talino ay wika, kayamanang handog ng Dyos, lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa't loob. Kasipagan at talino, pasaning walang toos, kaya't dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos. Ang talino'y syang utak sa balangkas na paggawa. Ang sipag namay syang bisig sa planong binabadya. Kung ang isa'y mawawala, walang silbing magagawa. Kaya't kapwa mahalaga. PANALO SILANG KAPWA!!-jobie anne francisco


Who is rizal to you?

"SI RIZAL SA AKING PANINGIN" Jose Rizal, isang pangalang kilala ng bawat isang Pilipino. Ngunit sino nga ba si Rizal sa aking paningin? Maraming salita ang pwede kong ikabit kay Rizal tulad ng Talino, Kalmado, Pag-ibig, pero ang unang-unang pumapasok sa utak ko pag sinabing Rizal ay bayani o kalayaan. Kung bakit itong mga salitang ito ang aking ginamit sa salitang Rizal? Malalaman mo rin sa pagpapatuloy mo sa pagbasa mo nito. Bakit Talino? Sino ba namang Pilipinong tangang sasabihan si Rizal ay bobo. Alam naman natin na nagmula sya sa mayamang angkan at nkapag-aral ng iba't ibang lenguwahe, kurso at nagkamit ng samut-saring parangal. Alam mo ba na nanalo si Rizal sa Liceo na isang patimpalak bilang paggunita kay Cervantes na isang pambansang makata ng mga Espanyol. Biruin mo yun tinalo nya ang mga mahuhusay na Kastilang manunulat. Astig diba? Hindi lang yan lakwatsero rin yan si Rizal kung saan-saan siya nakakarating sa pagnanasang makasakay sa iba't ibang sasakyan abroad. Do you have gone to Spain, Germany, Japan and many more? Rizal do that you know. Yaman niya dba?O pwede ring nag TNT Si Rizal?Opinyon ko lang naman yun. Kidding aside, upang makasagap ng ibang katalinuhan si Rizal ay nangibang bayan. Sarap ng buhay nya dba? nag-aaral kana, nagtatravel kapa? Kaya masasabi kong tama nga si Rizal. Malayo ang iyong mararating kapag matalino ka at nakapag-aral ka. Talagang siya ang nagpasikat ng katagang "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan". Bakit Kalmado? Simple lang. Kung si Bonifacio pinagpapawisan ng kung anu-ano at kung saan-saan hawak ang tabak si Rizal naman sitting pretty at kung an-ano at kung saan-saan nagssulat gamit ang anti-Parker nyang pluma. Naisip ko nga ano-ano kayang uri ng bolpen at panulat ang ginamit ni Rizal? May Parker na kaya sa panahon nya? Naisip ko rin naliligo pa kaya si Bonifacio sa dami-dami ng kanyang laban? Anyway, kung mahilig ka sa chess tulad ko, makikita mo kung pano maglaro ng chess si Rizal at Bonifacio laban sa mga Kastila. Rizal wins the game in the end against Spaniards, while Bonifacio only winning at the start of the game against Spaniards parin syempre. Why? Simple because Hindi nagmamadali si Rizal sa kanyang layunin samantalang si Bonifacio sugod lang ng sugod. Upang matalo ang "king" ng Espanya ginamit ni Rizal ang kanyang malupit na "chess attack" ang kanyang "pawn" -ang kanyang panulat. Kung bakit pawn?dahil pwede itong maging queen, knight,rook at bishop na syang magpapanalo sa laban ni Rizal sa pagkakamit ng kalayaan. Marunong din kaya sa chess si Bonifacio gaya ni Rizal? Bakit Pag-ibig? Sino ba naman ang Hindi alam ang reputasyon ni Rizal sa mga babae? Chickboy si Rizal. Andyan si Julia, Segunda Katigbak, Bb. L, Leonor Valenzuela, Leonor Rivera, Consuelo Ortiga y Perez, O-Sei-San, Gertrude Beckett, Nelly Boustead at Josephine Bracken. Kilabot ng mga kababaihan si Rizal di ba? Sa mga nagging babae ni Rizal sino kaya ang pinaka sweet?Loving?Caring?Thoughtful?Sino kaya ang true love ni Rizal?.Kidding aside, Si Rizal ay may pinakadakilang pag-ibig sa kanyang bayan sa kanyang kumpareng si Juan dela Cruz. Sa kanyang mga sinulat at mga ambag walang dudang mahal na mahal ni Rizal ang bansang Pilipinas.The home of Orient Pearl. Bakit Bayani?Kalayaan? Simple lang. Kasalanan ni Emilio Aguinaldo dahil sya ang ginawa niyang pambansang bayani. Di kaya dahil may war between Aguinaldo at Bonifacio kaya si Rizal ang hinirang ni Aguinaldo? Anyway, walang dudang si Rizal ang ating pambansang bayani. Lahat ng kwalipikasyon ng pagiging isang bayani ay mayron si Rizal. Maraming alegasyon laban kay Rizal hanggang ngayon tulad ng pagbawi daw niya sa mga kanyang isinulat at mga gawa laban sa mga Kastila bago sya mamatay pero walang nakakaalam kung totoo man ang mga alegasyong iyon. Kung totoo man o Hindi ang mga alegasyong iyon di natin mapagkakailang utang na loob natin kay Rizal ang tinatamo nating KALAYAAN ngayon. Peace in the Philippines is brought to you by Jose Protacio Rizal y Alonzo Realonda. This is in tagalog. Translate it to read it, but some words just can't be translated!


Sino ang mga sikat na ekonomista sa Pilipinas?

Mga Ekonomistang Pilipino:1. Si Jose Encarnacion Jr. (1928 - 1998) ang nagbigay ng kontribusyon ukol sa sa teorya ng Ekonomiya ng Pilipinas. Sa kanyang pagsulat ng mga artikulo ukol sa Ekonomiya ng Pilipinas, nahirang siya sa isa sa "Ten Outstanding Young Men (TOYM)" ng Junior Chamber of the Philippines at "Distinguished Scholar of the University of the Philippines" noong 1968. Siya ay pinarangalan bilang "Pambansang Siyentipiko sa larangan ng Ekonomiya" noong 1987.Isinilang si Jose Jr. sa Maynila noong Nobyembre 17, 1928. Nakapagtapos ng Master of Arts in Philosophy sa Unibersidad ng Pilipinas, masters degree at doctorate degree in Economics noong taong 1954 at 1960.Kinilala siya bilang ekonomista, guro at dekano ng School of Economics sa Unibersidad ng Pilipinas. Kauna-unahang Pilipino na nakapagpalathala ng artikulo sa International Economic review, vol. 10, no. 2 na may titulong "On Independence Postulates Concerning Choice.", at sa Econometrica, vol. 32, no. 1 & 2, na may titulong "A note on lexicographical Preferences." Ang iba pa niyang mga sulatin ay lumabas din sa iba't ibang journal sa Inglatera at Estados Unidos.2. Solita Collas-Monsod - sikat at kilala bilang Mareng Winnie, ay isang Pilipinong tagapagbalita sa radyo, isang ekonomista, propesor, at manunulat.Si Monsod ay mahusay at kilala para sa kanyang papel bilang Socio-pang-ekonomiya Planning Secretary sa panahon ng termino ng Pangulo Corazon Aquino at bilang isang host ng debate GMA Network. Si Monsod ay isang iginagalang ekonomista at pampulitikang komentarista sa Pilipinas. Siya ay may-asawa na si Christian S. Monsod, isang corporate executive at minsang naging Chairman ng Philippine Commission sa Halalan. Sila ay may limang anak na humahawak ng iba't-ibang mga karera.Si Monsod ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Economics Degree, may karangalan sa Unibersidad ng Pilipinas sa 1959. Siya ay nakuha ng isang Master ng Sining sa Economics mula sa University of Pennsylvania sa 1962 at naging isang kandidato ng Ph.D. Economics. Sya ay nagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas School of Economics noong 1963. Sa 2005, siya ay hinirang upang maging President of the University of Philippines System, isang opisina na nag-uutos sa management ng lahat ng UP campus sa buong bansa.3. Pura Villanueva Kalaw- (B. Agosto 27, 1886 - D. 1954) ay kilala para sa kanyang mga aktibong panlipunan, pang-ekonomiya at serbisyo sa kanyang bansa at mga tao. Ang pagkakaroon ng isang simbuyo ng damdamin para sa pagsulat, hinihimok nya ang mga batang manunulat upang ituloy ang kanilang mga pangarap. Ang isang negosyante at ekonomista sa kanyang sariling paninindigan, Villanueva Kalaw Social Works ay tumatak sa isip at puso ng kanyang mga kababayang Pilipino. Ang lahat ng mga serbisyo na inalay nya sa kanyang mga benepisyaryo ay nagiging Masaya hanggang ngayon pat sa ibang mga tao.4. Mar Roxas - nakatuon sya sa pagpapalaganap ng kanyang Palengkenomics Program na naglalayong pangalagaan pareho ang kapakanan ng consumers at mga market vendors at mabigyan ng murang pautang upang huwag mabiktima ang mga vendors ng loan sharks at 5-6 usurers. Layunin din nyang mapasigla at mapaunlad ang ekonomiya sa liblib na mga barangay; at mabigyan ang small and medium enterprises ng pautang sa maliit na interes. Kasama rin sa kanyang nagawa ay ang "Marangal na Kabuhayan," kabuhayan para mga maralitang taga-lungsod; "Presyong Tama,Gamot Pampamilya," dekalidad na gamot at produktong pangkalusugan sa mas murang halaga; personal computers for public schools, pamamahagi ng computers sa mga public schools sa buong bansa; Adopt a School Program - upang matulungan ang mahihirap na public high schools; at call centers upang mabigyan ng trabaho ang 300,000 kabataan sa loob ng limang taon.5. Benjamin Diokno - nagsilbi bilang pandalawang ministro para sa Budget Operations sa Department of Budget and Management, form 1986-1991 sa panahon ng pamamahala ng Pangulo Corazon Aquino. Sa panahon ng administrasyon Aquino, ibinigay ni Diokno ang teknikal na tulong sa ilang mga pangunahing reporma tulad ng disenyo ng 1986 Tax Repormang Program, na pinagaan ang income tax at ipinakilala ang value-added tax (VAT), at sa 1991 Local Government Code ng Pilipinas. Sinigurado nya ang teknikal na tulong mula sa Canadian International Development Agency (CIDA) upang matulungan ang GPS na bumuo ng isang elektronikong sistema ng pagkuha kasama ang mga linya ng Canadian model. Sa pamamagitan ng Agosto 1999, ang DBM ay nagkaroon ng dalawang mga dokumento na kailangan upang simulan ang reporma sa pampublikong pagkuha. Sa unang bahagi ng 2000, Si Diokno at ang USAID ay matagumpay na ng Substantial Technical Assistance Program para sa mga programa na badyet ng DBM's Reform, na ngayon ay kasama sa pagkuha ng reform.6. Maria Gloria Macapagal Arroyo - sa ekonomiya nakapokus ang pagkapangulo ni GMA. Sa kanyang pagkapangulo, ipinatupad nya ang isang controversial policy ng holiday economic, pag-aayos ng bakasyon tuwing Sabado at Linggo sa layunin ng boosting domestic tourism at pagbibigay-daan sa mga Pilipino ng mas maraming oras sa kanilang mga pamilya. Ang Economic growth sa mga tuntunin ng gross domestic product ay may average na 4.6% sa panahon ng kanyang pagkapangulo mula 2001 hanggang sa katapusan ng 2005. Ito ay mas mataas kaysa sa nakaraang mga Pangulo kapag inihambing sa 3.8% average ni Aquino, ang 3.7% average ni Ramos, at ang 2.8% average ni Joseph Estrada. Ang pagpapalabas ng labis na salapi sa panahon ng pagkapangulo ni Arroyo ay ang pinakamababa mula 1986, ay 2.5% lamang.Sa paghawak ng ekonomiya, sya ay nakakuha ng papuri mula sa kabilang observers na si dating US President Bill Clinton, na puri si Arroyo para sa paggawa ng "strong decision" na ilagay ang Pilipinas sa dati nitong kalagayan.Mga Banyagang Ekonomista:1. John Maynard Keynes - ay isang ekonomistang Briton na nakaroon ng malaking impluwensya ang kanyang mga ideya, tinatawag na ekonomikong Keynesian, sa makabagong teoriya ng ekonomiya at politika gayon din sa maraming patakaran pang-piskal ng maraming pamahalaan. Sinulong niya ang patakarang pakikialam ng pamahalaan sa ekonomiya, kung saan ginagamit ng pamahalaan ang pamamaraang piskal at pananalapi upang mabawasan ang epekto ng resesyon, depresyon at pagsulong ng ekonomiya. Isa rin siya sa ama ng makabagong teoriya ng makroekonomiya. Kilala din siya ng karamihan sa katagang "In the long run, we are all dead." (Sa kalaunan, mamatay tayong lahat). Kadalasan siyang tinuturing bilang ang pinakamaimpluwensiyang ekonomista ng ika-20 dantaon.2. Maximilian Carl Emil Weber - ay isang Alemang ekonomistang pulitikal at sosyologo at administrasyong publiko. Sinimulan niya ang kanyang karera sa Pamantasan ng Berlin, at lumaong naghanapbuhay sa Pamantasan ng Freiburg, Pamantasan ng Heidelberg, Pamantasan ng Vienna, at Pamantasan ng Munich. Nagkaroon ng pag-impluwensiya sa pulitika ng Alemanya noong kanyang kapanahunan, dahil isa siyang tagapagpayo sa mga negosyador ng Alemanya sa Tratado ng Versailles at sa komisyong nagbalangkas ng Konstitusyong Weimar. Kilala si Weber dahil sa kanyang mga nagawa sa sosyolohiya ng relihiyon. Pinakabantog niyang akda ang Ang Etikang Protestante at ang Espiritu ng Kapitalismo.3. Eugine Fama - sya ay ang Robert R. McCormick Distinguished Service Professor of Finance at the University of Chicago Graduate School of Business. Sinasabing ang kanyang mga research activities ay mayroong ""Theoretical and empirical work on investments; Price formation in capital markets; Corporate finance." sa kanyang website.Ang kanyang pananaliksik sa Stock Market, lalo na tungkol sa mga Random Walk Theory at ang mga mahuhusay na Market hypothesis ay sikat at kilala. Di malilimutan ang kanyang pangunguna ng trabaho sa pananalapi, ang mahusay na market theory at ang random walk theory ay parehong mabigat na impluwensiya sa kung paano sa tingin namin tungkol sa pagbabago-bago ng stock market. Si Fama ay isa sa mga iilang ekonomista na maimpluwensya mapa-academia at iba pa.


Ano ang mga pangkat-etniko sa Luzon?

elow ako c JasminePangkat etniko sa LuzonAetaMatatagpuan ang pangkat ng mga aeta sa halos lahat ng dako ng kapuluan. May iba't iba silang pangalan sa iba't ibang lugar. Higit silang marami sa Luzon. Aeta o Ayta ang tawag sa kanila sa hilagang Luzon. Ibuked naman ang tawag sa mga aetang nakatira nang malayo sa mga kapatagan. Sa Kofun, Diango, Paranan at Assao sa Cagayan, Ugsig at Aita ang tawag sa kanila. Sa Palawan, Batak ang tawag sa kanila. Sa Silangang Quezon, Rizal at Bulacan, Dumagat ang tawag sa mga Aeta.Nawala na ang orihinal na wika ng mga Aeta dahil inangkin na nila ang wika ng mga tagakapatagan na kanilang nakakasalamuha. Hindi pa rin naalis sa kanila ang kultura ng pangangaso at paghanap ng mga pagkain mula sa mga halaman sa kapaligiran. Bihasa rin ang mga babae at batang Aeta sa tradisyunal na paraan ng pangingisda gamit ang sima, bitag, lambat at sibat.Pulut-pukyutan ang espesyal na pagkain para sa mga Pinatubo Aeta at Ibuked Ayta. Kumakain din ang mga Pinatubo Aeta ng umok o maliliit na pukyutan at ng latak na nakukuha sa bahay ng pukyutan.Pamilya ang pangunahing yunit ng lipunang Aeta. Gayunpaman, tinutulungan din ng pamilya ang kapamilyang namatayan ng asawa. May pantay na karapatan ang kanilang mga anak at mahigpit ang pagkakaugnay ng magulang at anak. Isa lamang ang asawa ng bawat Aeta. Bawal sa kanila ang pag-aasawa sa malapit na kamag-anak. Ngunit pinapayagan ang ilan na magpakasal sa pinsang buo matapos ganapin ang ritwal na "paghihiwalay ng dugo."Nakabatay sa paggalang sa matanda ang sistemang pulitika ng mga Aeta. Ang mga iginagalang na pangkat ng matatanda ang nagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa pamayanan. Ang kinikilalang batas ay yaong nabuo mula sa tradisyon.Naniniwala ang mga Aeta na may mga ispiritu ang lahat ng mga nasa kapaligiran tulad ng ilog, dagat, bundok at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit kanilang iginagalang ang kalikasan. Hindi sila pumuputol ng puno kung Hindi rin lamang kailangang-kailangan. Naniniwala silang iniinsulto ang ispiritu ng kalikasan kapag inaaksaya ito.TinguianMatatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at personal na palmuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang napupusuan.Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturing nilang krimen ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling nagtataksil. Walang multa kung kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa.TagbanuaNaninirahan ang mga Tagbanwa sa baybaying dagat sa gitnang Palawan. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangingisda, paghahalaman at pangangaso.Mayroon na ring pampulikang balangkas ang mga Tagbanwa. Masakampu ang kanilang tawag sa pinuno ng pangkat. Blusang mahahaba ang manggas at makukulay na paldang patadyong ang kasuotan ng mga babae samantalang nagsusuot lamang ng bahag ang mga lalaki. May bahid ng Malayo-Polinesiya at Indyan ang mga Tagbanwa.MangyanNaninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad.May iba't ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.IfugaoSa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang bawat Ifugao. Iniuukol nila ang kanilang maghapon sa paggawa. Katulad ng ibang pangkat, mayroon ding diborsyo sa mga Ifugao. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa.KalingaMatatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon ng higit sa isang asawa ang isang Kalinga.Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong, isang kasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isa't isa.ItawesMatatagpuan ang mga Itawes sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawes sa isang pamayanan kasama ang mga Ibanag kaya Ibanag din ang ginagamit nilang wika.Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop, pangangaso, pangingisda, paggawa ng alak, bulak paghahabi at pagsasaka.GaddangTinatawag ding Gadam, Gaddanes o Iraya ang mga pangkat-etnikong ito na matatagpuan sa Nueva Vizcaya at Isabela. Tahimik at matulungin ang mga Gaddang bagaman handa silang makipaglaban kung kinakailangan.Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Gaddang. Gabi, palay, sili, bawang, tubo at iba pang gulay ang kanilang itinatanim. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda, pangangaso at pagtitinda.Kankana-eyAng mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon. May dalawang pangkat ang Kankana-ey sa Mankayan, Bakun, Kubungan, Buguias at sa mataas na bahagi ng Benguet. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng Kankana-ey. Kapwa sila kayumanggi, kadalasang may mga tatu, may malalaking mata at mauumbok na pisngi.Mga magsasaka ang mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin sa gilid ng mga bundok. Pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at baboy damo sa pamamagitan ng aso at lambat.Walang pormal na pamunuang pulitikal ang lipunang Kankana-ey. Ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya ang may malaking impluwensya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya.IlongotNangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao. Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga Negrito. Nagsasaka ng palay, tabako, saging, kamote at gulay ang mga Ilongot. Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa at ibon sa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo at asin ang mga produktong ito sa mga nasa kapatagan.Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot. Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw, kaluluwa ng mga namatay at iba pang kaluluwa sa kalikasan.IbaloyAng mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba sa timog-silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloy ang ilang salitang Ilokano at Pangasinense.Ang mga Ibaloy ay kayumanggi, mababa at may matipunong pangangatawan. Nakatira ang mga Ibaloy sa mga mabundok at mabatong lugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ng mga Ibaloy. May pintuan itong nakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana. Marami silang kasanayan para sa pag-aangkop sa kapaligiran tulad ng hagdang-hagdang taniman sa gilid ng bundok at pagpapatubig sa mga ito sa tulong ng mga tubong kawayan.Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy. Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng gulay, strawberry at mga prutas. Mga lalaki ang naghahabi ng basket.Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o mayayamang pangkat at matatalino ang nagpapasya sa pamayanan. May mga batas sila na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal, diborsyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng pambansang pamahalaan.Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga Ibaloy sa simbahang Katoliko ngunit sinusunod pa rin nila ang kasunduan ng anak na ipakakasal. Sa handaan, tradisyong Ibaloy pa rin ang nasusunod.IsnegKilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Karaniwan na sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog nagtatatag ng pamayanan ang mga Isneg.Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Isneg. Maliban sa palay, nagtatanim sila ng mais, kamote, taro at tubo para sa paggawa ng basi. Ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilang ritwal o seremonya ayon na rin sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa, gubat at ilog ang buhay. Ayon sa kanilang batas, ang pag-aari ng lupa ay batay sa pagiging una sa paggamit nito, aktwal na paggamit at pagtira rito at kung ito ay namamana.Naiiba ang anyo ng bahay ng mga Isneg sa mga bahay ng iba pang pangkat-etniko sa Cordillera. Hugis-bangka ang bahay ng mga Isneg na kanilang tinatawag na binuron. Maraming pamilya ang maaaring tumira sa binuron na may isang silid lamang.IvatanMga mamamayan ng Batanes ang mga Ivatan. Relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan ang mga Ivatan. Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng voyavoy.Madalas na dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang hugis-kahon ang mga bahay ng mga Ivatan. Gawa ito sa bato, kogon at apog. Mayroon itong maliliit na bintana.Mga halamang-ugat ang kanilang itinatanim at ito rin ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.Sa kasalukuyan, marami na ring mga Ivatan ang nakatapos ng kursong tulad ng inhinyeriya, medisina, edukasyon at iba pa.Matatagpuan ang mga Isinay sa Aritao, Bayombong at Dupax sa Nueva Vizcaya. Katulad ng mga Ivatan, hawig ang kanilang anyo sa mga Ainu ng bansang Hapon at nahahawig ang kanilang wika sa Pangasinense. Nabibilang ito sa mga diyalekto ng Ilokano.Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Isinay. Bukod sa pagsasaka, isa pa rin sa kanilang pangunahing ikinabubuhay ang paghabi ng tela.Pangkat-etniko sa MindanaoMaranaoMay sariling relihiyon at kultura ang mga Muslim. Pagtatanim, pagtrotroso, pangngisda at paggawa ng mga Industriyang pangtahanan ang nagbibigay sa kanila ng ikinabubuhay. Sila ay marunong magmina, manisid ng perlas at gumawa ng bangka o vinta.Nagkakaiba man ang wika kasuotan, paniniwala at paraan ng paghahanapbuhay, ang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay may isang damdamin kung pagpapayaman sa kultura ang pag-uusapan. by Jobelle E. Selga. BSU (Grade 2)Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao - Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang pangalan.Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay sila nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit walang mga silid. Tanging ang mga dugong bughaw lamang ang pinapayagang manumit ng kulay ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang Maranao na may dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig ng tahanan at sa mga moske.Buo pa rin at Hindi naiimpluwensyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang tunay na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilang mga kagamitang gawa sa tanso.T'boliSa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang damit.Nagpapalagay rng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking T'boli.TausugKinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao sa Timog-silangang Asya.May pagkakaiba ang mga Tausug na nasa mga burol na tinawag na tao giniba at nasa mga dalampasigan na tinawag na tao higad. Mangingisda ang mga nakatira sa malapit sa dagat at magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas ang nasa may dalampasigan na kanilang ipinagpapalit ng seda, tanso at bakal sa mga taga-Borneo at Sabah. Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito ang nagdala ng Islam sa Sulu.BadjaoAng pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika.Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay.Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. ito ay pawang katotohanan.SubanonAng mga Subanon ay matatagpuan sa mga kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Kayumanggi sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala silang sa iisang ninuno lamang sila nagmula.CuyunonAng mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo sa gitna ng Dagat Sulu sa silangan ng Palawan at timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa sa mga Español na nakarating sa Cuyo at Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kaya masisipag sila at matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda.Pangkat-pangkat ang mga Cuyunon kung magsaka, mangisda at kahit sa maliliit na gawaing tulad ng paglilinis ng bahay. Madalas na nag-uugnayan ang magkakapitbahay at nag-iinuman ang mga kalalakihan matapos ang kanilang gawain. Sa kanila ng pagiging Kristiyano ng mga Cuyunon, laganap pa rin ang kanilang pagsamba sa kaluluwa ng mga yumao at mga ritwal ng mga babaylan. Ang ritwal na kanilang tinatawag na palasag ay ginaganap bago mahinog ang mga palay. Para naman sa pagpapagaling sa mga maysakit, ginaganap ang taga-blac upang paalisin sa katawan ng maysakit ang masamang ispiritu. Ang patulod-sarot naman ang ritwal para mapigilan ang paglaganap ng epidemya.BagoboMatatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng gulpo ng Davao. Maputi sila, may matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang baba.Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Español sa Mindanao. Noong panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mga Gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at lalaki gayundin ang paghabi ng basket.Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang bayani ang mandirigma at ang datu ang pinuno ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu ang tumayong huwes, mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o paring babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sa paghabi.YakanNagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at mais. May sistema ng pagpapalitan sa pagsasaka ng Yakan. Nagagawa sa maikling panahon ang pag-aararo dahil pinagtutulung-tulungan ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan ito. Punong- puno ng mga tradisyunal na paniniwala at kaugalian ang kanilang mga gawain sa pagsasaka. May paniniwala silang ang palay ay may sultan at mga pinuno kaya kinakausap nila ang "haring" palay upang mamuno sa iba pang mga binhing palay sa pagkakaroon ng masaganang ani. Kailangang ding tahimik sila habang nag-aani ng palay sa pangambang makatawag n gang iangay at maaaring liparin palayo ang palay.Patriarka ang uri ng lupaing Yakan kung saan ang amana o ama ang pinakapuno ng pamilya. Napakalapit ng ugnayan ng magkakamag-anak kaya lapit-lapit ang kanilang mga bahay at habdang tumulong ang bawat isa sa sinuman sa kanila na magkaroon ng kasawian o kaya kapag may kasayahan.Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan. Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ng angkan. Maaaring magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan ang mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang diborsyo kung pumapayag dito ang lalaki.Ang mga Yakan lamang ang tanging pangkat na kapwa nagsususot ng pantalon ang lalaki at babae. Isinusuot ng lalaking Yakan ang maong sa kanyang ulo samantalang ipinupulupot naman ito ng mga babae sa kanilang baywang.ihiyon at kultura