answersLogoWhite

0

SIPAG O TALINO

Lakandiwa: Alin ang mabisang puhunan ng tao? Sa pagpapaunlad ng bayan?
Sipag: sipag
Talino: talino
Lakandiwa: ako nga palang lakandiwang nangbuhat pa sa Bulacan. Buong galang na sa inyo'y bumabati't nagpupugay. Taglay ko din ang pag-asang, naway maging matagumpay. Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi'y balagtasan. Paksang aking ilalatag, patiwari'y mahalaga. Pagkat nasasangkot dito'y Bayan nating sinisinta.Sa pag-unlad nitong bayan, puhuna'y ano baga, Ang SIPAG ba o TALINO ,alin ang mas mahalaga.? Kaya't inyong lakandiwa,ngayo'y muling nag-aanyaya ng dalwang mambibigkas ng mahusa'y at kilala. Ang hiling ko'y , salubungin ng palakpak ang dalawa. Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.
Sipag: Kapag baya'y umunlad. Ang papko'y pinupukol. Sa gobyerno at mga tao, sama-sama't tulong-tulong. Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati'y ano ngaun? Wala na ngang trabaho. Kabuhaya'y urong-sulong. Kasipaga'y puhunan nating lahat sa gawain, maliit man o malaki. Mahirap man ang gampanin. Kung ang ating kasipagan, itatabi't magmamaliw. Pilipinas year 2000, di natin masalapi.
Talino: Akong aba'y inyong lingkod, isinilang na mahirap, at ni walang kayamanan, maaaring mailantad. Pamana ng magulang ko, ay talinong hinahangad, pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad. Sa gobyerno at lipunan, mga tao'y may puhunan na kanilang tataglayin, habang sila'y nabubuha'y. Ang talino ang nagbubuklod, sa pambansang kalayaan, nagbibigkis sa damdamin, makayao't makabayan.
Lakandiwa: Matapos maihayag ang panig ng magtatalo, ngayo'y aming ihahanda sa lawak ng pagtatalo. Bawat isa'y magpapalaong sa impormasyon at sa mga issue. Kaya't inyong timbangin upang inyong mapagsino.
Sipag: tuwing mayroong magagalak na halalan sa ating bayan, sinusuri mga kandidata, may nagawang kabutihan, ang anong natapos na kurso, ay di na inaalam. Kakayahan nya't sipag, tangaing pinag-uusapan, aanhin mo ang talino kung di naman nagagamit, mga tao'y umaasa, lalo't silay nagigipit. Matalinong naturingan, tamad naman walang bait. Nawawalan ng bansag, kaluluwa ang kapalit.
Talino: nalimutan ng kantaro'y, mga bayaning namatay, na nagtanggol sating bayan , ng laya ay makamtan. Ngunit dahil sa talino, taglay nila nung araw, ngayon tayong lahat alipin pa ng dayuhan. Iba nga'y naging presedente o kongresman. Lahat sila ang talino ay di natin matawaran. Mga batas na pinatupad sa ating bayan, pinuhunan ay talino , kaya't sila'y naging gabay.
Sipag: Sa dami ng matalino, namumumuno sa ating bansa, Ibat-ibang pagpapasya at maging paniniwala. Utos dito utos doon, sila'y di gumagawa, kaya't laging nababalang kapakanan naming dukha. Samantalang kung masipag itong mga punong halal, sa problema at kalamidad, sila'y laging naririyan, hindi na kailangang tawagin sila kung saan, pagkat pagtulong nila'y kambal ng kasipagan.
Talino: Tila yata nalimutan nitong aking katunggali, sa pagtulong ay talino ang gamit palagi, pag maroong kalamidad, manlloko'y andiyan palagi, kay'yt anong mahalaga, Talino'y ipagbunyi. Matataas na gusali, Super market, pubric at mall, fly overs,sky ways, at ibat-ibang kominikasyon. Lahat ng yan ay nagawan, talino'y naging puhon, kayat bayan ay umunlad, angt biyaya;y tuloy-tuloy.
Sipag: SIPAG ANG KAILANGAN !!
Talino: TALINO ANG PUHUNAN !!
Sipag: matalino nga tamad naman!
Talino: ang taong tamad ginagamit ang talino para sumipag.
Sipag: sipag.!
Talino: talino.!
Lakandiwa: Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa. Pagtatalo nitong dalwa, mahuhusay na makata, pagkat tila nag-iinit, at di masawata. Lahat ng katwiran, nakatatak sating diwa, ang talino ay wika, kayamanang handog ng Dyos, lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa't loob. Kasipagan at talino, pasaning walang toos, kaya't dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos. Ang talino'y syang utak sa balangkas na paggawa. Ang sipag namay syang bisig sa planong binabadya. Kung ang isa'y mawawala, walang silbing magagawa. Kaya't kapwa mahalaga. PANALO SILANG KAPWA!!
-jobie anne francisco

User Avatar

Wiki User

8y ago

Still curious? Ask our experts.

Chat with our AI personalities

BeauBeau
You're doing better than you think!
Chat with Beau
RossRoss
Every question is just a happy little opportunity.
Chat with Ross
BlakeBlake
As your older brother, I've been where you are—maybe not exactly, but close enough.
Chat with Blake
More answers

dpt tlga kc hndi ito maiintindihan ng mga tao

User Avatar

Wiki User

13y ago
User Avatar

2

User Avatar

norman acaso

Lvl 2
4y ago
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Script ng balagtasan tungkol sa Sipag at Talino?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp