Ang komunikasyon, kailanman, ay Hindi maiiwasan. Kung walang komunikasyon Hindi magagampanan ng Tao nang maayos ang kanyang tungkulin; Hindi makakamit ang mga nais at Hindi matatamo ang karunungan, kasanayan at tagumpay. Anuman ang kalagayan ng Tao -- pipi man, gwapo, inhinyero o emperador, gustuhin man niya o Hindi ay nagiging bahagi siya ng komunikasyon - Berbal man o di berbal. Ang isang naglalakad na babae, makakasalubong niya o maaari ring iiwas niya ang kanyang tingin dito. Alinmang reaksyon ang ibigay ng babae ay may mensahe siyang ipinaaabot o may nagaganap na komunikasyon.
Maaaring ang komunikasyon ay interpersonal o dalawahang pag-uusap, pangmaliit na grupo o pampublikong komunikasyon. Paano man nagaganap, nakatutulong ito sa Tao na magsimula, maglinang, magkontrol at magpanatili ng relasyon sa kapwa Tao.
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng komunikasyon sa relasyon ng mga Tao sa epektibong pagsasakatuparan ng mga gawain at tungkulin kayat Hindi nakapanghihinayang ang mga panahon gugugulin sa paglinang ng kasanayang at kahusayan dito. Ang pakikipag-usap nang maraming iba't ibang bilang ng Tao araw-araw ay Hindi nagbibigay katiyakan na ang isang indibidwal ay mahusay nang komyunikeytor. ang pagalam at paglinang ng mga pamamaraan upang maging mahusay na komyunikeytor ay makapaghahatid ng tagumpay sa relasyon at sa lahat ng aspekto ng buhay at makapagdudulot ng pansariling kaganapan o self - fulfillment.
Ayon sa kahulugang ibinigay ni Webster (1973), ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.
Masasabi na ang komunikasyon ay pakikibahagi ng Tao sa kanyang kapwa at pakikibagay sa kanyang kapaligiran.
Ayon naman sa bagong American College Dictionary Nina Barnhart, ang komunikasyon ay pagpapahayag at paglilinang ng ideya, opinion o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat at pagsenyas.
Special Thanks to:
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (filipino 1)
Adventist University of the Philippines (AUP)
Puting Kahoy, Silang Cavite
ano ibig sabihin nf CLASP
Ano ibig sabihin ng Philvolcs
ano ibig sabihin ng kuwartel
ano ang ibig sabihin ng adbokasiya
Ano ang ibig sabihin ng rasyonal?
ano ibig sabihin ng virus
ano ang ibig sabihin nang article?
ano ang ibig sabihin ng ipinagkit
Ano ang ibig sabihin ng tingiang tindahan at tindahang kooperatiba?
W - Wikang I - Instrumento K - Komunikasyon A - At
Ano ang ibig sabihin ng rediscounting SA EKONOMIKS
ano ang ibig sabihin ng probisyon?