so what?
Wastong Gamit ng SalitaWASTONG GAMIT 1. KAPAG at KUNG - Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan; ipinakikilalang kapag ang isang kalagayang tiyak.Hal. Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya.Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka.Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.2. KIBO at IMIK - Pagkilos ang tinutukoy ng kibo;pangungusap ang tinutukoy ng imik.Hal. Wala siyang kakibu-kibo kung matulog.Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.Hindi lamang sa Tao nagagamit ang kibo.Hal. Kumikibo nang bahagya ang apoy ng kandila.Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera.3. DAHIL at DAHILAN - Pangatnig ang dahil, pangngalan ang dahilan;pang-ukol naman angdahil sa o dahil kay.Hal. Hindi siya nakapasok kahapon dahil sumakit ang ulo niya.Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit.Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo.Ginagamit kung minsan ang dahil bilang pangngalan sa panunula.Iwasan ito sa karaniwang pangungusap o pagsulat.Iwasan din ang paggamit ng dahil sa bilang pangatnig.Mali : Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sumakit ang ulo.4. HABANG at SAMANTALANGHabang - ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan,o"mahaba".Samantalang- ang isang kalagayang may taning, o "pansamantala".Hal. Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang wala pa akongtrabaho.Gulung-gulo ang isip niya habang Hindi pa siya sinsagot ng kanyang kasintahan.Gulung-gulo ang isip niya samantalang Hindi pa dumarating ang sulat ng kanyangkasintahan.May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito angpagtatambis sa dalawang kalagayan.Hal. Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag kanina pa?5. IBAYAD at IPAGBAYADIbayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaranIpagbayad - pagbabayad para sa ibang TaoHal. Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa iyo sa halip na pera.Ipagbabayad muna kita sa sine.MALI at katawa-tawa):Ibayad mo ako sa sine.Ibinayad ko siya sa bus.6. MAY at MAYROON - Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng salitang sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan ( mapaisahan o maramihan), pandiwa, pang-uri o pang-abay.Hal. May anay sa dingding na ito.May kumakatok sa pinto.May dalawang araw na siyang Hindi umuuwi.Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao opamatlig o pang-abay na panlunan.Hal. Mayroon kaming binabalak sa sayawan.Mayroon iyang malaking suliranin.Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon?Maaring gamitin ang mayroon nang nag-iiisa.Hal. "May asawa ba siya?' "Mayroon."Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan.Hal. Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino ang wala.7. PAHIRAN at PAHIRIN Pahiran - paglalagay Pahirin - pag-aalisHal. Pahiran mo ng sukang iloko ang noo niya.Pahirin mo ang pawis sa likod ng bata.8. PINTO at PINTUANPinto - ang inilalapat sa puwang upang Hindi iito mapagdaananPintuan- ang puwang sa dingding o pader na pinagdaraanan.Hal. Huwag kang humara sa pintuan at nang maipinid na ang pinto.Gayon din ang pagkakaiba ng hagdan sa hagdananHagdan - ang inaakyatan at binababaanHagdanan - nag kinalalagyan ng hagdan9. SUBUKAN at SUBUKIN Subukan - pagtingin nang palihim Subukin - pagtikim at pagkilatisHal. Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay.Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya.Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan atpangnakaraan : sinusubok, sinubok. Magkaiba nag anyo sapanghinaharap: susubukan, sususbukin10. TAGA- at TIGAWalang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamtin. Gumagamit lamang ng gitling kapag sinusundan ito ng pangngalang pantangi.Hal. Taga-Negros ang napangasawa ni Norma.Ao ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi.Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang: tig-isa,tigalawa tigatlo tig-apat, atbp.11. AGAWIN at AGAWANAgawin ang isang bagay sa isang Tao/hayop.Agawan ng isang bagay ang isang Tao/hayop.Hal: Ibig agawin ng bata ang laruan ni Jess.Ibig agawan ng laruan ni Boy si Jess.12. HINAGIS at INIHAGIShinagis ng isang bagayinihagis ang isang bagayHal. Hinagis niya ng bato ang ibon.Inihagis niya ang bola sa kalaro.13. ABUTAN at ABUTINabutin ang ang isang bagayabutan ng isang bagayHal. Abutin mo ang bayabas sa puno.Abutan mo ng pera ang Nanay.14. BILHIN at BILHANbilhin ang isang bagaybilhan ng isang bagayHal. Bilhin natin ang sapatos na iyon para sa iyo.Bilhan antin ng sapatos ang ate.15. WALISAN at WALISINwalisin ang isang bagay na maaring tangayin ng waliswalisan ang ang pook o lugarHal. Nais kong walisan ang aklatan.Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan.15. SUKLAYIN at SUKLAYANsuklayin - ang buhok ng sarili o ng ibasukalyan - ng buhok ang ibang TaoHal. Suklayin mo ang buhok ko,Luz.Suklayan mo ako ng buhok, Alana.16. NAMATAY at NAPATAYnapatay -may tiyak na Tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadyanamatay -kung ang isang Tao ay binawian ng buhay sanhi sakit,katandaan o anumang dahilang Hindi sinasadya; ginagamitdin sa patalinghagang paraan doon sa mga bagay nawalang buhay.Hal. Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay.Napatay ang aking alagang aso.17. MAGSAKAY at SUMAKAYmagsakay - magkarga ( to load)sumakay - to rideHal.Nagsakay ng sampung kahon ng lansones sa bus si Jo.Sumakay na tayo sa daraang bus.18. OPERAHAN at OPERAHINoperahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisinoperahan - tumutukoy sa TaoHal.Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.Si Luis ay ooperahan sa Martes.19. NANG at NGnang - pangatnig na panghugnayan- tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at pamanahon- tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang inuulitng - pantukoy ng pangngalang pambalana- tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng pandiwa- pang-ukol na kasingkahulugan ng "sa"Hal. Umalis siya nang sila'y dumating.Tumawa nang tumawa ang mga mag-aaral.Nagalit ang guro nang kami't nag-ingay.Bumili kami ng mga pasalubong para kay ditse.Pumanhik ng bahay ang mga panauhin.20. KATA at KITAkata - ikaw at akokita - ikawHal.Manood kata ng sine.Iniibig kita.
Ang kuwento ng mabuting samaritano ay tungkol sa isang lalaking tinulungan ang isang taong nasugatan sa kalsada, kahit hindi nila magkaugnay. Ipinapakita nito ang halaga ng pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa kahit sino pa sila.
Hindi pa man lubusang natatapos ang mainit na usapin sa RH bill, isa na namang kontrobersiyal na panukalang batas ang patuloy na magpapaalab sa mga diskusyong kasasangkutan ng Simbahan. Ito ang Divorce Bill.Sinasabing ang Pilipinas at ang Vatican na lamang ang nalalabing bansa na walang Divorce Bill. Ito ang dahilan kung bakit ang pagsusulong nito sa ating bansa upang maging batas ay mariing tinututulan ng Simbahang Katoliko. Matagal na panahon na may ilang mga mambabatas ang nagnilay at nagbalak maghain ng ganitong batas ngunit hindi interesado dito ang nakakarami at walang malawakang naging pagtanggap.Pero ngayon, mas vocal na ang mga tagapaghain ng panukalang batas bugso ng mga datos at pag-aaral na nagpapakita ng lumalaking bilang ng malalang sitwasyon ng mga mag-asawa. Ang mga iba't ibang kumplikado at sensitibong isyu tulad ng marital unfaithfulness, pang-aabuso,exploitation, injustice, at sari-saring hindi na makataong kundisyon ang nakikitang malakas na batayan upang ihain ang ganitong batas. Inilalagay daw nito sa panganib ang katinuan, kalidad ng buhay o buhay mismo ng isang asawa, pati na ng mga anak. Nakikita ring hindi na relevantat kulang ang mga kasalukuyang batas sa ating Family at Civil code upang tugunan ang mga hamon na kinahaharap ng mga mag-asawa sa ating panahon.Bilang taong simbahan, paano natin dapat tingnan ang usaping ito?Hindi na bago ang isyu ng divorce. Kasing tanda na ito ng Lumang Tipan sa Bibliya. Sa katunayan, may mga probisyon sa pagsasagawa ng divorce sa batas ni Moises (Deuteronomio 24: 1-4). Sa panahon ni Jesus, ginamit ng mga religious leaders ang isyung ito upang subukin ang kanyang moral authority sa pag-unawa sa batas ni Moises.Sa Mateo 19:1-12, tinanong ng diretso si Jesus kung naaayon ba sa batas ni Moises na i-divorce ang asawang babae sa anumang kadahilanan. Importante ang katanungang iyon sa kadahilanang ang mga Pariseo mismo ay hati sa kanilang pagkaunawa ng nasabing batas. Para sa partido ni Rabbi Shammai, ang divorce ay maaari lamang ipatupad sa kaso ng sexual misconduct. Para naman kay Rabbi Hillel, ang divorce ay maaaring hilingin maging sa kaso lamang ng pagkasira ng asawa ng pagkain. At para kay Rabbi Akiba, pwedeng i-divorce ng lalaki ang kanyang asawakung may nakita na siyang mas kahali-halinang kapareha.Subalit hindi sinakyan ni Jesus ang mga isyu sa debateng ito. Bagkus, itinaas niya ang batayan ng moralidad at ethics.Ibinalik niya ang usapin sa original na intensiyon ng Diyos para sa kasal nang una niyang nilikha ang tao. Sa madaling salita, ipinaalala muli ni Jesus na ang tunay na kalooban ng Diyos sa kasal ay panghabangbuhay at permanente. Diyos mismo ang sangkot sa pag-iisang dibdib ng dalawang tao. At dahil dito, walang sinumang tao ang dapat sumira nito.Ngunit kaalinsabay nito, tinuligsa ni Jesus ang katigasan ng kanilang puso. Tinukoy niya na ito ang nagbigay daan para pahintulutan ang divorce noong panahon ni Moises. Siguro magandang pagnilayan yung sinabi ni Jesus kung bakit pinahintulutan ang divorce: "…dahil sa katigasan ng inyong puso." Kung ang naging paghahain ng divorce bill na ito sa ating bansa ay isa lamang pagtugon sa lumalalang kundisyon ng mga asawang naigapos sa kasal at humihingi ng kalayaan, magandang itanong natin sa mga taong simbahan kung bakit ang kalidad ng buhay mag-asawa ay bumaba ng ganito. Bakit ang baba na ng tingin sa institusyon ng kasal? Hindi kaya symptoma ang mga ito ng katigasan ng puso na binabanggit ni Jesus? At hindi kaya katigasan ng puso pa rin ang siyang patuloy na sumisira sa original na intensiyon ng Diyos para sa kasal?Saan nga ba ang tunay na laban ng Simbahan? Ang pakikipaglaban ba sa mga nagsusulong ng lunas sa mga lumilitaw na symptoma o ang pag-bigay lunas sa ugat ng symptoma?Tinukoy mismo ni Jesus ang ugat ng symptoma: "…katigasan ng inyong puso!"May Divorce Bill man o wala, kung hindi magiging epektibo at tapat ang Simbahan na tugunan ang ugat ng pagsusulong nito patuloy na mamamayagpag ang pagbaluktot ng tao sa intensiyon ng Diyos sa kasal.
ifugao dance is called tayoh (tuwali) it has different kinds danced by certain tribes during occassions, dancers dance with the rhythms of gongs, usually three or more gongs are played.
SaranggolaNi Efren R. AbuegRading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang lalaki, walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon."Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng saranggola," wika ng ama."Hindi ako marunong, Tatay," anang batang lalaki."Madali 'yan. Tuturuan kita," sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak.Bumili nga ito ng papel at kawayan at tinuruang gumawa ng saranggola ang anak."Tatay… ibili mo ako ng guryon," sabi uli ng bata sa ama."Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas. Madadaig mo ang taas at tagal ng lipad ng guryon!"Nainis ang bata sa kanyang ama."Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay," anang bata. "Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang istasyon ng gasolina sa bayan… bakit daw kay liit ng saranggola ko!"Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati na ang pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang, wasak-wasak.Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang tali niyon. Umalagwa ang saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang nakasampid sa isang balag."Tingnan mo…hindi nasira," nagmamalaking wika ng ama. "Kung guryon 'yan, nawasak na dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak, laging nawawasak."Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging katorse anyos siya. May iba na siyang hilig; damit, sapatos, malaking baon sa eskwela, pagsama-sama sa mga kaibigan."Anak… dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira, saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi madaling kitain ang salapi," pagunita ng kanyang ama."Kawawa nga ako, Tatay," katwiran ng bata. "Anak ako ng tanging may-ari ng istasyon ng gasoline at machine shop sa bayan natin, pero ang itsura ko… parang anak ng pobre.""Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa eskwela at husto ka rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan ang isang kabataang tulad mo. Hindi natututuhan ang pagtitipid."Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit dito. Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga kabarkada at madalas, pinatatao sa istasyon ng gasolina at pinatutulong sa machine shop kung araw na walang klase."Pinahihirapan talaga ako ng Tatay," puno ng hinanakit ang tinig na pagsusumbong ng bata sa ina. "Kaisa-isa pa naman akong anak, ang turing niya sa akin… parang ampon!""Hindi totoo ang sinabi mo, anak," malumanay na sansala ng kanyang ina sa paghihinanakit niya sa ama. Alam mo mataas ang pangarap niya para sa iyo.""Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?""Ibig niyang maging mahusay kang inhinyero."Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama. Gayunman, hindi siya makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang kanyang ina.Nang labingwalo na siya napagkaisahan ng kanyang mga barkada na kumuha sila ng commerce."Mabuti 'yon. Magsama-sama tayo sa isang unibersidad," mungkahi ng isa sa limang magkakaibigan.Pumayag siya. Ngunit nang kausapin niya ang ama, tumutol ito."Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig ang commerce. Palagay ko mechanical engineering ang bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong ina."Masama man ang loob, sumangguni pa rin siya sa ina."Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin ko….engineering nga ang bagay sa iyo. May machine shop tayo…sino ba ang magmamana niyon kundi ikaw?"Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang barkada. Napag-isa siya sa pag-aaral sa lunsod at ngayong binata na siya, hindi na hinanakit kundi paghihimagsik sa ama ang kanyang nadarama."Ayoko nang mag-aral, Inay," sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya nito sa dormitoryo. "Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?"Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban."Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti sa iyong hinaharap.""Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?""Makabubuting matuto kang magtiis. Pagkatapos mo naman ng pag-aaral at magtagumpay ka sa hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat.""Bakit kailangan ko pang magtagumpay? Hindi ba't ipamamana ninyo sa akin ni Itay ang ating kabuhayan?""Totoo iyan, anak…pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi mo alam ang mga hirap sa pagtatayo niyan?"Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip niyang makapagtitiis pa siya. Isinubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral.Nakatapos naman ng inhinyerya ang binata. Hindi siya pangunahin sa klase, ngunit sa pagsusulit sa gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang dalawampu."Ngayon anak…bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa paghahanapbuhay," sabi ng kanyang ama nang makuha na niya ang lisensiya bilang mechanical engineer.Namangha siya."Akala ko…ako na ang hahawak ng ating machine shop pagkatapos ko ng pag-aaral," nawika niya sa ama."Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka ibig ko, magpundar ka ng sariling negosyo.""Bakit pa, Itay? Mayroon na tayong negosyo.""Mabuti na 'yong makatindig ka sa sarili mong mga paa."Tinanggap niya ang halagang ipinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya ng tirahan sa mga magulang."Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong isaisip mong, ang kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala."Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya nanininwala sa sinabi ng kanyang ina. Naging lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama.Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-agad siyang pinagsadya ng kanyang ama."Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng machine shop? Magkukumpetensiya pa tayo rito.""Akala ko ba'y bahala na ako sa buhay ko, Itay?"Natigilan ang kanyang ama. Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita bago lumisan."Kung sa bagay…mabuting magturo ang karanasan!"May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit na machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na malaki ang machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito. Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng materyales. Nang hindi siya makabayad, inilit ang mga makinang kanyang ginagamit."Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa mungkahi ko na umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng puhunan sa sarili mong pagsisikap."Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga magulang. Dumabog siya sa harap ng ama."Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba ninyong makitang nahihirapan ako?""Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi madali ang mabuhay sa mundo, anak.""Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga anak?""Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa mga itinuturo nila sa mga ito."Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man lamang nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho hanggang pagkaraan ng limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at nakabili ng maliit na machine shop. Kumuntrata siya ng paggawa ng tambutso sa isang auto assembler at kumita siya nang malaki. Sa loob ng tatlong taon, gumawa na rin ang machine shop niya ng mga partes ng kotse.Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang may edad nang ina. Isang araw, dumating ito sa kanilang bahay, gaya ng dati may pasalubong sa tatlong apong lalaki."Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw dahil sa hinanakit mo," sabi ng kanyang ina."Kinalimutan ko na, Inay, na nagakaroon ako ng ama!"Umiyak ang kanyang ina."Kung gayon… baka hindi na kayo magkita, anak!" nawika nito bago umalis.Sa tindi ng hinanakit, hindi pa rin niya binigyang-halaga ang bulalas na iyon ng kanyang ina. Nagpakagumon siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong kontrata hanggang sa loob pa ng dalawang taon, kilala na ang kanyang machine shop sa Pasay. Isang araw, hindi niya dinatnan ang kanyang asawa at tatlong anak sa bahay."Nasaan sila?" usig niya sa katulong."Umuwi ho uli sa probinsya. Patawirin daw ho ang inyong ama!""Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?"Tumango ang tinanong na katulong."May dalawang ulit na hong regular silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang inyong matanda."May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya sa galit. Ngunit sa pagkaunawang patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang masasayang sandali sa piling nito. Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng saranggola."Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas, nasa husay, tiyaga at ingat iyan!"Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng kanyang ama. Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang sinilangan."Patay na siya!" bulalas ng kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib.May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang hinanakit. Nilapitan niya ang ina at sa pagkakayakap dito, umiyak siya nang marahan, kasamang nagdadalamhati ang lahat ng himaymay ng kanyang laman."Huwag kang umiyak… namatay siyang walang hinanakit sa iyo." Anas ng kanyang ina."Wa-walang hinanakit?""Oo, anak… dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. At sabi niya sa akin, pati sa asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon."Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon, nagunita na naman niya ang pagpapalipad nila ng saranggola."Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Hayaan mo… tuturuan kita!" paliwanag na ama.Rading, Paquito, Nelson…tandaan ninyo ang kwentong iyan. Kwento 'yan namin ng inyong namatay na lolo. Kwento naming dalawa.

Ang "Lupain ng Taglamig ni Rogelio" ay isang maikling kwento ni Rogelio Sikat na nagsasalaysay tungkol sa isang magsasaka na naghahanap ng mas magandang buhay sa kabundukan. Ito ay tungkol sa pakikibaka ng tao sa kalikasan at ang kanyang pakikisalamuha sa kapwa at kalikasan.
itoy nangangahulogan sa mga tao na ang mundo ay hindi paralang sa kanila,lalong lalo na sa mga masasamang taoNi Natsumi Soseki Salin ni Aurora E. BatnagPaakyat sa landas ng bundok, nakapag-isip-isip ako. Kapag laging utak ang pinapangibabaw mo, magiging malupit ka, sumagwan ka sa ilog ng emosyon at matatangay ka ng agos. Palayain mo naman ang iyong mga hangarin at di ka mapakali sa iyong pagkakakulong. Hindi kasiya-siyang mamuhay rito, sa daigdig na ito. Habang lumulubha ang pagkayamot,ibig mong tumakas kung saan higit na magaan ang buhay. Pagdating lang sa puntong una mong napag-isip-isip na sadyang mahirap mabuhay kahit malayo na ang narating mo, saka isinisilang ang isang tula, o nalilikha ang isang larawan. Ang mundong ito ay di likha ng Diyos o ng demonyo kundi ng mga karaniwang tao sa ating paligid; yaong mga nakatira sa tapat o sa kapitbahay, na tinatangay ng pang-araw-araw na agos ng pamumuhay. Maaaring napakahirap mabuhay sa mundong ito na nilikha ng mga karaniwang tao pero may iba pa bang mapupuntahan? Kung mayroon man,tiyak iyon ay isang lupaing ³di-pantao´, at anong malay natin,baka mas kasumpasumpa pa ang mundong iyon kaysa rito? Hindi tayo makatatakas sa daigdig na ito. Samakatuwid, sa hirap ng buhay, wala kang magagawa kung di magpakaginhawa sa taghirap, bagamat maikling panahon lamang ang kaya mong tiisin, upang kahit papaano¶y makaya mo ang iyong maikling buhay. Sa puntong ito nagsisimula ang bokasyon ng isang alagad ng sining at dito rin itinatalaga ng langit ang gawain ng isang pintor. Pasalamatan mo ang langit dahil sa mga tao na sa iba¶t ibang paraan ng kanilang sining, ay naghahatid ng katiwasayan sa mundo at nagpapataba ng mga puso. Alin sa mundo ang lahat ng alalahanin at problemang nagpapabigat sa buhay sa halip ay ilarawan ang isang daigdig na punung-puno ng biyaya at pagmamahal. Magkakaroon ka ng musika, ng isang larawan, o tula, o iskultura. Hindi lang ito, idaragdag ko pang hindi kailangang magkatotoo ang pananaw na ito. Sapat nang ilarawan sa isip at magkakabuhay ang tula, magkakahimig ang awit. Bago mo pa man isulat ang iyong inisip, mararamdaman mong parang napupuno ang iyong dibdib ng kristal na taginting ng mga kampanilya; at kusang magliliwanag sa iyong mga mata ang lahat ng maningning na kulay, kahit di nagagalaw sa kabalyete ang iyong kanbas na di pa nahahaguran ng pintura. Sapat nang magkaroon ka ng ganitong pananaw sa buhay at ang marumi¶t bulgar na mundong ito ay magiging malinis at maganda sa mga mata ng iyong kaluluwa. Maging ang makata na wala pang naisusulat kahit isang taludtod, o ang pintor na walang pintura at wala pang naipipinta kahit isang bahagi ng kanbas, ay makatatagpo ng kaligtasan, at makaaangat sa mga makamundong hangarin at damdamin. Kailanma¶t ibig, mapapasok nila ang isang daigdig ng dalisay na kalinisan, at kapag naitapon ang pagkakasakim at pagkamakasarili, ay makapagbubuo ng walang katulad at di mapantayang daigdig. Sa lahat ng ito, higit pa silang maligaya kaysa sa mayayaman at tanyag; kaysa sa sino mang panginoon o prinsipeng nabuhay sa mundong ito; tunay na mas maligaya kaysa sa lahat ng nagtatamasa ng pagmamahal sa bulgar na mundong ito.Pagkaraang mabuhay nang dalawampung taon, napag-isip-isip kong karapatdapat mamuhay sa mundong ito. Sa edad na beinte-singko, naunawaan ko na tulad ng liwanag at dilim na magkabilang tabi ng iisang bagay, saan man may liwanag ng araw, tiyak na may anino. Ngayon, sa edad na treinta, ganito ang nasasaisip ko: sa kailaliman ng kaligayahan, naroroon ang kalungkutan; at kung lalo kang maligaya, lalo ring matindi ang sakit. Subukin mong ihiwalay sa lungkot ang tuwa at mawawalan ka ng kapit sa buhay. Itabi mo ang mga ito sa isang sulok at guguho ang mundo. Mahalaga ang pera, pero kapag naipon, di ba nagiging problema lamang ito na bumabagabag hanggang sa pagtulog? Ang pag-ibig na nakatutuwa pero kapag nagkapatung-patong ang mga kagalakang ito hahanap-hanapin mo ang mga araw noong di mo pa kilala ang tuwa. Ang mga balikat ng estado, ang Gabinete, ang nagsusuporta ng mga pasanin para sa milyun-milyon, ang mga paa nito; at pabigat sa kanila ang mga sagutin ng gobyerno. Iwasan mong kumain ng napakasarap na bagay, at pakiramdam mo¶y may nakaligtaan ka. Kaunti lamang ang kainin mo at pagtindig mo sa mesa, mararamdaman mong gusto mo pang kumain. Kumain ka nang napakarami at pagkaraan ay sasama ang pakiramdam mo. Sa bahaging ito ng paglalakbay ng aking isip, napatapak ang aking kanang paa sa isang matulis na bato at nadulas ako. Tuluyan na akong bumagsak matapos kong bawiin ang kaliwang paa na bigla kong naisipa sa pagtatangkang mabalanse ang katawan ko. Mabuti na lamang at napaupo ako sa isang malaking bato na may lapad na tatlong piye, kaya ang nangyari lamang ay nakalog ang kahon ng pintura na nakasukbit sa aking balikat. Swerte na lamang at walang nasira. Nang tumayo ako at tumingin sa paligid, napansin ko sa dakong kaliwa ng landas ang isang namumukod na tuktok na korteng baliktad na balde. Nababalutan ito mula ibaba hanggang itaas ng makapal na berdeng puno, na di ko makilala kung cryptomeria o sipres. Sumasalit sa mga dahon ang ilang kumpol ng ligaw na cherry na kulay maputlang pula at dahil sa napakakapal na ulap sa ibabaw tila naglanguyan at naghalo ang mga kulay at imposibleng makita nang malinaw ang mga puwang sa pagitan ng mga puno at sanga. Nasa di kalayuan ang isang kalbong bundok. Namumukod ito sa paligid at parang abot-kamay lamang ang layo. Parang pinalakol ng isang higante ang walang kapunu-punong gilid nito at napakatarik ng batuhang mukha na diretsong pababa sa kapatagang nasa kailaliman. Sa tingin ko¶y pulang pino ang nag-iisang punong iyong nasa tuktok. Kitang-kita maging ang mga piraso ng langit na masisilip sa pagitan ng mga sanga. May dalawampung yarda sa dako pa roon, biglang naputol ang landas, pero pagtingala ko, may nakita akong isang pigurang nakabalot ng pulang kumot na pababa sa gilid ng bundok, at naitanong ko sa aking sarili, makarating kaya ako roon kung aakyat ako. Terible ang daang ito. Kung lupa lamang ito, hindi sana ganito katagal lakarin, pero may nakabaong malalaking bato sa daan.Mapapantay mo ang lupa, pero nakausli pa rin ang mga bato. Mapagpipirapiraso mo ang maliliit na bato, pero hindi ang malalaki. Hindi mo maaalis ang mga batong iyon. Ang mga bato ay parang nangungutya at tiwalang-tiwala sa sarili na nakapwestong di masusupil sa tambak ng di patag na lupa. Wala yatang daan dito na di mo muna paghihirapan. Kung gayon, dahil ayaw magparaan ng ating kalabang di mapagbigay, kailangang umakyat tayo o kaya¶y ikutan ito. Hindi pa rin madaling lakarin ang lugar na ito kahit hindi ito mabato. Mataas ang magkabilang tabi at may hukay sa gitna ng landas. Ang hukay na ito ay mailalarawan sa pamamagitan ng heometriya. Tatsulok ito na ang lapad ay may anim na piye, na ang mga gilid ay nagtatagpo sa isang matulis na anggulo, na nasa gitna ng landas. Para kang naglalakad sa ilalim ng ilog sa halip nasa isang landas. Dahil sa simula pa¶y di ko na inisip na magmadali, magdahan-dahan lang ako sa paglakad at haharapin ang di mabilang na paliku-liko kapag nanduon na. Sa ibaba ng aking kinatatayuan, biglang umawit ang isang pipit. Ngunit kahit gaano ko pa man titigan ang kapatagan, talagang ni anino ng ibon ay di ko makita; ni hindi ko malaman kung saan ito naroroon. Malinaw kong naririnig ang tinig nito, pero hanggang doon lamang. Dahil malakas at walang tigil ang pagawit ng ibon, pakiramdam ko¶y masiglang nagpaparoo¶t parito ang hangin para matakasan ang nakaiinis na kagat ng libu-libong pulgas. Talagang hindi tumigil ang ibong iyon kahit saglit. Para bang hindi ito masisiyahan hangga¶t hindi nakaaawit nang husto araw at gabi sa buong nakasisiyang tagsibol; at hindi lamang umawit kundi patuloy na lumipad magpakailanman. Walang dudang doon na mamamatay ang pipit sa itaas ng ulap. Maaring sa pinakaitaas ng kanyang paglipad, mararating ng pipit ang lumulutang na ulap at doo¶y lubusang maglalaho hanggang sa tanging boses na lamang ang maiiwan, na ikinukubli ng hangin. Biglang lumiko ang landas sa isang nakausling kanto ng bato. Ang isang bulag ay maaring magtuluy-tuloy hanggang sa bingit, pero naiwasan ko ang peligro at nakuha kong kumanan. Sa ibaba, natanaw ko ang mga rape-blossom na parang alpombrang nakalatag sa kapatagan. Mapapadpad kaya roon ang isang pipit? ± Hindi. Siguro, naisip ko, lilipad ito mula sa mga ginintuang bukirin. Pagkaraa¶y inilarawan ko sa isip ang dalawang pipit, ang isa¶y pasisid habang ang isa nama¶y paitaas, nagkasalubong sa paglipad. Sa wakas ay naisip kong pasisid man o paitaas o magkasalubong man sa paglipad, malamang magpapatuloy pa rin ang masiglang pag-awit ng pipit. Sa tagsibol, inaantok ang lahat. Nalilimutan ng pusa na manghuli ng daga, at nalilimutan ng tao ang kanilang mga utang. Kung minsan, pati kaluluwa¶y nalilimutan nila at sila¶y nagmimistulang tuliro. Ngunit nang tanawin ko ang dagat na iyon ng mga rapeblossom, waring natauhan ako. At nang marinig ko ang awit ng pipit, naglaho ang ulap at muli kong natagpuan ang aking kaluluwa.Hindi lamang lalamunan ang umaawit sa pipit, kundi ang kabuuan nito. Sa lahat ng nilalang na maaaring magsatinig sa mga gawain ng kaluluwa, walang sinlakas at buhay na buhay na gaya ng pipit. Tunay itong kaligayahan. Kung nasasaisip mo ito at maaabot mo ang ganitong antas ng kaligayahan, iyon ay tula. Biglang pumasok sa isip ko ang tula ni Shelley tungkol sa pipit. Tinangka kong bigkasin, pero dadalawa o tatlong saknong lang ang naaalala ko. Narito ang ilang taludtod:Lumilingon at tumatanaw Hinahangad ang wala sa kamay: May halong pait Ang pinakamatapat mang halakhak, Pinakamatamis ang awit tungkol Sa pinakamatinding sakit.Gaano man kaligaya ang makata, hindi niya maibubuhos sa awit ang kanyang galak tulad ng malaya at walang pakialam na taos-pusong pag-awit ng pipit. Madalas gamitin sa Kanluraning panulaan, at makikita rin sa panulaang Tsino, ang pariralang ³di mabilang na bushel ng kalungkutan.´ Marahil, bushel ang ginagamit sa pagsukat sa lungkot ng makata, samantalang sa kariniwang tao ay ni hindi pa makapupuno ng pint man lamang. Marahil, ngayong napag-isip-isip ko, dahil mas mapagalala ang makata kaysa sa karaniwang tao, mas matalas ang kanyang pakiramdam. Totoong may mga sandaling nakadarama siya ng di masukat na tuwa, pero mas madalas din naman siyang nakadama ng di masukat na lungkot. Dahil dito, dapat munang isaalang-alang na mabuti bago ka magpasiyang maging makata.Dito, pantay-pantay ang landas nang may ilang hakbang. Nasa kanan ang burol na natatakpan ng mga palumpong, at sa kaliwa naman, hanggang sa maaabot ng tanaw ay puro rape-blossom. Sa magkabila, nakatapak ako ng mga dandelion, na may mga dahong parang ngipin ng lagari na nakatayong nagmamalaki upang ipagtanggol ang ginintuang lobo sa gitna. Nakapanghihinayang dahil sa katatanaw ko sa mga rape-blossom ay natapakan ko ang mga dandelion. Pero paglingon ko, nakita kong di nagalaw ang mga ginintuang lobo sa pagitan ng mga nagsasanggalang na dahon. Kaylayang buhay! Binalikan kong muli ang aking iniisip. Siguro, hindi mawawala sa makata ang kalungkutan, pero nang marinig kong umaawit ang pipit, ni katiting na sakit o lungkot ay wala akong naramdaman; at pagtingin ko sa mga rape-blossom, ang tanging alam ko¶y lumulukso at sumasayaw ang aking puso. Gayon din ang nadama ko nang makita ang dandelion at ang namumukadkad na cherry, na ngayo¶y nawala na sa aking paningin. Doon sa kabundukan, malapit sa kagalakang hatid ng kalikasan, lahat ng makikita mo at maririnig ay nakasisiya. Ito¶y galak na di mababawasan ng alinmang hirap. Posibleng manakit ang mga binti mo, o maaring sabihin mong wala kang makaing masarap, pero iyon lang, at wala nang iba. Bakit kaya ganito? Siguro, dahil pagtingin mo sa tanawin para bang nakatingin ka sa isang larawang binuksan para sa iyo, o kaya¶y nagbabasa ka ng tula sa isang iskul. Sarili mo ang buong paligid, pero dahil iyo¶y gaya ng larawan o tula, hindi mo naiisipang paunlarin ito, o magkapera sa pamamagitan ng pagtatayo ng riles mula sa siyudad. Wala kang inaalalang anuman sapagkat tanggap mo ang katotohanang walang magagawa ang tanawing ito para busugin ka o kaya¶y dagdagan ng kahit kusing ang iyong suweldo, kaya kuntento ka nang pagmasdan na lamang ito. Ito ang malaking pang-akit ng Kalikasan na sa isang kisap-mata, madidisiplina nito ang puso at isip, maisasantbi ang lahat ng paghamak, at ihahatid ang mga ito sa dalisay at walang dungis na daigdig na tula. Sa obhetibong pananaw, masasabing maganda ang pagmamahal ng isang lalaki sa kanyang asawa o sa kanyang mga magulang, at mainam maging tapat at makabayan. Ngunit kapag kasangkot ka na sa mga ito, bubulagin ka ng marahas na agos ng mga kontra at kampi, mga bentaha at disbentaha, at di mo na makikita ang ganda at kinang, at tuluyan nang maglalaho ang tula. Para mapahalagahan ang tula, kailangang lumagay ka sa lugar ng miron na dahil puwedeng lumayo, ay makikita ang tunay na nangyayari. Sa puwestong ito lamang magiging nakasisiya ang isang nobela o dula dahil malaya ka sa mga personal na interes. Makata lamang habang nanonood o nagbabasa, at di ka pa aktuwal na kasangkot.Pagkasabi nito, dapat kong amining karamihan ng mga dula at nobela ay puno ng pagdurusa, at pagluha, kaya kahit miron lamang ay di maaaring di masangkot sa emosyon. Matatagpuan na lamang niya, na sa isang punto ay karamay na siya, at nagdurusa rin, naiinis, nagiging palaaway, at umiiyak. Sa ganitong pagkakataon, ang tanging bentaha sa kanyang puwesto ay ang pagyayaring hindi siya apektado ng ano mang damdamin ng kasakiman o paghahangad ng personal na ganansiya. Ngunit ang kawalan niya ng interes ay nangangahulugang ang ibang mga damdamin niya¶y higit pang matindi sa karaniwan. Kaysaklap naman! Sa loob ng mahigit na tatlumpong taon ng pamumuhay sa daigdig na ito, labis na ang nararanasan kong pagdurusa, galit, paglaban, at kalungkutan na di napapawi; at talagang napakahirap kung paulitulit na matatambakan ng pampagising sa mga emosyong ito kapag nagpupunta ako sa teatro, o kapag nagbabasa ako ng mga nobela. Ibig ko ng tulang naiiba sa karaniwan, at nag-aangat sa akin, kahit pansamantala, mula sa alikabok at dumi ng pang-araw-araw na buhay; hindi yaong nagpapatindi nang higit sa karaniwan sa aking damdamin. Walang duda, gaano man kadakila, na walang emosyon at iilang nobela ang tiwalag sa konsepto ng tama at mali. Tatak na ng nakararaming mandudula at nobelista ang kawalang kakayahang humakbang palabas sa makamundong ito. Ang mga kalikasang pantao ang sentro ng paksa ng mga Kanluraning makata sa partikular kaya di nila pinapansin ang daigdig ng dalisay na panulaan. Dahil dito, pagdating sa dulo ay mapapahinto sila dahil hindi nila alam kung may matatagpuan pa sa dako pa roon. Kuntento na silang talakayin ang karaniwang itinitindang simpatiya, pag- ibig, katarungan, at kalayaan, na pawang matatagpuan sa pansamantalang palengke na tinatawag nating buhay. Maging ang pinakamatulin sa mga ito ay abalang-abala sa pangaraw-araw na gawain, kaya ni hindi na nagkakapanahong kalimutan ang susunod na pagbabayaran. Hindi kataka-takang nakahinga nang maluwag si Shelley nang marinig niya ang awit ng pipit. Mabuti na lamang at paminsanminsan, ang mga makatang Silanganin ay nagkakaroon ng sapat na pagkaunawa upang makapasok sa daigdig ng dalisay na panulaan.Sa ilalim ng halamang-bakod Sa Silangan pumili ako ng krisantemo, At naglakbay ang aking paningin sa mgaBurol sa Timog.Dadalawang taludtod, ngunit kapag nabasa mo ang mga ito, lubos mong mamamalayan kung papaanong ganap na nagtagumpay ang makata na makalaya sa mapaniil na mundong ito. Hindi ito tungkol sa babaeng nakasilip sa kabilang bakod; o sa mahal na kaibigang nakatira sa kabilang burol. Ang makata ay nasa ibabaw ng lahat ng ito. Sapagkat natanggal na niya ang lahat ng alalahanin tungkol sa bentaha at disbentaha, tubo at pagkalugi, natamo na niya ang dalisay na takbo ng isip.Nag-iisa, sa gitna ng kawayanan Kinalabit ko ang kuwerdas; At mula sa aking alpa Pumailanlang ang nota.Sa madilim at di dinadaanang landas Tumatanglaw ang buwan sa pagitan ng mga dahon.Sa pagitan ng iilang maikling linyang ito, isang buo at bagong mundo ang malilikha. Ang pagpasok sa mundong ito ay di tulad ng pagpasok sa mundo sa mga popular na nobelang gaya ng Hototogisu at Konjiki Yasha. Para itong pagtulog nang mahimbing at pagtakas sa nakapapagod na mga bapor, tren, karapatan, tungkulin, moral, at kagandahang- asal. Ang uring ito ng tula, na hiwalay sa mundo at sa mga problema nito, ay sing-halaga ng pagtulog upang matagalan natin ang bilis ng pamumuhay sa ikadalawampung dantaon. Gayon man, sa kasamaang palad, lahat ng makabagong makata, kabilang na ang kanilang mga mambabasa, ay labis na nabighani sa mga Kanluraning manunulat kaya hindi makuhang maglakbay sa lupain ng dalisay na tula. Hindi ko talagang propesyon ang pagtula, kaya hindi ko intensiyong mangaral tungkol sa makabagong panulaan, upang mapagbagong-loob ang iba na sumunod sa uri ng pamumuhay nina Wang Wei at Tao Yuan-Ming. Sapat nang sabihing sa aking opinyon, ang inspirasyong natatamo sa kanilang mga akda ay higit pang mabisang panlaban sa mga problema ng makabagong pamumuhay kaysa sa panonood ng sine o pagdalo sa mga sayawan. Bukod dito, para sa akin, ay higit na kasiya-siya ang ganitong uri ng tula kaysa sa Faust o Hamlet. Ito ang tanging dahilan kung bakit pagdating ng tagsibol, mag-isa kong nilalakad ang landas sa bundok, sukbit sa balikat ang aking tripod at kahon ng pintura. Hinahanap-hanap kong makuha mula sa Kalikasan mismo ang kahit na bahagyang atmospera ng daigdig nina Yuan-Ming at Wang Wei; at kahit pansamantala lamang, naglalakad-lakad ako sa lupaing lubusang hiwalay sa mga pandama at emosyon. Ito'y isang kakatwang ugali ko. Mangyari pa, tao lamang ako. Kaya gaano man kahalaga sa amin ang ganitong napakasarap na pagkatiwalag sa mundo, may hanggan kung saan ako makapag-iisa sa isang panahon. Hindi ako naniniwalang maging si Tao Yuan-Ming ay walang tigil na pinagmasdan ang mga Katimugang burol sa loob ng ilang taon. Ni hindi ko mailarawan sa isip si Wang Wei na natutulog sa kanyang pinakamamahal na kawayanan nang walang kulambo. Malamang, ipinagbibili ni Tao sa isang magbubulaklak ang lahat ng krisantemong di na niya kailangan, samantalang naunahan naman ni Wang ang gobyerno sa pagbebenta ng labong sa lokal na pamilihan. Iyan ang uri ng pagkatao ko. Gaano man ako naakit sa pipit at sa mga rape-blossom, mortal pa rin ako at di nagnanais magkamping sa gitna ng kabundukan. May makikilala ka kahit sa isang lugar na tulad nito; sa isang matandang lalaki na nakapaloob sa likod ang kimono at may bandang nakabuhol sa baba; isang kabataang babaeng nakapaldang pula; kung minsan, may makakasalubong ka pang kabayo na ang mukha ay higit na mahaba kaysa sa tao. May bahid pa rin ng amoy ng mga tao ang hangin kahit dito sa taas na ilang daang piye mula sa kapatagan ng dagat. Hindi yata tamang sabihing "may bahid ", dahil inaakyat ko ang bundok na ito sa pag-asang makapagpalipas ng gabi sa isang otel sa mga mainit na bukal na Nakoi. Depende sa kinaroroonan mo, ang isang bagay ay maaring magmukhang ibang-iba. Minsan,sinabi ni Leonardo da Vinci sa isang estudyante: " Pakinggan mo ang tunog ng kampanang iyon. Iisa lang ang kampana, pero maririnig mo ito sa napakaraming paraan." Dahil sa subhetibo ang paghuhusga natin, maaring magkaiba-iba ang mga opinyon tungkol sa iisang tao, lalaki man o babae. Sa ano't ano man, dahil ang layunin ko sa paglalakbay na ito ay pagtagumpayan ang emosyon, at masdan ang mga bagay-bagay nang walang damdamin tiyak na iba na ang tingin ko sa mga tao ngayon kaysa noong namumuhay pa ako sa piling nila sa isang masikip na klayenon sa magulo at isinumpang siyudad - ang daigdig ng tao. Di man ako maging ganap na obhetibo, kahit papaano, ang damdamin ko'y di dapat maging mas matindi pa kaysa kung ako'y nanonood ng dulang Noh. Kung minsan, maging ang Noh ay nagiging sentimental. Papaano makatitiyak na hindi ka paluluhain ng Shickikiochi o Sumidagawa? Gayon man, tunay na emosyon ang treinta porsiyento ng Noh, at teknik naman ang natitirang sitenta porsiyento nito. Ang husay at pang-akit ng Noh ay hindi dahil mahusay nitong ipinamamalas ang emosyon at ugnayang pantao na parang tunay na buhay kundi dahil humahango ito ng mga pangyayaring pangkaraniwan saka ito dinadamitan ng patung-patong na sining, upang makalikha ng mabagal at halos nakaaantok na modelo ng kaasalan, na di makikita sa tunay na buhay. Ano kaya ang mangyayari, kung habang isinasagawa ko ang maikling paglalakbay na ito, ay ituturing kong bahagi ng dulang Noh ang mga pangyayari, at ang mga taong nakikilala ko ay mga aktor. Dahil tula ang pangunahing layunin ng paglalakbay na ito, ibig kong samantalahin na ang pagkakataon ng pagiging malapit sa kapaligirang Noh sa pamamagitan ng pagtitimpi sa aking mga emosyon hangga't maari, bagamat alam kong hindi ko lubusang maisasantabi ang mga iyon. Ang "Katimugang mga Burol" at mga "Kawayanan", ang pipit at mga rape-blossom ay may taglay na sariling karakter, na ibang-iba sa sangkatauhan. Gayon man, hangga't maari, ibig kong pagmasdan ang mga tao mula sa punto de bista ng dalisay na mundo ng tula. Kay Bassho, kahit ang kabayong umiihi sa tabi ng kanyang unan ay eleganteng paksa ng Hokku. Mula ngayon, ituturing ko na ring bahagi lamang ng pangkahalatang kanbas ng Kalikasan ang lahat ng makita kong magsasaka, negosyante, klerk sa nayon, matandang babae at lalaki. Alam kong naiiba sila sa mga pigura sa isang larawan, dahil bawat isa'y kikilos ayon sa gusto niya. Gayun pa man, sa palagay ko'y bulgar ang pagsusuri ng karaniwang nobelista sa kanilang mga tauhan, ang pagtatangka nilang silipin ang isipan ng mga ito at ang pakikialam sa pang-araw-araw nilang mga problema. Walang halaga sa akin kahit gumagalaw ang mga tao, dahil iisipin kong sila'y gumagalaw sa larawan lamang; at ang mga pigura sa isang larawan, gumalaw man nang gumalaw, ay nakakulong sa dadalawang dimensiyon. Siyempre, kung iisipin mong may tatlong dimensiyon sila, magkakaroon ng kumplikasyon dahil makikita mo na lamang na natutulak ka, at minsan pa, mapipilitan kang pag-isipan ang inyong pagbabanggaan ng mga interes. Maliwanag na imposible para kanino mang nasa sitwasyong ito na tingnan ang mga bagay sa punto de bista ng sining. Mula ngayon, magiging obhetibo ako sa pagmamasid sa lahat ng makikilala ko. Sa ganitong paraan, makaiiwas ako sa ano mang ugnayang emosyonal na maaring mamagitan sa aming dalawa, kaya hindi ako maaapektuhan gaano man siya kalapit sa akin. Sa maikling salita, para lang akong nakatayo sa harap ng isang larawan , nagmamasid sa masiglang kilos ng mga tauhan dito. Sa layong tatlong piye mula sa kanbas, mahinahon mo itong mapagmamasdan, dahil walang panganib na masasangkot. Sa ibang salita, hindi maaagaw ng sariling interes ang iyong kakayahang mag-iisip kaya maibubuhos mo ang atensiyon sa pagmamasid sa mga galaw ng mga tauhan mula sa artistikong pananaw. Nangangahulugang maibubuhos mo nang husto ang iyong pansin sa paghusga sa kung alin ang maganda at alin ang hindi. Nang makabuo ako ng ganitong konklusyon, napatingala ako at napansin kong nagbabanta ang langit. Pakiramdam ko'y nasa tuktok ko na ang bigat ng ulap. Ngunit halos di ko napansin, biglang kumalat ang ulap at ang buong kalangitan ay naging isang napakagandang dagat ng ulap, na naghuhulog ng masinsing patak ng ulang tagsibol. Nasa pagitan na ako ngayon ng dalawang bundok at malayo ang mga rape-blossom. Hindi ko nga lamang masabi kung gaano na kalayo, dahil napakasinsin ng ulan. Paminsan-minsan, may sumasalit na hangin at nahahawi ang mataas na kurtinang ulap, saka lilitaw sa dakong kanan ang maitim na abuhing gilid ng bundok. Tila may mga kabundukang nakalatag sa kabila ng kapatagan. Sa dakong kaliwa, tanaw ko ang paanan ng isa pang bundok, at kung minsan sa kabila ng parang kurtinang ambon, nabubuo ang tila aninong hugis ng mga punong pino, na nalalabas saglit at muling magtatago. Hindi ko alam kung ulan o ang mga puno ang gumagalaw, o kung ang lahat ng nasasaksihan ko ay bahagi lamang ng panaginip. Ano man iyon, sa tingin ko'y ibang-iba sa karaniwan at napakaganda. Sa dakong ito, di ko inaasahang naging napakaluwag ng daanan; dahil pantay ito, ang paglalakad ay hindi napakasakit sa likod na gaya ng dati. Mabuti naman, dahil hindi ko napaghandaan ang ulan mula sa aking sumbrero nang makarinig ako ng pagkuliling ng mga kampanilya sa layong sampu o labindalawang yarda. Mula sa kadiliman, sumulpot ang anino ng kutsero."May alam ba kayong matitigilan dito?""May tea house sa banda roon, mga isang milya ang layo. Basang-basa na kayo, a!" Isang milya pa! Lumingon ako at pinagmasdan ang kutsero na nagmimistulang anino sa isang umaandap na mahiwagang lampara, hanggang sa unti-unting sumanib ang anyo nito sa ulan at lubusang mawala sa paningin. Ang mga patak ng ulan, na kanina'y parang pinung-pinong ipa na tinatangay ng hangin, ay papalaki na ngayon at papahaba, at nakikita ko nang buo ang bawat patak. Basang-basa na ang aking haori at ang ulang bumabasa maging sa aking mga panloob na kasuotan, ay maligamgam na sa init ng aking katawan. Napakakawawa ng pakiramdam ko kaya itinakip ko sa isang mata ang aking sumbrero at binilisan ang paglakad. Kung sa iba mangyayari ito, naisip ko na ang pagkabasa sa ulan na napaliligiran ng di mabilang na patak ng pilak habang naglalakad sa abuhing kalawakan, ay magandang paksa ng isang kahangahangang tula. Kapag lubos ko lamang nalimutan ang aking materyal na buhay, at tiningnan ang aking sarili sa isang obhetibong pananaw, saka ko pa lamang maiaakma ang sarili, tulad ng pigura sa larawan sa kagandahan ng Kalikasan sa aking paligid. Sa sandaling mainis ako sa ulan, o mayamot dahil sa pagod na ako sa paglalakad, hindi na ako ang karakter sa isang tula, o ang pigura sa isang larawan, at muli akong mababalik sa dating walang pang-unawa at walang pakiramdam na lalaki sa kalye gaya ng dati. Kung ganoon ay bulag ako sa kagandahan ng nagdaraang ulap; walang pakiramdam sa pagkalagas ng bulaklak o iyak ng ibon, at lalo nang walang pagpapahalaga sa napakagandang larawan ng aking sarili na nag-iisang naglalakad sa kabundunkan isang araw ng tagsibol. Nang una, hinatak ko pababa ang sumbrero at binilisan ko ang paglakad. Nang malaunan, pinagmasdan kong mabuti ang mga paa ko. Sa wakas, talunan at laylay ang mga balikat, humakbang akong parang kawawangkawawa. Sa lahat ng dako, inaalog ng hangin ang mga tuktok ng puno, at pinagmamadali ang ulilang naglalakad. Pakiramdam ko'y napalayo na ako nang husto sa sangkatauhan!add me : fb.com/jopert2424