answersLogoWhite

0


Best Answer

Hindi pa man lubusang natatapos ang mainit na usapin sa RH bill, isa na namang kontrobersiyal na panukalang batas ang patuloy na magpapaalab sa mga diskusyong kasasangkutan ng Simbahan. Ito ang Divorce Bill.

Sinasabing ang Pilipinas at ang Vatican na lamang ang nalalabing bansa na walang Divorce Bill. Ito ang dahilan kung bakit ang pagsusulong nito sa ating bansa upang maging batas ay mariing tinututulan ng Simbahang Katoliko. Matagal na panahon na may ilang mga mambabatas ang nagnilay at nagbalak maghain ng ganitong batas ngunit hindi interesado dito ang nakakarami at walang malawakang naging pagtanggap.

Pero ngayon, mas vocal na ang mga tagapaghain ng panukalang batas bugso ng mga datos at pag-aaral na nagpapakita ng lumalaking bilang ng malalang sitwasyon ng mga mag-asawa. Ang mga iba't ibang kumplikado at sensitibong isyu tulad ng marital unfaithfulness, pang-aabuso,exploitation, injustice, at sari-saring hindi na makataong kundisyon ang nakikitang malakas na batayan upang ihain ang ganitong batas. Inilalagay daw nito sa panganib ang katinuan, kalidad ng buhay o buhay mismo ng isang asawa, pati na ng mga anak. Nakikita ring hindi na relevantat kulang ang mga kasalukuyang batas sa ating Family at Civil code upang tugunan ang mga hamon na kinahaharap ng mga mag-asawa sa ating panahon.

Bilang taong simbahan, paano natin dapat tingnan ang usaping ito?

Hindi na bago ang isyu ng divorce. Kasing tanda na ito ng Lumang Tipan sa Bibliya. Sa katunayan, may mga probisyon sa pagsasagawa ng divorce sa batas ni Moises (Deuteronomio 24: 1-4). Sa panahon ni Jesus, ginamit ng mga religious leaders ang isyung ito upang subukin ang kanyang moral authority sa pag-unawa sa batas ni Moises.

Sa Mateo 19:1-12, tinanong ng diretso si Jesus kung naaayon ba sa batas ni Moises na i-divorce ang asawang babae sa anumang kadahilanan. Importante ang katanungang iyon sa kadahilanang ang mga Pariseo mismo ay hati sa kanilang pagkaunawa ng nasabing batas. Para sa partido ni Rabbi Shammai, ang divorce ay maaari lamang ipatupad sa kaso ng sexual misconduct. Para naman kay Rabbi Hillel, ang divorce ay maaaring hilingin maging sa kaso lamang ng pagkasira ng asawa ng pagkain. At para kay Rabbi Akiba, pwedeng i-divorce ng lalaki ang kanyang asawakung may nakita na siyang mas kahali-halinang kapareha.

Subalit hindi sinakyan ni Jesus ang mga isyu sa debateng ito. Bagkus, itinaas niya ang batayan ng moralidad at ethics.Ibinalik niya ang usapin sa original na intensiyon ng Diyos para sa kasal nang una niyang nilikha ang tao. Sa madaling salita, ipinaalala muli ni Jesus na ang tunay na kalooban ng Diyos sa kasal ay panghabangbuhay at permanente. Diyos mismo ang sangkot sa pag-iisang dibdib ng dalawang tao. At dahil dito, walang sinumang tao ang dapat sumira nito.

Ngunit kaalinsabay nito, tinuligsa ni Jesus ang katigasan ng kanilang puso. Tinukoy niya na ito ang nagbigay daan para pahintulutan ang divorce noong panahon ni Moises. Siguro magandang pagnilayan yung sinabi ni Jesus kung bakit pinahintulutan ang divorce: "…dahil sa katigasan ng inyong puso." Kung ang naging paghahain ng divorce bill na ito sa ating bansa ay isa lamang pagtugon sa lumalalang kundisyon ng mga asawang naigapos sa kasal at humihingi ng kalayaan, magandang itanong natin sa mga taong simbahan kung bakit ang kalidad ng buhay mag-asawa ay bumaba ng ganito. Bakit ang baba na ng tingin sa institusyon ng kasal? Hindi kaya symptoma ang mga ito ng katigasan ng puso na binabanggit ni Jesus? At hindi kaya katigasan ng puso pa rin ang siyang patuloy na sumisira sa original na intensiyon ng Diyos para sa kasal?

Saan nga ba ang tunay na laban ng Simbahan? Ang pakikipaglaban ba sa mga nagsusulong ng lunas sa mga lumilitaw na symptoma o ang pag-bigay lunas sa ugat ng symptoma?

Tinukoy mismo ni Jesus ang ugat ng symptoma: "…katigasan ng inyong puso!"

May Divorce Bill man o wala, kung hindi magiging epektibo at tapat ang Simbahan na tugunan ang ugat ng pagsusulong nito patuloy na mamamayagpag ang pagbaluktot ng tao sa intensiyon ng Diyos sa kasal.

User Avatar

Wiki User

11y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang masasabi ng simbahang katoliko tungkol sa diborsyo?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp