answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang mga dulang Hapon ay nagsimula sa mga simbolikong sayaw na itinatanghal sa sala ng emperador. Ang pinakamatandang anyo ng dulang Hapon ay magkahalong sayaw at dula na tinatawag na No.

User Avatar

Wiki User

14y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

12y ago

Ipinagbawal ang mga akdang Ingles noong panahon ng Hapon. Kung kaya't mas umunlad ang ang panitikang Pilipino noong panahon ng mga Hapon. Dito nakilala sina Severino Reyes a.k.a Lola Basyang,Pascual Poblete, Juan Balmaceda at iba pa...

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

8y ago

May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:

1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
2. patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

------------------------------

* Mga akdang tuluyan
o Alamat
o Anekdota
o Nobela
o Pabula
o Parabula
o Maikling kwento
o Dula
o Sanaysay
o Talambuhay
o Talumpati
o Balita
o kwentong bayan
* Mga akdang patula
o Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
+ Awit at Korido
+ Epiko
+ Balad
+ Sawikain
+ Salawikain
+ Bugtong
+ Kantahin
+ Tanaga


Another Answer:

Anyo at Uri ng Panitikan

1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

a. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

b. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

c. Nobela o kathambuhay- isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

d. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral

e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring NASA anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.

f. maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

g. Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

h. sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

i. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

j. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

k. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito

l. Balita

-SOURCE: http://www.pinoyhenyo.com/Uri_ng_Panitikan-20081010224915497.html


Another Answer:
ang uri ng panitikan ay..........

Tuluyan - ang mga akdang nasusulat sa normal na daloy ng mga pangungusap
Pabula - kwento tungkol sa mga hayop na nagsasalita
Parabula - Mga kwentong hinango sa bibliya
Nobela - akdang binubuo ng mga kabanata
Patula - ang mga akdang nasusulat na may himig at aliw
Dula - akdang pangtanghalan
Fiksyon - ang mga akdang likhang-isip
Pasalaysay - tulang nagkukuwento
Sanaysay- - isang uri ng akdang naglalahad.
Liriko - tulang inaawit
Alamat - kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay
Di-fiksyon - akda hango sa tunay na pangyayari
Maikling-kuwento - ito'y binubuo ng 2,500 - 5,000 salita

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

11y ago

it's depends on how the earth sampak to the moon

where ever you said homogeneous and heterogeneous

was just it! sa masuya lnq...

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

11y ago

Isa Lang Ang Alam ko . XD

Anekdota :P

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Uri ng dula sa panahon ng hapon?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp