answersLogoWhite

0


Best Answer

thay- mahusay sa usaping pampulitika

any- magandang babae

sudath- anak ni thay ay thary nawath- anak ni thay at amy

staud- pangalawang anak ni any at thay

thary- unang asawa ni thay

chhor at loan- mga magulang ni thay

anyung- nakatatandang kapatid ni any

oan- pinsan ni thay

prinsipe sihanouk- pinuno ng Cambodia

huot tat- isang patriarkong budhista

lon nol- nagkulang na diktador

khmer rouge- nagrebelde dahil hindi nasiyahan sa ginawa ni sihanouk

User Avatar

Wiki User

10y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

12y ago

Mabuhay Ka, Anak Ko

Ni Pin Yathay

Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Buod:

Nakagigising ang ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahiga'y namalayan ko ang iba pang ingay; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingit ng mga karetang hila ng baka, mga manaka-nakang sigaw. Alas singko ng umaga gising na si Thay bumangon, dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid ng buong pagtataka. Abril 17, 1975 noon, ito'y patapos na ng digmaang-bayan.Ginising na si Amy ng kanyang asawang si Thay. Nagmadali silang mag-asawa sa pag-aayos sapagkat ilang oras na lang ay maaari na dumating ang mga sundalo. Ginising na din nila ang kanilang mga anak na sina Sudath, siyam na taong gulang at si Nawath na limang taong gulang. Si Amy ay pilit na binibilisan ang kanyang kilos upang madaling mabihisan ang kanyang mga anak. Pag kalipas ng ilang mga minuto nagising na din ang kanilang beybi na si Staud.Hindi naman ganoon kahirap ang pagbabalot nila. Isang lingo na nilang alam, mula nang mg-alisan ang mg amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ang Gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol. Naghihintay na lamang sila ng tamang panahon upang makalipat kung sakali mang tamaan ang kanilang bahay. Nakipag kasundo na si Thay sa kanyang mga magulang na magkikita sila sa bahay ng kanyang pinsang si Oan na nakatira malapit sa bayan. Pinuno na nila nang gas ang kotse. Wala na silang ibang dapat gawin kundi ang mag-impake ng mga gamit, pera at ilang mga bagay na magagamit sa propesyon. Gayundin ang diksyunaryong French-English.Sumisipa-sipa si Nawath habang binibihisan ni Any. Nang biglang dumating ang kanyang nakatatandang kapatid na si Anyung. Nagsasabing handa na ang kanyang mga magulang para sa pagalis. Habang binibihisan ni Anyung si Staud, nagbalot si any ng mga pwedeng makakain ng mga bata. Pinag masdan ni Thay ang kanyang paligid at naisip na mas mabuting pinaalis na niya ng bansa ang kanyang pamilya. Sapagkat ayaw niya ang bulok na rehimen ni Lon Nol at wala siyang dapat ikatajot sa Khmer Rouge.Pinilit ni Thay na sumama ang mga bata sa mga magulang ni Any. Habang inilagay niya ang kanilang mga bagahe sa kanyang sasakyan habang naghahabilin sa mga kaguluhan ng syudad at putuloy ang pag-andar ng sasakyan.Ang nga taong naglalakad sa kalye ay balisa at sa kanilang mukha'y mababasa mo na hindi nila alam kung anong dapat gawin. May isandaang yarda na ang kanilang nalalakad ng biglang ang mga tao'y nagtakbuhan ng makadinig ng pagsabog. Sa bandang kanan nama'y usok na pumalibot at nagsidatingan ang mga mbulansya at bumbero. Nararamdaman ni Thay na maaari pang bumalik ang digmaan, ngunit umaasa siya na babalik din ang dating Cambodia bago pa dumating ang digmaan.Si Thay ay nagbuhat sa Oudong,mataas ang pangarap ng kanyang mga magulang para sa kaniya kaya siya'y ipinadala da Phnom Penh. Siya'y nagging isang magaling na estudyante noon. Walang kinikilingan ang Cambodia, popular ang kanilang prinsipeng si Sihanouk, walang kahirap-hirap umunlad noon ng bansa. Siya'y pumunta noon sa France at doon nag-aral ng inhinyeriya. Doon niya din nakilala ang kanyang unang asawang si Thary. Nagkasakit si Thary noon siya'y nagbubuntis kay Sudath at ng di lumaon lumalala ito at siya'y namatay. Nang lumaon nakilala niya si Any sila'y nagpakasal at nagbunga ng dalawang anak na si Nawath at Staud.Nagging kapansin-pansin ang pagkawala ng nyutralidad sa pamumuno ni Sihanouk. Dumami ang mga Vietnamese sa bansa. Dahil ditto pinabomba ni President Nixon ang mga Vietnamese. Pinalyas ni Lon Nol sa pwesto si Sihanouk. Lumayas si Sihanouk putungong Peking at nakapagtatakang sumapi sa gerilyang Khmer rouge na dati niyang kalaban. Sa simula'y nagiging maayos ang pamumuno ni LonNol ngunit habang tumatagal nagiging pabaya ng siya sa katungkulang ipinataw sa sarili. Sinugod siya at naparalisa ang kalahati ng kanyang katawan. Nabigo nilang sugpuin ang mga Vietnamese at ang gerilyang Khmer Rouge. Lalong lumaki ang inflation at ang palitan sa pagitan ng riel at dolyar. Kahit si Thary ay sumama na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Gumawa siya ng organisasyon na tinatawag na Bees Club - mga propesyonal na may pantay-pantay na kaisipan. Nais nilang magkaroon ng bansang nagkakaisa at kung maaari kasama ng mga Khmer Rouge. Pinatalsik sa puwesto si Lon Nol ng gerilya at naiwan sa gobyernong mamuno si Long Boret.Makalipas ang higit dalawang oras na paglalakad ay nakarating na sila Psar Silep ang pinakamagandang lugar sa Cambodia. Doon nakatira ang pinsan niyang si Oan. Magandang tagpuan ang kanilang bahay sapagkat ito'y may mataas na bakod at may pintuang bakal. Si Oan din ay mag-isa lamang na nakatira doon sa ngayon sapagkat ang kanyang asawa, anak a t biyenan ay nakaalis na ng bansa. Nang sila'y pumasok na sa bahay nagulat sila sa dami ng kanilang kamag-anak na naroon. Naghanda ng makakain ang mga kababaihan maliban na lang kay Vouch na nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Siya' y maboka gaya ng kanyang ateng sa Keng. Ngunit aktibo pagdating sa usapang pulitika. Lumapit ang kapatid ni Thary sa kanya at nagtatanong sa nangyayari sa bansa. Dalawang taon ang kabataan sa kanya ni Theng, may asawa at tatlong anak, guro sa primarya at higit na pinaguukulang pansin ang basketbol kaysa pulitika.Naguusap-usap ang kanilang pamilya tungkol sa nangyayari sa kanilang bansa habang kumakain ng mga inihahanda ni Any at ng mga iba pang NASA kusina. Biglangg dumating si Sim ang pinsan nilang disiotso anyos na walang inatupag kundi maglakwatsa kasama ang barkada. Sa padedebate ng kanyang mga kamag-anak, naalala ni Thay ang panahon ng pakikipagusap niya sa kanyang mga magulang. Pilit nilang sinasabi na komunista, masama ang Khmer Rouge. Ngunit ayaw niyang maniwala sapagkat kampamte siya sa mga kaalaman niyang nalalaman at naniniwala siya ang mga Cambodian ay relihiyosong tao. Pagkalaan ng ilang oras me narinig silang pamilyar na boses na nagsasalita sa radio agad nilang pinalapit ang kanilang mga kamag-anak. Iyon pala'y Patriarkong Budhista na si Huot Tat. Sinabi nitong huwag na silang matakot sapagkat tapos na ang digmaan. Pagkaraa'y isang boses pa ang nadinig kay Heneral Mey Sichan na nagsasabing sumuko na ang mga rebelde upang hindi dumanak ng dugo. Pagkatapos ay may biglang umagaw ng mikropono na nagsasabing tapos na ang laban, sumuko na ang gobyerno. May isang trak ng military ang dumaan sa harap ng bahay. Tumatakas ang isang sundalo ngunit nahabol ito na isang Khmer Rouge na may hawak na riple. Naging maluwag na ang lahat sa kanila, sila'y nagbibiruan na at nagsimulang magsiuwian na ang iba.Ngunit isang tagapamahala mula sa bahay ng biyenan ni Oan ang nagsabing pinlalayas sila ni Khmer Rouge. Hindi nila alam ang dapat gawin kaya naghingi sila ng mga impormasyon at gabay ni Patriarkang Huot Tat. Dali-dali silang umalis papunta sa pagoda kung nasaan ang patriarka ng kanilang mga sasakyan ngunit sadyang maraming tao ang naglalakad kaya napakabagal ng usad. Dumating na sila sa pagoda agad nilang nakilala ang ilang mga heneral na kasapi ng gobyerno. Sinabi ng patriarka na hindi makatwiran ang ebakwasyon. Nag-utos ng isang monghe na tawagan ang Cambodian Red Cross at Opposition Democratic Country. Nais sanang makapigbigay ang mga ito ng impormasyon tungkol sa Hotel Le Phnom at French Embassy. Umalis ang heneral kasama ang isang monghe. Gulung-gulo sina Thay at ang kanyang mga kasama sa mga pangyayari kaya't pinili muna nilang maglakad-lakad at magkwentuhan. Patuloy na nagiging kainip-inip habang humahapon. Mag-aalasais dumating ang kinatawan ng patriarka. Sinabi niya na maraming opisyales ang nasa miting kasama ang Prime Minister na si Loleng Boret. Tumabi ang isang monghe sa opisyal ng isang Khmer Rouge nakiharap ito ng buong galang. Napag-usapang walang kabuluhan ang ebakwasyon. Nagging magaan ang kanilang kalooban. Kinagabihan ay natulog sila sa nakalatag na banig sa sahig ng pagoda. Mga alsa-nwebe ng gabi isang opisyal ng Khmer Rouge ang pumasok sa pagoda na may dala-dalang pisto nakita niya ang mga bisekleta at talong motorsiklo. Tinanong niya kung kanino iyon walang sumasagot, itinutok niya ang baril at muling nagtanong ngunit wala pa ring sumasagot. Isunuksok niya ang baril at pinuntahan ang isang motorsiklo pinutok niya ng dalawang beses ang baril upang matanggal ang kadena nito. Dali-dali siyang umalis at pagkalipas ng ilang minuto dumating pa ang dalawang kalalakihan at kinuha ang dalawa pang motorsiklo. Gulung-gulo ang kanilang mga isipan na may halong takot. Walang silang ibang magagawa kundi ang maghintay at gawing kumportable ang mga musmos nilang mga anak.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

8y ago


Mabuhay Ka, Anak Ko

Ni Pin Yathay

Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo





Buod:


Nakagigising ang ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahiga'y namalayan ko ang iba pang ingay; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingit ng mga karetang hila ng baka, mga manaka-nakang sigaw. Alas singko ng umaga gising na si Thay bumangon, dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid ng buong pagtataka. Abril 17, 1975 noon, ito'y patapos na ng digmaang-bayan.


Ginising na si Amy ng kanyang asawang si Thay. Nagmadali silang mag-asawa sa pag-aayos sapagkat ilang oras na lang ay maaari na dumating ang mga sundalo. Ginising na din nila ang kanilang mga anak na sina Sudath, siyam na taong gulang at si Nawath na limang taong gulang. Si Amy ay pilit na binibilisan ang kanyang kilos upang madaling mabihisan ang kanyang mga anak. Pag kalipas ng ilang mga minuto nagising na din ang kanilang beybi na si Staud.


Hindi naman ganoon kahirap ang pagbabalot nila. Isang lingo na nilang alam, mula nang mg-alisan ang mg amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ang Gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol. Naghihintay na lamang sila ng tamang panahon upang makalipat kung sakali mang tamaan ang kanilang bahay. Nakipag kasundo na si Thay sa kanyang mga magulang na magkikita sila sa bahay ng kanyang pinsang si Oan na nakatira malapit sa bayan. Pinuno na nila nang gas ang kotse. Wala na silang ibang dapat gawin kundi ang mag-impake ng mga gamit, pera at ilang mga bagay na magagamit sa propesyon. Gayundin ang diksyunaryong French-English.


Sumisipa-sipa si Nawath habang binibihisan ni Any. Nang biglang dumating ang kanyang nakatatandang kapatid na si Anyung. Nagsasabing handa na ang kanyang mga magulang para sa pagalis. Habang binibihisan ni Anyung si Staud, nagbalot si any ng mga pwedeng makakain ng mga bata. Pinag masdan ni Thay ang kanyang paligid at naisip na mas mabuting pinaalis na niya ng bansa ang kanyang pamilya. Sapagkat ayaw niya ang bulok na rehimen ni Lon Nol at wala siyang dapat ikatajot sa Khmer Rouge.


Pinilit ni Thay na sumama ang mga bata sa mga magulang ni Any. Habang inilagay niya ang kanilang mga bagahe sa kanyang sasakyan habang naghahabilin sa mga kaguluhan ng syudad at putuloy ang pag-andar ng sasakyan.


Ang nga taong naglalakad sa kalye ay balisa at sa kanilang mukha'y mababasa mo na hindi nila alam kung anong dapat gawin. May isandaang yarda na ang kanilang nalalakad ng biglang ang mga tao'y nagtakbuhan ng makadinig ng pagsabog. Sa bandang kanan nama'y usok na pumalibot at nagsidatingan ang mga mbulansya at bumbero. Nararamdaman ni Thay na maaari pang bumalik ang digmaan, ngunit umaasa siya na babalik din ang dating Cambodia bago pa dumating ang digmaan.


Si Thay ay nagbuhat sa Oudong,mataas ang pangarap ng kanyang mga magulang para sa kaniya kaya siya'y ipinadala da Phnom Penh. Siya'y nagging isang magaling na estudyante noon. Walang kinikilingan ang Cambodia, popular ang kanilang prinsipeng si Sihanouk, walang kahirap-hirap umunlad noon ng bansa. Siya'y pumunta noon sa France at doon nag-aral ng inhinyeriya. Doon niya din nakilala ang kanyang unang asawang si Thary. Nagkasakit si Thary noon siya'y nagbubuntis kay Sudath at ng di lumaon lumalala ito at siya'y namatay. Nang lumaon nakilala niya si Any sila'y nagpakasal at nagbunga ng dalawang anak na si Nawath at Staud.


Nagging kapansin-pansin ang pagkawala ng nyutralidad sa pamumuno ni Sihanouk. Dumami ang mga Vietnamese sa bansa. Dahil ditto pinabomba ni President Nixon ang mga Vietnamese. Pinalyas ni Lon Nol sa pwesto si Sihanouk. Lumayas si Sihanouk putungong Peking at nakapagtatakang sumapi sa gerilyang Khmer rouge na dati niyang kalaban. Sa simula'y nagiging maayos ang pamumuno ni Lon
Nol ngunit habang tumatagal nagiging pabaya ng siya sa katungkulang ipinataw sa sarili. Sinugod siya at naparalisa ang kalahati ng kanyang katawan. Nabigo nilang sugpuin ang mga Vietnamese at ang gerilyang Khmer Rouge. Lalong lumaki ang inflation at ang palitan sa pagitan ng riel at dolyar. Kahit si Thary ay sumama na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Gumawa siya ng organisasyon na tinatawag na Bees Club - mga propesyonal na may pantay-pantay na kaisipan. Nais nilang magkaroon ng bansang nagkakaisa at kung maaari kasama ng mga Khmer Rouge. Pinatalsik sa puwesto si Lon Nol ng gerilya at naiwan sa gobyernong mamuno si Long Boret.


Makalipas ang higit dalawang oras na paglalakad ay nakarating na sila Psar Silep ang pinakamagandang lugar sa Cambodia. Doon nakatira ang pinsan niyang si Oan. Magandang tagpuan ang kanilang bahay sapagkat ito'y may mataas na bakod at may pintuang bakal. Si Oan din ay mag-isa lamang na nakatira doon sa ngayon sapagkat ang kanyang asawa, anak a t biyenan ay nakaalis na ng bansa. Nang sila'y pumasok na sa bahay nagulat sila sa dami ng kanilang kamag-anak na naroon. Naghanda ng makakain ang mga kababaihan maliban na lang kay Vouch na nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Siya' y maboka gaya ng kanyang ateng sa Keng. Ngunit aktibo pagdating sa usapang pulitika. Lumapit ang kapatid ni Thary sa kanya at nagtatanong sa nangyayari sa bansa. Dalawang taon ang kabataan sa kanya ni Theng, may asawa at tatlong anak, guro sa primarya at higit na pinaguukulang pansin ang basketbol kaysa pulitika.


Naguusap-usap ang kanilang pamilya tungkol sa nangyayari sa kanilang bansa habang kumakain ng mga inihahanda ni Any at ng mga iba pang nasa kusina. Biglangg dumating si Sim ang pinsan nilang disiotso anyos na walang inatupag kundi maglakwatsa kasama ang barkada. Sa padedebate ng kanyang mga kamag-anak, naalala ni Thay ang panahon ng pakikipagusap niya sa kanyang mga magulang. Pilit nilang sinasabi na komunista, masama ang Khmer Rouge. Ngunit ayaw niyang maniwala sapagkat kampamte siya sa mga kaalaman niyang nalalaman at naniniwala siya ang mga Cambodian ay relihiyosong tao. Pagkalaan ng ilang oras me narinig silang pamilyar na boses na nagsasalita sa radio agad nilang pinalapit ang kanilang mga kamag-anak. Iyon pala'y Patriarkong Budhista na si Huot Tat. Sinabi nitong huwag na silang matakot sapagkat tapos na ang digmaan. Pagkaraa'y isang boses pa ang nadinig kay Heneral Mey Sichan na nagsasabing sumuko na ang mga rebelde upang hindi dumanak ng dugo. Pagkatapos ay may biglang umagaw ng mikropono na nagsasabing tapos na ang laban, sumuko na ang gobyerno. May isang trak ng military ang dumaan sa harap ng bahay. Tumatakas ang isang sundalo ngunit nahabol ito na isang Khmer Rouge na may hawak na riple. Naging maluwag na ang lahat sa kanila, sila'y nagbibiruan na at nagsimulang magsiuwian na ang iba.


Ngunit isang tagapamahala mula sa bahay ng biyenan ni Oan ang nagsabing pinlalayas sila ni Khmer Rouge. Hindi nila alam ang dapat gawin kaya naghingi sila ng mga impormasyon at gabay ni Patriarkang Huot Tat. Dali-dali silang umalis papunta sa pagoda kung nasaan ang patriarka ng kanilang mga sasakyan ngunit sadyang maraming tao ang naglalakad kaya napakabagal ng usad. Dumating na sila sa pagoda agad nilang nakilala ang ilang mga heneral na kasapi ng gobyerno. Sinabi ng patriarka na hindi makatwiran ang ebakwasyon. Nag-utos ng isang monghe na tawagan ang Cambodian Red Cross at Opposition Democratic Country. Nais sanang makapigbigay ang mga ito ng impormasyon tungkol sa Hotel Le Phnom at French Embassy. Umalis ang heneral kasama ang isang monghe. Gulung-gulo sina Thay at ang kanyang mga kasama sa mga pangyayari kaya't pinili muna nilang maglakad-lakad at magkwentuhan. Patuloy na nagiging kainip-inip habang humahapon. Mag-aalasais dumating ang kinatawan ng patriarka. Sinabi niya na maraming opisyales ang nasa miting kasama ang Prime Minister na si Loleng Boret. Tumabi ang isang monghe sa opisyal ng isang Khmer Rouge nakiharap ito ng buong galang. Napag-usapang walang kabuluhan ang ebakwasyon. Nagging magaan ang kanilang kalooban. Kinagabihan ay natulog sila sa nakalatag na banig sa sahig ng pagoda. Mga alsa-nwebe ng gabi isang opisyal ng Khmer Rouge ang pumasok sa pagoda na may dala-dalang pisto nakita niya ang mga bisekleta at talong motorsiklo. Tinanong niya kung kanino iyon walang sumasagot, itinutok niya ang baril at muling nagtanong ngunit wala pa ring sumasagot. Isunuksok niya ang baril at pinuntahan ang isang motorsiklo pinutok niya ng dalawang beses ang baril upang matanggal ang kadena nito. Dali-dali siyang umalis at pagkalipas ng ilang minuto dumating pa ang dalawang kalalakihan at kinuha ang dalawa pang motorsiklo. Gulung-gulo ang kanilang mga isipan na may halong takot. Walang silang ibang magagawa kundi ang maghintay at gawing kumportable ang mga musmos nilang mga anak.

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Tauhan at ilarawan ng mabuhay ka anak ko?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp