1. Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas (1935)
"…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong wika…"
2. Batas Komonwelt bilang 184 (1936)
Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito kabilang na rito ang pagpili ng isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng wikang pambansa.
3. Kautusang tagapagpalaganap blg. 134 (1937)
Ipinahayag na ang tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.
4. Kautusang Tagapagpalaganap blg. 263 (1940)
Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa, at itinatagubilin din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan,pambayan man o pribado.
5. Batas Komonwelt blg. 570 (1946)
Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.
6. Proklama blg. 12 (1954)
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Marso 29 hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.
7. Kautusang Pangkagawaran blg. 7,s.1959
Nillagdaan ni Kalihim Jose E. Romero at itinatagubilin na kailaman at ang tinutukoy ay ang wikang pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang itatawag.
8. Kautusang Pangkagawaran blg.24,s.1962
Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simulan sa taong -aralan 1963-1964. Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag na sa wikang Filipino.
9. Kautusang Tagapagpaganap blg. 60 s. 1963
Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
10. Kautusang Tagapagpaganap blg. 96 s. 1967
Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng edipisyo,gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.
11. Memorandum Sirkular blg. 172 (1968)
Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas at ipinag-
uutos na ang mga "letterheads" ng mga tanggapan ng pamamahalan ay isulat sa Filipino. Kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-uutos din na ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Filipino gagawin.
12. Memorandum Sirkular blg. 199 (1968)
Itinatagubilin ang pagdalo sa seminar sa Filipino ng mga
kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian
ng Wikang Pambansa sa iba't ibang purok linggwistika ng
kapuluan.
13. Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 (1969)
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng
kagawaran, kawanihan,tanggapan at iba pang sangay ng
pamahalan na gamitin ang wikang Fillipino hanga't maari
sa Linggo ng Wikang pambansa at pagkaraan man nito sa
lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon.
14. Memorandum Sirkular blg. 384 (1969)
Pinalabas ni Kalihim tagapagpaganap Alejandro Melchor na
nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan upang mamahalang lahat ng komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawan,
kawanihan ,tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan
kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng
pamahalaan.
15. Kautusang Tagapagpaganap blg. 304 (1971)
nilagdaan ng Pangulong Marcos na nagpapanauli sa dating
kayarian ng Surian ngwikang pambansa at nililiwanag ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.
16. Atas ng Pangulo blg. 73. (1972)
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-aatas sa Surian ng
Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng maylimapung libong (50,000) mamamayan
alinsunod sa probidyon ng Saligang Batas Artikulo XV
Pangkat 3.
17. Kautusang Pangkagawaran blg. 25 (1974)
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura, na nagtatakda ng mga panuntunan
sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong baylingwal.
18. Memorandum Pangkagawaran blg. 194 (1976)
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinatagubilin sa mga guro
Ang mga bagong tuntunin sa ortogapiyang Pilipino.
19. Memorandum ng MECS blg. 203 (1978)
Accelerating the Attainment of the Goals of Bilinggual
Education.
20. Kautusang Pangkagawaran blg. 203 (1978)
Paggamit ng katagang "Filipino" sa pagtukoy sa wikang
Pambansang Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes
Quisumbing ng kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports.
21. Kautusang blg. 52 (1987)
Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng 1987
22. Kautusang Pangkagawaran blg. 54 (1987)
Panuntunan ng Implementasyon ng Patakaran sa Edukasyong
Bilinggwal ng 1987.
23. Kautusang Pangkagawaran blg. 81 (1987)
Ang Alpabeto at patnubay sa ispeling ng Wikang Filipino.
Chat with our AI personalities