Walang paa, walang pakpak, naipamamalita ang lahat. Aklat Book Munting tiririt, may tumbaga sa puwit. Alitaptap firefly Heto, heto na, malayo pa'y halakhak na. Alon Wave Pagsipot sa liwanag, kulubot na ang balat. ampalaya bitter melon Maikling landasin, di maubos lakarin. anino shadow Mataas ang paupo kaysa patayo. Aso Dog Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig. Asin Salt Isang balong malalim, punong-puno ng patalim. bibig mouth Naligo ang kapitan, Hindi nabasa ang tiyan. bangka canoe Uka na nga ang tiyan, malakas pang sisigaw. batingaw large bell Itinanim sa kagabihan, inani sa kaumagahan. bituin star Sinakal ko muna, bago ko nilagari. biyolin violin Dumaan ang hari, ang mga tao ay nagtali. bagyo storm Sa araw ay nagtataboy, sa gabi ay nag-aampon. bahay house Dalawang batong maitim, malayo ang dinarating. mata eyes Dalawang balon, Hindi malingon. tainga ears Isang bayabas, pito ang butas. mukha face Limang puno ng niyog, isa'y matayog. daliri fingers Nang hatakin ko ang baging, nagkagulo ang mga matsing. kampana large bell
Ang salawikain na "Ubos ubos biyaya pagkatapos nakatunganga" ay nagpapahiwatig na mahalaga na mag-ingat at magtipid sa paggamit ng mga biyaya at yaman upang hindi ito maubos o masayang sa walang kabuluhan. Dapat ay maingat tayo sa paggamit ng mga bagay at huwag basta mag-aksaya ng mga pagkakataon o kayamanan.
Ibig sabihin ng linyang iyan sa tula ay nagpapakita ng matinding pagmamahal sa isang tao. Ito ay tulad ng isang pag-ibig na hindi mapapantayan kahit sa kanyang kamatayan .
1.) Pagbibigay katauhan (Personification)- tinatawag din itong pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng Tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan.Hal.Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino.Hinalikan ako ng malamig na hangin.Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.Sumasayaw ang mga dahon sap ah-ihip ng hangin.2.) Pagtutulad (simile)-- isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita't pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki'y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.Hal.Tila yelo sa lamig ang kamay ng nenenerbyos na mang-aawit.Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad 3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardinas sa piitan.Si Maria na animo'y isang bagonh pitas na rosas ay Hindi napaibig ng mayamang dayuhan.Ang balat niya ay kasingputi ng niyebe.3.) Pagwawangis (Metapora)-- isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.Hal.Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay.Siya'y langit na di kayang abutin nino man.Ang kanyang mga kamay ay malamig na yelong dumampi sa aking pisngi. 3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.Ikaw na bulaklak niring dilidili.4.) Pagmamalabis (Eksaherasyon,hyperbole)-- isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.Hal.Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka.Sa labis na kagutuman, kaya kong kumain ng sampung baka.Namuti ang kanyang buhok sa kakahintay sayo.Abot langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan.Bumaha ng mga dugo sa lansangan5.) Pagpapalit-diwa (Metonymy)-- isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.Hal.Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.Iniwasan na niya ang bote at baraha na nangangahulugang iniwasan na niya ang pag-inom ng alak at pagsusugal.6.) Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)-- pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.Hal.Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak.Isinambulat ang ordeng mula sa dibdib ng taksil.isang Rizal ang nagbuwis ng buahy alang-alang sa Inang Bayan.Walong bibig ang umaasa kay Romeo7.) Panawagan (Apostrophe)-- ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na Tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.Hal.Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.O, tukso. Layuan mo ako.Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.Ulan, ulan kami'y lubayan na.8.) Pag-uyam-- mga pananalitang nangungutya sa Tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.Hal.Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay.Wala kang ganang kuamin, kaya pala halos maubos mo ang ulam.Sa husay niyang kumanta, pampito siya sa pitong naglaban.Maraming salamat sa paglalagay samin sa kapahamakan.Siya ay may magandang kasuotan, gawa sa basahan.9.) Paglilipat-wika (Transferred epithet)- tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.10.)Pabaligho (Paradox)11.)Pagsalungat (Oxymoron)
Laki sa layaw by Pedro S. Dandan Hindi dapat kunin sa dahas ang pagtutumpak sa anak na napalayaw, kundi talino at hinahon upang mapatuwid sa buhay. Si Berto ay bugtong anak ng kilalang mariwasang pag- asawahang Ninay at Bindoy sa nayon ng Pulang- Gubat. Mahal na mahal nila si Berto. Sapul sa pagkabata ay pinalayaw na nila ito. Ipinagkaloob nila ang lahat na maibigan ni Berto, gaya ng mga laruan, mamahalimg mga damit, salapi, anumang sukat makalibang sa anak. Nang tumontong si Berto sa ikaanim na baitang ng mababang paaralan ay lalong nasunod nito ang lahat ng mahilig sa mag-asawa. At lalong nagmalabis si Berto ng ito'y nasa ikaapat na taon nan g Haiskul. Hindi miniminsang nasabi nila a kapitbahay na si Berto ay maagang makapag-aral sa kolehiyo kung papalaring makasulit sa napipintong pagtatapos sa klase. Ngunit tila mabibigo ang kanilang pag-asang si Berto ay mapagtapos ng pagkamamanaggol. Isang araway nakatanggap si Mang Bindoy ng sulat buhat sa guro ni Berto, na ganito ang sinasaad. Mahal na G. Brigido Ramirez: Huwang ninyong isiping isang paghihimasok ang pagloham kong to hinggl sa inyong anak. Manapa'y udyok poi to ng aking hangad na huwag masayang ang isang taong pag-aaral niya kung maagapan ninyong tulungan ako upang imulat siya sa wastong asal at kaugalian, lalo nap o ang nagtataguyod sa kanyang mga Gawain sa paaralan. Si Berto po ay matalinong bata, ngunit bunga ng malabis na pagkahilig niya sa mga kalawayan ng katawan, gaya ng paglilimayon o malimit na pagksala sa pagpasok, panonood ng sine, paninigarilyo, at kung minsan aypakipagsugal, napabayaan niya ang kanyang pag-aaral. Dahil ditop, maaring ikabigo niya ang kanilang pagsusulit sa buwang papasok. Inaasahan ko nag inyond tulong upang mapabuti ang inyong anak at magtagumpay siay sa lanyang pag-aaral. Matapos bashin ang liham, napagkuro ni Mang Bindoy na may dapat silang panagutan sa pahgiging malayaw ni Berto. Gayuman ay inakala niya na hindi pa huli sa panahon upang mabago ang ugali nito. Ngunit, hindi niya dapat kunin ang dahas si Berto. Ang lalong mabisa ay gamitan niya ng talino at kahinahunan ang paraan ng pagtutumpak kay Berto. Nang duamting si Berto sa kanilang bahay nang hapong iyon buhat sa paaralan, masayang tinawag ito ni mang Bindoy at niayayang mamaril ng batu-bato. Snabi pa ni Mnag Bindoy na sila ay maligo sa sapa. Malugod namang sumang-ayon si berto, sapagkat sa kauna-unahang agkakataon ay noon lamang siay niyaya ng kanyang tatang sa gayong uri ng paglilibang. Pasan ni mang bindoy ang baril at naksakbat naman sa balikat ni Berto ang buslong sisidlanng kanilang magiging huli. Bago sila sumapit sa bulaos ng kabukiran, sinimulan ni Mang Bindoy ang kanyang layon na mamulat ang kanyangb anak. Itninuro niya kay Berto ang dalawang malaking kiskisan ng bigas ni Don Sergio. Isinalaysay niya sa anak kung paano natamo ng naturang Don ang gayong magandang kapalaran. Sinabi niya kung paanon si Don Sergio ay nagsimula sa pagpapastol ng kalabaw sa kangyang pagkabata, hanggang sa pamamagitan ng tiyaga, sikap at pagtitipid ay nakapag-ari ng isang munting lupang masasaka at ng kabayo at kareteling maipaghahanapbuhay at nang malaunan ay nakabili ng kaiskisang siyang pinanggagalingan at tuluyang paglago ng kanyang kabuhayan. Itinuro nin Mang Bindoy sa kanyang anak ng kubong tinutuluyan ni Mang Seton a siyang dating may-ari ng kiskisang nabili ni Don Sergio. Nalaman mo ba, anak, na si Mang Seto ngayon ay tagasingil ni Don Sergio ng Kanyang mga pautang/ ang pagwawakas na tanong nang matanda kay Berto. "Bakit po nagkapalit ang kanilang lagay?" tanong ni Berto. "Sadyang gayon ang dapat asahan. Si Don Sergio ay masipag, masikap at matipid ngunit si Mang Seto ay nagging marangya at mapaglimayon noong kanyang kasikatan ," ang tugon ni Mang Bindoy. Natigil sa bahaging iyon ang kanilang pag-uusap sapagkat nakatanaw si Mang bindoy ng ibon, at iyon ay pinagbagsak niya sa lupa sa pamamagitan ng isang putok ng rifle. Ang ibon ay mainit [a ngunit patay na nang damputin ni Berto. Iniutos sa kanya ni Mang bindoy na himulmulan iyon. pagkaraan ng ilang sandal, nakita ni Mang Bindoy na hubad na hubad na nag katawan ng ibon. Sa gayon, iniutos ni Mang Bindoy sa kanyang ank na pulutin ang mga balahibong pinutpot nito upang ibalik sa katawan ng ibon. "Mahirap pong mangyari ang ipinaggagawa ninyo sa akin , tatang. Tinangay nap o ng hangin ang mga iyon! Ang tugon ni Berto. "Ganyan lamang , Bert, ang pag-aaksaya ng panahon. Bawat araw na magdaan sa ating buhay ay tulad ng balahibo ng ibon na hindi maaaring magbalik , kaya hindi natin dapat sayangin uoang makapagtamo ng magandang kapalaran. Mararating ba ni Don Sergio ang kanyang kalagayn ngayon kung inaksaya niya ang kanyang panahon?" ani ni Mang Bindoy sa kanyang anak. "Sa palagay ko po ay maaring maparin siya sa kay mang Seto kung nag-aaksaya siya ng panahon," nag tugon ni Berto. " Kaya nag pangyayaring iyan ay dapat makapagturo sa iyo ng mabuti. Nabalitaan ko sa iyong maestro na madalas kang nagbubulakbol at hindi ka nag-aaral ng inyong leksyon. Diumanoy malamang na hindi ka makapasa sa inyong pagsusulit sa mga buwang papasok," ani Mang Bindoy. Nakapkagat labi si Berto. Nabigla siya sa sinabi ng kanyang tatay. Natugunan namn ni Mang Bindoy ang pagbabago sa kanyang anak, kaya siya ay nagturing. " Hindi ka dapat mabahala , Berto. Hindi pa naman huli upang mabawi mo ang mag pagkukulang sa nakaraan. Hayaan mo at ako ang bahalang umisip ng paraan " ano po ang dapat kong gawin.?' Ang usisa ni Berto. "Ganito ang masasabi ko sa iyo. Ag isang pinagmulan ng iyong kalawayan at karangyaan ay ang pagkakaloob ko sa iyo ng labis na kuwalta. Sa araw-araw ay hindi kinukulang sa tatolong piso ang ing binabaon. Buhat ngayon ay bibigyan kita ng kaukulang panggastos sa loob ng isang buwan. Iyan ay liliit nang malaki kaysa rating gugol mo. Gayunman, pag-aaralan mong magtipid. Tandaan mo, ang halagang ipagkakaloob ko ay gagastusin mo sa loob ng isang buwan, hindi sa ilang araw lamang. Kung maubos iyan nang wala sa takdang araw, ay tahasang kong sinsabi sa iyo na hindi ka makahingi sa akin. Sa pamamagitan niyan ay maaring mabawasan ang inyong mga pagbubulakbol at walang kabuluhang karangyaan." Ang wika ni Mang Bindoy. Napansin ni Mang Bindoy na sa walang kibo na namn si Berto. Sa halip na ukilkilin ang ipinapayo sa kanyang anak, niyaya niya ito na maligo sa sapa. Nang makapaghubad na si Mang Bindoy at makiisa kay Berto sa paglanguy-langoy at pagsisid-sisid, naramdaman ng bata na nagging malapit na lalo si MAng Bindoy sa kanyang kalooban. Magkaakbay pa sila ng kanyang Tatang nang umuwi. Sa kanyamg batang puso ay nagtitibay ang pasya na tupdin ang pinag-uutos ng ama. Ang guguling ibinigay ni Mang bindoy kay Berto ukol sa isang buwan ay tumagal lamang ng labinlimang araw. Ngunit hindi nya idinaing ito sa kanyang tatang. Ipinagpatuloy niya ang pagpasok sa paaralan kahit walang baon. Nagtiis siayng maguotm at mabawasan ang pakikiisa sa mga paglilibang ng kanyang mga kaklase. Nagtiis siyang huwag maglabas ng bahay at nilayuan ang dating kaibigang kasama sa paglilimayon. Sa halip ay inukol ang kanyang panahon sa pag-aaral. Nang sumunod na buwan naman ay balawampu't limang araw ang itinagal ng kanyang kaukulang gugulin sa pag-aaral. Samantala, kinamalasan, siay sa klase ng sikap at sigla sa pagsagot sa mga tanong ng kanyang guro. Naang sumapit sang araw ng pagtatapos ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan sa nayong Pulong-Gubat, gayon na lamang ang tuwa ng mag magulang at kapitbahay ni Berto. Nasaksihan nila ang makulay na parangal sa pag-aabot ng diploma sa mga batabg mag-aaral. Kabilang si Berto sa mga nagtamo sa karangalang nabanggit.
Nagmamadali ang Maynila
ANG AMASalin ni Mauro R. AvenaMagkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan.Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya't madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya't nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto.Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.
ANG AMASalin ni Mauro R. AvenaMagkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan.Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya't madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya't nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto.Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.
sa pula sa puti ni francisco soc rodrigo?Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema.Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!Celing: E ano kung puti?Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.Celing: Totoong-totoo?Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.Kulas:(Kukunin ang salapi)Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)Sioning: Kumusta ka, Kulas?Kulas:(Nagmamadali)Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.(Lalabas si Kulas).Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.Sioning: Celing, talaga bang…Celing: Sandali lang ha, Sioning.(Sisigaw sa gawing kusina).Teban! Teban! Teban!Teban:(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).Ano po iyon Aling Celing?Celing:(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!Teban:(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam kaninuman.Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo yata ako.Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.Sioning:(May kahinaan din ang ulo).Sa anong dahilan?Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.Sioning:(Lalong lalakas ang sigawan).Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin.(Dudungaw)O heto na nga si Teban. Tumatakbo.(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).Teban:(Tuwang-tuwa)Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.(Magmamadaling lalabas si Teban).Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.Kulas:(Mainit ang ulo)Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)Castor: Hoy, Kulas kumusta na?Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?Castor: O saan?Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.Kulas: Ano bang hindi tama?Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!Kulas: Ngunit paano iyan?Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?Castor: Talaga bang gusto mo malaman?Kulas: Aba, oo. Sige na.Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)Kulas:(Ibibigay ang tinali kay Castor).O heto, Castor.Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.Kulas: Karayom?Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!Kulas: Ah…(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)O heto ang karayom.Castor:(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo…(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)Hayan!(Ibababa ang tinali.)Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo.Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.Kulas:(Balisa)Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.Kulas: Kung sa bagay…Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.Kulas: Siya nga, may katwiran ka.Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.Kulas: Oo…Este…Castor…Castor: O, ano na naman?Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.Castor:(Tatawa)Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?Kulas:(Lulundag na palapit.)Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.Sioning:(Kikindatan si Celing)Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!Celing: Magkano ba ang kailangan mo?Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.Celing: Dalawampung piso?Sioning: Susmaryosep!Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.(Mag-aatubili si Celing).Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.Celing: O buweno, heto.(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)Kulas:(Kukunin ang salapi)Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).Celing:(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)Teban! Teban!Sioning: Teban, madali ka!(Papasok si Teban buhat sa kusina)Teban: Opo, opo, Aling Celing.Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.Teban:(Magugulat sa dami ng salapi).Dalawampung piso ito a…Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.Teban:(Hindi maintindihan)ito ba'y itotodo ko?Sioning: Oo, todo.Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…(lalabas si Teban).Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.Sioning: Eh ano pa?Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.(Lalong lalakas ang sigawan)Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami.Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.(Agad huhupa ang sigawan).Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas.Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.Celing: Huwag kang mag-alala…(Papasok si Teban)Teban:(Walang sigla)Aling Celing, natalo po tao.Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.(Lalabas si Teban)Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.Celing:(Nalulungkot)Siya nga.Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan.(Papasok si Kulas na nalulumbay).Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman.Sioning: Ha?Celing: Ano kamo?Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!Celing:(May hinala)Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor.Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?Celing:(Lalo pang maghihinala)Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.Sioning:(Magliliwanag ang mukha)A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.Celing: Siya nga pala.Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).Celing: Teban! Teban!(Lalabas si Teban)Teban: Ano po iyon?Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.Teban: Alin pong pera?Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.Teban: Aba e, natalo po, e.Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.Teban:(Hindi maintindihan)Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?Teban: Opo.Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?Teban: Kay Aling Celing po.Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim.Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.Kulas:(kay Celing)A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayoawawalan.Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na…Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang pera?Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta.Sioning: Naku, at lalong nag-block out.Celing:(Kay Kulas)Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope(Tatawa)Kulas: Aba, at nagtawa pa.Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?Celing:(Tumatawa pa)Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.Kulas: Ha! Maghahanda?Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.Teban: Opo, opo.(Lalabas sa pintuan ng kusina)Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso.Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.Kulas: Huling paalam?Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng ulam.Kulas: Bakit?Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.)
Ang buong pulo ay nalalatagan ng gubat, mula sa mabuhanging dalampasigan, kung saan ang tubig na nabubuong mga alon sa malayong Antartika ay humahampas pagkaraan ng mahabang paglalakbay, hanggang sa mga tuktok ng bundok na laging nakukumutan ng ulap. Pabagu-bago ang mukha ng gubat. Sa may dalampasigan, isang latian na hitik sa bakawan ay bumubuo ng sala-salabat ng hadlang. Papasok sa pulo at pataas sa lupa, ang mga puno't halaman ay patuloy sa pag-iiba-iba, at pag-abot sa dakong loob, ang mga iyo'y naglalakihan at nagtataasan, ang kanilang mga sanga'y nauukitan ng parang lambat na disenyo ng lumot. Hindi pa natatagos ng tao ang kabuuan ng sinaunang gubat, na ang loob ay napakayaman sa buhay. Dito'y di mabilang ang namumugad na mga ligaw na nilalang. Naglipana rin ang maririlag na halaman at nagtatayuang punongkahoy na nakokoronahan ng mga eksotikang orkidarya. Sa loob ng gubat, kayraming ibon at iba't ibang tsonggo ang malayang namumuhay, samantalang sa ibaba, sa lupa, walang-puknat ang maingat na paghahanap ng makakain ng mga itim na leopardo, elepante, at osong tropikal. Ang mga pampang ng ilog at katabing damuhan ay teritoryo ng mga tapir, rinoseros, ahas, buwaya, at usa. Nagkalat ang mga insekto.Maraming parteng gubat ang nakakatakot. Ang mga ito'y puno ng latian na pinag-aabangan ng nakakamatay na mga panganib, at mga lubak at guwang na dantaon nang naiwang basa at madilim. Mayroon ding magaganda at kaakit-akit na lugar na walang pinag-iba sa mga engkantadong gubat ng mga kuwento. Ang hawan ng mga bahaging ito ng sinaunang gubat, na mayamang naaalpombrahan ng berdeng damo, ay payapa at nakakapagbigay-ginhawa. Kadalasa'y napapalibutan ang mga ito ng mayuyuming puno ng cemera, na pumupuno sa hangin ng masangsang na amoy ng kanilang dagta. Sa gitna ng maririkit na lambak na ito, di maaaring di magkaroon ng mga sapa ng malamig at mala-kristal na tubig, pabula-bula at patila-tilamsik, paawit-awit, at pabulung -bulong. Walang di naakit huminto at magpahinga roon. Sa loob ng gubat ay makatatagpo ng rattan, damar - isang dagta na ginagamit sa paggawa ng batik - at maraming uri ng mahalagang kahoy. May mga taong noo'y tumira roon, pero nilisan nila iyon noong sila'y magtayo ng mga lunsod at nayon kung saan. Ngayo'y paminsan-minsan na lang silang bumabalik doon, para humanap ng ikabubuhay sa pamamagitan ng paghahakot sa mga produkto ng gubat. Pito sa mga lalaking tulad nila ay isang linggo nang nasa gubat sa panganganap ng damar. Si Pak Haji ang pinakamatanda. Gayong sisenta anyos na siya ay nananatiling malusog at malakas. Matalas pa rin ang kanyang mga mata at tainga. Ang pag-ahon at paglusong sa bundok, pasan ang mabibigat na kaing ng damar o ratan, pasinghap sa nakakapagpasiglang hangin, ay nagpatibay ng husto sa kanyang katawan. Ipinagmamalaki ni Pak Haji na di niya nararanasan ang mga karamdamang dala ng pagtanda, at sa tanang buhay niya'y di pa siya naratay sa banig. Disinuebe anyos siya nang una niyang iwan ang kanyang nayon at magpasaibang-bayan. Nagpunta siya sa Japan, China, Africa, at India, kung saan niya pinag-aralan ang Koran. Limang taon siyang nagtrabaho sa barko, naglakbay sa malalayong daungan ng mga puti at ng kanilang maiingay at groteskong siyudad. Pero tinawag siyang muli sa kanyang nayon. Kaya't pagkaraan ng dalawampung taong paglalagalag, isang huling biyahe ang kanyang isinagawa sa pilgrimahe sa Mecca upang tupdin ang kanyang obligasyong panrelihiyon. Saka siya umuwi. Ipinagpatuloy niya ang pangangalap ng damar, isang gawaing inumpisahan niya nang trese anyos, ng unang sinamahan ng kanyang ama sa gubat. Matapos niyang matutuhan ang napakaraming bagay sa mundo, lagi niyang sinasabi na kuntento na siya ngayong maging isang hamak na tagakalap ng damar. Si Wak Katok ay singkuwenta anyos. May malakas at matipuno siyang pangangatawan. Maitim ang kanyang buhok, ang kanyang bigote ay mahaba at makapal at ang kanyang braso't binti ay namumutok sa buhul-buhol na masel. Ang kanyang mukha ay dinodomina ng buo't makakapal na labi at makislap at nananagos sa tinging mga mata. Siya'y eksperto sa pencak. Maraming taong naituro niya sa kalalakihan sa nayon ang tradisyunal na paraang ito ng pagtatanggol sa sarili. Si Wak Katok ay iginagalang din bilang mahusay na mangangaso at shaman, o manggagamot. Ang mga batang miyembro ng grupo ay sina Sutan, na beynte-dos anyos lang pero mayroon ng sariling pamilya. Talib, na beynte-siyete anyos at may asawa at tatlong anak; Sanip, na beyntesingko anyos, may asawa at apat na anak; at Buyung, ang pinakabata, na katutungtong lang sa pagkadisinuebe at walang asawa. Ang apat na lalaking ito ay naging estudyante ni Wak Katok sa pencak. Nag-aral din sila ng maharlika sa kanya. Alam nilang darating ang araw na magiging pinuno ng kanilang nayon si Wak Katok, isang lalaking itinuturing na lider ng marami, at karapat-dapat na igalang at parangalan. Kailanma'y di nila pinagdududahan ang kanyang salita o gawa. Lumalabas na si Wak Katok ang puno ng mga mangunguha ng damar. Ang ikapitong miyembro ng grupo ay si Pak Balam, na tulad ni Wak Katok ay singkuwenta anyos. Siya'y di masalita, maliit ang katawan pero gayunma'y masipag magtrabaho. Sa sinasabing pag-aalsa ng mga Komunista noong 1926, siya'y nadakip ng mga Dutch at apat na taong ikinulong sa Tanah Merah. Ang bata at buntis niyang asawa, na sumunod sa kanya sa preso, ay dinapuan doon ng malarya at nakunan. Dahil dito'y hindi na ito muling nakapagdalantao. Naging sakitin ito mula noon, at ang pera ni Pak Balam ay naubos sa mga gamot nito. Magkakasamang lagi ang pitong lalaki sa pangunguha ng damar gayong wala silang pormal na sosyohan at bawat isa'y may layong magbenta ng kanyang makalap. Pero dahil pito sila sa grupo, ang pakiramdam nila'y mas ligtas ang kanilang lagay at mas kaya nila ang kanilang gawain. Sa mata ng kanilang kanayon, sila'y mabubuting tao. Si Wak Katok ay iginagalang sa kanyang galing sa pencak at pagiging mangangaso. Nang siya'y bata pa, napabalita sa nayon ang paggamit niya ng pencak laban sa isang osong humarang sa kanyang daan sa gubat pero bilang shaman, siya'y kinatatakutan. Pabulong lang mabanggit ng mga tao ang tungkol sa kanyang pagiging salamangkero. May usap-usapan na nagagawa niyang makipag-ugnayan sa mga multo at masasamang espiritu.Hinangaan ng mga taganayon si Pak Balam. Itinuturing nila itong isang bayani dahil sa paglaban sa mga Dutch. Alam nila na hindi ito Komunista. Napakarelihiyoso nito - malayong maging isang Komunista na di naniniwala sa Diyos o sa relihiyon. Lumaban maging sa mga kolonyalista si Pak Balam at ang kanyang mga kaibigan dahil sa pang-aapi ng mga iyon sa taumbayan, na walang-tigil na pinapatawan ng mga bagong buwis at ninanakawan ng kalayaan at sariling dangal. Si Pak Haji ay nirerespeto dahil sa kanyang edad at dahil nakapaglakbay na siya sa Mecca. Gayunman, hindi siya maintindihan ng mga tao. Mula nang bumalik siya sa kanyang pangingibangbayan, naging parang dayuhan na rin siya. Iniwasan niyang makasal, gayong binubuyo siyang magasawa ng kanyang pamilya. Ayaw rin niyang maging pinuno ng nayon. Sa umpisa, pinaratangan siyang mapagmalaki ng mga tao, pero di nagtagal, nasanay na ang mga ito sa kakaiba niyang gawi at di siya pinagtakhan. Mukhang kuntento na si Pak Haji na balewalain ng iba. Sina Sutan, Buyung, Talib at Sanip ay itinuturing na disente at maipagkakapuring mga kabataan, tulad ng karamihan sa mga taganayon. Iginagalang sila sa kanilang kapwa, tapat sila sa kanilang pagdarasal at pagsamba sa moske, at tulad ninuman ay nakikipaghuntahan sa kanilang mga kaibigan sa mga kapihan. Tumutulong sila sa pagtatayo ng bagong bahay o sa pagpapahusay ng mga daan o patubig. Nakikipagbiruan sila. Mabubuti silang ama, kapatid, at kaibigan. Tumatawa sila, umiiyak, nangangarap, umaasa, nagagalit, nabibigatan ang loob, at nalulungkot tulad ng iba sa nayon. Wala silang iniwan sa ibang tao. Silang karaniwang kabataan. Ngayo'y nasa loob sila ng gubat. Dala ni Wak Katok ang kanyang ripple. Bihira niya itong dalhin kapag nangunguha ng damar. Ginagamit lang niya ito kapag nangangaso na balak niyang gawin ngayon. Dalawang buwan na ang nakararaan, nakakita sila ng isang usa na pumasok sa huma, o kaingin, ni Pak Hitam, hanap ay pagkain. Naghawan ng lupa sa gitna ng gubat si Pak Hitam na pinagtayuan niya ng bahay. Doon nagpapalipas ng gabi ang pitong lalaki kung malapit doon ang pinagkukunan nila ng damar. Luma na ang ripple, pero mahusay itong armas. Gustung-gusto iyon ni Buyung. Nakakaramdam siya ng pagmamalaki kapag nakapatong iyon sa kanyang balikat, pahalinhin kay Wak Katok. Ang ripple at tsapa ng isang lalaki. Ang isang munting punyal, o kaya'y kris, o maigsing espada na nakasukbit sa baywang ay palamuti lamang sa kasuotan ng isang lalaki, pero ang baril sa kanyang balikat ay simbolo ng control na katumbas ay kapangyarihan. Nasisiyahan si Wak katok na ipahiram kay Buyung ang ripple, na inaalagaan nitong mabuti. Tuwing isasauli iyon ni Buyung, iyo'y nalangisan na at nasa mas mahusay na kundisyon kaysa pagkapahiram. Panay ang pahid ni Buyung sa kanyon niyong may masalimuot na disenyo, kaya't ang bakal na iyon ay kumikinang nang madilim na asul kapag tinatamaan ng liwanag. Ang kamagong niyong puluhan ay nangingintab na itim, madalas na parang pelus. Hindi iyon kakikitaan ng katiting mang alikabok o pulbura.Nag-iipon si Buyung para makabili ng sarili niyang baril, iyong mas makabago. Ang lumang ripple na binabalahan sa bunganga, tulad ng kay Wak Katok, ay mabusising ipanghanting. Una, kailangang ibuhos ang pulbura ng kanyon, saka papiping sasalaksakin ng barilya. Tapos, ang bala ay kailangang ipasok sa kanyon at pataktak na pabababain. Habang ginagawa ang lahat ng ito, ang usa o baboy-damo ay maaring makatakbo na at mawala. Ang baril na sa bunganga binabalahan, kailangang asintado ang gumagamit - dapat tumama ang unang kalabit. Walang pangalawang tsansa ang mangangaso. May dahilang magmalaki si Buyung sa galing niya sa baril. Minsan, ang inasinta niya ay ang pinakalikod ng tainga ng isang tumatakbong baboy, at doon mismo tumama ang bala. Sa isa pang okasyon, siya at si Wak Katok - kasama ang ilang lalaki sa nayon - ay nanghahanting ng isang kawan ng mababangis na baboy-ramo, at sa kaliwang mata ng isang naninibasib sa kanya sumuntok ang kanyang bala. Ipinakita ni Wak Katok ang kanyang kababaang-loob nang sabihing hindi niya madadaig ang pamamaril ni Buyung. Galing kay Wak Katok, iyo'y tunay na malaking papuri, kaya't kumalat ang reputasyon ni Buyung bilang asintado, bagay na nagbigay sa batang mangangaso ng parang opisyal na katayuan sa nayon. Ang dahila'y ang naunang pahayag ng mga taganayon mismo na walang makapapantay kay Wak Katok sa galing sa papamaril, pangangaso, pagbasa at pag-unawa sa lahat ng uri ng bakas at yapak, at sa pangkahalatang kaalaman sa mga ugali at gawi ng mga nilalang sa gubat. Bata pa si Buyung ay marami na siyang narinig na kuwento tungkol sa katapangan at galing ni Wak Katok. Ayon sa mga istorya, kapag ginusto ni Wak Katok na gamitin ang kanyang mga paraan sa pagtatanggol sa sarili, napapatay niya ang kanyang kalaban na di lumalapat ang alinmang bahagi ng kanyang katawan sa biktima. Sapat nang igalaw niya ang kanyang kamay o paa sa direksyon ng kaaway upang iyon ay bumagsak sa kinatatayuan. Kalat na sa ibang nayon ang reputasyon ni Wak Katok bilang shaman. Magaling siyang gumamot ng mga karaniwang pasyente, pero natutulungan din niya ang mga nabibiktima ng kulam. Alam niya kung paano pahirapan ang isang tao, paibigin, takutin, igalang, o pasunurin sa utos ng iba. May mga inumin siyang pampaibig para sa lalaki at babae. Ayon sa istorya, isang binatang nahumaling sa isang babaeng may-asawa ang nakiusap kay Wak Katok na gamitan iyon ng mahikanegra para mapaibig din iyon. Nagpakuha raw dito si Wak Katok ng isang hibla ng buhok ng babae, at di nga nagtagal, humingi iyon ng diborsiyo sa esposo. Na iniwan niyon pati na ang kanilang mga anak.Si Wak Katok na may mga lihim na bulong at dasal, o mantra, para sa maluwalhating biyahe. Mayroon siyang mga anting-anting na panlaban sa anumang sandata o sa kamandag ng ahas. Ayon sa mga tao'y nagagawa rin niyang magtagabulag - gayon kabigat ang kanyang kapangyarihan. Tinatrato ni Buyung na mapalad siya't naging pupilo ni Wak Katok at napabilang sa mga kasamahan nito sa gubat. Malaki ang pag-asa ni Buyung at ang kanyang mga kaibigan na tuturuan sila ni Wak Katok ng mga mas kagila-gilalas na aspekto ng salamangka. Ang gusto talaga ni Buyung ay matutuhang mabuti ang mantra na pang-akit sa babae.Masama ang tama niya kay Zaitun, ang anak na dalaga ni Wak. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ama, at sina Zaitun at Buyung ay magkalaro noong sila'y bata pa. Natatandaan ni Buyung ang maraming pagkakataong walang humpay niyang tutuksuhin si Zaitun hanggang ito'y maiyak. Nang magdose anyos na si Zaitun, iniwasan na siya nito, at bihira na silang magkita. Nagdalaga na ito, at siya nama'y nagbinata, at di na sila maaring magtagpo tulad ng dati.Hindi masabi ni Buyung kung ano talaga ang damdamin sa kanya ni Zaitun. Minsa'y magiliw ito. Kung ito'y nautusang sumaglit sa kanila, may dalang pagkaing niluto ng ina nito, maganda ang ipinapakita nito kung siya'y madatnan sa bahay. Maaliwalas ang mukha na nginingitian siya nito at tatawaging kakak, o kuya, gayong isang taon lang ang tanda niya rito. Kapag ganoon ang pakita ni Zaitun, napapalukso ang puso ni Buyung, di mapakali sa titig na parang di siya nakikita. Kapag nilalapitan niya ito habang kinakausap ang kanyang ina, di siya papansinin nito. Paano niya mahuhuli ang puso ng isang sumpunging babaeng tulad ni Zaitun kung wala ang mga mantra ni Wak Katok. Pero ayaw pang ipaalam ni Wak Katok kay Buyung ang ganoong kabisang karunungan. "Bata ka pa," sabi nito "at mainit pang masyado ang dugo mo. Baka maloko ka sa lahat ng babae sa nayon. Ang birtud na ito ay para mapangalagaan ang amor propyo ng isang lalaki - kung pagtawanan ka ng isang babae, o kung talagang gusto mo ang isang babae at ibig mo siyang mapangasawa. Pero uhugin ka pa. Baka gamitin mo ito sa ibang paraan, halimbawa'y panggayuma sa asawa ng may-asawa." Minsa'y parang nasisira na ang tuktok ni Buyung sa pag-isip kung mapapaibig niya si Zaitun. Alaala niya ito bawat sandali. Hinahanap-hanap niya ito. Ang mukha nito ay laging nasa harap niya. Maya't maya'y nakikita niya ito sa kanyang balintataw. Napakaganda nito. Minsa'y lihim niya itong pinanood habang naliligo sa balon ng nayon kasama ang mga kaibigan nito. Ang mahaba nitong buhok na itim ay umalong pababa sa gitna ng likod nito. Balingkinitan ito, ang braso't binti'y kaakit-akit. Ang balat nito'y maputlang dilaw na bunga ng duku, at ang mga ngipi'y pantay-pantay at makinang na puti. Pula ang mga labi nito, gayong hindi ito ngumunguya na nganga o tabako. May ganoong nakakainis na bisyo ang tiya ni Buyung, kaya't laging may bakas ng katas ng tabako sa labi nito, sa unan nito, at sa mesa, sa kusina, sa hagdan, sa sala - sa lahat ng dako. Kapag nakikipag-away ito sa kanyang asawa, iyo'y dinuduraan nito ng nginunguya. Pakikiusapan ito ng kanyang tiyo na tignan kung saan dumudura, pero para itong bingi. Kailanma'y hindi niya papayagang gawin iyon sa kanya ng magiging asawa niya. Alam ni Buyung na masisiyahan ang kanyang mga magulang na maging manugang si Zaitun. Minsa'y alam niyang pinag-uusapan ng mga iyon ang bagay na ito gayong alam nilang nasa labas lang siya ng kuwarto. Naganap ito isang hapon nang pumunta sa kanila si Zaitun, narinig niyang sabi ng kanyang ama, "Mabuti siyang bata. Mukhang maganda ang ugali.""Oo", tugon ng kanyang ina. "Mahusay sa mga gawaing bahay. Marunong manahi, atpaladasal. Maganda siyang bumasa ng berso mula sa banal na libro. At nakatapos pa ng pag-aaral."Binata na si Buyung - disin'webe - at magaling magtrabaho", sabi ng ama niya."Ewan ko lang," sabi ng kanyang ina. Sa mata nito, may gatas pa sa labi ang anak.Si Buyung ay nasa tama nang gulang. Nakatapos na siya sa iskwelahang publiko, at dalawangbeses na niyang nabasa nang buo ang Koran. Kaya na niya ngayong maghanapbuhay."Ang totoo, maaareglo natin ang kanilang kasal," narinig niyang mungkahi ng kanyang ama."Sa tingin mo ba'y gusto siya ni Zaitun?""Lahat ng dalaga sa nayo'y gustong pakasalan si Buyung."Natawa ang ama niya. "Sa mata mo, wala nang gug'wapo pa sa iyong anak."Hinintay ni Buyung ang isasagot ng kanyang ina, pero nalipat sa ibang bagay ang usapan, atang tanong tungkol sa gusto siya ni Zaitun ay naiwang bitin. Alam ni Buyung na gusto siya ng ama ni Zaitun. Tuwing magkikita sila, tinatanong si Buyung tungkol sa kanyang trabaho, sa pag-aaral ng Koran, at iba pa. Minsa'y hiningi nito ang payo ni Buyung tungkol sa pagsasanay ng aso niyang panghanting. Kilala sa tapang ang aso ni Buyung.Patahul-tahol lang ang ibang aso para palabasin ang isang baboy-damo sa pinagtataguan. Hindi ang aso ni Buyung - iyon ang madalas maunang sumalakay. Walang nakakitang tunay na sagabal si Buyung para pakasalan si Zaitun. Kung natitiyak lang niyang iniibig siya nito. Sigurado siya sa isang bagay. Kung hindi nito nararamdaman ang nararamdaman niya rito, hindi niya ito pakakasalan, kahit magkasundo ang kaniya-kaniyang mga magulang. Alam ni Buyung na kadalasa'y pinapakasalan ng isang babae o lalaki ang sinumang pinipili para sa kanya ng kanyang magulang, pero gusto niyang siya ang pumili ng kanyang magiging asawa, at piliin din siya nito. Naiinggit si Buyung sa iba niyang mga kaibigan, tulad ni Sutan. Bukod sa mas magaling ito sa kanya sa pencak, simpatiko pa ito at mahusay dumiskarte sa mga babae. Sa negosyo'y di rin ito pahuhuli. Mayroon itong dalawang palayan, at nagbababa ito ng damar at rattan mula sa bundok para ibenta sa palengke, at paminsan-minsa'y naglalako rin ito ng karne ng kambing at baka.Pero ang mga taong pinakakontento, naisip ni Buyung, ay yaong tulad ni Sanip. Tunay na masayahin si Sanip. Ganado itong magpatawa at magkuwento ng mga katuwa-tuwang istorya. Nagkakandabaluktot sa pagtawa ang nakakarinig ng di mabilang na kuwento niya tungkol sa mga opisyal ng nayon. Kinaiinggitan ni Buyung ang pagkamasayahin ni Sanip, pero di niya maubos maisip kung paano ang isang tulad nito na may asawa na at apat na anak ay parang binata pang walang problema kung umasta. Di ba't nagdaragdag sa maturidad ng isang tao ang maraming responsibilidad? Sabagay, mabuti na rin kung di iyon dinidibdib. Halimbawa, kung hirap nilang pasukin ang gubat dahil sa lakas ng ulan na nagpapadulas sa daan at bumabasa sa kanila hanggang buto, sasabihin ni Sanip, "Wala, 'yan. Pagkapawi ng ulap ay langit." Kapag nagreklamo si Sutan sa bigat ng kanyang pasan, sasabihin ni Sanip, "Huwag ka nang umungol. Isipin mo 'yong perang pagbebentahan mo n'yan." Ibibigay ni Buyung ang lahat makatingin lang ng ganoon sa buhay. Minsan, nang sila'y nanghahanting, gamit ang ripple ni Wak Katok, pinaputukan ni Buyung ang isang usa, pero dumaplis lang ang tama at ang hayop ay nakaalpas. Buong araw na naghahanap ang mga lalaki, pero di nila nakita ang sugatang usa. Panay ang sisi ni Buyung sa sarili, pero tulad ng inaasahan, tinanong siya ni Sanip, "Ba't mo poproblemahin 'yon? Magkakaanak ang usang iyon - mas marami kang mahahanting pagdating ng araw."Lalong sumama ang loob ng batang mangangaso sa pang-aala ni Sanip, at paangil itong sumagot, "Pa'no mo nalaman? Posibleng nahuli 'yon ng tigre.""E ano? Di 'yon ang katapusan ng lahat ng usa sa gubat. Ang mahalaga," pakindat na dagdagnito, "ay mahusay ka sa pagbaril."Natanto noon ni Buyung ang pagiging mapagbigay sa kanya ni Sanip at ng iba niyang mga kaibigan. Laging may dangung-dangung, parang alpa ng mga Hudyo, sa bulsa ni Sanip, at tinutugtog niya tuwina pag may pagkakataon. Maimbeto siyang musikero. Kung gusto niyang magpasaya, kakalabit lang siya ng masiglang himig. Nagagawa niyang kalimutan ng mga lalaki ang kanilang pagkain at saglit pa'y naroon na sila't nakikisali sa sayawan at kantahan. Pero minsan naririnig sa kanya ay awit na parang nagpapaiyak sa munting musikero. Kadalasa'y tinutugtog niya ang gayong nakakapaghimutok na mga balada kapag sila'y nakaupo sa paligid ng siga sa gitna ng gubat. Si Talib ang unang sumusuko sa pang-akit ng nakakataas-balahibong musika, at nag-uumpisang kumanta. Sa pagkakataong iyo'y ilalabas naman ni Buyung ang kanyang plawta at silang tatlo'y magsasabayan sa malulungkot na berso. Taas-baba ang mga nota ng dangung-dangung, sa saliw ng mapangulilang plawta, habang paawit na inuulit ni Talib ang mga daing at paghihirap ng isang lalaking naghahanap ng karinyo at pag-unawa. Ang maskulado at mukhang mabagsik na si Wak Katok ay di nagawang di mabagbag sa musika. Ang walang ekspresyon niyang mukha ay nagmimistulang mapangarapin, na wari'y naglalakbay ang kanyang diwa. Si Pak Haji ay mauupo roong lunod sa sariling iniisip, pipikit sapagitan ng hinlalaki at hintuturo ay upos na lamang at limot na. Paikot sa siga na nakaupo ang pito, ang bawat isa'y may kani-kaniyang mga alaala at pagnanasa, at sa paligid nila ay ang gubat, maitim at ga-higante. Tahimik na lalaki si Talib, matangkad at payat at ibang-iba kay Sanip. Sa kanya, ang mundo - at ang buhay sa kabuuan - ay midilim at nakakatakot. Lagi siyang binubuwisit ng asawa. Minsan, sabi kay Buyung ni Rancak, ang batang kapatid na babae ni Zaitun, narinig nito si Siti Hasanah, ang asawa ni Talib, na walang hupang pinagagalitan ni Talib, mula umaga hanggang hapon, pero ni minsa'y hindi iyon sumagot at nagsawalang-kibo na lamang. Magkagayunman, mahusay na magkaibigan sina Talib at Sanip at laging magkasama sa lakad. Kapag umuulan habang sila'y magkakasama sa gubat at sila'y sumisilong sa isang kubol na gawa sa dahon ng saging, si Talib ang magsasabi, "Buong araw tatagal ang lintek na ulang ito!" Sa masayahing boses, babalikan siya ng ganito ni Sanip,"S'werte lang - makapagpapahinga tayo!"Matatawa ang lahat at mapaparelaks. Minsan, nakakalap sila ng pambihira sa daming damar at hirap na hirap sa kanilang pasan. "Anong s'werte", sabi ni Sanip, habang nagkakandakuba sa paglakad. "Doble ito sa kadalasan nating nahahakot.""Ha, kundi maanod pagtawid natin sa ilog!" masaklap na sukli ni Talib. Hindi pasalita si Talib, pero madilim man ang tingin nito sa bagay-bagay, ito'y matapang. Minsan, nanghahanting ang isang taganayon ng baboy-damo. Napaligiran na ito ng mga aso. Kaya nilapitan niya ito para sibatin. Pero nakailag ang baboy paghagis ng sibat, at siya ang sinibasib, di alintana ang nagtatahulang aso. Hindi nagdalawang-isip si Talib. Hawak ang sariling sibat, sinaklolohan niya ang lalaki. Ilang sandali pa, ang nasibat na baboy ay nilapa na ng mga aso. Hanga rin si Buyung sa di-palakibong si Pak Haji. Katamtaman ang taas ng matanda, at gayong puti na lahat ng buhok nito, iyo'y malago pa. Kaya pa niyang pasanin ang bigat ng damar na kaya ng iba sa kanila, at gayong matipid siyang magsalita, nasisiyahan siyang makinig sa usapan ng iba at makisali sa kanilang tawanan. Kung talagang pipilitin, nagkukuwento siya ng tungkol sa kanyang paglalakbay sa mga gabing nakaupo sila sa tabi ng siga. Ayon sa kanya, nang una niyang lisanin ang nayon, napilitan siyang magtrabahador, magkusinero at maging katulong sa kuwadra sa Sultan ng Johore bago siya magkaroon ng sapat na pera para makapunta sa Singapore. Naging siklista rin siya sa isang sirko. Sumama siyang magbiyahe sa sirko na pag-aari ng isang Intsik, hanggang sa Bangkok. Doo'y napilitan niyang iwan ang kanyang trabaho nang tangkain siyang saksakin, dahil sa matinding pagseselos ng asawa ng mang-aawit na Intsik. "Palagay ko'y di tama 'yon," tawa ni Pak Haji, "kaya umalis ako." Tapos, nagkusinero siya sa isang barko na naglalayag sa pagitan ng India at Japan. Napamangha ang mga magkakasama sakanyang mga kuwento ng naglalakihang siyudad, tulad ng Shanghai at Tokyo, at ng daungang tulad ng Maynila, Penang, Rangoon, at Calcutta. Nang sa wakas ay lumunsad siya sa Calcutta, di na siya bumalik sa barko. Imbes, nagpatuloy siya sa Lahore, kung saan niya pinag-aralan ang Islam sa ilalim ng isang guro. Mula sa India , naglakbay siya sa lupa, kasama ang ilang tao, patungo sa Arabia."Ilang buwan kaming nasa daan", sabi ni Pak Haji. "Sa pagitan, marami akong sariling lakad na ginawa. Naging katulong ako ng isang salamangkero. Isa siyang malaking Afghana na nakakahiwa ng dila ng isang ibon at muli niya iyong nabubuo. Minsan, pagdaan namin sa isang bayan na bahagi ng kanyang pinagtatanghalan, hinamon siya ng isa ring salamangkero na gawin ang kanyang mahika sa dila ng isang bata. Ayaw niyang mabisto, kaya tinanggap niya ang hamon. Nagkaroon ng palabunutan, at ang Afghaning ito ang natokang mauna. Bago siya nag-umpisa, binulungan niya akong bumalik sa aming tulugan at balutin ang aming gamit. Nagbabalot pa lang ako'y bigla siyang sumulpot sa k'warto sinunggaban ang ilang bag at pasigaw na pinasunod ako sa kanya. Di ko alam kung ano ang nangyari pero masama ang kutob ko, kaya dinampot ko ang madadala ko at patakbong sinundan ko siya. Sa dulong likuran namin ay dinig na dinig ko ang hiyawan ng galit ng pulutong. Dagli kaming nakalabas ng s'yudad, papasok sa mabatong mga gulod na pinagtagpuan namin. Hinanap kami ng mga tao hanggang sumapit ang gabi. Pagkatapos, nang tanungin ko ang salamangkero kung ano ang nangyari, bigay-hilig itong tumawa, padukot ng pera sa kanyang bag na pambiyahe."Bago ako nag-umpisa, hiniling kong magbayad muna sila. Pagkalikom ko ng pera, mabilis kong hiniwa ang dila ng bata, maliit lang sa dulo nang di ito masaktan. Tapos, sabi ko'y maghintay sila habang kumukuha ako ng gamut, imbes, sa k'warto natin ako tumakbo!""Pero ba't ka tumakbo?" tanong ko."Dahil hindi ko kayang ibalik sa dati yong dila.""Pano 'yong bata? Sinong mag-aayos ng kanyang dila?""Di ba may isa pang salamangkero, 'yong kalaban ko; kaya n'ya 'yon? Di subukan niya.Kung di niya 'yon magagawa, gugulpihin siya ng mga tao, at buong lakas siyang tumawa.Wala sa kanilang nakatitiyak kung totoo nga ang mga kuwento ni Pak Haji, pero sino ang makapagsasabi? Pagkatapos ng pilgrimahe sa Mecca, nagtripulante siya sa isang barko para makauwi. Tumigil iyon sa maraming daungan ng Aprikano at Europeo bago bumalik, sa wakas, sa Indonesia. Sinabi niyang sinubukan niyang manirahan sa ibang bansa, pero, lagi ang puso niya'y hinahatak ng nayon. May gayuma sa kanya ang gubat, at iginagalang niya ang lahat ng taong may kinalaman dito. Sinabi niya sa mga kasama na ang mga taong nagtatrabaho sa gubat ay di naiiba sa mga tripulante ng isang barko, gayong, liban dito ay wala nang pagkakapareho ang dagat sa gubat."Sumisikat ang mga bituin sa langit sa ibabaw ng tubig, pero walang ingay sa gubat. Dito'y ligid tayo ng naglalakihang puno at mga ligaw na hayop - ang ila'y mainga'y, ang ila'y tahimik. Malapit tayo sa lupa. Sa barko sa gabi, naroon lamang ay ang hungkag na dilim." Papunta sa gubat para manguha ng damar, kailangang iwan ng mga lalaki ang kanilang nayong Air Jemih, na nasa baybayin ng Danau Bantau sa bunganga sa Sungai Air Putih. Papasok sa gubat, pumirme sila sa gilid ng Air Putih, pabaybay dito hanggang marating nila ang bulubundukin. Hindi kayang suungin ng bangka ang malalim at maalimpuyong ilog dahil peligroso ang malalaki nitong bato at matuling agos. Sa maraming patag na lugar, ito ay may malalalim na lubak na puno ng isda. Sa madalas na pangisdaang parte na malapit sa nayon, bihira at maliliit ang isda, pero sa loob ng gubat, madaling makahuli nito sa pamamagitan ng bitag o lambat. Laging sa malapit na mahusay pangisdaang lubak nagkakampo ang pitong lalaki. Makaraang umakyat-manaog buong araw sa bundok sa pangungulekta ng damar, nakakaginhawang maupo sa ibabaw ng isang malaking bato at mangisda. Ang salpok ng tubig sa batuhan, ang mahinang simoy ng hangin sa mga dahon, ang ingay ng mga unggoy na umaalingawngaw tulad ng tunog ng mga tambol - ang mga ito'y sama-samang nagbibigay ng damdamin ng pagkakuntento. Umaabot ng isang linggong paglalakad mula sa Air Jemih hanggang sa gubat ng damar. Ang mga lalaki'y may baong bigas at sili na isinasaksak sa mga kawayang bumbong, kaunting suka, asin, kape, asukal, at palayok para pagsaingan at pagpakuluan ng tubig. Kung di sila nakapagdala ng lambat o mga bitag, nagtatayo sila ng mga kawayang panghuli ng isda sa batuhan. Paminsan-minsa'y nakakahuli sila ng mga kalapating kakahuyan na bumababa sa gilid ng ilog upang maghanap ng pagkain. Kung walang sariwang ulam, nag-iihaw sila ng daing na isda o tapa na dala rin nila mula sa nayon. Masuwerte sila at ang kaingin ni Pak Hitam ay di malayo sa gubat na pinagkukunan nila ng damar.Matanda na si Pak Hitam, halos sisenta anyos na. Sabi ng iba'y mas mukha siyang siyento anyos. Malakas siya, at pambihira ang pagkaitim ng balat. Tulad iyon ng isang Indian. Itim na itim pa rin ang kanyang buhok at lagi siyang nakasuot ng itim na pantalon, kamisadentrong walang manggas, at turban. Walang hindi natatakot sa nakakakita sa kanya. Isa siyang itim na pangitain. Nagkalat ang kuwentong-nayon tungkol sa mga taong birtud ni Pak Hitam. Isa siyang popular na guro ng silat, isang paraan ng pagtanggol sa sarili, at ng okultismo. Takot sa kanya sina Sutan, Talib, Sanip, at Buyung, pero hindi iyon ipinahahalata. May istoryang nagsasabi na kasapakat daw siya ng mga masasamang espitiru, mga diyablo, at ng mga sobrenatural na nilalang na nakakapagkatawang-hayop o tao, o jinn. Siya raw ay protektado ng isang tigreng may tigabulag na nakapagdadala sa kanya sa kung saan niya gusto. Ang sabi'y maraming pagkakataong inilipad siya nito sa banal na lunsod ng Mecca. Ayon sa leyenda, hindi siya tinatablan ng kahit ano. Minsan, sa rebelyon laban sa Dutch noong 1926, pero hindi tinagusan ng kanilang bala ang kanyang katawan. Sa isa pang pagkakataon, ayon din sa istorya, hinabol daw siya ng mga sundalong Dutch at napaligiran sa isang sagingan.Bumuo ng isang bilog ang mga sundalo, at maingat na hinigpitan ang kanilang hanay hanggang ni iskwerel ay di maaring makaaalpas sa pagitan ng kanilang mga paa. Pero bigla na lang nakita ng isa sa kanila sa Pak Hitam na nakasandal sa isang punong saging. Lumundag ang sundalo at pawasiwas sa sableng tinaga siya nito sa leeg. A, pero ang napugutan ay di si Pak Hitam kundi ang puno ng saging! Ilang oras siyang pinaghahanap ng mga sundalo, pero wala silang nakitang bakas ng kanilang mailap na kaaway. Pagkasugpo sa pag-aalsa, matagal na walang naging balita tungkol kay Pak Hitam. Isang araw, basta na lamang siyang lumitaw na puro ari-arian. Isa na siya ngayon sa pinakamayamang lalaki sa nayon. Walang makapagsasabi kung bakit hindi dumating ang mga Dutch upang siya'y dakpin. Ipinalagay ng mga tao na iyo'y may kinalaman sa kanyang mahika. Sari-sari ang kuwento tungkol sa kung paano siya nagkamana ng yaman. Ayon sa isa, kabilang siya sa isang grupo ng mga dating rebelde na nagtagpo sa gubat at naging mangungulimbat at tulisan. Ayon sa isa pa'y mayroon siyang lihim na minahan ng ginto na mag-isa lang niyang tinatrabaho upang walang ibang makaalam kung saan ito naroroon. Tunay na may bahid ng ginto ang buhangin ng Air Putih, at kung tag-init, kapag walang gaanong magawa ang mga taganayon, aakyat sila ng ilog para salain iyon, pero mahirap ang gayong gawain at di sigurado ang tubo. Nagkaroon ng balita na minsa'y may kung sinong nakatagpo ng isang malaking piraso ng ginto, pero walang sinumang nakakita niyon. Apat ang naging asawa ni Pak Hitam.Ang sabi ng mga tao, sa buong buhay niya'y mahigit isang daang beses siyang nagpakasal, at sa isang dosena sa bawat pagkakataon. Nagkalat ang kanyang mga anak sa mga kalapit-nayon at ayon sa usap-usapan, di na niya mabilang, o matandaan kung sinu-sino ang mga iyon. Pag-uwi niya minsan sa Batu Putih, pinaratangan niya ang isang kabataan sa pagkilos niyon na parang sa kanya ang bahay ng matanda, at matigas niyang sinabi, "Sino ka ba? Kung makaarte ka'y bahay ito ng tatay mo." Sagot ng bata, "Bahay nga ito ng aking ama. Ang aking ina ay si Ibu Khadijah."Maaaring dahil sa mga ganitong bagay kung bakit mas gusto ni Pak Hitam na buwanang malayo sa kanyang nayon at tumira sa bahay niya sa Bukit Harimau sa gitna ng gubat, tatlong araw ang layo mula sa Batu Putih. Dito'y hindi niya kailangang problemahin ang mga taganayon at ang kanilang walang-tigil na panghihimasok sa kanyang buhay. Kapag pumupunta si Pak Hitam sa kanyang bahay sa gubat lagi niyang dala ang isa sa kanyang papalit-palit na asawa. Kilalang-kilala ng kanyang mga bisita ang mga babaeng isinasama niya. Nakuha ko ito kay Princess Jatachiko. Ang pinakamaganda't bata ay si Siti Rubiyah, na pinakasalan niya dalawang taon na ang naka- raraan, pero hindi pa siya nito nabibigyan ng anak. Sa mga taganayon, ang ibig sabihin niyo'y nawala na ang kanyang birtud. Sa unang taon pa lang ng kanilang kasal, ang bawat isa sa iba niyang mga asawa ay nakapanganak na. Ayon kay kay Sanip, makipagkamay lang ang isang babae, ito'y agad nabubuntis. Gayon kabagsik ang pagkabarako niyon. Kung hindi sila dinadala sa malayo ng kanilang trabaho sa gubat, tuwina'y sinisikap ng pitong lalaking makabalik sa bahay ni Pak Hitam bago dumilim. Pero kung makakulekta sila ng maraming damar nang may kalayuan sa kanyang huma, at matagalan kung sila'y babalik doon, sa gubat na lang sila nagpapalipas ng gabi. Ang bahay ni Pak Hitam ay nakatukod sa matataas na poste. May malawak na beranda sa harap. Ang kusina ay nasa isang sulok nito sa may bintana. Nagtambak ng buhangin sa lapag si Pak Hitam at gumawa ng mga istanteng tabla. May dalawang kalang de-uling sa buhangin at doon nagluluto ang kanyang asawa. Nakabitin sa ibabaw ng mga kalan ang tapang usa at daing na isda, sibuyas, sili at ilang klase ng tuyong hiyerba. Ang beranda'y nahihiwalay sa pinakabahay ng dingding na sawali. Sa likod ng dingding ay may dalawang kuwarto - ang isa'y tulugan ni Pak Hitam at ng kanyang asawa, at ripleng panghanting, bukod sa ibang bagay. Napasok na minsan ni Buyung ang kuwartong ito, nang ipakuha sa kanya ni Pak Hitam ang riple. Nakita niya roon ang dalawang malaking baul na yari sa itim na kahoy na nalilinyahan ng pampatibay ng tansong kulay berde na sa tanda. Nagtataka si Buyung kung ano ang laman ng baul, pero pareho iyong may mabibigat na kandadong bakal. Naisip niya na maaaring puno ng ginto ang mga ito tulad ng napapabalita sa nayon, pero ipinapalagay niyang isa iyong kabaliwan. Sa isang baul sa isang kaingin sa gubat nagtatago ng ginto si Pak Hitam? Napakadali iyong nakawin ng sinumang magnasa. Pero, sa kabilang dako, sino ang maglalakas-loob? Sa sahig ng beranda laging natutulog ang mga mangunguha ng damar. Kung doon sila nagpapagabi, ipinagluluto sila ng asawa ni Pak Hitam ng kanilang kanin, tokwa, at sari-saring gulay.Nasisiyahan dito ang mga lalaki dahil madalas na naiiba sa kanila ang paghahanda ng pagkain ngbabae, at ang bawat asawa ni Pak Hitam ay mahusay magluto. Dinadagdagan nito ang kanilang baon ng gulay mula sa sariling hardin. Ang gustung-gusto nila ay ang murang ube, mais, kamote na iniihaw sa nagbabagang uling. Umagang-umaga'y makikita si Buyung o Sanip sa kusina, abala sa pag-iihaw. O kaya'y kung gabi, bago sila matulog, at habang lahat ay nag-iistoryahan, gusto nilang maupo sa paligid ng parilya habang pinagmamasdan ang pagkaing lumalagitik sa baga. Ang ganitong dibersyon, sampu ng mainit na kape, ay nagpapalipas ng panlalata at pagod ng isang araw na trabahong-kalabaw sa gubat. Sa gabing tulad niyon, ilalabas ni Sanip ang kanyang dangung-dangung at tutugtug sa sarili niyang estilo. Minsan, nang kumanta siya ng tungkol sa isang babaeng iniwan ng asawa, napansin ni Buyung si Siti Rubiyah na tahimik na nagpapahid ng luha sa mata. Gusto nilang lahat ang bata at kaakit-akit na si Siti Rubiyah kung hindi lang siya lokung-loko kay Zaitun, madali sanang mapaibig dito si Buyung. Pero ito'y may-asawa, at si Pak Hitam pa, sapat na iyon para pigilin ni Buyung ang pag-iisip dito, pero aminado siyang maganda ang katawan nito. Ang mga suso nito , gayong maliit, ay tayo at may hubog. Ang mukha nito, sampu ng tuwid na ilong, mamasa-masang mga labi, at bilog na nangingislap na mga mata, at itinatampok na mahabang itim na buhok na abot-baywang. Madalas pagmasdan ni Buyung ang nakalugay an buhok niyon - makapal at nangingintab - habang ito'y abala sa hardin. Kung naroon ito kapag tanghaling-tapat, ang mga pisngi nito'y namumula, kaya lalo itong nagiging kaakit-akit. Kapag nasa gubat ang apat na kabataang lalaki, di kalapit ang matatanda, si Siti Rubiyah ang kanilang pinag-uusapan."Sabihin ko sa inyo, pinasukan ko sana siya kundi si Pak Hitam, ang kanyang asawa," sabi niTalib."Ako rin, pero kung siya'y dalaga pa," dagdag ni Buyung."Kagabi'y napanaginipan ko s'ya," sabi ni Sanip. "Napuna n'yo ba kung pa'no halos lumuwasa kanyang blusa ang suso tuwing yuyuko s'ya upang hipan an gatong?""Kaninang umaga'y tinulungan ko s'yang magrikit," parang tugon na sabi ni Buyung."Napuna n'yo ba kung pa'no siya tingnan minsan ni Pak Hitam?" makahulugang tawa niSanip."Sa edad n'ya bang iyon?" may pagkamanghang tanong ni Talib."Oo nga, diba napakatanda na n'ya para r'on?" Ibig malaman ni Buyung.Natawa si Sanip."Pakinggan n'yong magsalita itong si Buyung," sabi niya. "Nakalimutan mona ba ang kasabihan tungkol sa niyog? Mas marami raw langis na mapipiga sa niyog kaysa buko."Napahiyaw sila sa pagtawa."Hindi bale - di kasintalas ni Wak Katok ang mga mata ni Pak Hitam," sabad ni Sutan ."Nakita n'yo ba kung pa'no niya pagmasdan si Siti Rubiyah 'pag wala si Pak Hitam? Hinuhubarann'ya ito ng kanyang mga mata, higit pa r'on ang ginagawa niya sa kanyang isip, sabihin ko sa inyo, Sabagay, gusto ko ring gawin 'yon."Nagpalitan sila ng makahulugang tingin."Bata o gurang," sabi ni Sanip, pag nakakita ng seksing babae ang isang lalaki. Isang bagaylang ang nasa isip niya.""Hindi ako," sabi ni Buyung, "Okey siyang talaga, di ako sintapang n'yo. Takot ako kay PakHitam."Natawa kay Buyung ang tatlong may-asawang lalaki."Di ka pa binyagan at di mo panaiintidihan. Di ka pa nakakasiping sa isang babae, kundi'y di ka magsasalita nang ganyan. Wala ka pang alam sa bagay na'to," kampante silang nagpalitan ng tingin, pahagikgik na tawa kay Buyung na kulang pa ng karanasan. "Hintayin mong maikama si Zaitun, tapos maiintindihan mo ang lahat," sabi ni Sutan , patungo sa direksyon ni Buyung. Namula si Buyung. Alam nila ang tungkol kay Zaitun. Lalong natawa ang mga lalaki nang makita ang pamumula sa mukha ng bata nilang kaibigan."Siguro, bago ka sumiping kay Zaitun," sabi ni Talib," di masamang magpraktis ka muna kaySiti Rubiyah."Sa gitna ng alon ng tawanan, sumabad si Sutan, "ni hindi mo kailangan ang kama.""Gan'on talaga," sabi ni Sanip. "Gusto ng mtatandang lalaki ang batang asawa, at ganoon dinang matatandang babae. Ang nagpapabata sa kanila.""Anak ng - kahit mag-asawa ng batang babaeng tulad ni Siti Rubiyah. Nakapuna siya ngpagbabago sa kanilang kilos. Lantad masyado ang kanilang kunwa'y kawalang bahala , tuloy,ipinapakita nilang iba ang kanilang nadarama sa kanilang inaasal. Takot si Buyung na maaringnapupuna iyon ni Pak Hitam. Pero nitong nakaraang ilang buwan, kadalasa'y may sakit si Pak Hitam at napipirme sa kanyang kuwarto. Binibisita siya roon nina Pak Haji, Pak Katok, at Pak Balam, pero ang mga nakababatang lalaki ay pumapasok lang doon upang magbigay-galang at agad na lumalabas uli. Takot sila kay Pak Hitam at kailanma'y di sila mapakali sa harap nito. Pumapayat si Pak Hitam. Lubog ang kanyang mga mata, at halos puti na lahat ang kanyang bigote't balbas. Pero itim pa rin ang buhok, at kahit may-sakit, mukha pa rin itong mabalasik at nakakapanduro. May kung anong bagay ang angkin ng matibay na matandang lalaking ito ang nagbibigay-takot sa mga tao. Wala itong iniwan sa isang may-sakit na tigre na kahit masukol ay mabilis pa ring nakapagsasanib at nakamamatay.