answersLogoWhite

0


Best Answer

1.) Pagbibigay katauhan (Personification)- tinatawag din itong pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng Tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan.

Hal.

  • Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino.
  • Hinalikan ako ng malamig na hangin.
  • Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
  • Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
  • Sumasayaw ang mga dahon sap ah-ihip ng hangin.

2.) Pagtutulad (simile)-- isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita't pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki'y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.

Hal.

  • Tila yelo sa lamig ang kamay ng nenenerbyos na mang-aawit.
  • Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad 3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.
  • Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardinas sa piitan.
  • Si Maria na animo'y isang bagonh pitas na rosas ay Hindi napaibig ng mayamang dayuhan.
  • Ang balat niya ay kasingputi ng niyebe.

3.) Pagwawangis (Metapora)-- isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.

Hal.

  • Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay.Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
  • Ang kanyang mga kamay ay malamig na yelong dumampi sa aking pisngi. 3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
  • Ikaw na bulaklak niring dilidili.

4.) Pagmamalabis (Eksaherasyon,hyperbole)-- isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.

Hal.

  • Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka.
  • Sa labis na kagutuman, kaya kong kumain ng sampung baka.
  • Namuti ang kanyang buhok sa kakahintay sayo.
  • Abot langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan.
  • Bumaha ng mga dugo sa lansangan

5.) Pagpapalit-diwa (Metonymy)-- isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.

Hal.

  • Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.
  • Iniwasan na niya ang bote at baraha na nangangahulugang iniwasan na niya ang pag-inom ng alak at pagsusugal.

6.) Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)-- pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.

Hal.

  • Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak.
  • Isinambulat ang ordeng mula sa dibdib ng taksil.
  • isang Rizal ang nagbuwis ng buahy alang-alang sa Inang Bayan.
  • Walong bibig ang umaasa kay Romeo

7.) Panawagan (Apostrophe)-- ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na Tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.

Hal.

  • Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.
  • O, tukso. Layuan mo ako.
  • Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
  • Ulan, ulan kami'y lubayan na.

8.) Pag-uyam-- mga pananalitang nangungutya sa Tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.

Hal.

  • Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay.
  • Wala kang ganang kuamin, kaya pala halos maubos mo ang ulam.
  • Sa husay niyang kumanta, pampito siya sa pitong naglaban.
  • Maraming salamat sa paglalagay samin sa kapahamakan.
  • Siya ay may magandang kasuotan, gawa sa basahan.

9.) Paglilipat-wika (Transferred epithet)- tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

10.)Pabaligho (Paradox)

11.)Pagsalungat (Oxymoron)

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

12y ago

Ang Tayutay ay isang salita o grupo ng mga salita na ginagamit upang makapagpahayag ng emosyon o upang makalikha ng mas malalim na kahulugan. Ang mga salita sa tayutay ay hindi literal, bagkus ito ay patalinghaga at ginagamit bilang simbolo.

Ilang Uri ng Tayutay

1. Alliteration -Pag-uulit ng naunang tunog na katinig.

2. Euphemism -Pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim o bulgar. Halimbawa: Imbes na, Ang lolo niya ay natigok, mas mainam na sabihin na, Ang lola niya ay sumakabilang buhay.

3. Hyperbole o Eksaherasyon -Paggamit ng di pangkaraniwan na salita o palabis na paghahayag ng isang bagay.Halimbawa: Sa labis na kagutuman, kaya kong kumain ng sampung baka.

4. Irony o Kabalintunaan -Pag-gamit ng salita na ang ibig sabihin ay ang kabaligtaran nito.

5. Metaphor o Pagwawangis -Pagkukumpara ng dalawang magkaibang bagay na may isang importanteng bagay na pinagkatulad

6. Metonymy -Pagpapahayag sa pamamagitan ng paggamit ng isang salitang may kaugnayan sa nasabing bagay. Halimbawa: Iniwasan na niya ang bote at baraha na nangangahulugang iniwasan na niya ang pag-inom ng alak at pagsusugal.

7. Onomatopoeia -Pagbuo o paggamit ng mga salita na mula sa tunog ng mga bagay-bagay. Halimbawa: tik-tak ng orasan, twit-twit ng ibon, tahol ng aso

8. Personipikasyon o Pagsasatao -Pagbibigay ng katangian o damdaming pantao sa mga bagay na walang buhay.

9. Pun -Paglalaro sa mga salita o pag-gamit ng isang salita na iba't-iba ang kahulugan.

10.Simili o Pagtutulad -Pagtutulad ng isang bagay sa isa pang bagay gamit ang salitang tulad ng, parang, kawangis ng, kasing atbp. Halimbawa: Ang balat niya ay kasingputi ng niyebe.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

12y ago

personipikasyon

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

12y ago

egffh

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

13y ago

lul gago

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Tulang may iba't ibang uri ng tayutay?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Impluwensiya ng mga dayuhan sa kulturang Filipino?

natutong mag english,nag karoon ng ibat-ibang kultura, at may ibat-ibang pananaw.


Ano ang ibat-ibang uri ng neo kolonyalismo?

ambot from julie may ?


Ibat ibang simbahan ng relihiyon na may larawan?

katoliko iglesiani cristo muslim


Bakit ang malaking kontinente sa asya ay may ibat ibang klima?

bakit ang may kontinenteng asya ay may iba ibang uri ng klima?


Mga salitang tagalog na may ibang kahulugan sa ibat ibang dayalekto?

toyo(may tama sa utak) ube (P100) lagay (suhol)


Iba't ibang nota para sa musika?

ang i'bat ibang uri ng no ta ay quarter note,whole note,sorry yan lang ang alam ko


Ibat ibang pahinga mga nota sa filipino?

May ibat ibang uri ng nota hal.... 1.Kawalong nota 2.kapat na nota 3.kapat na nota na may tuldok 4.hating nota 5.hating nota na may tuldok 6.buong nota answered by:john philip b. rubio


Ibat ibang kabuhayan ng sinaunang pilipino sa pilipinas?

By. Ethan Pagaduan ^_^ ang Mga pamamaraan ng pamumuhay ng pilipino ay tumagal simula ng tayo ay sakupin ng mga taga ibang bansa at Kanluranin, KAtulad na lamang ng mga nakagawiang pamumuhay na Pangingisda, Pagsasaka, at Pangangalakal sa ibat ibang bansa..... At may ibat ibang nakagawiang kainin ang mga pilipino dipende sa lugar na kanilang kinakalagyan halimbawa na lamang sa ILOCANO ay Pinkabet ang nakasanayan nilang kainin at iba pa.....


Ibat ibang uri ng pakikinig at tagapakinig?

# magalang at taimtim # may pagpapahalaga o interes # may layunin # malikhain # mapanuri


Ibig sabihin ng pamahalaan?

Ang pamahalaan ay isang institusyon na nagsasagawa at nagpapatupad ng batas.na may ibat ibang uri ng pamahalaan ayon sa kapangyarihan.


Iba't ibang uri ng nota at pahinga?

mga ibat-ibang nota at pahinga whole note = whole rest half note = half rest quarter note = quarter rest eight note = eight rest sixteenth note = sixteenth rest (mahahanap ang mga larawan sa Google larawan)


Ano po Yung panahanan sa aralpan grade 7 ask lng po?

Ang panahanan ay may ibat ibang uri. Isa na dito ang tahanan ng nakaririwasang Pilipino.