Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at
1960, ngunit nagkaroon ng kaguluhan noong mga huling
taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970
laban sa mapang-aping diktatoryal ni Pangulong
Ferdinand Marcos na nagdeklara ng batas militar noong
1972. Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo ng
Estados Unidos na si Ronald Reagan kay Pangulong
Marcos, sinuportahan pa rin siya ng Estados Unidos
kahit na kilala ang kanyang administrasyon sa malawak
na kurapsyon at pang-aabuso ng mga Tao. Ang mapayapang
Rebolusyon sa EDSA noong 1986 ang nagpatalsik kay
Marcos (na tumakas sa Hawai'i lulan ng isang helikopter
na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan
siya nanatili hanggang sa siya'y mamatay) at ang
nagbalik ng demokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula
ang panahong iyon, nagkaroon ng Hindi pagkakaunawaan sa
pulitika at humina ang ekonomiya ng bansa.
Chat with our AI personalities