ANG PANGULO at ang KONGRES
Mahala ang ginagampanan ng Pangulo at Kongreso sa sistemang pulitikal ng ating bansa. Tungkulin nilang pangalagaan ang seguridad gayundin ang kapakanan ng mamamayan. Upang maisagawa ng Pangulo at ng Kongreso ang kanilang tungkulin, nakasaad sa Konstitusyon ang kani-kanilang kapangyarihan.
Ang Kongreso ay may kapangyarihan sa paniningil ng buwis, pagbabadyet ng pondo, pagdeklara ng digmaan ng bansa, bilang board of canvasser sa tuwing may eleksyon sa pagpili ng Pangulo at Pangalawang Pangulo, magsagawa ng impeachment at pag-amyenda sa kasalukuyang batas. Ilan lamang ito sa kapangyarihan nito ay mauuring implayd at inherent.
Samantala, ang Pangulo naman ay may kapangyarihan sa pamahalaan at pagpapatupad ng batas. Tinatawag din itong kapangyarihang ehekutibo. Kabilang din sa kanyang kapangyarihan ang paghihirang(appointment) ng mga opisyal ng kanyang pamahalaan. Ang paghirang ay maaaring permanente at pansamantala. May kapangyarihan din ang Pangulo na alisin ang mga taong kanya ring hinirang. Nangyayari ito kung epektib sa kanyang tungkulin bilang opisyal ang sino mang hinirang ng Pangulo sa pamahalaan. May kapangyarihan din ang Pangulo na kontrolin ang lahat ng ahensya ng gobyerno, lokal man o nasyunal.
May kapangyarihan din ang Pangulo sa sandatahan ng Pilipinas. Sa katunayan, siya ang tumatayong Commander-in-chief nito. Ilan lamang ito sa kapangyarihan ng Pangulo na nakasaad sa Konstitusyon.
Ang Pangulo at ang mga mambabatas na bumubuo sa Kongreso ay kapwa ibinubuto ng mga mamamayan. Sila'y pinipili batay sa kanilang mga kakayahang pamunuan ang ating bansa. Higit sa lahat, sila'y kapwa nagsisilbi para sa kapakanan ng buong bansa.
Chat with our AI personalities