ano ng dalawang uri ng paghahambing
Chat with our AI personalities
May dalawang uri ng kaantasan ang paghahambing:
1. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing, magsing, magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa at pareho.
2. Paghahambing na di-magkatulad - ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian. May dalawa itong uri:
a. Pasahol- kung ang hinahambing ay mas maliit, gumagamit ito ng mga salitang tulang ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha o di-gasino
b. Palamang- kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit, labis at di-hamak.
Halimbawa ng Paghahambing:
Mag-kasing ganda ni Shimei si Shiomai.
Mag-kasing pangit kayo ng iyong kapatid.
Magkaparehas ang kulay ng damit ko at damit ni Adolf.
Halimbawa ng Pagkokontrast:
Mas maganda ako sayo.
Mas makapal ang mukha ni Albert kung ikukumpara sa isang tabla ng papel na ito.
Ang ganda ng iyong mga magulang ngunit bakit ang pangit mo?
Ito rin ay pwedeng magamit sa paglalarawan ng antas o katangian ng tao, haopy, ideya o pangyayari.
Ang paghahambing ay may dalawang uri
Paghahambing ng Magkatulad
Ginagamit kung ang dalawang inihahambing ay antas na katangian ng isang tao, o bagay, etc.
Paghahambing na di Magkatulad.
Ginagamit kung ang hinahambing ay magkaiba ang antas ng isang bagay o anuman.