Pahambing na magkatulad sa mag kasing
[object Object]
Ang halimbawa ng pahambing na magkatulad ay "maputi tulad ng nieve" (puti kagaya ng niyebe), kung saan tinutulad ang kulay ng puting niyebe sa kaputian ng bagay o tao.
Ang pahambing ay ginagamit upang ihambing ang dalawang bagay, tao, o pangyayari. Halimbawa, sabihin na mas mabilis si Juan kaysa kay Pedro. Ang pasukdol naman ay ginagamit upang magbigay ng diin o emphasis sa isang salita o pangungusap. Halimbawa, "Talaga nga naman, maganda ang Pilipinas."
Kaantasan ng Pang-uri1. Lantay ang anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang pangngalan o panghalip.Halimbawa:1. Ang kanilang pook ay tahimik.2. Si Maria ay maganda.2. Pahambing ang pang-uri kung into ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. May dalawang uri ng pang-uring pahambing:A. Pahambing na Pasahol o Palamang- nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o pahmabing.Halimbawa:1. Mas maganda si Agnes sang sa kay Therese.2. Mas masipag ang mga anak ni Aling Rosa sang sa mga anak ni Aling Pasing.B. Pahambing na Patulad- nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing.Halimbawa:1. Parehong magaganda sina Cecila at Hilda.2. Magkasingtalino sina Anna at Katarina.3.Pasukdol ang pang-uri kung ito ay nagpapakita ng pinakamatinding o pinakasukdulang katangian sa paghahambing ng higit sa dalawang pangangalan o panghalip.Halimbawa:1. Talagang hari ng tamad si Jose.2. Ang pinakamalaking lawa sa buong bansa ay ang Lawa ng Laguna.
ang pangungusap ay lipon ng mga salitang nagsasaad ng buong diwa o kaya mga lipon ng mga salita na mayroong simuno at panaguri
Lantay -- nasa anyong payak ang pang-uring nagsasaad ng katangian ng pangngalan o panghalip. Halimbawa -- Masaya Ang Aking Magulang Dahil Nakasali Ako Sa paligsahan . Pahambing -- Ito'y mga pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan, panghalip, lunan o pangyayari. Maari itong magkatulad o di- magkatulad . a.Magkatulad -- Gumagamit ito ng mga panlapi o katagang. ( ka , magka , sing , kasing , magsing , makasing . Halimbawa -- Magkasinglakas ang bagyong ondoy at bagyong hagubat . b. Di - magkatulad -- Gumagamit ito ng mga panlapi o katagang ( di-kasing , lalo , di-gaano o di-gasino , kaysa , mas , higit . Halimbawa -- Di-gaano kalakas ngayon ang ulan kaysa kahapon. Pasukdol -- Ito'y nagpapakita ng kasukdulang antas ng pang-uri . Ginagamitan ito ng mga panlapi o katagang ( napaka , pinaka , lubha , ubod , hari , labis , sakdal . ) Halimbawa -- Ubod ng saya si maya kasi siya ay natangab sa kanyang bagong trabaho . Napakatangkad ni jason .
1. Lantay-karaniwang paglalarawan lamang. 2.Pahambing-2 pangngalan ang pinaghahambing. ito ay maaaring Magkatulad, Di magkatulad, Palamang o Pasahol. 3.Pasukdol-pinakamataas na antas ng pang-uri, wala ng nakahihigit pa. :)