Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay ang anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
1. Ang kanilang pook ay tahimik.
2. Si Maria ay maganda.
2. Pahambing ang pang-uri kung into ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. May dalawang uri ng pang-uring pahambing:
A. Pahambing na Pasahol o Palamang- nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o pahmabing.
Halimbawa:
1. Mas maganda si Agnes sang sa kay Therese.
2. Mas masipag ang mga anak ni Aling Rosa sang sa mga anak ni Aling Pasing.
B. Pahambing na Patulad- nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing.
Halimbawa:
1. Parehong magaganda sina Cecila at Hilda.
2. Magkasingtalino sina Anna at Katarina.
3.Pasukdol ang pang-uri kung ito ay nagpapakita ng pinakamatinding o pinakasukdulang katangian sa paghahambing ng higit sa dalawang pangangalan o panghalip.
Halimbawa:
1. Talagang hari ng tamad si Jose.
2. Ang pinakamalaking lawa sa buong bansa ay ang Lawa ng Laguna.
Chat with our AI personalities