answersLogoWhite

0


Best Answer

Pahalang 1.Binaril dahil sa himalang kaanib ng naghihimagsik laban sa Espanyol?

User Avatar

Joel Gakit

Lvl 2
1y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Anonymous

Lvl 1
4y ago

Trece martires

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Anonymous

Lvl 1
4y ago

Heneral trias

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Anonymous

Lvl 1
4y ago

Bonifacio

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Anonymous

Lvl 1
4y ago

Aguinaldo

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Anonymous

Lvl 1
4y ago

Katipunero

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Anonymous

Lvl 1
4y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Binaril dahil sa hinalang kaanib ng mga naghihimagsik laban sa mga espanyol?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ano ang kahulugan nang korporasyong multinasyunal?

ito ay binubuo ng kaanib ng korporasyon na may ambag,share o anumang puhunan sa negosyo. ang unang tao na nagtayo ng korporasyon dito sa pilipinas ay walang iba kundi si Mr. Miguel Corporasyon. kaya naisipan nyang magtayo ng kanyang korporasyon ay dahil narin sa kanyan apelyido.


Ano ang wika ng kalinga?

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.@IamremaeNote: Upang magdagdag ng sagot, maari po lamang na i-message ako sa aking Message Board kasama na rin ang "source/s ng kinuhanan ng sagot upang maiwasan lamang ang vandalism sa mga ganitong katanungan. Maraming salamat.


Ano ang ibig sabihin ng wika sa dalubwika?

1. Ito'y mabisang instrumento sa pambansang pagkakaunawaan at pagkakaisa.2. Nagagamit ito sa iba't-ibang aspeto ng pamumuhay ng tao;pang-ekonomiya,panrelihiyon,pampulitika,pang-edukasyon at panlipunan.3. Ito'y mabisang instrumento sa pambansang pagkakaunawaan at pagkakaisa.4. Nagagamit ito sa iba't-ibang aspeto ng pamumuhay ng tao;pang-ekonomiya,panrelihiyon,pampulitika,pang-edukasyon at panlipunan.Ibang kasagutan:Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga taoang wika ay isang lengguwaheAng kahulugan ng wika ay lengguwahe.ang wika ay may sistema, binubuo ng arbitrayong simbolo ng mga tunog, at ginagamit para sa komunikasyon ng mga tao


Anu-ano ang tungkulin ng datu?

Datu.. Ang pinuno ng barangay ay tinatawag na Datu.Kabilang sa mga pamilya ng maginoo ang pinakamataas sa lipunan,ang datu.Ang kaniyang katungkulan ay namamana o isinasalin sa panganay na anak na lalaki sa kinabibilangan niyang angkan.Gayunpaman,may pagkakataong ang pagiging datu ay iginagawad din sa anumang lalaking nakagawa ng kabayanihan sa barangay. Ang datu ay may malawak na kapangyarihan.Siya ang tagagawa ng mga batas, tagapagpatupad ng mga ito, tagahatol sa mga lumabag sa batas.Siya rin ang kinikilalang pinuno ng mga mandirig ma sa barangay.Ang mga kapangyarihang ito ay kailangan upang maipatupad ang kaniyang pangunahing tungkulin---ang pangasiwaan at pangalagaan ang kapakanan ng buong barangay. Bilang pagkilala sa kapangyarihan at paglilingkod ng datu,pinagsisilbihan siya ng kanyang nasasakupan.May mga sumasama at umaagapay sa kaniya sa mga digmaan.May mga tumutulong sa kaniyang pamilya sa paghahanda para sa mga seremonya at handaan.Mayroon ding nagsasaka sa kaniyang mga lupang sakahan.Bukod dito,ang mag nasasakupan ay nagbabayad sa datu ng buwis o produkto pagkatapos ng anihan. Kung minsan,ang datu ay may mga tagapayo na binubuo ng ilang matatandang kaanib ng barangay.Hinihirang niya ang mga ito sa paggawa ng mga batas at sa pagpapasya sa mga kasong idinulog sa kaniya.


Ang kaugnayan ng wika sa pakikipagtalastasan?

Ang Wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batasupang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan atdamdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ngpaghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ngtunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan,nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao


Sino ang ama ni Carlos P Garcia?

Carlos Polistico Doi Garcia (1896-1971), Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1957 hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado. Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang Bise Pangulong na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerrilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas. Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957. Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga Hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961. Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14, 1971 sa edad na 75.


Who is Carlos P Garcia?

Si Carlos Polistico Garcia (Nobyembre 4, 1896 - Hunyo 14, 1971) ay isang Pilipinongmakata at pulitiko at ang ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Marso 23,1957-Disyembre 30, 1961). Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng Filipino First Policy.TalambuhayCarlos Polistico Doi Garcia (1896-1971), Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1957 hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado. Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang Bise Pangulong na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerrilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas. Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957.Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga Hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961.Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14,1971 sa edad na 75.Mga sanggunian↑ Congress did not appoint a Vice President after Garcia assumed the Presidency from Magsaysay, as required by the 1935 Constitution


Sinu sino ang mga tauhan sa kabanata 9 ng elfilibusterismo?

Mga Tauhan sa El Filibusterismo ni Jose Rizal:SimounAng mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulayIsaganiAng makatang kasintahan ni PaulitaBasilioAng mag-aaral ng medisina at kasintahan ni JuliKabesang TalesAng naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayleTandang SeloAma ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apoGinoong PastaAng tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legalBen-ZaybAng mamamahayag sa pahayaganPlacido PenitenteAng mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralanPadre CamorraAng mukhang artilyerong pariPadre FernandezAng paring Dominikong may malayang paninindiganPadre FlorentinoAng amain ni IsaganiDon CustodioAng kilala sa tawag na Buena TintaPadre IreneAng kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang KastilaJuanito PelaezAng mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong KastilaMakaraigAng mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.SandovalAng kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaralDonya VictorinaAng mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni PaulitaPaulita GomezKasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito PelaezQuirogaIsang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa PilipinasJuliAnak ni Kabesang Tales at katipan naman ni BasilioHermana BaliNaghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre CamorraHermana PenchangAng mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni JuliGinoong LeedsAng misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa peryaImuthisAng mahiwagang ulo sa palabas ni G. LeedsSimoun - Mayamang mag-aalahas, pinagkakamalang Indiyong Ingles, Amerikano, Mulato, Portuges at Cardenal MorenoIsagani - Isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni Paulita GomezPaulita Gomez Katipan ni Isagani, mayaman, maganda, pamangkin ni Donya VictorinaBasilio - Isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling sikapJuli - Katipan ni Basilio, anak ni Kabesang Tales, nagpaalila upang matubos ang amaPari Camorra - Paring mukhang artilyeroPari Salvi - Tinatawag na moscamuerta o patay na langawPari Sibyla- Vice Rector ng UnibersidadPari Irene - Kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago, namamahala sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang KastilaPari Fernandez - May kaibang pangangatuwiran, kaiba sa kapwa pariPari Florentino - Amain ni IsaganiKabesang Tales - Naging cabeza de barangay, dati'y isang tahimik na tao, ngunit nang angkinin ng korporasyon ng mga prayle ang lupang sinasaka ay sumama sa mga tulisanDon Custodio - Pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay, kilala rin sa tawag na Buenta TintaGinoong Pasta - Isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may suliranin, pinagsanggunian din ng mga estudyante sa pagpapatayo ng AkademyaBen Zayb - manunulat at mamamahayagDoña Victorina - Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na Espanyola at itunuturing na mapait na dalandan ng kanyang asawaQuiroga - Kaibigan ng mga prayle, naghahangad na magkaroon ng konsulado ng mga InstikDon Timoteo Pelaez - Isang negosyante, mauswerteng nakabili ng bahay ni Kapitan Tiyago, ama ni JuanitoMataas na Kawani - Ang nagmamalasakit sa mga Pilipino na kawani ng pamahalaang Kastila, katunggali ng Kapitan Heneral sa pagpapalaya kay BasilioKapitan Heneral - Ang pinakamataas na pinuno ng bayan, sugo ng Espanya, malapit na kaibigan ni SimounHermana Penchang - Ang manang na umampon kay Juli na ginawang katulong ang dalaga, mahilig sa pagpaparami ng indulgenciaPlacido Penitente - Nag-aaral ng pagkamanananggol magaling sa Lati, pinakamatalino sa bayan ng Batangas, hindi nakagiliwan ng mga propesor kaya binalak nang huminto sa pag-aaralMakaraig - Mayaman at isa sa pinakamasigasig na magkaroon ng Akademya ng Wikang KastilaJuanito Pelaez - mapaglangis at kinagigiliwan ng mga propesor, mapanukso, kuba at umaasa sa katalinuhan ng ibaSandoval - Isang Kastilang kawani na salungat sa mga ginagawa ng kaniyang mga kababayan, nagpatuloy ng pag-aaral sa PilipinasPecson - Isang mag-aaral na palaisip subalit pesimistiko o laging may kabiguang laging natatanaw sa hinaharap.


Ano ang kahalagahan ng linggwistika sa nagtuturo ng wika?

Kahalagahan ng WikaMahalaga ang wika sapagkat:ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.Ang wika ay katangi-tanging gamit ng tao sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Mahalaga ang wika dahil ito ang batay ng pakikipagugnayan at pakikipagtalastasan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa sangkatauhan. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika.Ito ay isang sistemang gamit sa pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at panununtunan. Sa paraang ito nagkakaintindihan ang isa't-isa,.Napakahalaga ng wika subalit kung ito ay wala Hindi magkakaintindihan ang bawat tao. Kahit ano pa man ang gamit o nakasanayang wika ng bawat indibidwal, ngunit tayong mga Pilipino ay may sarikling wika madami ngunit sariling atin kagaya na lamang ng Tagalog, Bisaya, Cebuano, Pangalatok, mga wika sa Mindanao at madami pa. Dapat natin itong pahalagahyan sapagkat ito ay yaman nating mga Pilipino.ito ang gamit natin sa pakikipag komunikasyon. ang wika ang nagsisilbing paraan na magagamit natin paramakausap ang iba.ang komunikasyon ay ang pinag sama-samang kaalaman at opinyon na mahalaga upang magkaunawaan, makatulong sa negosasyon, sa paghahatid ng impormasyon at pagsagot sa mga kuro kuro sa pamjamagitan ng analisasyon. Bilang mamamayang Pilipino,obligasyon natin na payabungin ito,dahil ito ay simbolo ng yaman ng wika na nag-uugnay sa bawat Pilipino at sa mundo, ito ay nagbibigay ng epektibong pakikipagtalastasan sa ibang tao sa mundo at ito ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakaisa ang mundoMawawalan ng saysay ang gawain ng sangkatauhan kung wala ang wika. Dahil ang wika bilang pakikipagugnayan ay ginagamit sa pakikipagkalakalan, diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng kaalaman sa agham, industriya at teknolohiya. Ang wika bilang pakikipagtalastasan ay ginagamit sa pagtungo, paghahanapbuhay at paninirahan sa ibang bansa.ito ang diwa ng isang pahayag,,..ang wika ang ngsisimbolo ng kalayaan ng isang tao,,batay kung paano niya ito ginamit,,,,,,Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao Hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin.Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito.*Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan*Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan*Ang wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan*Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga taoNakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika1. sa sarili2. sa kapwa3. sa lipunankailangan nating tangkilikin ang ating sariling wika.....................kung WALANG WIKA...WALANG KOMUNIKASYON...AT KUNG WALANG KOMUNIKASYON...WALANG PAG-KAKAUNAWAAN...Ang kahalagahan ng wika sa ating bansa ay makakatulong ito upang mag kaintindihan o mag kaunawaan....ang wika ay isang mabisang instrumento sa pakakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayan ng bansa.Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapa-abot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumikha ng tunog. Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.


Who are the minor characters in el filibusterismo?

Some minor characters in "El Filibusterismo" include Tasio, the old sage; Padre Salvi, the corrupt friar; Sinang, Basilio's love interest; Hermana Bali, the wealthy landowner; and Placido Penitente, the aspiring poet. Each character contributes to the story's themes of corruption, social injustice, and revolution.


Anu-ano ang ibat ibang variety ng wika?

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.


Buod ng huling hiling hinaing at halinghing?

fictionHuling Hiling, Hinaing at Halinghing ni Hermano Husengni Pat V. VillafuerteHuling Hiling: IskuwalaNAGSISIMULANG MAGKULAY-GINTO ang dati'y luntiang punla na nilinang ng mapagpalang-kamay ng mga anak-bukid nang huli kong masilayan si Hermano Huseng, pagkaraan ng ilang taong pinaghiwalay kami ng panahon at ng pagkakataon. Noo'y kanyang kasibulan - maglalabimpitong tag-araw ng kanyang buhay. Malapad ang dibdib, maumbok ang siksik na mga braso, masigla at malakas. Pagmulat ng kanyang mga mata kasabay ng pagputok ng araw, isang katangi-tanging ritwal ang pinagkakaabalahan niyang gawin - ang talunin at magpaikut-ikot sa mahabang bakal na ang magkabilang dulo'y natatalian ng makapal na lubid at nakabuhol sa walong talampakang kawayan. Parang binabaluktot na ratan ang kanyang katawan tuwing itinataas-ibinababa ang pantay niyang mga paa, at ito'y nagmimustulang lagas na dahon ng banaba habang inililipad ng hangin. Pagkaraan ng ilang sandali'y pantay ang mga paang lulundagin niya ang lupa habang tuwid at magkapantay ang kanyang mga kamay na nakaturo sa langit. Nganganga't ibubuga ang nakaipong hangin sa malapad niyang dibdib saka sisimulang punasin ng kupasing lavacara ang namumuong mga pawis sa kanyang noo, pisngi, liig, batok at braso. Isang seremonya ko na ring gumising nang maaga kapag nauulinigan ko na ang kanyang mga yabag. At sa munting bilog na butas ng sawaling dingding ay lihim kong pinagmamasdan ang kanyang kahubdan. Ang malapad niyang dibdib at ang maumbok at siksik niyang mga braso. At ako'y nakadarama ng naiibang sigla. Ng naiibang pangitain. Ng di-maipaliwanag na damdamin.Masasabing kababata ko siya bagamat walong taon na ako nang sumulpot siya sa sangmaliwanag. Halos nagkakaumpugan ang dingding at bubong ng aming mga tahanan kaya't nasaksihan ko ang kanyang paglaki't pagbibinata. Bunso siya sa apat na magkakapatid na pulos lalaki ng mag-asawang Tata Pulo at Nana Docia, samantalang bugtong na anak ako ng mag-asawang maggugulay. Ngunit ang natatandaan ko, mula nang ako'y magkaisip, siya lang ang nilikhang laman ng aking isip . . . pagsikat at pagtirik ng araw. Kaya nga ba't sa tuwing magdadapit-hapon, sa tuwing aangkinin ng makakapal na ulap ang hilahod na kapaligiran ng buong nayon, ay itinuturing kong isang walang kahandaang kamatayan ang sandaling iyon para sa akin.Kapwa kami lalang at lumaki sa Tungkong Bato, isang natutulog na baryo sa San Antonio. Iisang Impong Gande ang nagpaanak sa amin. Iisang bisita* ang pinagdalhan sa amin upang maging kristiyano. Iisang Tata Roman ang nagpanguya sa amin ng usbong na bayabas upang pagkatapos ay bawasan ng isang kapirasong laman angpinakatatago naming "kamyas" sa katawan. Iisang baku-bakong landas sa gilid ng bundok ang aming nilalakbay patungo sa yari sa anim na raang kuwadro metrong pandayan ng karunungan. Ngunit habang nagpapalit ang mga araw at nagsisimula kaming mangarap para sa papaunlad na buhay ay nagkakaroon ng pagbabago sa aming paniniwala at ideolohiya. Bunga ng maghapong pakikinig ng mga balitang panglokal (walang nakararating na dyaryo sa aming nayon) ay higit na nagiging malalim ang pananaw sa buhay ni Hermano Huseng. Higit siyang naging maurirat sa mga isyung pulitikal. Higit siyang nagiging mapusok at marahas.Sa mga bagong nakikilala ni Hermano Huseng ay hindi nakakaligtaang itanong sa kanya kung ano ang kahulugan ng Hermano na nakakapit sa kanyang pangalan. Bukod sa kanyang magulang at mga kapatid, kami nina Tatang at Inang ang nakaaalam ng lihim na alamat. Simula sa unang araw ng Mayo hanggang katapusan ng buwan ay ipinuprusisyon ng mga taga-Tungkong Bato ang imahen ni San Isidro, ang patron ng mga magsasaka. Bawa't gabi'y isinasagawa ang "panunuluyan". Isang pamilya ang "umaampon" sa imahen. Ang bunsong anak na lalaki ay tinatawag na Hermano at kung babae ang bunsong anak, ito'y tinatawag na Hermana. Ipinaghahanda ng Hermano o Hermana ang pagdating ng kanilang "ampon". Ang pangunahing pinto at mga bintana ay ginagayakan ng iba't ibang ani - palay, mais, suman at iba pa. Dadasalan at aawitan ang "bagong panauhin". Isang buong araw itong manunuluyan at pagsapit ng gabi ay ibang pamilya na naman ang "aampon" sa imahen. Simula nang manuluyan kina Tata Pulo at Nana Docia ang patron ng mga magsasaka ay ikinapit na kay Huseng (mula sa pangalang Jose) ang salitang Hermano. Mula noon, ang anak na tumangging humawak ng pait, katam, lagare at martilyo ay tinawag ng Hermano Huseng.Anluwage ang ama ni Hermano Huseng. Isang maestro karpintero ng kanyang panahon. Namana niya ito sa kanyang ama na namana naman ng huli sa ama ng kanyang ama. Sa maikling salita, angkan ng mga anluwage ang pinag-ugatang lahi ni Hermano Huseng. Sinasabi ng mga naunang mamamayan ng Tungkong Bato na halos ang buong pamayanan ng nayon ay dumaan sa katam, martilyo't lagare ng angkan ni Hermano Huseng. Ang kauna-unahang bisita*, bahay, paaralan, klinika, ospital, palengke, bahay-sanglaan, bangko, panaderya, punerarya, tulay at palikurang-bayan sa Tungkong Bato; ang lumang kapitolyong pinagkutaan ng mga Kastila sa karatig-bayan; at ang pinakamamahaling ataul ng Funerarya Lorenzo sa San Antonio ay nagawa dahil sa mapagpalang mga kamay ng kanunununuan ni Hermano Huseng. Kaya't para sa sinaunang mga mamamayan ng Tungkong Bato, kasama na ng iba pang nayon at bayan ng San Antonio ay institusyon na ang lahing pinag-ugatan ni Hermano Huseng. Kaya't hindi dapat pagtakhan kung sakali mang makarinig si Hermano Huseng ng masasakit pananalita mula sa kanyang ama sa tuwing tatangkain niyang putulin ang kinagisnang tradisyon. Tanging siya, sa apat na magkakapatid na lalaki ang hindi sumasama sa ama kapag may batarisan o kapag nangingibang-bayan para mag-anluwage. Mas ginusto pa nitong magsulat ng mga tula. Mas kinahiligan pa nitong mag-alaga't magpalaki ng mga itik at bibe. At pagkaraang pakainin ang mga ito, pagkatapos ang sabay-sabay na pag-iingay ng mga ito ay uupo siya sa papag na nasa ilalim ng punong santol at magsisimulang magsulat. Nakatutuwang ako ang kanyang naging unang tagabasa at kritiko.Ang unang dalawang saknong ng kauna-unahang tula ni Hermano Huseng na pinabasa at ipinasuri niya sa akin ay naganap isang hapon sa ilalim ng isang punong santol. Isang hapong ayon sa kanya'y tamang panahon ng pagpapalayang-diwa:At sapagkat ang mabuhay sa daigdigay walang katapusang pagkukumagkagsa nakagapos na proseso ng kapagalan,bawat lakad-pasulongbawat likong pakaliwa't pakananbawat yapak-pabalikay may pagsuko sa loob ng ating sarili.nahahakbangan ang pusonatatalisuran ang isipngunit nahahawan ang landaspara sa kaluluwang pagal sa paghahanap ng katotohanansa di-madalumat na katotohanansa pagitan ng maraming pagtango't pag-ilingsa pader ng di-mabilang na pagpigil at pagtutol."Parang galit ka sa mundo," ang tanging nasabi ko.Ang akala ko'y iyon ang magiging simula ng isang magandang yugto sa buhay ko. Hindi pala. Pagkaraan ng ilang linggo'y naibalita niya sa akin na kinumbinsi siya ng kapatid ng kanyang hipag na magtrabaho sa konstruksyon ng kauna-unahang mall na maipatatayo para sa mga Nueva Ecijano. Ito'y nangangahulugang sa lungsod ng Cabanatuan na siya maninirahan, at paminsan-minsan na lamang siya luluwas sa Tungkong-Bato. Ito na rin marahil ang magiging simula ng aking kalungkutan. Ng aking kamatayan.Naging suliranin ni Hermano Huseng ang magkakasunod na taong pag-aasawa ng tatlo niyang kapatid. Papatanda na ang kanyang ama at wala nang makakatuwang sa pag-aanluwage. Ang kanyang kuya ay nakapangasawa ng isang Sebuwanang namasukang katulong sa tahanan ni Meyor. Sa munisipyo na nagtatarabaho ang panganay na kapatid. Nang sumunod na taon ay itinanan ng kanyang diko ang dalawang taon nitong nobya na taga-Aluwa. Sa bayan na ng babae nanirahan ang mag-asawa. May minanang kiskisan ng palay ang babae nang mamatay ang mga magulang nito at ito ang kanilang pinagkikitaan. Pagkaraan ng isang taon, nagpaalam ang kanyang sangko na magpapakasal na rin sa kasintahan nitong nasa kabilang ibayo. Maestra sa isang publikong paaralan ang napangasawa nito. Nagtayo ng maliit na tindahan ang mag-asawa at ito ang kanilang pinalalago. Siya naman ay sa pinagtatrabahuhan na namamalagi. Dalawang beses sa isang buwan na lamang siya kung umuwi sa Tungkong Bato.Nagsasalansan ako ng mga bakawan sa silong ng bahay nang maulinigan kong nag-uusap sina Tata Pulo at Nana Docia."Pa'no tayo mabubuhay kung ang bawat nagpapakumpuni ng bahay ay pabatares? Ang pangingibang-bayan na lamang ang atupagin mo," tinig iyon ni Nana Docia."Ang tao namang ire. Ako nga abay* ye* bigyan mo ng kahihiyan. Halos kamag-anakan natin ang mga nagpapabatares. Si Madeng ba ye pagbabayarin 'ta? Alam mo namang nag-iisa sa buhay at di-nakapag-asawa. Mabuti't nakumpuni ko ang bubong ng kanyang poltri bago dumating ang malakas na bagyo. Tatanggapin ko ba ang inaabot ni Kapitan Ontong gayong halos siya ang nagligtas at bumuhay sa 'tin no'ng panahong pasukin tayo ng mga taong-labas? Ay, tinamaan ka ng lintik. Baka ni isa mang tagarito ye walang dumamay sa 'yo sakaling dumating ang huling subo ko?" tugon ni Tata Pulo.Bagamat itinuturing na pinakamahusay kumarkula ng mga kahoy at kawayan kahit hindi nakatuntong man lamang ng unang grado sa paaralang-bayan, walang naaksayang gamit ang ama ni Hermano Huseng. Maging ang mga pinagtabasan at pinagkatamang kahoy ay kanyang nagagamit sa ibang paraan. Ang kayang katwiran, "Dapat panghinayangan ang alinmang bagay na natatapon. Ang lahat ng 'yan ay may paggagamitan." Pag-uwi mula sa pinaggawaan, sunung-sunong niya ang mga lumabis na pira-pirasong yero, kahoy at kawayan. Maayos na isasalansan sa silong ng bahay. Dudukutin sa bulsa ang naipon at nahinging mga pako na may iba't ibang sukat at isisilid sa isang lumang lata, kasama ng naipon ding maliliit na lapis na bagong tasa.Isang magdadapit-hapon, kasagsagan ng ulan nang dumating mula sa pambabatares si Tata Pulo. Nanginginig ang kanyang buong katawan. Inaapoy ng lagnat. Matapos palitan ng tuyong kamiseta ang kanyang basang damit, banyusan ng mainit na tubig ang kanyang mukha, mga braso't binti; at medyasan ang mga paa, pinahigop siya ni Nana Docia ng isang tasa ng mainit na kape."Iwasan ninyong maglabas ni isa mang sentimo kapag sumakabilang-buhay ako. Hilingin mo na lang sa ating mga anak na gamitin ang mga nakatambak na kahoy sa silong para sa aking kabaong. Ibig kong sila ang gumawa ng aking himlayan," ang bilin ni Tata Pulo. "Isama mo sa aking puntod ang mga gamit ko. Tutal, pinutol na nila ang kinalakhan kong tradisyon. Sayang . . . Sayang . . ."Pasungaw na ang araw nang tuluyang ipinikit ng Maestro Karpintero ang kanyang mga mata. Isang nangungulilang kamatayan ang nasaksihan ko nang umagang iyon.Magtatanghali na nang magkakasunod na dumating ang apat na anak ni Tata Pulo, kasa-kasama ang asawa't anak ng mga ito; maliban kay Hermano Huseng na nananatiling binata. Pinasok ng magkakapatid ang silong, namili at naglabas ng mga kahoy habang inilalabas ni Nana Docia ang mga gamit sa pag-aanluwage ni Tata Pulo. Ngunit . . ."Bakit ba pahihirapan pa natin ang ating katawan sa paggawa ng kabaong? Maaari naman tayong kumuha ng serbisyo sa Lorenzo?" tinig iyon ng panganay."Saka may kalumaan na ang mga kahoy na ito. Takpan man natin ng makapal na pintura'y lalabas din ang tunay na kayo," tinig iyon ng pangalawa."Mag-ambag-ambag na lang tayo. Kumuha tayo ng magandang kabaong sa Lorenzo," tinig naman iyon ng pangatlo. "Saka paghati-hatiin na rin natin iyong kanyang mga gamit.""Ngunit ang hiling ng inyong ama ay . . ."Halos papalubog na ang araw nang dumating ang panghabang-buhay na higaan ng pinakamatandang anluwage ng buong bayan ng San Antonio. Napagpasyahan ng magkakapatid na ilibing na kinabukasan ang ama."Wala naman tayong mga kamag-anak na hinihintay. Bakit kailangang patagalin pa ang libing? Pare-pareho tayong may pamilya na dapat asikasuhin," tinig iyon ng panganay."At may kabuhayan tayong dapat tutukan. Malakas pa naman sa panahong ito ang kiskisan. Sang-ayon ako kay Kuya na mailibing na agad si Ama," tinig iyon ng pangalawa."Ako rin. Hindi kami kailangang magtagal dito. Si Luming ay may turo sa bayan. Pinilit ko nga lamang lumiban sa klase ngayon," tinig iyon ng pangatlo.Kinabukasan, inihatid namin sa kanyang huling hantungan ang labi ni Tata Pulo. Mangilan-ngilan lamang ang nakipaglibing. Ni hindi sumipot ang mga taong natulungan ng matandang anluwage. Payak na libing ito para sa isang henyo ng paggawa. At sa paglisan ng apat na magkakapatid ay baon nila ang naiwang yaman ng amang anluwage: Martilyo ang pinili ng panganay, lagare ang inangkin ng pangalawa, katam ang kinuha ng pangatlo at iskuwala ang tanging hiling ng bunsong si Hermano Huseng sa kanyang ina."Bakit iskuwala?" ang tanong ko kay Hermano Huseng habang inihahatid ko siya sa sakayan."Hindi ako kailanman nakatulong kay Ama sa panahon ng kanyang pag-aanluwage. Sa mga gamit ni Ama, ang iskuwala ang hindi na gaanong ginagamit sa panahong ito hindi tulad ng martilyo, lagare at katam," ang sagot ni Hermano Huseng. "Ito lang ang huling hiling ko, masaya na ako para kay Ama."Huling Hinaing: KalatasPAPALAPIT NA ANG BAGYO sa Gitnang Luzon at nagsimula nang magsilikas ang ilang pamilyang taga_Tarlac at Pampanga sa kanilang mga kamag-anakan sa ilang kalapit-bayan ng Nueva Ecija. Katulong ni Tatang, sinimulan na naming suhayan ang aming nalulugmok ng bahay habang unti-unti ang inaani ni Inang ang mga gulay sa tumana*. Kinulong ko na rin ang mga alagang itik ni Hermano Huseng na siya kong naging libangan at tagapagpaalala ng aking itinatagong damdamin sa nagmamay-ari niyon. Magdadalawang taon nang nailibing si Tata Pulo at mag-iisang taon nang namayapa si Nana Docia. Tanging ng pangalawang anak na lamang ng matanda ang nakarating sa libing nito. Balitang nagtatago ang panganay na anak dahil nakadispalko ng salapi sa munisipyo at ang pangatlong anak naman ay balitang nangibang-bayan. Samantala, walang makapagsabi kung nasaan si Hermano Huseng. May nagsasabing nasa Maynila at namamasukan bilang weyter. May nagbabalita namang nakasama ito sa lumubog na barko patungong Cebu. Ngunit malaki ang kutob kong siya'y buhay. Iba ang nadarama ng isang umiibig . . . nang lihim."Pag-aari na pala ng mga Intsik ang halos ikatlong bahagi ng Tungkong Bato. Taga-Taiwan . . . Taiwan nga ba 'yon? Mula sa hanggahan ng ilog hanggang sa kawayanan. Sakop ang lupa natin, Ingga, pati na'ng ating tumana," tinig iyon ni Tatang. "Pagtatayuan daw ng pabrika."Iyon ang dahilan ng pakikipagpulong ni Alkalde sa mga taga-Tungkong-Bato sa tanggapan ni Kapitan no'ng isang gabi. Kabilang kami ni Tatang sa mga dumalo. Sa simula'y kinaringgan ng mga pagtutol, ngunit nang malauna'y may mangilan-ngilang sumang-ayon nang ipahayag ni Alkaldeng "Walang ibang magtatrabaho sa konstruksyon kundi mga taga-San Antonio lamang. Kapag natapos ang proyekto'y kayo pa rin ang magtatrabaho sa pabrika. Malaking tulong 'yon sa inyong kabuhayan. Huwag kayong mag-alala. Tutumbasan ng salapi ang alinmang pag-aaring masasagasaan, maging ito'y bahay o lupang sakahan."Isang gabing pumapagaspas ang mga dahong anahaw ay ginambala ng pagtulog ko ang sunud-sunod na pagkahol ng aso at pag-aalburuto ng mga itik at bibe ni Hermano Huseng. Pakiwari ko'y pinasok na naman ng mga taong-labas ang iniwanang bahay ni Hermano Huseng, katulad no'ng buhay pa si Tata Pulo. Bagama't may isang metro ang distansya, katapat lamang ng higaan ko ang pintuan ng ibinandonadong bahay; kaya't dinig na dinig ko ang kakaibang langitngit ng pintong kawayan habang sumasabay sa malakas na hihip ng hangin. Bukas ang mga matang hinintay ko ang pangyayaring maaaring maganap. Pagkaraan ng ilang sandali'y muling lumangitngit ang pintong kawayan kasunod ang papalapit na mga yabag. Sandaling huminto, na sa pakiwari lo'y sa tapat ng aking kinahihigan. Mayamaya'y muli kong narinig ang mga yabag, ngunit papalayo hanggang sa mawala't tanging ang sunud-sunod na pagaspas na lamang ng mga dahong anahaw ang aking narinig.Hindi ako gaanong nakatulog ng gabing iyon kaya't nakasungaw na sa bintana ang nag-iinit na araw nang ako'y bumangon. Nakapag-init na ng kape si Inang at kinukumpuni na ni Tatang ang bubong na sa wari ko'y dinaanan ng malakas na hangin. Agad kong tinungo ang bahay ni Hermano Huseng. Iginala ko ang paningin sa buong kabahayan. Walang nabago. Walang tanda ng paglapastangan sa naiwang alaala ni tata Pulo, ni Nana Docia at ni Hermano Huseng. Naroon pa rin at nananatili ang larawan ng sinaunang tradisyon na hinubdan ng maraming paghihirap, pagtitiis, pangungulila at pangangarap. Pinasok ng kakaibang lamig ang katawan ko, at marahil pati na ang kaluluwa ko, nang makita ko sa ibabaw ng mesa ang isang bagay na ni sa panaginip ay hindi ko inaasahang makikita: ang iskuwala ni Hermano Huseng!Paglabas ko ng bahay, sinundan ko ang mga yapak sa putikang lupa hanggang sa gilid ng aming bahay, katapat ng aking hinihigaan. Isang nakarolyong papel ang nakita kong nakaipit sa kapirasong butas ng dingding: Binasa ko ang nakalahad:i. Sama-samang pagsigawSa langit nakatunghay,Sama-samang pagkilosSa lupa nakalaan.ii. Dugo ang itinitikSa telang inuusig,Silakbo yaong himigNg pusong humihibik.iii. Bawat awit at tulaMay tarak ng pagpuksaBawat ningas ay sigaSa pugon ng pagluksa.Kayat ngayon na ang panahon para hubdan ang nakamaskarang mukha ng lipunang pag-aari ng mapagbalat-kayong mga dayuhan! Ipagtanggol ang karapatan ng mga aping manggagawa! Isulong ang demokrasyang pipigil sa mapagsamantala't mapanlait na naghaharing uri! Mabuhay ang tunay na kasarinlang makapipigil sa karukhaan ng sambayanang Pilipino! Isulong ang pambansang pakikibaka!Sa likod ng kalatas ay nakasaad ang ganito: Nasa kalatas na ito ang aking hinaing. Pag-aralan mo ang isinasaad ng kalatas at ipaliwanag ang kahulugan sa ating mga kanayon. Nasa loob ng munting baul ang mga polyeto, kasama ang mga kalatas na katulad nito. Ipamudmod mo sa ating mga kanayon. Ito lang ang huling hiling ko, masaya na ako para sa bayan.Huling Halinghing: KasalPARANG HINATULAN NG ISANG MABAGSIK NA SUMPA ang buong lalawigan ng Nueva Ecija nang salantain ito nang halos maglilimang buwang tagtuyot. Nangagyuko ang mga uhay sa pananim. Nangabitak ang dating matabang lupa. Nangarilang ang buong palayan. Nangamatay ang maraming hayop at halaman. Nangagkasakit ang maraming bata. Lumaganap ang iba't ibang uri ng sakit at epidemyang kumitil ng maraming buhay. Nangagsara ang ilang negosyong pang-agrikultura sa Gapan at San Isidro. Nangatigil ang ilang makina ng mga pabrika sa Jaen at San Leonardo. Binawi ng ilang negosyante't imbestor ang pakikipagkalakalan sa Gapan at Lungsod ng Cabanatauan. Isa nang disyerto ang Tungkong Bato. Ito ang nilalaman ng ulo ng balitang nakasaad sa Ang Nueva Ecijano, pahayagang lokal ng lalawigan, dala ng isang kasama namin sa kilusan, isang hapong siya'y bumaba sa kabayanan. Kung bakit at paano ako napahinuhod ni Hermano Huseng na mamundok at sumapi sa kanilang kilusan ay bunga ng aking lihim na pagtatangi sa kanya. Pagsaping ang naging bunga'y ang mapangahas na pagtatapat ko kina Tatang at Inang ng aking tunay na pagkatao at iniingatang lihim. Pagtakwil ang ipinabaon sa akin nina Tatang nang lisanin ko ang Tungkong Bato upang sumamang mamundok kay Hermano Huseng. Pagtakwil na dadalhin nila hanggang sa hukay, nang hindi ko nakakamit ang kanilang kapatawaran."Patawad, Tatang . . . Patawad, Inang . . . Patawad . . ."ANG PAGYURAK SA AKING DANGAL bilang tao ang matinding dahilan ng pag-anib ko sa kilusan, pangalawa lamang ang nadarama ko para kay Hermano Huseng. Nagsisimula na noon ang pagtutuyot, habang isinasalansan ko ang mga polyetong ipinagkatiwala sa akin ni Hermano Huseng ay tatlong armadong lalaking nakauniporme ng militar ang walang kaabug-abog na pumasok sa aming bahay. Sa pagitan ng aming pagmamakaawa at pagpupumiglas laban sa kanilang pananakot at pananakit ay walang habag na iginapos nila sina Tatang at Inang."NPA ka raw?" anang isa."Hindi, sino'ng maysabi sa inyong NPA ako?" ang nahihintakutan kong tugon."Napangiti sila sa uri ng tinig na kanilang narinig. At sila'y tuluyang naghagikhikan."Ibang putahe pala 'to, eh," ang puna ng pinakamatanda sa pangkat. "Makinis . . . Mas maganda pa sa misis ko, Pare."Gumuhit sa lalim ng gabi ang nakababasag na halakhak."Pinulong mo raw ang mga kanayon mo at nagpamudmod ka ng mga polyetong maka-kaliwa," ang sabi ng isa. Palinga-linga. Waring may hinahanap."Hindi totoo 'yan," ang pagkakaila ko."Kung hindi'y ano'ng ibig sabihin ng mga polyetong ito? Bakit nasa pag-iingat mo?" Sinu-sino kayo? Sino ang lider ninyo? Ikaw?" Galit ang tinig."Hindi . . . Hindi ko alam ang sinasabi mo," ang sabi ko.Pinalibutan ako ng tatlo. Isang malakas na suntok sa sikmura ang nagpapilipit sa akin. Isa-isa nilang hinubad ang aking damit, pati pantalon at pati ang nasa loob ng aking pantalon. Isang suntok sa mukha ang nagpatigil sa aking paghiyaw. Ibinaba ng kaharap ko ang kanyang pantalon pati ang panloob na tumatakip sa kanyang kahubdan. Inilabas ang nasa loob niyon. Sapilitan niya akong pinaluhod, hawak ang aking buhok, marahas niyang ibinuka ang aking bibig. At . . . Taas-baba . . . Taas-baba . . . Taas-baba . . . Sumunod ang isa. Higit siyang marahas. Taas-baba . . . Taas-baba . . . Taas-baba . . . Itinayo ako nu'ng huli, isinalya't pinaharap sa dingding. Tutop ang aking bibig, parang hayok sa laman na tinutukan ang aking likod. Sunud-sunod . . . Paulit-ulit . . .Pabilis nang pabilis . . . Palakas nang palakas . . . Pabaon nang pabaon . . . Palalim nang palalim . . ."Mga hayop kayo! Hayooooooooooop! Putang-ina n'yong lahat!"KAYRAMI KONG NATUTUHAN sa aking bagong daigdig, dito sa isang liblib na nayon ng Camarines Sur; mula nang kunin ako ni Hermano Huseng pagkatapos niya akong maitakas sa piitan, kasama ng iba pang mga lalaking hindi ko kilala. Ang karanasan kong iyon ang nagpabago sa pananaw ko sa buhay. Mula sa nakade-kahong ideolohiya ay nakawala ako sa gintong hawlang nasususian ng maraming pagtutol at pagbawal. Ngayong ako'y kaisa na ng kilusan, sa kabundukan ko napagsino ang aking sarili - ang noo'y kayraming pangamba at takot na ayaw kumawala sa aking dibdib, ang aking pagkamakasarili na wala palang puwang sa sistemang sosyal, moral at pulitikal ng bayan; ang maling paglingon ko sa hinaharap; ang napakataas na pagpapahalaga ko sa edukasyon at hindi sa damdamin ng nakararami; ang kaginhawahan at kasiyahang nadarama ko kapag ako'y busog habang may mga kababayan akong hindi kumakain; at higit sa lahat, ang malaking takot kong mamatay dahil sa aksidente, pagkakasakit o pagtanda at hindi nang dahil sa bayan. Ang lahat ng ito'y naikintal sa isipan ko nang dahil sa kilusan. Nang dahil sa lihim na pag-ibig ko kay Hermano Huseng. Nang dahil sa dangal na nawala sa akin.Hndi binago ni Hermano Huseng ang kanyang pangalan sa kilusan bilang paggalang niya kay Tata Pulo. Samantalang ako'y bininyagan niya sa pangalang Ka Hermana bilang paggunitang minsa'y naging hermana ako ng "ampunin" nina Tatang ang patrong si San Isidro ng Tungkong Bato. Sa mahabang panahon ng pamamalagi ko sa kabundukan ay lalo akong napalapit kay Hermano Huseng. Ako ang nag-aasikaso sa kanya kapag siya'y nagugutom, nagkakasakit o nasusugatan sa tuwing may mga armadong militar na lumulusob sa aming pinagkukutaan. Katuwang ko sa pag-aasikaso sa kanya si Ka Santan, isang dating madreng guro na siyang nagtatago ng mga nakumpiskang armas ng mga militar nang minsang nagkaroon ng engkuwentro sa paanan ng bundok. Sadyang kaysarap pagsilbihan ang isang taong lihim na minamahal.Isang umagang lumalangoy ako sa ilog ay bahagyang umalimbukay ang alon nang isang malakas na katawan ang tumalon sa tubig. Nang lingunin ko ang nagmamay-ari ay muling tumambad sa aking harap ang isang taong nagtataglay ng malapad na dibdib, maumbok ang siksik na braso, masigla at malakas. Si Hermano Huseng."May mahalagang pulong mamayang gabi. Malaki ang nagawa mong tulong sa kilusan kaya't dumalo ka. May lihim akong ibubunyag sa ating mga kasamahan. Panahon na marahil para pagbigyan ko naman ang tibok ng aking puso. Ikaw ang pinakamahalagang taong dapat na makarinig sa aking ikinukubling lihim," ang sabi ni Hermano Huseng."Ito na kaya ang araw na itinakda sa akin ng Panginoon?" ang naitanong ko sa aking sarili. "Imposibleng mangyari, ngunit ayokong umasa . . . ayoko."Maliyab na maliyab ang sindi ng mga sulo nang dumating ako sa pinagdarausan ng pulong. Ayon sa isang kasama'y sampung minuto nang nagpupukulan ng mga tanong at nagpapalitang-kuro ang mahigit na walumpung kasapi ng kilusan, kasama na ang isang dating pulitiko, isang pinatalsik na miyembro ng gabinete, isang pari, isang kilalang tagapagtatag ng grupong pangrelihiyon, isang babaing newscaster, dalawang peryodista, isang propesor ng political science at dalawang dating militar na dinukot nina Ka Undo noon, na matapos pababain ng bundok dahil na rin sa kahilingan ng gobyerno ay nagretiro sa pagsusundalo at muling nagbalik sa kabundukan para panghabang-buhay na maging kasapi.Nagsisimula nang pumatak ang ulan nang ipahayag ni Hermano Huseng ang ganito:"Kailangang magsipaghanda tayo. Anumang oras ay maaaring pumasok sa teritoryo natin ang pwersang militar. Nagkaisa na ang gobyerno, ang simbahan at ang media laban sa atin. Hindi raw natin pinahahalagahan ang nilagdaang kasunduan. Kasalanan ba natin kung bumalik sa bundok ang dati nilang mga kaanib? Kusang-loob ang pagbabalik dito nina kapitan," ang bungad ni Hermano Huseng. "Lumalakas ang ating pwersa at iyan ang pinangangambahan ng gobyerno."Nagsindi siya ng sigarilyo. Nagpawala ng usok."Bago ako sumapi sa kilusan ay ipinangako ninyo sa akin na anuman ang maging desisyon ko sa hinaharap, ako'y inyong pakikinggan at uunawain." ang pagpapatuloy ni Hermano Huseng. "Sa pagkakataong ito, sa kapahintulutan ng ating punong repormistang si Kumander Magayon, ay nais kong ipabatid sa inyong lahat na kami ni Ka Santan ay lihim na nagkakaibigan. Nais ko siyang pakasalan at pakisamahan habang buhay. Kasal ang tanging halinghing ko kay Ka Santan. Ito ang huling halinghing ko, masaya na ako para sa aking sarili."Gumuho ang pangarap na aking binuo nang kayhabang panahon. Nawalang-saysay ang lahat ng aking pagsisikap at pag-asam. A, kayhaba ng gabing iyon. Kasinghaba ng magdamag kong pagluha. At bago pumutok ang araw, sa tulong ng isang aandap-andap na ilawan, ang sakit ng puso ko'y itinala ko sa isang kapirasong papel:Nagising ako sa katotohanang hindi nga pala maaaring mangyari ang lahat. Salamat sa iyo na nagpatibok ng aking puso. Salamat sa alaala. Maramng salamat sa isang napapanahong pagpapamulat. Paalam.Sumabay ang pagpatak ng aking mga luha sa walang lingon at salit-salitan kong paghakbang. Kayhaba na ng aking nalakbay. Habang daan, pumapalaot sa diwa ko ang huling saknong ng tulang sinulat ni Hermano Huseng na ipinabasa niya sa akin kamakalawa ng gabi:Kaysarap sanang maging malaya kung ang laya'yDi malalambungan ng pagsisisi o pag-aalipusta.Bawat makata'y isang laya sa diwa at dugo.Bawat diwa'y isang bala ng poot,Bawat patak ng dugo'y isang punlo ng dangal.Ngunit,Hindi sa pamumundok,Hindi sa paghawak ng armasNasusukat ang ang lakas at giting,Hindi sa lawakang paglusob at pananakopNakakamit ang laurel at kamanyang,Kundi sa loob ng ating sarili.Laban sa gutom.Laban sa hirap.Laban sa ligalig.Laban sa daigdig.Sa daigdig ng napasukong daigdig.Sa dakong hilaga, mga yabag na papalapit ang gumambala sa aking paghakbang. Isang mahabang kilabot ang humaplos sa aking buong katawan. Nagtago ako sa isang lihim na lagusang natatakpan ng mahahabang damo at dayami. Mayamaya'y natulig ako sa sunud-sunod na pagpapalitan ng mga putok kasunod ng maramihang pagsabog. Malalakas. Nakatutulig. Nakamamatay.Pagkaraan ng dalawang araw at dalawang gabing pagtatago sa lihim na lagusan ay nagpatuloy ako ng paglalakad. Inihatid ako ng aking mga paa sa kabayanan. Usap-usapan ang enkuwentrong naganap sa pagitan ng mga militar at NPA kamakailan.Bumalong ang pangangatal ng buo kong katawan nang tumambad sa aking harapan ang nakalarawan sa pamukhang pahina ng pahayagan. Isang sugatang lalaking NPA ang matinding nananangis sa harap ng isang babaing NPA na sabog ang utak at pira-piraso na ang katawan. Ang lalaking iyon, sa kabila ng sunog ang kaliwang mukha'y nakikilala ko pa rin. Siya ang lalaking nagtataglay ng malapad na dibdib at maumbok at siksik na mga braso, na noon, sa tuwing makikita ko'y nakadarama ako ng naiibang sigla. Ng naiibang pangitain. Ng di-maipaliwanag na damdamin.