answersLogoWhite

0


Best Answer

Datu..

Ang pinuno ng barangay ay tinatawag na Datu.Kabilang sa mga pamilya ng maginoo ang pinakamataas sa lipunan,ang datu.Ang kaniyang katungkulan ay namamana o isinasalin sa panganay na anak na lalaki sa kinabibilangan niyang angkan.Gayunpaman,may pagkakataong ang pagiging datu ay iginagawad din sa anumang lalaking nakagawa ng kabayanihan sa barangay.

Ang datu ay may malawak na kapangyarihan.Siya ang tagagawa ng mga batas, tagapagpatupad ng mga ito, tagahatol sa mga lumabag sa batas.Siya rin ang kinikilalang pinuno ng mga mandirig ma sa barangay.Ang mga kapangyarihang ito ay kailangan upang maipatupad ang kaniyang pangunahing tungkulin---ang pangasiwaan at pangalagaan ang kapakanan ng buong barangay.

Bilang pagkilala sa kapangyarihan at paglilingkod ng datu,pinagsisilbihan siya ng kanyang nasasakupan.May mga sumasama at umaagapay sa kaniya sa mga digmaan.May mga tumutulong sa kaniyang pamilya sa paghahanda para sa mga seremonya at handaan.Mayroon ding nagsasaka sa kaniyang mga lupang sakahan.Bukod dito,ang mag nasasakupan ay nagbabayad sa datu ng buwis o produkto pagkatapos ng anihan.

Kung minsan,ang datu ay may mga tagapayo na binubuo ng ilang matatandang kaanib ng barangay.Hinihirang niya ang mga ito sa paggawa ng mga batas at sa pagpapasya sa mga kasong idinulog sa kaniya.

User Avatar

Wiki User

โˆ™ 12y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

โˆ™ 13y ago
  • maglingkud sa lahat ng tao..................... pangalagaan ang kanyang nasasakupan

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

โˆ™ 13y ago

makipag kasanduguan sa iba pang datu

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Anonymous

Lvl 1
โˆ™ 3y ago

Tagapagbatas, tagapaghukom at tagapagtangol

Sorry po yung Isa hindi ko po Alam Mali po yung tagapagtanggol Naka limutan ko po kasi sorry po, 😣😢

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Anu-ano ang tungkulin ng datu
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp