Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
1. Istandard na Wika - Ito ay ang paglalarawan kaugnay sa tunog, salita, at pangungusap o anupamang may kaugnayan sa pambansang wika. Ito ay ang varayting maaaring bumuo sa gamit ng wika sa mga pangmalawakang domeyn sa isang lipunan, gaya na lamang ng wika sa edukasyon, pamahalaan, midya at iba pa.
2. Punto/Aksent at Diyalekto - Ang punto may kaugnayan sa paraan ng pagbigkas ng isang tao gamit ang kanyang wika. Dito maaaring madetermina ang kanyang lugar na pinagmulan.
3. Mga Diyalektong Rehiyonal - Ito ay naglalarawan sa mga identipikasyon ng mga konsistent na katangian ng pananalitang matatagpuan sa isang heograpikong lugar.
4. Isogloss at Diyalektong Hanggahan - Ito ay tumutukoy sa linyang kumakatawan sa pagitan ng mga lugar tungkol sa isang partikular na linggwistikong aytem. Samantala, ang diyalektong hanggahan naman ay tumutukoy sa kaibahan ng pananalita sa iba't ibang lugar kung saan makikita ang pagkakaiba-iba ang gamit ng mga salita.
5. Ang Katuluyang Kontinuumna Pandiyalekto - Kung ang isogloss ay malaking tulong sa pagddedetermina ng gamit ng wika sa mga magkakatabing lugar, hindi pa rin kadalasang nagiging ispesifiko ang resulta ng mga pag-aaral pangwika. Kung kaya, sa pamamagitan ng kontinuum, makikita ang eksaktong katuluyan ng gamit ng wika sa magkakatabing lipunan.
6. Bilinggwalismo - Ang pagiging bilinggwal ng isang tao ay ang simpleng resulta lamang ng pagkakaroon ng dalawang magulang na magkaiba ang wika. Mula ditto ay maaaring madevelop ang panibagong varayting pangwika.
7. Pagpaplanong pangwika - Bumatay na lamang sa unang handawt na ipinamahagi para sa mas komprehensibong talakay sa tapik na ito bilang varyasyon ng wika.
8. Mga Pidgin at Creole - Ito ay isang varayti ng isang wika na napaunlad sa kadahilanang praktikal, tulad ng mga pangangalakal, sa mga pangkat ng taong hindi alam ang wika ng iba pa. Ang pidgin din ay produkto ng dalawang magkaibang wika na sinasalita ng dalawang magkaibang tao hanggang sa sila ay makabuo ng sariling wika. Sa katunayan, ang wikang pidgin ay produkto ng ising wika na kung tawagin ay leksifayer. Sa kabilang banda, nagiging creole naman ang isang wika kung ang pidgin ay nasimulan nang matutunan ng isang bata at magamit hanggang sa kanyang pagtanda. Restrikted ang creole kaysa pidgin dahil may mga sinusunod na ritong alituntuning panggramatiko.
9. Wika, Lipunan at Kultura - Ipinapaliwanag dito na hindi porke may parehong kinalakhang lipunan ang dalawang tao ay parehong-pareho na rin sila ng gamit ng wika. Samakatwid, nagkakaroon pa rin ng pagkakaiba-iba ang gamit ng wika batay sa pansarili niyang kultura at mula rito ay nadedevelop ang posibleng varayting pangwika.
10. Mga Panlipunang Diyalekto - Sinusukat naman ang varayti ng wika batay sa panlipunang diyalekto sa pamamagitan ng uri, edukasyon, trabaho, edad, kasarian at iba pang panlipunang sukatan.
11. Edukasyon, Okupasyon, Uring Panlipunan - Tumutukoy naman ito sa sosyal na aspekto ng isang ispiker ng wika batay sa paraan ng kanyang eudukasyong nakamit at trabaho o propesyong kinabibilangan. Papasok rin dito ang usaping langauge register.
12. Edad at Kasarian - Nakadaragdag kulay rin ang edad at kasarian sa pagpapalawak ng varayti ng isang wika. Sa puntong ito, ipinaliliwanag na kahit na maraming tao ang kabilang sa isang pangkat panlipunan, nag-iiba pa rin ang gamit ng mga salita batay sa edad ng tao at kasarian. Halimbawa na lamang nito ang pagkakaiba ng gamit ng salita ng mga bata kompara sa mga matatanda. Samantala, may mga pag-aaral naman na nagsasabi na ang lalaki ay mas malaya ang paraan ng paggamit ng wika, samantala ang mga babae naman ay mas reserve sa gamit wika o may kapinuhan.
13. Etnikong Bakgrawnd - Sa pagpapaunlad ngvarayti ng wika, maaaring maging malaki ang kontribusyon halimbawa na lamang ng mga bagong lipat na tao sa isang lugar. Dahil sa pagkakaroon ng magkaibang etnikong bakgrawnd, nagkakaroon din ng paglalahok o pagsasama ng magkaibang wika.
14. Idyolek - Nakatutulong din naman ang idyolek sa pagpapalaganap ng iba't ibang varayti ng wika. Nadedevelop kasi rito ang gamit ng wika ng isang individwal na tanging yunik o pekulyar sa kanya.
15. Rejister - Ang rehistro ng wika ay napakalaki ng maaaring maging kontribusyon kaugnay pa rin sa varayti ng wika. Ang rejister ay tumutukoy sa iba't ibang domeyn ng wika na malawakang nagagamit sa iba't ibang larangan gaya ng edukasyon, midya at marami pang iba.
16. Tenor - Tumutukoy naman ito sa pormalidad at kaimpormalan sa gamit ng salita. Halimbawa, iba ang paraan ng pagtawag ng isang ina sa kanyang anak sa tuwing may iuutos ang ina. Samantala, sa kaparehong sitwasyon, iba ang tenor o paraan ng pagtawag ng isang titser sa kanyang estudyante na kapwa nag-uutos din.
17. Larangan - Tinatalakay rito ang mga espesyalisadong mga salita na nagagamit sa iba't ibang larangan. Bukod sa varayti, maaari rin na maging dukal ito ng inaasam na intelektwalisasyon ng isang wika.
18. Paraan - Ang paraan o moda ay tumutukoy sa pagiging sensitibo o pagpapahalaga sa mismong gamit ng komunikasyon. Halimbawa, mas katanggap-tanggap pa rin bilang pormal na pagdodokumento ay ang pasulat na paraan kaysa pasalita. Nangangahulugan lamang na ang modang pasulat ay may mas mataas na pagtingin.
19. Katangian ng Pananalitang Espontanyo - Bahagi ito ng pagtuklas sa mga varayting pangwika dahil ang pagsasalitang espontanyo ay maaari ring makapag-ambag sa varayti ng wika gamit ang mga tinatawag na verbal filler o verbal static ayon na rin kay Guffey.
20. Diglossia - Ginagamit ang salitang ito para ilarawan ang isang sitwasyong may dalawang may napakaibang varayti ng wika sa loob ng isang kominidad ng pagsasalita na ang bawat isa may parehong katungkulang panlipunan.
21. Determinismong linggwistiko - Sistema ito ng pagkakategorya na kung ano ang nakikita ninyo, at kung gayon, mahihila kang tingnan ang isang bagay sa paraan kung paano mo ito nakita. Ito rin ay ang pinakamasidhing versyon ng pagtatakda ng wika sa pag-iisip.
22. Ang Haypotesis na Sapir - Whorf - Ito ay ang pagtanaw sa isang bagay gamit ang wika. Proponent ng teoryang ito ay sina Edward Sapir at Benjamin Whorf.
marami tayong ibat ibang wika. ilan sa halimbawa nito ay:bikol,tagalog,bisaya,ilongo,waray, at marami pang iba
anu ang ibat ibang uri ng teorya? anu ang wika? ibat ibang uri ng lenguage?
ang mga salita ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan batay sa iba't ibang field o larangan.Pansinin ang sumusunod na halimbawa: LARANGAN KAHULUGAN composition komposisyon Musika piyesta o awit lenggwahe sulatin sayans/agham pinagsama-samang elemento
kahulugan ng eksperto sa wika
Gamit sa ibat-ibang disiplina/sitwasyong akademiko.Wikang ginagamit ng mga nakapag-aral, wasto ang kayarian pasalita man o pasulat.Hal.pang-akademiko, computer, internet at iba pa
Ang opisyal na wika sa Pilipinas ay Filipino, na base sa Wikang Tagalog. Ito ay ginagamit sa buong bansa, bagaman may iba't ibang dayalekto at wika rin ang iba't ibang rehiyon sa Pilipinas.
dahil maraming tao at ibat't ibang lugar ang kanilang pingmumulan
Ang tayutay na paglilipat wika ay isang anyo ng tayutay na naglalayong magpahayag o maglarawan gamit ang ibang wika o salita. Halimbawa nito ay ang paggamit ng mga idyoma o idyomang pahayag sa ibang wika upang bigyang diin ang kahulugan o damdamin ng isang teksto.
anu ang gamit ng wika
Ang ikalawang wika ay ang pangalawang wikang ginagamit ng isang tao bukod sa kanyang pangunahing wika. Ito ay karaniwang natututuhan sa pag-aaral o pag-expose sa iba't ibang kultura.
aan ng pagaayos ng bulaklak
Ang pagsasaling wika ay paglilipat ng isang teksto mula sa isang wika papunta sa ibang wika na nauunawaan ng target na mambabasa. Halimbawa nito ay ang pagsasalin ng isang akda mula sa Ingles patungong Filipino upang mas maunawaan ito ng mga Pilipino.