Ang sining ay tumutukoy sa mga malikahing gawa ng mga tao gamit ang kanilang malikhaing isip. Ito ang nagiging instrumento ng isang tao upang maipahayag ang kanyang saloobin, damdamdamin at opinyon gamit ang kanyang puso at isip. Base sa kahulugan ng sining, maituturing natin na sining ang isang dula sapagkat binabase ito sa damdamin at isip ng isang malikhaing manunulat upang ipahiwatig ang isang kaalaman o gumawa ng isang makabuluhang bkwento. At, upang maisagawa ng maganda at makabuluhan ang isang dula, kinakailangan ang malikhaing kagamitan o kasangkapan (script, props, make up at marami pang iba) at talento na kung kaya't naging parte ito ng isang sining.
Chat with our AI personalities