answersLogoWhite

0


Best Answer

Maraming lahì ang nagdalá ng kaní-kaniláng salitâ sa Filipinas noóng unang panahón, ngunit ang mga wikang dinatnán nilá sa Filipinas ay taál na Filipino.

Dati'y may teoryang ang tawag ay wave theory. Ayon sa wave theory, ang mga ninunò ng lahing Filipino ay dumayo sa Filipinas nang iláng ulit o wavesng pandarayuhan sa pamamagitan ng mga tuláy na lupà na nalantád dahil mas mababaw ang mga dagat noong panahón ng kalamigang pandaigdíg (Ice Age). Nanggaling daw silá sa Indonesia, Malaysia at ibá pang lugár. Libu-libong taón daw ang pagitan ng bawat panahón ng pandarayuhan. Diumanó'y itó raw ang sanhî kung bakit may mga Ita, Ifugáw at modernong Filipino sa Filipinas. Subalit ngayón ay hindî na tinátanggáp ang teoryang itó.

Ayon sa mga bagong pananaliksík sa larangan ng wikà (comparative linguistics, lexicostatistics), ang mga wikà ng ibá't ibáng grupo sa Filipinas ay masyadong magkakahawig kayâ hindî máaaring may iláng libong taón ang pagitan ng kaní-kaniláng pagdatíng. Makikita rin sa mga bagong ebidensyá sa larangan ng arkeolohiya na tulúy-tulóy at hindî paulit-ulit ang nagíng pandarayuhan sa Filipinas.

May relasyón sa bawat isá ang mga wikà sa Filipinas. Ang pangalan ng pamilya ng mga wikang itó ay Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga wikang Austronesian ay mga wikà mula sa mga pulô ng Southeast Asia hanggáng sa Easter Islandna malapit sa South America.

Malamáng na ang unang mga taong nagsasalitâ ng íisáng wikang Austronesian ay dumatíng sa Filipinas mula sa hilagà (north) limáng libong taón na ang nakalipas. Nagkahiwá-hiwaláy silá at nagsikalat sa buóng kapuluán. Dahil sa habà ng panahón na nagkahiwaláy silá, untí-untíng nagbago ang kanilang pagsasalitâ. Dumatíng ang panahón na ang mga grupong itó ay hindî na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin ay nagíng bago na ang mga wikà at pagsasalitâ ng ibá't ibáng grupo. Ito ang mga wikang kilala natin sa Filipinas ngayón tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ibá.

Ganitó rin ang nangyari sa ibáng mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia at Indonesia. Nang simulán nilá ang pangangalakal sa mga pulô, nadalá rin nilá ang kaniláng mga bagong salitâ sa Filipinas - patí yaóng mga salitáng natutuhan nilá sa ibá pang mas malalayong bansá tulad ng India.

Mula noon hanggáng ngayón, ang mga Filipino, tulad ng lahát ng lahì sa daigdíg, ay nanghíhirám ng mga salitâ mulâ sa maraming dayuhang lahì. Masasabi nating patuloy na nagbabago ang mga wikà sa mundó dahil lahát tayo ay patuloy ang panghíhirám at paggamit ng mga bagong salitâ sa ating pangungusap.

Bagamá't may mga wikang dayuhan na nagkaroón ng impluwensiyá sa paglagô ng mga wikang Filipino, ang Filipinas ay may sariling mga taál na wikà bago pa man itó nápuntahán ng mga dayuhan.

User Avatar

Wiki User

12y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: 3 pinagmulan wika
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

3 teorya na pinagmulan ng daigdig?

See the related link below.


Kailan naging instrumental ang wika?

i <3 u maridel mendoza


Pangunahing gamit ng wika?

1. wataray 2.sapati 3.towiw


Anu-ano ang Baryasyon mga wika?

1. dayalek 2. idyolek 3. sosyolek 4. register


Ilahad ang mga katangian ng wika?

Mga katangian ng wika:1. may balangkas-Ako ay nag aaral sa de la sale college of saint benilde.(may masistemang ayos ang mga salita sa isangpangungusap)2.binubuo ng makahulugang tunog-Gumagamit ang mga Tao ng piling tunog upang magkaroon ngkahulugan ang wika.3.pinipili at isinasa-ayos-Madali ang pag aaral kung ikaw ay matiyaga.4. arbitraryo-Laging nagbabago ang wika ayon sa panahon.5.nakabatay sa kultura-Tagalog ang isa sa pinaka ginagamit na wika ditto sa Pilipinas.6. ginagamit-Ang wika ay parte ng pang araw-araw na buhay natin.7. kagila-gilagis-Ang wika ay may kakayahan na umakit ng mga Tao.8. makapangyarihan-Ang wika ay nakaka-kontrol ng pagiisip ng isang indibidual.9. may antas-Ang wika ay nahahati sa apat na uri.10.may pulitika-Nakakahatak ng impluwensya ang pagsasalita.11.Ginagamit araw-araw- lahat tayo ay gumagamit ng wika upang maipahay natin ang atinmga layunin araw-araw.


Ang kaugnayan ng wika sa pakikipagtalastasan?

Ang Wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batasupang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan atdamdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ngpaghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ngtunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan,nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao


Anu-ano ang mga salawikain tungkol sa wika?

interaksyonal instrumental regulatori personal heuristik imaginativ informativ


Anu-ano ang ibat ibang variety ng wika?

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.


Ano ang ibig sabihin ng wika sa dalubwika?

1. Ito'y mabisang instrumento sa pambansang pagkakaunawaan at pagkakaisa.2. Nagagamit ito sa iba't-ibang aspeto ng pamumuhay ng tao;pang-ekonomiya,panrelihiyon,pampulitika,pang-edukasyon at panlipunan.3. Ito'y mabisang instrumento sa pambansang pagkakaunawaan at pagkakaisa.4. Nagagamit ito sa iba't-ibang aspeto ng pamumuhay ng tao;pang-ekonomiya,panrelihiyon,pampulitika,pang-edukasyon at panlipunan.Ibang kasagutan:Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga taoang wika ay isang lengguwaheAng kahulugan ng wika ay lengguwahe.ang wika ay may sistema, binubuo ng arbitrayong simbolo ng mga tunog, at ginagamit para sa komunikasyon ng mga tao


Ano ang kasingkahulugan ng simboryo?

1. bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. 2. bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakayahan 3. hindi kailangang ilipat sa pinagsasalinang-wika ang kakayahan ng wikang isinasalin 4. ang isang salin upang maituring na mabuting salin ay kailangang tanggapin ng pinaguukulang pangkat na gagamit nito. 5. ang mga daglat, akronim, pormula na masasabing establisado o unibersal na ang ginagamit ay hindi na isinasalin. 6. laging isaisip ang pagbabatid ng mga salita. 7. nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito'y nagiging bahagi ng parirata o pangungusap. 8. isaalang-alang ang kaisahan ng mga magkakaugnay na salitang hiram sa imgles. 9. mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling-wika ngunit huwag paalipin dito.


Ano ang kaangkinan ng wika?

Balbal (Slang)- salitang kalye, mga salitang di matatagpuan sa diksyunaryoe.g. Bebot - babaePanlalawigan- mga salitang binabanggit lang sa isang lalawigane.g. dili (visaya) - hindi (filipino meaning)Pambansa- mga salitang ginagamit sa isang bansa (lingua france), english o bilinguale.g. (filipino) Sya ay matalino.(english) She\he's an intelligent person.(taglish) Sya ay isang intelligent na person.Pampanitikan- correct grammar, vocabulary. karaniwang ginagamit ng mga journalist at proffesionals. Gumagamit din ng mga idyomae.g. (filipino) pusong may sugat [idioma](english) The operation is over. On the table, the knife lies spent [idioms]


Ano ng apat na antas ng wika?

Apat na Antas ng Wika # balbal # lalawiganin # karaniwan # pampanitikanAnswerang antas ng wika ay nagsasaad sa mga letraAnswerkomunikasyon