answersLogoWhite

0


Best Answer

[object Object]

User Avatar

Anonymous

Lvl 1
3y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Paano hinuli ng mga Amerikano si Heneral Emilio Aguinaldo?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

What is the synonym of dinakip in tagalog?

The synonym of "dinakip" in Tagalog is "hinuli" or "naposasan."


Bakit hinuli si dr jose rizal?

Sinubukan niya ito dahil siya lang gusto.


Halimbawa ng panlaping kabilaan at laguhan?

Laguhan- Salitang may panlapi sa unahan gitna at dulo. Halimbawa: Pagsumikapan unlapi: Pag gitlapi: um hulapi: an Kabilaan- Salitang may panlapi sa unahan at dulo Halimbawa: Magpalitan unlapi: Mag hulapi: an Hope this helps!!


Kailan ipinanganak si antonio Luna?

talambuhay ng bayaning Filipino Si Antonio Luna (Oktubre 29, 1866 - Hunyo 5, 1899) ang nakakabatang kapatid ni Juan Luna. Ipinanganak siya sa Maynila noong ika-29 ng Oktubre, 1866 sa Binondo, Maynila. Siya ang bunsong anak Nina Joacquin Luna at Laureana Novicio. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Ateneo de Manila noong 1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin siya ng kursong parmasyutika sa Unibersidad ng Santo Tomas at nakamit niya ang kanyang lisensya sa kursong ito sa Unibersidad de Barcelona. Natapos din siya sa pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Ghent, Belhika. Sa propesyon ay isa siyang parmasyotiko. Ang pagsusulat ang kanyang libangan. Iniakda niya ang El Nomatozario del Paerdismo na nalathala sa Madrid noong 1893. Ito ang kanyang pinakamalaking naiambag niya sa literaturang pang-medisina. Siya ang nagtatag ng La Independencia at nagpapadala rin siya ng mga lathalain sa ibang pahayagan. Sa simula pa'y isa siyang tagpagtaguyod ng paghingi ng reporma sa mapayapang pamamaraan. Dahil sa hinalang siya ay isa sa mga teroristang laban sa pamahalaan, dinakip siya ng mga maykapangyarihang Kastila, nilitis at ikinulong ng mga Kastila. Nang siya ay makalaya, nag-aral siya ng iba't ibang paraan ng pakikipaglaban sa Ghent. Pagbalik niya sa Pilipinas, sumapi siya sa rebolusyonaryong pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Hinirang siyang direktor ng digmaan at tagapamahalang heneral ng Hukbong Rebolusyonaryo. Siya ay ginawang kabahagi ng sandatahang lakas laban sa mga Amerikano. Bilang isang sundalo, si Antonio'y mahigpit magparusa. Sa panahon ng pakikipagdigmaan, pinagsumikapan niyang maipailalim sa isang disiplina ang mga tauhan sa Batalyon ng Kabite. Isa sa kanyang madugong pakikipaglaban ay naganap sa La Loma na kung saan ay napatay si Major Jose Torres Bugallon. Marami pang ibang pinuno ng kalaban ang nagapi ni Heneral Luna ngunit dumating ang isang pagkakataon na sila ay natalo at ito ay naganap sa Caloocan. Natagpuan ni Heneral Luna ang kanyang kamatayan noong ika-8 ng Hunyo, 1899 sa Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Nagtungo siya roon sa pagtupad sa isang ipinalalagay na pagtawag ni Heneral Aguinaldo upang dumalo sa isang pulong.Habang nasa loob ng simbahan ng Cabanatuan, binaril siya ng mga sundalo ni Aguinaldo na inihingi niyang bigyan ng disiplina. Sa pagkamatay ni Antonio Luna nawalan ng isang dakilang kawal at pinuno ng rebolusyon


Talambuhay ni Apolinario Mabini?

Saaai Apolinario Mabini (1864-1903), kilala siya bilang Dakilang Paralitiko at Dakilang Lumpo at Utak ng Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas.Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894.Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo.Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino.Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina.Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39


Article 2 section 6 Philippine constitution?

Binaril si Lucas at nasaksihan ni Edo ang pangyayari ngunit nakatakas ang suspect na si Mr. B. Sa parehong lokasyon, nandoon din si Lieutenant Rivera at kanyang nakita si Edo. Sa pagkakataong iyon, napagbintangan ang inosenteng si Edo. Kahit walang kasalanan, siya'y walang awang hinuli at idinala ni Lt. Rivera sa presinto.


Ano ang kontribusyon ang likas na kapaligiran sa gawaing pangkabuhayan?

Gantihan ng pag- aaruga ang kalikasan Ang ating mundong ginagalawan ay hitik sa mineral at mga likas yaman.Marami na ang na i ambag ng kalikasan sa atin.Isa na roon ang trabaho o pangkabuhayan . Ginamit natin ang likas yaman upang mag ka trabaho at may mapakain sa ating mga mahal sa buhay. Ang mga matabang lupain na tinaniman natin upang makaani ng gulay na nilalaga, prutas na pinang hihimagas, at mga butil ng bigas na niluluto para sa ating almusal. Na tinutulongan ang ating mga kapatid na magsasaka. Mga yamang dagat na hinuli at kinolekta ng ating mga mangingisda upang ibenta sa mamimili. Na atin na mang binibili upang may mahanda sa hapag kainan. Marami na ang na itulong ng kalikasan sa atin. Hindi lang para magka hanap buhay ang ating mga kapatid. Binubuhay tayo mismo ng Kalikasan. Mula sa gamit sa bahay hanggang sa hangin na ating hinihinga. Paano kung wala na ang mga likas na yaman na inaasahan nating bumuhay sa atin? Mawawalan ng hanapbuhay ang ating mga kapatid na magsasaka, mangingisda, tindera, atbp. Ang mga ngiti sa mga labi ng ating mga kababayan na napalitan ng pag alala, pagkasiphayo sa kakaisip kung saan makakahanap ng trabaho, at pagkain para sa mga supling na nagugutom. Kaya arugahin natin ang kalikasan upang makipanabangan pa natin sa hinaharap ang yaman ng kaliksan. Upang hindi lang tayo ang nakikinabang kundi ang tayong lahat kasama ang inang kalikasan.


Sino si ninoy aquino?

Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramon "Monching" Magsaysay (Agosto 31, 1907 - Marso 17, 1957) ang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1953 hanggang sa kanyang kamatayan. Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College. Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia. Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang pagbagsak ng eroplano sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.


Ang alamat ni prinsesa manorah buod?

Alamat ni Prinsesa Manorah (Salin ni: Dr. Romulo N. Peralta)Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta) Isang alamat na pasalin-salinsa iba't ibang panahon at henerasyon mula noong panahonng Ayutthaya at nagbigay- inspirasyon kay Haring Rama V ng Thailand.Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesang alamat ng Thai at ang pinakabata sa pitong anak na kinnaree ng Haring Prathum at Reynang Janta kinnaree. Siya ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne. Sila'y nakalilipad at nagagawang itago ang kani-kanilang pakpak kung kanilang nanaisin. Saloob ng kahariang Krairat (Grairat), nakatago ang kagubatan ng Himmapan kung saan din namamahay ang mga nakatatakot nanilalang na hindi kilala sa daigdig ng mga tao. Sa loob ng kagubatan, nakakubli ang maganda at kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree ay masayang dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi (kalakihan ng buwan). Sa di-kalayuan ng lawa, nakatira ang isang ermitanyo na nagsasagawa ng kaniyang meditasyon. Isang araw, napadako ang isang binata habang naglalakbay sa kagubatan ng Himmapan. Siya ay si Prahnbun. Nakita niya ang pitong kinnaree na masayang nagtatampisaw sa ilog. Namangha siya sa nakabibighaning kagandahan ni Prinsesa Manorah. Naisip niya na kung mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton, ang anak ng Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah. Tiyak na matutuwa ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa. Ngunit naitanong niya sa sarili kung paano niya ito mahuhuli. Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit ng kagubatan. Pinuntahan niya ito upang magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi saka niya ngermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree dahil agad-agad itong lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip ng ermitanyo na may isang dragon nanakatira sa pinakasulok-sulukan ng kagubatan na maaaring makatulong sa kanila. Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo at nagmamadaling lumisan upang hanapin ang dragon. Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang balak ni Prahnbun, ngunit napapayag din itong bigyan niya si Prahnbun ng makapangyarihang lubid na siyang panghuhuli niya sa Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang binata at patakbong umalis na dala-dala ang makapangyarihang lubid at patagong tinungo ang ilog kung saan naglalaro ang mga kinnaree. Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun nalamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit sila'y walang nagawa kundi agad- agad nalumipad dahil sa takot na sila rin ay paghuhulihin. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang hindi makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at maibigay kay Prinsipe Suton nanoo'y naglalakbay rin sakay sa kabayo papunta sa kagubatan. Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang prinsipe. Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit niya hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at binayaran siya nito ng napakalaking halaga. Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa't isa. Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang inang prinsesa at amang hari angbuong pangyayari, masayang-masaya sila at agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasalpara kina PrinsipeSuton at PrisesaManorah. Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal at tuluyang namuhay nang masaya't matiwasay habambuhay.


Give you a script of noli me tangere chapter 32 please?

SCENE 1 Isang Salu-salo PADRE DAMASO: Hindi ba ninyo batid na marami sa mga Indiyo ang mangmang? LARUJA: Padre Damaso, hindi rin ba ninyo batid na nasa tahanan tayo ng isang Indiyo? PADRE SIBYLA: Maaaring masaktan mo si Kapitan Tiyago. DAMASO: Hmp! Matagal nang ipinagpalagay ni Tiyago na siya'y hindi isang Indiyo. Inuulit ko, wala nang makakatalo sa kamangmangan ng mga Indiyo! Biglang natigil ang usapan nang dumating si Kapitan Tiyago kasama si Crisostomo Ibarra. TIYAGO: Mga kaibigan, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo, ang dahilan ng pagsasalong ito...ang anak ng nasira kong kaibigan, si Don Crisostomo Ibarra. Kararating lamang niya mula sa Europa. CRISOSTOMO: Buenos Noches Amigos. Sa mga kura sa aking bayan...at sa matalik na kaibigan ng aking ama, Padre Damaso (hindi pinansin) ...patawarin po ninyo ako sa aking pagkamamali. DAMASO: Hindi ka nagkakamali. Ako nga si Padre Damaso, ngunit kailanma'y hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama. TINYENTE: Kayo na nga ba ang anak ng yumaong si Rafael Ibarra? CRISOSTOMO: Sa inyong lingkod, Señor Tinyente. TINYENTE: Maligayang pagdating. Nawa'y mas maging mapalad kayo kaysa sa inyong ama. CRISOSTOMO: Maraming salamat po. UTUSAN: Nakahanda na ang hapunan! Ang mahahalagang tauhan ay patungo na sa hapagkainan. Hindi sinasadyang naapakan ni Tinyente Guevarra ang laylayan ng bestida ni Donya Vidtorina. VICTORINA: Wala ka bang mga mata? TINYENTE: Mayroon po, Señora. Mga matang mas malinaw pa kaysa sa inyo. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok. Sa hapagkaianan. LARUJA: Señor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa, ano'ng pinakamahalagang bagay ang nakita n'yo? CRISOSTOMO: Nang natutunan ko ang kasaysayan, nalaman kong ang kalayaan o ang pagkaalipin ng isang bansa ang nagdidikta ng kasaganahan o paghihikahos nito. DAMASO: Nagawa mong lustayin ang iyong yaman para lamang diyan? Wala ka na bang nakitang mas mahalaga? Isa kang bulag! Kahit ang isang bata'y alam iyan. CRISOSTOMO: Nagpapasalamat ako't palagay ang loob ng dating kura sa akin. Nawa'y ipagpaumanhin ninyo ako. Kagagaling ko lamang sa mahabang biyahe at may aasikasuhin pa ako bukas. Para sa España at Pilipinas! TIYAGO: Huwag ka munang umalis, darating pa si Maria Clara. IBARRA: Bibisitahin ko po siya bukas. Sa ngayon ay may importante pa akong dapat gawin. Nakaalis na nga si Ibarra. PADRE DAMASO: Nakita na ninyo? Ganyan ang nangyayari sa mga kabataang ipinapadala sa Europa! Nagiging mayabang at mapagmataas! Kaya nararapat lamang talagang ipagbawal na ang pagpapadala ng mga kabataan sa Europa! End of Scene. SCENE 2 Erehe at Pilibustero Sa kalyeng maraming tao, abala si Ibarra sa kaiisip habang siya'y naglalakad. Bigla siyang napahinto nang may kamay na pumatong sa kanyang balikat. TINYENTE: Señor Ibarra. CRISOSTOMO: Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako. TINYENTE: Mag-ingat kayo, Señor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong ama. CRISOSTOMO: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Maaari ba ninyong sabihin sa akin? TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama sa loob ng bilangguan. CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo'y nagkakamali lamang? TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si Rafael Ibarra, siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso. CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong sabihin sa akin ang buong pangyayari? Bakit po siya nakulong? TINYENTE: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging kolektor ng buwis. Nang siya'y nangongolekta, minsan siyang napagkatuwaan ng mga bata… Flashback: Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel. Pinagtatawanan siya ng mga bata. BATA 1: Ba-be-bi-bu-bo! Ha Ha Ha! BATA 2: Hindi ba't hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis niyang dala? Ha ha ha! KOLEKTOR: Tigilan n'yo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Ano'ng sabi n'yo? Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang bata at ito'y natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan. KOLEKTOR: Ikaw, ano'ng sabi mo?! BATA: Ahh! Nagbibiro lamang po ako. Ahh-- RAFAEL IBARRA: Bitawan mo sila! Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng buwis at ito'y nawalan ng balanse. RAFAEL IBARRA: Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata. End of flashback. TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil dito'y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay. IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama ko... End of Scene. SCENE 3 Pagsusuyuan sa Asotea MARIA CLARA: Bakit kaya wala pa siya? Sinilip ni Maria Clara ang bintana upang makita kung sino ang dumating. Nang nakita niya si Crisosotomo ay agad siyang tumakbo sa kanyang silid at nagpaganda. Pumasok naman si Crisostomo at siya'y sinalubong ni Tiya Isabel. CRISOSTOMO: Magandang araw po, Tiya Isabel. TIYA ISABEL: Magandang araw din sa iyo iho. CRISOSTOMO: Nandito po ba si Maria Clara? TIYA ISABEL: Maupo ka na lamang iho at tatawagin ko siya sandali. Si Tiya Isabel ay kumatok sa pinto ng silid ni Maria Clara. TIYA ISAEL: Maria Clara, si Tiya Isabel mo ito. MARIA CLARA: Pasok po kayo, tiya. TIYA ISABEL: Iha, nariyan na si Crisostomo. Paghihintayin mo pa ba siya? MARIA CLARA: Hindi na po, Tiya. Lumabas si Maria Clara. CRISOSTOMO: Hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda, Maria Clara. Nagtungo silang dalawa sa Asotea. MARIA CLARA: Hmp! Nakapunta ka lang sa Europa, tumamis na ang iyong mga salita. Marahil, maraming magagandang babae sa ibang bansa ang nahulog sa pambobola mo. CRISOSTOMO: Mahal ko, alam mo bang ako ay isang mapalad na nilalang? MARIA CLARA: Mapalad? Bakit? Dahil sa mga babae mo? CRISOSTOMO: Mapalad dahil ipinagpasya ng ating mga magulang na ikasal ako sa pinakamagandang babae na ngayon ay nasa aking harapan. MARIA CLARA: Asus! Binola pa ako. CRISOSTOMO: Labis akong nangulila sa iyo, Maria. MARIA CLARA: Higit akong nangulila, Crisostomo. CRISOSTOMO: Patawarin mo ako kung ako'y magpapaalam na. Kailangan ko nang umuwi sa San Diego dahil bukas ay Araw ng mga Patay. Hanggang sa muli, mahal ko. MARIA CLARA: Sandali. Pumitas ng mga bulaklak si Maria Clara at ibinigay ang mga ito kay Crisostomo. MARIA CLARA: Ialay mo ang mga ito sa iyong mga magulang. CRISOTOMO: Maraming salamat, mahal ko. Lumakad na si Ibarra. MARIA CLARA: Mag-iingat ka, mahal kong Crisostomo. End of Scene. SCENE 4 Araw ng mga Patay May dalawang lalaking naghuhukay sa sementeryo. LALAKI 1: Sinunod mo ba ang utos niya? LALAKI 2: Tumigil ka na nga sa kakatanong, maghukay ka na lang diyan. LALAKI 1: Ayoko na! Ayoko nang maghukay! Dumating na sina Crisostomo at ang kanyang alalay. CRISOSTOMO: Nasaan ba? ALALAY: Sa likod po ng malaking crus, senyorito. CRISOSTOMO: Dito ba? ALALAY: Ngunit…hindi po rito ang natatandaan ko. Sandali lamang po at ipagtatanong ko. Nilapitan ng alalay ang naghuhukay at nagtanong. ALALAY: Alam mo ba kung saan ang malaking krus na itinirik dito? LALAKI 2: Ah, iyong malaking krus? Sinunog ka na iyon. ALALAY: Ano? Bakit mo naman ginawa iyon? LALAKI 2: Napag-utusan lamang ako ng malaking kura. CRISOSTOMO: At anong ginawa mo sa bangkay?! LALAKI 2: Sinabi sa akin ng malaking kura na dalhin ko raw ito sa libingan ng mga Intsik. CRISOSTOMO: At ginawa mo naman?! LALAKI 2: 'Wag po kayong magalit, senyor. Masyadong mabigat ang bangkay, at umulan pa nang gabing iyon kaya…itinapon ko na lamang ito sa ilog. CRISOSTOMO: Itinapon?! Isang kabaliwan ang iyong ginawa! Lumakad si Crisostomo at nang nakita niya si Padre Salvi, sinunggaban niya ito. CRISOSTOMO: Ano'ng ginawa mo sa aking ama? SALVI: Nagkakamali ka. Wala akong ginawa sa- CRISOSTOMO: Ano'ng wala? SALVI: Hindi ako! Tinitiyak ko sa'yo. Hindi ako, kundi sa Padre Damaso. Binitiwan siya ni Crisostomo at tuluyan ng lumayo. End of Scene. SCENE 5 Ang Dalawang Sakristan Nangangampana ang dalawang sakristan na sina Basilio at Crispin. BASILIO: Magpahinga na muna tayo Crispin. Naupo silang dalawa sa may sulok. CRISPIN: Magkano ba ang kita mo ngayong buwan, Kuya? BASILIO: Dalawang piso, bakit ba? CRISPIN: Nais kong bayaran mo ang sinasabi nilang ninakaw ko. BASILIO: Sira ka ba, Crispin? Diba't tatlumpu't dalawang piso ang binibintang nila sa iyo? Kahit isang taon pa akong magtrabaho, hindi ko mababayaran iyan. CRISPIN: Ngunit wala talaga akong ninakaw! Wala akong ninakaw. kuya…Kapag nalaman 'to ng Inay...natatakot ako. BASILIO: Tahan na, Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay. Tahan na. 'Wag kang mawalan ng-- Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang Sakristan-Mayor. SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang pagpapatunog ng kampana…At ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang hindi mo isinasauli ang ninakaw mo! CRISPIN: Ngunit wala po talaga akong ninakaw. SAKRISTAN: Magsisinungaling ka pa! Hinawakan ng sakristan sa braso si Crispin at hinila ito pababa ng hagdan. Ngunit nakahawak rin si Basilio sa kapatid. BASILIO: Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan n'yo na po- Sinaktan ng sakristan-mayor si Basilio hanggang sa ito'y hindi na halos makatayo. Muli niyang hinila si Crispin at ito'y ikinaladkad pababa ng hagdan. CRISPIN: Kuya, tulungan mo ako! Papatayin nila ako! BASILIO: Crispin… Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at tumakas siya gamit ang lubid ng kampana. End of Scene. SCENE 6 Ang Pamilya ni Sisa Abala si Sisa sa paghahanda ng pagkain para sa mga anak. SISA: Marahil ay gutom na gutom na ang mga anak ko...Hindi ko sila hahayaang magutom...Kaya naghanda ako ng masarap na pagkain... Biglang dumating ang lasing na si Pedro. PEDRO: May makakain ba? SISA: Mayroon. PEDRO: Nasaan?! Bilisan mo't nagugutom na ako! SISA: Ahh- Oo. Narito na. Kinain ni Pedro ang lahat ng pagkain. SISA: Wala nang natira? Ngunit paano'ng mga anak mo? PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?! SISA: Wala. Wala- PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon? SISA: Nasa kumbento pa. Pero uuwi rin sila- Nakita ni Sisa na paalis na ang asawa. SISA: Sandali, hindi mo ba sila hihintayin? PEDRO: Inuutusan mo ba ako?! Aalis ako kung kailan ko gusto! At umalis na nga si Pedro. SISA: Kawawang mga anak ko. Magsasaing na lamang ako ulit. Ilang minuto lamang ay dumating si Basilio. BASILIO: Inay! Inay! Gising pa po ba kayo? Inay! SISA: Basilio! Anak ko! Anon'ng nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak? Bakit ka sugatan? BASILIO: Tumakas po ako sa kumbento. Takot na takot na po ako. At si Crispin po-- SISA: Bakit, ano bang nangyari kay Crispin? Nasaan na siya? BASILIO: Naiwan po siya sa kumbento, Inay. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil pinagbintangan siyang nagnakaw. SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo, kailangan nating magdusa? BASILIO: Inay… SISA: Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, heto…heto ang kanin at tawilis. Kumain ka, anak ko. BASILIO: Ngunit hindi po ako kumakain ng tawilis, Inay. SISA: Alam ko, anak. Naghanda akong ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang iyong ama. BASILIO: Dumating si Itay? SISA: Oo. BASILIO: Pero umalis din siya agad, hindi po ba? SISA: Basilio! BASILIO: Patawad po, Inay. Isinara ni Sisa ang pinto at siya'y napabuntong-hininga. SISA: Diyos ko... Ano bang gagawin ko? End of Scene. SCENE 7 Ang Pagkabaliw ni Sisa Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at kinausap ng utusan. UTUSAN: Para saan ang mga 'yan ale? SISA: Para sa kura, nais ko sana siyang makausap. UTUSAN: May sakit ang kura ngayon, tungkol saan ba ito? SISA: Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin. UTUSAN: Crispin? Kung gano'n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba'y matapos magnakaw ng batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin ang mga magnanakaw mong anak. SISA: Hindi…hindi magnanakaw ang mga anak ko. KUSINERA: Hoy! Ina ng mga magnanakaw! 'Wag mong iyakan ang mga anak mo! Wala kang mapapala sa kanila dahil nagmana saila sa kanilang ama! Tamatakbong tumungo si Sisa at nakita niya ang mga Guardia Civil. GUARDIA CIVIL: Ikaw ba si Sisa, ang ina ng magnanakaw? SISA: Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko. GUARDIA CIVIL: 'Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon. Sabihin mo na kung saan mo itinago si Crispin! SISA: Señor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin. GUARDIA CIVIL: Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga anak! SISA: Señor, kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila magagawa ang magnakaw, maniwala kayo. GUARDIA CIVIL: Sinungaling! Pero kung iyan iyong gusto, Ikaw ang ikukulong naming hanggang hindi isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila. SISA: Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Señor. Parang awa n'yo na, 'wag n'yo po akong ikulong… Dinala ng mga guardia civil si Sisa sa kuwartel. GUARDIA CIVIL: Mabubulok ka sa bilangguan hanggang hindi ka magsasabi ng totoo! Dumating ang alperes at nalaman ang tungkol kay Sisa. ALPERES: Kamalian 'yan ng kura! Pakawalan n'yo siya at 'wag n'yo na siyang gagambalin pa, at kung gusto ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin n'yo sa kanya na manalangin siya kay San Antonio! Agad nilang pinakawalan si Sisa. GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa'yo! Ha! Ha! Ha! Tumakbo si Sisa patungo sa kanilang bahay. SISA: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo? May nakita siyang damit na duguan. SISA: Ano 'to? Damit ni Basilio? Dugo…Bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak ko! Ang magnanakaw kong anak! Ako' ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo! At tuluyan nang nabaliw ang kawawang si Sisa. End of Scene. SCENE 8 Ang Pangingisda Si Maria Clara ay masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan. KAIBIGAN 1: Maria Clara, kumusta na kayo ni Ibarra? MARIA CLARA: Kami ni Ibarra? Anong "kami" ni Ibarra? KAIBIGAN 2: Hindi ba't kararating lamang niya? MARIA CLARA: Oo…sa katunayan ay papunta na siya dito ngayon at sabay kaming mangingisda… MGA KAIBIGAN: Uuuuuyy… Hindi katagalan… MARIA CLARA: O, nandito ka na pala, Crisostomo. IBARRA: Maaari na ba tayong umalis, mahal ko? MARIA CLARA: Kung iyan ang nais mo… Sa palaisdaan… ELIAS: Señorita Maria Clara, saan po ninyo gustong pumunta? MARIA CLARA: Nais ko sanang pumunta sa palaisdaan ng aking ama. Malayo pa ba? ELIAS: Naku hindi po, señorita. Ilang sandali na lamang at makakarating na rin tayo doon. MARIA CLARA: Ano iyon? ELIAS: Marahil ay kahoy lamang po. MARIA CLARA: Ah kahoy lamang pala. IBARRA: Kahoy pa rin ba iyon? ELIAS: Sandali lamang po at titingnan ko- Isang buwaya!!! MARIA CLARA: May buwaya! ELIAS: Kaya pala nauubos na ang mga isda sa ilog na ito! Kailangang mamatay na ang buwaya na iyan! MARIA CLARA: Crisostomo, nanganganib ang buhay niya! IBARRA: Huwag kang mag-alala, mahal ko. Ililigtas ko siya. MARIA CLARA: Ibarra! Makalipas ang ilang sandali. MARIA CLARA: (Umiiyak) Nasaan na sila? Baka kung ano na ang nangyari sa kanila. TAUHAN: Ligtas sila! Ligtas sila! ELIAS: Maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa buhay ko, Señor Ibarra. Balang araw, sa panahong kailangan ninyo ng tulong, nakahanda po akong tulungan kayo. KABABAIHAN: Isa kang tunay na bayani, Ibarra! Mabuhay ka! End of Scene. SCENE 9 Ang Panghugos Maraming tao sa paligid dahil ito ang araw ng pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay paaralan na itatayo ni Ibarra. GOBERNADOR: Señor Ibarra, ikaw naman ang maglagay ng palitada sa ibabaw ng bato. IBARRA: Ikasisiya ko po, gobernador. Lumapit si Ibarra sa malaking bato upang ilagay ang palitada. IMBENTOR: Isang maling galaw mo lamang, tiyak patay ka. Itinulak ni Elias ang imbentor kaya ito ang natamaan ng malaking bato at ito'y namatay. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita. IBARRA: Ano'ng ibig-- Elias? ELIAS: Mag-iingat kayo, Señor. Hindi lamang ito ang maaaring mangyari sa inyo. Saka ko na lamang sasabihin sa inyo ang lahat. Tumakbo palayo si elias. IBARRA: Sandali-Ano'ng nangyari sa taong ito? TAUHAN: Muntik na kayong patayin ng taong iyan! GOBERNADOR: Ngunit siya rin ang nabiktima sa masama niyang balak. IBARRA: Kung gano'n, ako na lamang ang magpapalibing sa kanya. TAUHAN: Paumanhin Señor Ibarra, ngunit hindi ba't pinagtangkaan niya ang inyong buhay? IBARRA: Oo nga, ngunit...siya ang nasawi. Ano pa bang parusa ang dapat niyang matanggap? Pinapatawad ko na siya. KABABAIHAN: Ang bait-bait talaga niya. Mabuhay ka, Crisostomo Ibarra! End of Scene. SCENE 10 Ang Pananghalian Sa isang malaking hapag, nananghali sina Crisostomo, Maria Clara at ang ibang mga panauhin. Biglang dumating si Padre Damaso at binati siya ng lahat maliban kay Ibarra. IBARRA: Mahal ko, nagustuhan mo ba ang pagkakagawa ng itinayo kong paaralan? MARIA CLARA: Siyempre naman, mahal ko. Sa kabilang bahagi ng hapagkainan nagdadabog ang galit na kura. DAMASO: Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas na ang tingin niya sa kangyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa, aba'y akalain mong sino kung umasta! MARIA CLARA: 'Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko. IBARRA: Kung alam mo lamang kung ganoo ako nagtitimpi sa kurang iyan. DAMASO: Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong isang desente ngunit hindi rin marunong gumalang sa batas ng simbahan… IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa! DAMASO: ...tama lamang na siya'y pinarusahan na mamatay sa kulungan at-- Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni Ibarra na hawak-hawak ang isang patalim. IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit 'wag na 'wag ninyong babastusin ang alaala ng aking ama! KABABAIHAN: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo. IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano n'yo nasabing siya'y alagad ng Diyos? Ang taong ito ang naghatid sa aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At ngayon, nagawa pa niyang bastusin ang alala nito. Ganito ba ang gawain ng isang alagad ng Diyos? MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusap…alang-alang man lamang sa akin, 'wag mong saktan si Padre Damaso. Binitawan ni Ibarra ang takot na si Padre Damaso. IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita n'yo na kung may dugo ba talagang dumadalo'y sa mga ugat ng taong iyan! Lumisan si Ibarra at iniwan ang umiiyak na si Maria Clara. End of Scene. SCENE 11 Si Donya Consolacion at Sisa Narininig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag niya ito sa mga guardia civil. CONSOLACION: Mga guardia civil! GUARDIA CIVIL: Bakit po Señora? CONSOLACION: Sino iyang kumakanta? GUARDIA CIVIL: Siya po, ang baliw. CONSOLACION: Dalhin n'yo siya rito. GUARDIA CIVIL: Masusunod po, Señora. Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa. GUARDIA CIVIL: Narito na po siya, Señora. CONSOLACION: Pakantahin n'yo siya. GUARDIA CIVIL: Hoy Baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na! At umawit naman si Sisa. CONSOLACION: Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis. GUARDIA CIVIL: Opo, Señora. Umalis ang mga guardia civil. CONSOLACION: Hoy Baliw! SISA: Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw! CONSOLACION: Sumayaw ka! SISA: Sumayaw? CONSOLACION: Gayahin mo ako. Sumayaw ang donya. SISA: Ha! Ha! Ha! Sumasayaw ang matandang baliw! CONSOLACION: Hoy! Hindi ako ang baliw! Ikaw! SISA: Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw! CONSOLACION: Oo. Ikaw nga! At inuutusan kitang sumayaw! SISA: Ayoko. Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw. Ha! Ha! Ha! Pinalo ni Donya Consolacion si Sisa gamit ang isang latigo. CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw! SISA: Aray! Biglang dumating ang Alperes at inawat ang donya. ALPERES: Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?! CONSOLACION: Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na 'yan! ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano? SISA: Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha! ALPERES: Mga Guardia Civil! Bihisan n'yo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay ihatid n'yo siya sa tahanan ni Crisostomo Ibarra. End of Scene. SCENE 12 Si Alfonso Linares Sa tahanan nila Kapitan Tiyago ay dumating ang mag-asawang de Espadaña kasama ang isang binatang Kastilang nagngangalang Alfonso Linares upang alamin ang kalagayan ng may sakit na si Maria Clara. TIYAGO: O Doña Victorina, kayo pala. Tuloy kayo. VICTORINA: Magandang araw, Kapitan Tiyago at Isabel. TIYAGO: Mukhang may kasama yata kayo- VICTORINA: Ahh oo-- ALFONSO: Magandang araw po, ako nga po pala si Alfonso Linares. TIYAGO: Magandang araw rin sa iyo, iho. TIBURCIO: Kumusta na ang kalagayan ni Maria Clara? ISABEL: Wala pa rin pong pagbabago, Don Tiburcio. Nagtungo sila sa silid ni Maria Clara. TIBURCIO: Iha, kumusta na ang iyong pakiramdam? MARIA CLARA: Sumasakit pa rin po ang aking ulo, doktor. ALFONSO: Doña Victorina, siya po ba si Maria Clara? VICTORINA: Oo, Alfonso. ALFONSO: Tunay nga po talagang napakaganda niya. Biglang dumating ang matabang kura na si Padre Damaso. TIYAGO: Magandang araw po, Padre Damaso. DAMASO: Nasaan na siya? TIYAGO: Nagpapahinga po siya sa kanyang silid. Nagtatakbong tumungo si Padre Damaso. DAMASO: Maria Clara! MARIA CLARA: Padre Damaso...salamat po sa pagbisita ninyo. DAMASO: Labis akong nag-alaala sa iyo, iha. Magpagaling ka kaagad. MARIA CLARA: Opo. DAMASO: O sige iha, magpahinga ka muna. MARIA CLARA: Opo, padre. Lumabas si Padre Damaso sa silid ni Maria Clara at pumunta sa sala. VICTORINA: Padre Damaso. DAMASO: Victorina, sino iyang kasama mo? VICTORINA: Ang totoo niyan ay kanina ko pa po siya gustong ipakilala sa inyo, padre. Siya po si Alfonso Linares, ang inaanak ng inyong bayaw. DAMASO: Inaanak ng aking bayaw? Ikaw na nga ba ang inaanak ni Carlicos? ALFONSO: Opo, ako na nga po, padre. DAMASO: Ano'ng saya ko't sa wakas ay nakita na kita, iho. ALFONSO: Ako rin po, padre. Matagal ko na po kayong gusto makilala. VICTORINA: Nandirito po siya upang maghanap ng mapapangasawa, padre. DAMASO: Ng mapapangasawa? Madali lamang iyan...maghintay ka lamang, iho. End of Scene. SCENE 13 Ang Dalawang Donya Naglalakad na magkahawak-kamay ang mag-asawang de Espadaña kasama si Linares hanggang sa napadaan sila sa tahanan ni Doña Consolacion. CONSOLACION: Pwe! Ano ba naman 'yan! Ang papangit naman ng dumadaan! VICTORINA: Hoy! Labandera, kami ba ang pinariringgan mo?! CONSOLACION: Bakit, nataman ka ba? Ha! Ha! At ano'ng sinabi mo? Labandera? Gusto mo labhan ko 'yang kulot mong buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa? VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang maganda! Bumaba si Doña Consolacion hawak-hawak ang latigo ng asawa Tiyempo namang dumatig ang alperes. CONSOLACION: Ano'ng sabi mo?! Gusto mong magtuos tayo? VICTORINA: Hindi kita uurungan! Namagitan si don Tiburcio sa kanilang labanan. ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata! VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang mangkukulam! ALPERES: Kung hindi ka lang isang babae- TIBURCIO: Tayo na Victorina, wala tayong mapapala sa mga iyan. CONSOLACION: Ang kapal ng mukha mo, pilay na pekeng manggagamot! Nagtungo ang mag-asawang de Espadaña sa tahanan ni Kapitan Tiyago. VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes na 'yon?! TIBRUCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya? VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka makakasal kay Maria Clara, at malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao! End of Scene. SCENE 14 Ang Pagdakip kay Ibarra Natungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra. ELIAS: Tao po! Tao po! IBARRA: Elias! ELIAS: Señor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito. IBARRA: Ano'ng ibig mong sabihin? ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito. IBARRA: Ngunit sino ang…? ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Señor. IBARRA: Ano pa ba ang dapat kong gawin? ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito. Magtungo kayo kahit saan-iyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit, wala na pong ibang paraan. IBARRA: Maraming salamat, kaibigan. Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni Padre Salvi ang dasal. Bigla silang nakarinig ng sunud-sunod na putok. Sumigaw ang Alperes sa labas. Nataranta silang lahat at nagmadaling umuwi si Ibarra at nag-empake. Bigla namang may kumalabog sa pinto. IBARRA: Sino 'yan? SARHENTO: Kami'y mga alagad ng batas! IBARRA: Bakit po- SARHENTO: Arestado ka! Sumama ka sa amin! Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at sinunog ito at agad na umalis. Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang buong bahay. End of Scene. SCENE 15 Tugisan sa Lawa Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Pinag-uusapan ng mga panauhin ang balita tungkol sa pagkadakip kay Crisostomo Ibarra, kasabay nito ang balitang ikakasal na si Maria Clara sa kastilang si Alfonso Linares. Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan ang ilog. At makalipas ang ilang sandali nakita niya ang isang bangkang paparating. MARIA CLARA: Crisostomo…? IBARRA: Mahal ko...tinulungan ako ni Elias na makatakas. MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko. IBARRA: Hindi masama ang loob ko sa'yo. Ako ang patawarin mo...dahil kailangan ko nang lumayo sa'yo...sa lugar na ito... MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-aalinlangan ka sa akin kapag nalaman mong… IBARRA: Nalaman kong ano? MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre Damaso... IBARRA: Paano- MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang iibigin ko, Crisostomo. IBARRA: Paalam, Maria Clara... Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara. IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo? ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Señor. IBARRA: At pagkatapos? ELIAS: Mamuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa. IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang magkapatid? ELIAS: Para saan pa? IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at sa lahat ng tulong mo. ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo. Sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil. ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan? IBARRA: Oo. ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sarili…ililigaw ko sila. IBARRA: 'Huwag Elias, labanan natin sila- ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo. Tumalon si Elias at sa tuwing siya'y lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok. Nabahisan ng kanyang dugo ang ilog. End of Scene. SCENE 16 Ang Paliwanag ng Pari Nakatitig ni Maria Clara sa pahayagang naglathala ng kamatayan ni Crisostomo. MARIA CLARA: Hindi!!! Hindi ito maaari...mahal ko... DAMASO: Ano'ng nangyari sa'yo, anak ko? MARIA CLARA: Masaya na po ba kayo? DAMASO: Ano'ng ibig mong sabihin- MARIA CLARA: Wala na siya. Patay na si Crisostomo. Wala na ang taong mahal ko... DAMASO: Ngunit- MARIA CLARA: Tanging si Ibarra lang ang mahal ko, walang iba. Hindi ko mahal si Alfonso…at hindi ako magpapakasal sa kanya. DAMASO: Ngunit- MARIA CLARA: Kung itutuloy n'yo pa rin ang pagpapakasal sa aming dalawa…magpapakamatay ako! DAMASO: Patawarin mo ako, iha. Patawarin mo ako…kung nanghimasok ako sa inyo ni Ibarra…sa buhay mo. Patawad, anak ko. MARIA CLARA: Magmomongha na lamang ako. DAMASO: Kung iyan ang iyong kagustuhan. Iniwan ni Maria Clara ang nakaluhod niyang ama. DAMASO: Diyos ko, ito na ba ang parusa sa lahat ng aking nagawang kasalanan? End of Scene. SCENE 17 Noche Buena Nagkitang muli sina Basilio at Sisa. BASILIO: Inay! SISA: Sino ka? BASILIO: Inay, si Basilio po, ang anak n'yo! SISA: Ha! Ha! Ha! Anak? Hindi kita anak…hindi kita kilala. Pumasok si Sisa sa libingan ng matandang kastila. BASILIO: Inay, 'wag po kayong matakot sa akin. Inay! SISA: Basilio? BASILIO: Opo inay, ako nga po. SISA: Anak ko- Biglang nawalan ng malay si Sisa. BASILIO: Inay! Inay! Bakit n'yo po ako iniwan, Inay. Inay! ELIAS: Iho… BASILIO: Sino po kayo? ELIAS: Ano'ng gusto mong gawin sa inay mo? BASILIO: Gusto ko po siyang ilibing sa sementeryo...ngunit wala po akong pera. ELIAS:Kumuha ka na lamang ng panggatong. Malapit na rin ang kamatayan ko, iho. At sa sandaling mangyari iyon, sunugin mo ang aming mga katawan hanggang sa maging abo. Pagkatapos, maghukay ka at may makikita kang kayamanan, gamitin mo ito sa iyong kinabukasan. Naiintindihan mo ba? BASILIO: Opo, ginoo. ELIAS: Mamamatay akong…hindi masisilayan…ang pagsikat ng araw...sa aking bayan. Tumingala si Elias sa langit at nawalan na ng buhay... End of Scene.