Gantihan ng pag- aaruga ang kalikasan
Ang ating mundong ginagalawan ay hitik sa mineral at mga likas yaman.Marami na ang na i ambag ng kalikasan sa atin.Isa na roon ang trabaho o pangkabuhayan . Ginamit natin ang likas yaman upang mag ka trabaho at may mapakain sa ating mga mahal sa buhay. Ang mga matabang lupain na tinaniman natin upang makaani ng gulay na nilalaga, prutas na pinang hihimagas, at mga butil ng bigas na niluluto para sa ating almusal. Na tinutulongan ang ating mga kapatid na magsasaka. Mga yamang dagat na hinuli at kinolekta ng ating mga mangingisda upang ibenta sa mamimili. Na atin na mang binibili upang may mahanda sa hapag kainan.
Marami na ang na itulong ng kalikasan sa atin. Hindi lang para magka hanap buhay ang ating mga kapatid. Binubuhay tayo mismo ng Kalikasan. Mula sa gamit sa bahay hanggang sa hangin na ating hinihinga.
Paano kung wala na ang mga likas na yaman na inaasahan nating bumuhay sa atin? Mawawalan ng hanapbuhay ang ating mga kapatid na magsasaka, mangingisda, tindera, atbp. Ang mga ngiti sa mga labi ng ating mga kababayan na napalitan ng pag alala, pagkasiphayo sa kakaisip kung saan makakahanap ng trabaho, at pagkain para sa mga supling na nagugutom.
Kaya arugahin natin ang kalikasan upang makipanabangan pa natin sa hinaharap ang yaman ng kaliksan. Upang hindi lang tayo ang nakikinabang kundi ang tayong lahat kasama ang inang kalikasan.
Chat with our AI personalities