uki
naglalahad ng paglalaban ng dalawang panig o dalawang tao lamang. sna po makatulong:))
ang 5 uri ng sining ay iniirog,tunggalian,pahirap,balitaw at ang kinnotan yan ang 5 uri ng sining Answered by: Mervin Canibong
drama-theater Dula means " play ", Dula-Dulaan literally translated means "role play" or to act as in theater. Ang Dula-dulaan ay tawag sa isang maikling dula na ang tunggalian ay may kinalaman sa ilang suliranin at nagwawakas ng kasiya-siya para sa mga pangunahing tauhan ng dula o nagtatapos sa pagkakasundo ng mga nagtutunggaliang lakas. Kadalasan ay layunin nito ang magpatawa sa gitna ng kawili-wili at nakakatawang pangyayari. :)
1. TAUHAN Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan. Uri: BILOG: nagbabago ang katauhan LAPAD: Hindi nagbabago ang katauhan PROTOGONISTA:mabait/ pangunahing tauhan ANTAGONISTA: masama 2. TAGPUAN/PANAHON Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari. 3. SAGLIT NA KASIGLAHAN Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan 4. SULIRANIN O TUNGGALIAN Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan. 5. KASUKDULAN Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin. 6. KAKALASAN Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan. 7. WAKAS Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.
Katangian:1. Kaangkupan sa Panahon o napapanahon - ipinahihiwatid nito na ang pangyayari sa balita ay kailangang kagaganap lamang o katutuklas pa lamang. Maaari rin naming matagal nang naganap ang pangyayari ngunit bagong katutuklas.2. Katanyagan o may kasangkot na personalidad - nauukol sa mga kilalang Tao sa pamahalaan at lipinan dahil ang mga ito'y maaaring magbigay-katuturan o magbigay bias sa iba't ibang larangang pampulitika, pang-edukasyon, panlipunan at pangkabuhayan. Tinatawag din silang newsmakers.3. Kalapitan sa Pook - kailangang nagaganap sa kanilang paligid kaysa sa mga pangyayaring nagaganap sa malayong pook.4. Kahalagahan - may mga pangyayari sa ibang bansa na kung susuriin ay Hindi mahalaga para sa ating bansa. Ngunit maging maliit man ang bansa, Hindi dapat ipagwalang-bahala ang kanilang kaunlaran.5. Tunggalian - nangingibabaw sa katangian ng mga salitang may kaugnayan sa pagwewelga, paligsahan ng laro, labanan sa pulitika at iba pa.
Ang Dula-dulaan ay tawag sa isang maikling dula na ang tunggalian ay may kinalaman sa ilang suliranin at nagwawakas ng kasiya-siya para sa mga pangunahing tauhan ng dula o nagtatapos sa pagkakasundo ng mga nagtutunggaliang lakas. Kadalasan ay layunin nito ang magpatawa sa gitna ng kawili-wili at nakakatawang pangyayari. :)
Sangkap ng dulaTagpuan - panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dulaTauhan - ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dulaSulyap sa suliranin - bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dulaSaglit na kasiglahan - saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasanTunggalian - ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dulaKasukdulan - climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya'y sa pinakakasukdulan ang tunggalianKakalasan - ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalianKalutasan - sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonoodElemento ng DulaIskrip o nakasulat na dula - ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskripGumaganap o aktor - ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba't ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dulaTanghalan - anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klaseTagadirehe o direktor - ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskripManonood - hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula'y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanoodEksena at tagpoAng eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang angtagpo nama'y ang pagpapalit o ang iba't ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.--------------------source: http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/18/Dula_Notes
Noong mga ancient times, bahagi ng Khmer Empire ang Indochina na sa kalaunan ay bumagsak at nagresulta sa pagkakabuo ng iba't ibang mga nagsasariling estado at kaharian. Sa panahon ng ika-19 at maagang bahagi ng ika-20 siglo, iba't ibang mga kapangyarihang Europeo tulad ng Pransiya, Espanya, at Portugal, ang naghahangad na kolonisahin at kontrolin ang mga bahagi ng Indochina. Sa huli, ang Pransiya ang nakamit ng kontrol sa rehiyon na kinabibilangan ng modernong Vietnam, Laos, at Cambodia at itinatag ang French Indochina noong dulo ng 1800s. Pagkatapos ng World War II, naranasan ng rehiyon ang malaking kaguluhan, kung saan ang iba't ibang kilusang nasyonalista ay nagnanais ng kalayaan mula sa mga kolonyal na kapangyarihan. Noong 1954, pinamunuan ng mga sundalong Vietnamese ni Ho Chi Minh ang mga kolonyal na pwersa ng Pranses sa desisibong labanan sa Dien Bien Phu, na humantong sa pag-alis ng mga kolonyal na pwersa ng Pransiya mula sa Indochina. Sa buod, ang tanong kung ano ang nagconquer sa Indochina ay nakadepende sa partikular na panahon at sa kumplikadong kasaysayan ng kolonisasyon, mga tunggalian, at imperyalismo sa rehiyon.
Madalas na ang mga unang pumapasok sa ating isipan kapag naririnig ang salitang Dula ay ang entablado at mga aktor na umaarte rito. Ito ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto'y maraming tagpo.Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay ang simula, gitna at wakas. Ang mga sangkap nitong tagpuan, tauhan at sulyap sa suliranin ay mamamalas na sa simula. Ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan ay matatagpuan sa gitna. Ang kakalasan at ang kalutasan naman ay matatagpuan sa wakas.Ngunit ang Dula ay Hindi lamang sa entablado makikita. Ito ay hango sa diwa ng mimesis o ang panggagagad o panggagaya sa mga nagaganap sa totoong buhay. Ang isang bata na ginagaya ang paraan ng pagkilos at pagsasalita ng isang matanda ay matatawag nang pagsasadula.Bago pa ang konsepto ng entablado sa Pilipinas, ginagawa na ng mga katutubo ang panggagagad sa pamamagitan ng mga ritwal, sayaw, at awit na may diwa ng iba't-ibang mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang Tao o tribo. Sa pamamagitan ng mga Dula, naipapaniwala sa isang lipi ang kultura at naipapasa ang tradisyon sa susunod na saling lahi.
tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihantauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobelabanghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobelapananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akdatema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobeladamdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayaripamamaraan - istilo ng manunulatpananalita - diyalogong ginagamit sa nobelasimbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari
wag magging sakim at wag mang aapi ng kpwa