answersLogoWhite

0


Best Answer

1. TAUHAN

Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.

Uri: BILOG: nagbabago ang katauhan

LAPAD: Hindi nagbabago ang katauhan

PROTOGONISTA:mabait/ pangunahing tauhan

ANTAGONISTA: masama

2. TAGPUAN/PANAHON

Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.

3. SAGLIT NA KASIGLAHAN

Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan

4. SULIRANIN O TUNGGALIAN

Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.

5. KASUKDULAN

Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.

6. KAKALASAN

Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.

7. WAKAS

Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

8y ago

Mga elemento

Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:

Simula

Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

Gitna

Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas

Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Anonymous

Lvl 1
4y ago

Mga ahensya Ng pamamalaan nagtutulungan para sa kaligtasan Ng Mayan

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang elemento ng maikling kuwento?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Maikling kuwento ng epikong tulalang manobo?

Tulalang Epiko Kwento


Anu-ano ang mga uri ng Paningin ng Maikling Kuwento?

Magbasa kaya kayo!


Ano ang wakas ng kuwento na si pinkaw?

Tagpuan sa maikling kwento na si pinkaw


Iba't-ibang elemento ng alamat?

ano ang elemento


Ano ang mga kayarian ng maikling kwento?

Ang mga pangunahing kayarian ng maikling kwento ay ang pagkakaroon ng isang maikling plot o kuwento, limitadong bilang ng mga tauhan, tiyak na tema o mensahe, at maikling haba o lapad ng kuwento. Karaniwang mayroon itong mahigpit na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari hanggang sa pagtatapos.


Ano ano ang elemento ng nasyon?

liberation


Ano anu ang elemento ng mga pabula?

Ang mga elemento ng pabula ay tagpuan, tauhan at banghay :D


Pinagmulan ng maikling kuwento?

walang opisyal na pinagmulan ang maikling kwento, bago pa man dumating ang mga dalubhasa dito sa mundo, ay iba't ibang maiikling kwento ang dumadaloy sa ugat ng mundo, sa pangalan ng kwento, literal na ito ay ikinukwento, at nadugtungan lamang ng maikli, na ang ibig sabihin ay short story, o maliit lamang ang takbo ng kwento.


Ano ang mga elemento ng banghay?

iyot ang sagot dyan!


Halimbawa ng maikling kwentong sikolohiko?

ewan


Anong kahulugan ng maikling kuwento?

Ang maikling kuwento o maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."


Ano-ano ang mga uri ng maikling kwento?

" pakikipagsapalarang maromansa madulang pangyayarikwentong Nagsasalaysaykwentong pangkatauhan kwentong katutubong kulaykwentong sikolohikokwentong talinokwentong katatawanankwentong katatakutan" " kababalaghan" " pakikipagsapalarang maromansa madulang pangyayari