nagsimula ang sosyalismong kristiyano sa England at lumaganap sa France at Germany. sinuportahan nito ang kainamang panlipunang demokrasya. binigyan-diin ang mensahe ng simbahan tungkol sa panlipunang etiko, lalo na ang pagtutulungan, pagkakapatiran at pansariling sakripisyo. Hindi nagtagumpay ang sosyalismong kristiyano sa pagbabago ng oryentasyon ng mga kilusang sosyalista
nagsimula ang sosyalismong kristiyano sa England at lumaganap sa France at Germany. sinuportahan nito ang kainamang panlipunang demokrasya. binigyan-diin ang mensahe ng simbahan tungkol sa panlipunang etiko, lalo na ang pagtutulungan, pagkakapatiran at pansariling sakripisyo. Hindi nagtagumpay ang sosyalismong kristiyano sa pagbabago ng oryentasyon ng mga kilusang sosyalista
Ayon kay Karl Marx, ang ekonomiya ay nagsisimula sa pagmamay-ari ng mga means of production (tulad ng lupa at pabrika) at paggawa ng halaga mula sa paggawa ng manggagawa. Naniniwala siya sa konsepto ng historical materialism, kung saan ang mga pangyayari sa lipunan ay bunga ng mga kontradiksyon sa mga ekonomikong sistema ng lipunan. Ayon sa kanya, dapat magkaroon ng redistribusyon ng kapangyarihan at ari-arian sa pagitan ng manggagawa at kapitalista upang magkaroon ng tunay na pagkakapantay-pantay sa lipunan.
{| ! Party name ! Acronym ! Founding year ! Chairperson | Major/national parties Aksyon Demokratiko AD 1997 Sonia Roco (Chairperson) Bagong Alyansang Makabayan BAYAN 1985 Carol Pagaduan Araullo (Chairperson) Kabalikat ng Malayang Pilipino KAMPI 1997 Luis Villafuerte, Sr. (President) Kilusang Bagong Lipunan KBL 1978 Ferdinand Marcos, Jr. (President) Laban ng Demokratikong Pilipino LDP 1988 Edgardo Angara (President) Lakas-Christian Muslim Democrats Lakas-CMD 1991 Prospero Nograles (President) Liberal Party LP 1946 Manuel Roxas II (President) Nacionalista Party NP 1907/2004 Manuel Villar, Jr. (President) Nationalist People's Coalition NPC 1991 Eduardo Cojuangco, Jr. (Chairman) Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan PDP-LABAN 1984 Aquilino Pimentel, Jr. (Chairman) Partido Demokratikong Sosyalista ng Pilipinas PDSP 1973 Norberto B. Gonzalez (Chairman) Partido ng Demokratikong Reporma-Lapiang Manggagawa Reporma-LM 1998 Renato de Villa Probinsya Muna Development Initiative PROMDI 1997 Lito Osmena Pwersa ng Masang Pilipino PMP 1987 Joseph Estrada (Chairman) United Opposition UNO 2005 Jejomar Binay (President) Local/unaffiliated parties Ang Kapatiran AKP 2004 Nandy Pacheco (Chairman) People's Reform Party PRP 1991 Miriam Defensor-Santiago (Head) |} Next to the main political parties in the Philippines there are other parties represented in the House of Representatives of the Philippines. Most of these parties are elected through the party list system. {| ! Party name ! Acronym ! Founding year ! Chairperson | Regional Parties elected through the constituency system Kilusang Diwa ng Taguig N/A N/A Sigfrido "Freddie" Tiñga One Cebu ONE CEBU 2007 Gwendolyn Garcia Partido Magdalo N/A N/A Juanito Remulla Sarangani Reconciliation and Reformation Organization SARRO N/A Priscilla Chiongbian Party-list organizations Akbayan Citizens' Action Party Akbayan 1998 Ronaldo Llamas Alagad N/A N/A N/A Alang sa Kalambu-an ug Kalinaw Alayon N/A John Henry Osmeña Alliance for Barangay Concerns ABC 2007 James Marty Lim Alliance of Volunteer Educators AVE N/A N/A Anak Mindanao AMIN N/A N/A Anakpawis AP N/A Rafael V. Mariano Ang Laban ng Indiginong Filipino ALIF N/A Acmad Tomawis An Waray N/A 2001 Florencio "Bem" Noel Association of Philippine Electric Cooperatives APEC N/A N/A Bagong Alyansang Tagapagtaguyod na Adhikaing Sambayanan BATAS 2004 Daniel Soriano Razon Bayan Muna N/A 1999 Satur Ocampo Buhay Hayaan Yumabong Buhay 1998 Mike Velarde (founder) Citizen's Battle Against Corruption Cibac 2001 Joel Villanueva (founder) Cooperative NATCCO Network Party Coop NATCCO 1998 Cresente Paez Gabriela Women's Party GABRIELA N/A Liza Maza Luzon Farmers Party Butil N/A N/A Partido ng Manggagawa PM N/A Renato Magtubo Sandigan ng Lakas at Demokrasya ng Sambayanan SANLAKAS N/A N/A Veterans Freedom Party VFP N/A N/A |} {| ! Party name ! Acronym ! Founding year ! Chairperson | Ang Ladlad N/A 2003 Mon Allan Manalastas Bangon Pilipinas Party BPP 2004 Bro. Eddie C. Villanueva Communist Party of the Philippines CPP 1968 Jose Maria Sison Green Philippines GP 1990s Felizardo Colambo Partido Isang Bansa Isang Diwa PIBID 2004 Eddie Gil Partido Komunista ng Pilipinas-1930 PKP-1930 1930 Pedro P. Baguisa Philippine Green Republic Party PGRP N/A Felix Cantal Progressive Party (Defunct) PP 1957 Raul Manglapus |}
Banaag at SikatBanaag at SikatNi Lope K. SantosAng buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya'y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng Tao'y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya'y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya'y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.Si Delfin ay Hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya'y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat Hindi kasing radikal nito.Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito'y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga Tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga'y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila'y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.Sa tulong ni Felipe noong ito'y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito'y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, Hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay Hindi pinagmanahan.Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito'y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na Hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado't Hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang Hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng Hindi sasalubong.Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya'y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba't ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama't utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, Hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan Nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo - ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming Tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, "Tayo na: iwan nati't palipasin ang diin ng gabi."
Si Jose Abad Santos y Basco (Pebrero 19, 1886 - Mayo 2, 1942) ay ang ika-5 Chief Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas. Siya ay naisakatuparan ng Japanese pwersa sa panahon ng pananakop ng Pilipinas sa World War II.Abad Santos ay isinilang sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga sa Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Ang kanyang kapatid na lalaki, Pedro, sa wakas ay lumitaw bilang isang nangungunang lider sosyalista sa panahon ng Komonwelt na panahon. Sa 1,904, siya ay ipinadala sa Estados Unidos bilang isang pensionado ng gobyerno. Siya ay tapos na ang isang pre-batas ng kurso sa Santa Clara College sa Santa Clara, California; kanyang Bachelor ng Batas sa Northwestern University sa Evanston, Illinois; at ang kanyang mga Masters ng Batas sa George Washington University sa 1,909. Ipasok sa Philippine Bar sa 1,911, nanilbihan siya bilang Assistant Abogado sa Bureau of Justice 1913-1917.Sa 1,919, Abad Santos ay maging nakatulong sa pagtula ang mga legal na batayan pati na rin sa pagbalangkas ng mga by-batas at saligang batas ng Philippine Women's University, ang bansa at Asia's unang pribadong walang pangkatin institusyon para sa mas mataas na pag-aaral para sa mga kababaihan. Ang isang matibay Methodist, Abad Santos ay isang miyembro ng Central United Methodist Church sa Kalaw Street sa Maynila at pagkatapos ay kilala bilang Luzon Methodist ukol sa mga ubispo Iglesia. Siya ay hinirang mamaya ang unang Filipino corporate abugado ng Philippine National Bank, Manila Company riles ng tren at iba pang mga pampamahalaang korporasyon. Siya ay bumalik sa Department of Justice kung saan siya ay naging Attorney-General, pandalawang ministro ng Katarungan at pagkatapos ay Kalihim ng Katarungan 1921-1923. Noong Hulyo 1923, siya ay nakatalaga bilang Secretary of Justice kasama ng iba pang mga secretaries departamento bilang isang resulta ng kontrobersiya sa pagitan ng Gobernador-Heneral Leonard Wood at mga lider ng Filipino.Si Abad Santos pagkatapos ay nanilbihan bilang Punong Counsel ng Pangulo ng Senado ng Pilipinas at sa Speaker ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa 1,926 siya nagpunta sa Estados Unidos bilang pinuno ng Philippine Educational Mission. Siya ay muli na itinalaga ng Kalihim ng Katarungan sa 1,928 at muling mahirang sa Hulyo 1, 1931. Sa 1,932, siya ay naging Associate Justice ng Korte Suprema. Siya ay naging nito Chief Justice noong 24 Disyembre 1941. Bilang bahagi ng pang-emergency pagbubuong muli ng pamahalaan ng Commonwealth, Abad Santos, sa kanyang kapasidad bilang Chief Justice, ay ibinigay sa mga pananagutan na dati pagdederekta sa pamamagitan ng Kalihim ng Katarungan (ang posisyon ng Kalihim ng Hustisya ay inalis sa panahon ng digmaan). Abad Santos sinamahan sa Commonwealth ng pamahalaan sa Corregidor, kung saan sa Disyembre 30, 1941, siya ay ibibigay ang panunumpa ng tanggapan ng Pangulo sa Quezon at Bise-Presidente Osmeña para sa ikalawang termino nila gusto ay pinili na noong Nobyembre ng taon. Siya rin ang undertook, sa Manuel Roxas, ang pangangasiwa ng pagsira ng Commonwealth ng pamahalaan na pera upang maiwasan ang pagbagsak nito sa kamay kaaway.Kapag ang Pangulo Manuel L. Quezon sa kaliwa para sa Estados Unidos sa pamamagitan ng Australia, Chief Justice si Abad Santos ay bibigyan ng pagpipilian na umalis kasama niya. Subalit ang huli ginustong manatili sa Pilipinas at dalhin sa kanyang trabaho at manatili sa kanyang pamilya. Presidente Quezon na itinalaga sa kanya Acting President na may buong awtoridad na kumilos sa ngalan ng, at sa ngalan, ang Pangulo ng Pilipinas sa mga lugar na walang tao sa pamamagitan ng Japanese. Sa Abril 11, 1942, siya at ang kanyang mga anak na lalaki Jose, Jr ay nakuha sa pamamagitan ng Japanese habang naglalakbay sa pamamagitan ng sasakyan sa Carcar, Cebu. Siya ay kinilala ang kanyang sarili bilang punong hukom ng Korte Suprema ng Pilipinas. Abad Santos at ang kanyang mga anak na lalaki at pagkatapos ay dadalhin sa isang kampo ng konsentrasyon.Kapag tinanong na makipagtulungan sa mga Japanese pwersa sa Pilipinas, siya ay tumanggi na gawin ito. Kahit na siya ay walang kinalaman sa operasyon ng militar, sila imputed sa kanya ang pagkasira ng tulay at iba pang mga pampublikong gumagana sa Cebu.Ang Japanese Command Mataas na kinuha siya at ang kanyang mga anak na lalaki sa Parang, Cotabato (ngayon sa Shariff Kabunsuan) sa Abril 1942. Ang susunod na araw na sila ay dinala sa Malabang, Lanao, at pagkatapos ng tatlong araw pagkakulong sa kustabularyo kuwartel, Chief Justice Abad Santos ay tinatawag na sa Japanese punong-tanggapan. Bago siya ay pagbaril sa kamatayan, siya ay maaaring makipag-usap sa kanyang anak na lalaki Jose, Jr Ang kanyang huling mga salita ng pamamaalam sa kanyang anak na lalaki ay "Huwag sigaw, Pepito, ipakita sa mga tao na ito na kayo ay matapang. Ito ay isang karangalan upang mamatay para sa isa ng bansa. Hindi lahat ng tao ay may pagkakataon na. " Siya ay naisakatuparan 2:00 pm, sa Mayo 2, 1942. Ang petsa ay madalas na iniulat na May 7, subalit bilang dating Supreme Court Justice Ramon C. Aquino, Abad Santos 'mananalambuhay ilagay ito, "Sa una, ito ay pinag-isipan na ang Abad Santos ay pumatay sa 7 Mayo 1942. Ito ay ang petsa na ibinigay ng Pepito ang kanyang sarili sa panahon ng kanyang patotoo sa mga pagsubok ng mga generals Hayashi at Kawaguchi. Subalit batay sa Pukui's patotoo suportado ng notations sa kanyang talaarawan, ang petsa ng Abad Santos 'pagpapatupad ay tiyak ascertained na sa dalawa o'clock sa hapon ng Mayo 2, 1942. " (p. 215)
Talambuhay ni Karl Marx ni V. I. Lenin mula sa Tomo 21 ng Collected Works ni Lenin isinalin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr. Ipinanganak si Karl Marx noong Mayo 5, 1818 (ng bagong kalendaryo), sa lungsod ng Trier (sa Rhenish Prussia). Ang kanyang ama'y isang manananggol, isang Hudyo, na yumakap sa Protentantismo noong 1824. Maykaya ang pamilya, may kalinangan, ngunit hindi rebolusyonaryo. Nang makapagtapos siya ng pag-aaral sa isang Gymnasium sa Trier, pumasok sa pamantasan si Marx, una'y sa Bonn at sa kalaunan ay sa Berlin, kung saan nagbasa siya ng mga batas, at nagpakadalubhasa sa kasaysayan at pilosopiya. Tinapos niya ang kanyang kurso sa pamantasan noong 1841, nagsumite ng tesis doktoral hinggil sa pilosopiya ni Epicurus. Noong panahong yaon, si Marx ay isang ideyalistang Hegeliano sa kanyang mga pananaw. Sa Berlin, nabibilang siya sa pulutong ng mga "Makakaliwang Hegeliano" (sina Bruno Bauer at iba pa) na bumubunot ng kanilang ateistiko at rebolusyonaryong pagpapasiya mula sa pilosopiya ni Hegel. Nang makapagtapos ng pag-aaral, lumipat si Marx sa Bonn, at umaasang maging guro. Gayunman, ang reaksyonaryong polisiya ng gubyerno, na nag-alis kay Feuerbach sa pamumuno nito noong 1832, ay di siya pinayagang bumalik sa pamantasan noong 1836, at noong 1841, na pumigil sa bata pang guro na si Bruno Bauer sa pagtuturo sa Bonn, ang siyang pumigil kay Marx upang magpatuloy sa karerang pang-akademiko. Napakabilis umunlad ng pananaw ng makakaliwang Hegeliano sa Alemanya noong panahong yaon. Sinimulang tuligsain ni Feuerbach ang teyolohiya, lalo na noong 1836, at bumaling sa materyalismo, kung saan noong 1841 ay nagpaangat sa kanyang pilosopiya (Ang Diwa ng Kristyanidad). Lumabas noong 1843 ang kanyang Mga Panuntunan ng Pilosopiya sa Hinaharap. "Dapat maranasan ng isang tao sa kanyang sarili ang mapagpalayang bisa" ng mga aklat na ito, kasunod nito'y nagsulat si Engels hinggil sa mga akdang ito ni Feuerbach. "Kami [ang mga Makakaliwang Hegeliano, kasama si Marx] ay lahat agad naging Feuerbachiano." Noong panahong yaon, ilang radikal na burgis sa Rhineland, na may ugnayan sa mga Makakaliwang Hegeliano, ang nagtatag sa Cologne ng isang masalungat na pahayagan na tinatawag na Rheinische Zeitung (ang unang isyu nito'y lumitaw noong Enero 1, 1842). Inanyayahang maging pangunahing tagaambag sina Marx at Bruno Bauer, at noong Oktubre 1842, naging punong patnugot si Marx at lumipat sa Cologne mula sa Bonn. Ang kalakarang rebolusyonaryo-demokratiko ng pahayagan ay unti-unting lumilinaw sa ilalim ng pamamatnugot ni Marx, at ang gobyerno'y unang nag-atas ng doble at tripleng pagsensura sa pahayagan, at noong Enero 1, 1843 ay nagpasyang supilin ito. Dapat magbitiw sa pagkapatnugot si Marx bago ang petsang yaon, ngunit hindi nasagip ng kanyang pagbibitiw ang pahayagan, na tumigil sa paglalathala noong Marso 1843. Sa mga lalong mahahalagang artikulong inambag ni Marx sa Rheinische Zeitung, ayon sa tala ni Engels, bilang dagdag sa mga nakahimatong sa ibaba,isang artikulong nakapatungkol sa kalagayan ng mga magsasaka sa Moselle Valley. Ang kanyang gawaing pamahayagan ang kumumbinsi kay Marx na hindi pa siya ganap na bihasa sa pampulitikang ekonomya, at agad niyang itinalaga ang sarili sa pag-aaral nito. Noong 1843, pinakasalan ni Marx sa Kreuznach ang isang kababata na napagkasunduan niyang pakasalan habang sila'y mga estudyante pa lamang. Nagmula ang kanyang napangasawa sa isang pamilyang reaksyonaryo ng isang maharlikang Prusyano, ang nakatatandang kapatid na lalaki nito'y naging Ministrong Panloob ng Prusya noong pinakareaksyonaryong panahon - 1850-58. Noong taglagas ng 1843, nagtungo si Marx sa Paris upang maglathala ng radikal na pahayagan sa ibayong dagat, kasama si Arnold Ruge (1802-1880), isang makakaliwang Hegeliano, nakulong noong 1825-30, isang destiyerong pulitikal noong 1848, at isang Bismarkiano matapos ang 1866-70). Tanging isang isyu lamang ng pahayagang Deutsch-Französische Jahrbücher, ang lumitaw; di na nagpatuloy ang paglalathala nito dahil sa kahirapang ipamahagi ito ng lihim sa Alemanya, at sa hindi nila pagkakasundo ni Ruge. Ipinakita ng mga artikulo ni Marx sa pahayagang ito na siya'y ganap nang rebolusyonaryo na nagtataguyod ng "walang-awang pagpuna sa lahat ng bagay na umiiral", at sa partikular ay "pagpuna sa pamamagitan ng sandata", at nanawagan sa masa at sa proletaryado. Noong Setyembre 1844, tumungo si Frederick Engels ng ilang araw sa Paris, at mula noon ay naging matalik na kaibigan ni Marx. Kapwa sila naging aktibong bahagi sa noon ay kumukulong buhay ng mga rebolusyonaryong pangkat sa Paris (ang partikular na mahalaga noong panahong yaon ay ang kaisipan ni Proudhon, na pinunang isa-isa ni Marx sa kanyang Kasalatan ng Pilosopiya, 1847), nagtaguyod ng masiglang pakikibaka laban sa iba't ibang kaisipang petiburgis ng sosyalismo, nilikha nila ang teorya at taktika ng rebolusyonaryo proletaryadong sosyalismo, o komunismong Marxismo. (Tingnan ang mga ginawa ni Marx sa panahong ito, 1844-48 sa bibliograpya.) Sa mapilit na kahilingan ng gubyerno ng Prusya, pinalayas si Marx sa Paris noong 1845 bilang isang mapanganib na rebolusyonaryo. Nagtungo siya sa Brussels. Sa tagsibol ng 1847, sumapi sina Marx at Engels sa lihim na samahang propaganda na tinatawag na Liga Komunista; naging mahalagang bahagi sila sa Ikalawang Kongreso ng Liga (London, Nobyembre 1847), kung saan hiniling sa kanilang balangkasin ang Manipesto ng Komunista, na lumitaw noong Pebrero 1848. Nang may kaliwanagan at katalinuhan ng isang henyo, binalangkas ng akdang ito ang bagong pandaigdigang kaisipan, na naaalinsunod sa materyalismo, na yumapos din sa kalagayan ng panlipunang pamumuhay; diyalektika bilang pinakaganap at pinakamalalim na pananaw sa pag-unlad; ang teorya ng tunggalian ng uri at makasaysayang pandaigdigang rebolusyonaryong papel ng proletaryado - ang tagalikha ng bago, komunistang lipunan. Sa pagsiklab ng Rebolusyon ng Pebrero 1848, si Marx ay pinalayas sa Belgium. Nagbalik siya sa Paris, kung saan, matapos ang Rebolusyon ng Marso, nagtungo siya sa Cologne sa Alemanya kung saan nalathala ang Neue Rheinische Zeitung mula Hunyo 1, 1848 hanggang Mayo 19, 1849, na si Marx ang punong-patnugot. Ang bagong teorya ay maningning na pinatunayan sa paraan ng mga rebolusyonaryong kaganapan ng 1848-49, at sa kalauna'y pinatunayan ito ng lahat ng proletaryado at demokratikong kilusan ng lahat ng bansa sa mundo. Ang matagumpay na kontra-rebolusyon ang unang nagsulsol ng mga paglilitis sa hukuman laban kay Marx (siya'y pinawalang-sala noong Pebrero 9, 1849), at agad siyang pinalayas sa Alemanya (Mayo 16, 1849). Una'y nagtungo si Marx sa Paris, at muli'y pinalayas matapos ang rali noong Hunyo 13, 1849, at agad na nagtungo sa London, kung saan siya nanirahan hanggang sa kanyang kamatayan. Ang kanyang buhay bilang destiyerong pulitikal ay napakahirap, na malinaw na inilantad ng paglilihaman nina Marx at Engels (nalathala noong 1913). Matindi ang naranasang kahirapan ni Marx at ng kanyang pamilya; kundi sa palagian at walang pag-iimbot na tulong pinansyal ni Engels, hindi mabubuo ni Marx ang Das Kapital at madudurog siya ng karalitaan. Dagdag pa, ang nanaig na kaisipan at kalakarang petiburgis na sosyalismo, at ng di-proletaryadong sosyalismo sa pangkalahatan, ang nagtulak kay Marx upang itaguyod ang patuloy at walang-awang pakikibaka at minsan ay itaboy ang mga napakalupit at kakila-kilabot na atakeng personal (Herr Vogt). Napaunlad ni Marx, na nakatayong malayo sa pulutong ng mga destiyerong pulitikal, ang teoryang materyalista sa ilan niyang makasaysayang akda, na itinalaga ang kanyang sarili sa pag-aaral ng pampulitikang ekonomya. Binagong lubusan ni Marx ang agham sa kanyang akdang Ambag sa Pagsusuri sa Pampulitikang Ekonomya (1859) at Das Kapital (Tomo 1, 1867). Ang muling pagkabuhay ng mga demokratikong kilusan sa huling bahagi ng 1850s at sa 1860s ay pagbabalik ni Marx sa mga gawaing pulitikal. Noong 1864 (Setyembre 28) ang Pandaigdigang Samahan ng Manggagawa - ang bantog na Unang Internasyunal, ay itinatag sa London. Si Marx ang puso't diwa ng samahang ito, at may-akda ng mga resolusyon, deklarasyon at manipesto. Sa pagbubuklod ng kilusang paggawa sa samu't saring anyo ng di-proletaryado, bago-Marxistang sosyalismo (Mazzini, Proudhon, Bakunin, kalakalang unyong liberal sa Britanya, mga pag-urong-sulong ng Lassalean tungong kanan sa Alemanya, atbp.), at pagbaka sa mga teorya ng mga sekta at paaralang ito, ipinagsaksakan ni Marx ang isang di-nagbabagong taktika para sa proletaryadong pakikibaka ng uring manggagawa sa iba't ibang bansa. Kasunod ng pagbagsak ng Komyun ng Paris (1871) - na nagbigay ng malalim, malinaw, napakatalino, mabisa at rebolusyonaryong pagsusuri (Ang Digmaang Bayan sa Pransya, 1871) - at ang isinagawang paghahati ni Bakunin sa Internasyunal, ang huli ay samahang di na makairal pa sa Europa. Matapos ang Kongreso sa Hague ng Internasyunal (1872), tiniyak ni Marx na nagampanan ng Pangkalahatang Sanggunian ng Internasyunal ang makasaysayang tungkulin nito, at ngayon ay tumahak sa panahon ng mas maunlad na kilusang paggawa sa lahat ng bansa sa mundo, sa panahong lumawak ang saklaw ng kilusan, at natatag ang pangmasa, sosyalista, uring manggagawang partido sa bawat pambansang estado. Bumagsak ang kalusugan ni Marx dahil sa walang humpay na gawain sa Internasyunal at sa kanyang walang tigil na gawaing teoretikal. Nagpatuloy siyang gawin ang pag-aayos sa pampulitikal na ekonomya at sa pagtapos ng Das Kapital, kung saan nakapagkalap siya ng maraming bagong materyales at nag-aral din ng iba't ibang wika (halimbawa, wikag Ruso). Gayunman, pinigil siya ng karamdaman na matapos ang Das Kapital. Ang kanyang asawa'y namatay noong Disyembre 2, 1881, at noong Marso 14, 1883, namayapa si Marx habang nakaupo sa kanyang silyon. Inilibing siya katabi ng namayapang asawa sa Highgate Cemetery sa London. Sa mga anak ni Marx, ang ilan ay namatay ng bata pa sa London, noong namumuhay pa ang kanyang pamilya sa napakadukhang kalagayan. Ang tatlo niyang anak na babae ay napangasawa ng mga sosyalistang Ingles at Pranses: sina Eleanor Aveling, Laura Lafargue at Jenny Longuet. Ang anak na lalaki ng huli ay kasapi ng Sosyalistang Partido ng Pranses.
Si Karl Marx ay isang kilalang pilosopo, ekonomista, at sosyal theorist na kilala sa kanyang mga kontribusyon sa Marxismo. Isinulat niya ang "Das Kapital" at kasama ni Friedrich Engels, siya ang may-akda ng "The Communist Manifesto." Nakatuon ang kanyang mga pananaliksik sa kapitalismo, kahirapan, at pakikibaka ng manggagawa para sa karapatan.