Talambuhay ni Karl Marx
ni V. I. Lenin
mula sa Tomo 21 ng Collected Works ni Lenin
isinalin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.
Ipinanganak si Karl Marx noong Mayo 5, 1818 (ng bagong kalendaryo), sa lungsod ng Trier (sa Rhenish Prussia). Ang kanyang ama'y isang manananggol, isang Hudyo, na yumakap sa Protentantismo noong 1824. Maykaya ang pamilya, may kalinangan, ngunit hindi rebolusyonaryo. Nang makapagtapos siya ng pag-aaral sa isang Gymnasium sa Trier, pumasok sa pamantasan si Marx, una'y sa Bonn at sa kalaunan ay sa Berlin, kung saan nagbasa siya ng mga batas, at nagpakadalubhasa sa kasaysayan at pilosopiya. Tinapos niya ang kanyang kurso sa pamantasan noong 1841, nagsumite ng tesis doktoral hinggil sa pilosopiya ni Epicurus. Noong panahong yaon, si Marx ay isang ideyalistang Hegeliano sa kanyang mga pananaw. Sa Berlin, nabibilang siya sa pulutong ng mga "Makakaliwang Hegeliano" (sina Bruno Bauer at iba pa) na bumubunot ng kanilang ateistiko at rebolusyonaryong pagpapasiya mula sa pilosopiya ni Hegel.
Nang makapagtapos ng pag-aaral, lumipat si Marx sa Bonn, at umaasang maging guro. Gayunman, ang reaksyonaryong polisiya ng gubyerno, na nag-alis kay Feuerbach sa pamumuno nito noong 1832, ay di siya pinayagang bumalik sa pamantasan noong 1836, at noong 1841, na pumigil sa bata pang guro na si Bruno Bauer sa pagtuturo sa Bonn, ang siyang pumigil kay Marx upang magpatuloy sa karerang pang-akademiko. Napakabilis umunlad ng pananaw ng makakaliwang Hegeliano sa Alemanya noong panahong yaon. Sinimulang tuligsain ni Feuerbach ang teyolohiya, lalo na noong 1836, at bumaling sa materyalismo, kung saan noong 1841 ay nagpaangat sa kanyang pilosopiya (Ang Diwa ng Kristyanidad). Lumabas noong 1843 ang kanyang Mga Panuntunan ng Pilosopiya sa Hinaharap. "Dapat maranasan ng isang tao sa kanyang sarili ang mapagpalayang bisa" ng mga aklat na ito, kasunod nito'y nagsulat si Engels hinggil sa mga akdang ito ni Feuerbach. "Kami [ang mga Makakaliwang Hegeliano, kasama si Marx] ay lahat agad naging Feuerbachiano." Noong panahong yaon, ilang radikal na burgis sa Rhineland, na may ugnayan sa mga Makakaliwang Hegeliano, ang nagtatag sa Cologne ng isang masalungat na pahayagan na tinatawag na Rheinische Zeitung (ang unang isyu nito'y lumitaw noong Enero 1, 1842). Inanyayahang maging pangunahing tagaambag sina Marx at Bruno Bauer, at noong Oktubre 1842, naging punong patnugot si Marx at lumipat sa Cologne mula sa Bonn. Ang kalakarang rebolusyonaryo-demokratiko ng pahayagan ay unti-unting lumilinaw sa ilalim ng pamamatnugot ni Marx, at ang gobyerno'y unang nag-atas ng doble at tripleng pagsensura sa pahayagan, at noong Enero 1, 1843 ay nagpasyang supilin ito. Dapat magbitiw sa pagkapatnugot si Marx bago ang petsang yaon, ngunit hindi nasagip ng kanyang pagbibitiw ang pahayagan, na tumigil sa paglalathala noong Marso 1843. Sa mga lalong mahahalagang artikulong inambag ni Marx sa Rheinische Zeitung, ayon sa tala ni Engels, bilang dagdag sa mga nakahimatong sa ibaba,isang artikulong nakapatungkol sa kalagayan ng mga magsasaka sa Moselle Valley. Ang kanyang gawaing pamahayagan ang kumumbinsi kay Marx na hindi pa siya ganap na bihasa sa pampulitikang ekonomya, at agad niyang itinalaga ang sarili sa pag-aaral nito.
Noong 1843, pinakasalan ni Marx sa Kreuznach ang isang kababata na napagkasunduan niyang pakasalan habang sila'y mga estudyante pa lamang. Nagmula ang kanyang napangasawa sa isang pamilyang reaksyonaryo ng isang maharlikang Prusyano, ang nakatatandang kapatid na lalaki nito'y naging Ministrong Panloob ng Prusya noong pinakareaksyonaryong panahon - 1850-58. Noong taglagas ng 1843, nagtungo si Marx sa Paris upang maglathala ng radikal na pahayagan sa ibayong dagat, kasama si Arnold Ruge (1802-1880), isang makakaliwang Hegeliano, nakulong noong 1825-30, isang destiyerong pulitikal noong 1848, at isang Bismarkiano matapos ang 1866-70). Tanging isang isyu lamang ng pahayagang Deutsch-Französische Jahrbücher, ang lumitaw; di na nagpatuloy ang paglalathala nito dahil sa kahirapang ipamahagi ito ng lihim sa Alemanya, at sa hindi nila pagkakasundo ni Ruge. Ipinakita ng mga artikulo ni Marx sa pahayagang ito na siya'y ganap nang rebolusyonaryo na nagtataguyod ng "walang-awang pagpuna sa lahat ng bagay na umiiral", at sa partikular ay "pagpuna sa pamamagitan ng sandata", at nanawagan sa masa at sa proletaryado.
Noong Setyembre 1844, tumungo si Frederick Engels ng ilang araw sa Paris, at mula noon ay naging matalik na kaibigan ni Marx. Kapwa sila naging aktibong bahagi sa noon ay kumukulong buhay ng mga rebolusyonaryong pangkat sa Paris (ang partikular na mahalaga noong panahong yaon ay ang kaisipan ni Proudhon, na pinunang isa-isa ni Marx sa kanyang Kasalatan ng Pilosopiya, 1847), nagtaguyod ng masiglang pakikibaka laban sa iba't ibang kaisipang petiburgis ng sosyalismo, nilikha nila ang teorya at taktika ng rebolusyonaryo proletaryadong sosyalismo, o komunismong Marxismo. (Tingnan ang mga ginawa ni Marx sa panahong ito, 1844-48 sa bibliograpya.) Sa mapilit na kahilingan ng gubyerno ng Prusya, pinalayas si Marx sa Paris noong 1845 bilang isang mapanganib na rebolusyonaryo. Nagtungo siya sa Brussels. Sa tagsibol ng 1847, sumapi sina Marx at Engels sa lihim na samahang Propaganda na tinatawag na Liga Komunista; naging mahalagang bahagi sila sa Ikalawang Kongreso ng Liga (London, Nobyembre 1847), kung saan hiniling sa kanilang balangkasin ang Manipesto ng Komunista, na lumitaw noong Pebrero 1848. Nang may kaliwanagan at katalinuhan ng isang henyo, binalangkas ng akdang ito ang bagong pandaigdigang kaisipan, na naaalinsunod sa materyalismo, na yumapos din sa kalagayan ng panlipunang pamumuhay; diyalektika bilang pinakaganap at pinakamalalim na pananaw sa pag-unlad; ang teorya ng tunggalian ng uri at makasaysayang pandaigdigang rebolusyonaryong papel ng proletaryado - ang tagalikha ng bago, komunistang lipunan.
Sa pagsiklab ng Rebolusyon ng Pebrero 1848, si Marx ay pinalayas sa Belgium. Nagbalik siya sa Paris, kung saan, matapos ang Rebolusyon ng Marso, nagtungo siya sa Cologne sa Alemanya kung saan nalathala ang Neue Rheinische Zeitung mula Hunyo 1, 1848 hanggang Mayo 19, 1849, na si Marx ang punong-patnugot. Ang bagong teorya ay maningning na pinatunayan sa paraan ng mga rebolusyonaryong kaganapan ng 1848-49, at sa kalauna'y pinatunayan ito ng lahat ng proletaryado at demokratikong kilusan ng lahat ng bansa sa mundo. Ang matagumpay na kontra-rebolusyon ang unang nagsulsol ng mga paglilitis sa hukuman laban kay Marx (siya'y pinawalang-sala noong Pebrero 9, 1849), at agad siyang pinalayas sa Alemanya (Mayo 16, 1849). Una'y nagtungo si Marx sa Paris, at muli'y pinalayas matapos ang rali noong Hunyo 13, 1849, at agad na nagtungo sa London, kung saan siya nanirahan hanggang sa kanyang kamatayan.
Ang kanyang buhay bilang destiyerong pulitikal ay napakahirap, na malinaw na inilantad ng paglilihaman nina Marx at Engels (nalathala noong 1913). Matindi ang naranasang kahirapan ni Marx at ng kanyang pamilya; kundi sa palagian at walang pag-iimbot na tulong pinansyal ni Engels, hindi mabubuo ni Marx ang Das Kapital at madudurog siya ng karalitaan. Dagdag pa, ang nanaig na kaisipan at kalakarang petiburgis na sosyalismo, at ng di-proletaryadong sosyalismo sa pangkalahatan, ang nagtulak kay Marx upang itaguyod ang patuloy at walang-awang pakikibaka at minsan ay itaboy ang mga napakalupit at kakila-kilabot na atakeng personal (Herr Vogt). Napaunlad ni Marx, na nakatayong malayo sa pulutong ng mga destiyerong pulitikal, ang teoryang materyalista sa ilan niyang makasaysayang akda, na itinalaga ang kanyang sarili sa pag-aaral ng pampulitikang ekonomya. Binagong lubusan ni Marx ang agham sa kanyang akdang Ambag sa Pagsusuri sa Pampulitikang Ekonomya (1859) at Das Kapital (Tomo 1, 1867).
Ang muling pagkabuhay ng mga demokratikong kilusan sa huling bahagi ng 1850s at sa 1860s ay pagbabalik ni Marx sa mga gawaing pulitikal. Noong 1864 (Setyembre 28) ang Pandaigdigang Samahan ng Manggagawa - ang bantog na Unang Internasyunal, ay itinatag sa London. Si Marx ang puso't diwa ng samahang ito, at may-akda ng mga resolusyon, deklarasyon at manipesto. Sa pagbubuklod ng kilusang paggawa sa samu't saring anyo ng di-proletaryado, bago-Marxistang sosyalismo (Mazzini, Proudhon, Bakunin, kalakalang unyong liberal sa Britanya, mga pag-urong-sulong ng Lassalean tungong kanan sa Alemanya, atbp.), at pagbaka sa mga teorya ng mga sekta at paaralang ito, ipinagsaksakan ni Marx ang isang di-nagbabagong taktika para sa proletaryadong pakikibaka ng uring manggagawa sa iba't ibang bansa. Kasunod ng pagbagsak ng Komyun ng Paris (1871) - na nagbigay ng malalim, malinaw, napakatalino, mabisa at rebolusyonaryong pagsusuri (Ang Digmaang Bayan sa Pransya, 1871) - at ang isinagawang paghahati ni Bakunin sa Internasyunal, ang huli ay samahang di na makairal pa sa Europa. Matapos ang Kongreso sa Hague ng Internasyunal (1872), tiniyak ni Marx na nagampanan ng Pangkalahatang Sanggunian ng Internasyunal ang makasaysayang tungkulin nito, at ngayon ay tumahak sa panahon ng mas maunlad na kilusang paggawa sa lahat ng bansa sa mundo, sa panahong lumawak ang saklaw ng kilusan, at natatag ang pangmasa, sosyalista, uring manggagawang partido sa bawat pambansang estado.
Bumagsak ang kalusugan ni Marx dahil sa walang humpay na gawain sa Internasyunal at sa kanyang walang tigil na gawaing teoretikal. Nagpatuloy siyang gawin ang pag-aayos sa pampulitikal na ekonomya at sa pagtapos ng Das Kapital, kung saan nakapagkalap siya ng maraming bagong materyales at nag-aral din ng iba't ibang wika (halimbawa, wikag Ruso). Gayunman, pinigil siya ng karamdaman na matapos ang Das Kapital.
Ang kanyang asawa'y namatay noong Disyembre 2, 1881, at noong Marso 14, 1883, namayapa si Marx habang nakaupo sa kanyang silyon. Inilibing siya katabi ng namayapang asawa sa Highgate Cemetery sa London. Sa mga anak ni Marx, ang ilan ay namatay ng bata pa sa London, noong namumuhay pa ang kanyang pamilya sa napakadukhang kalagayan. Ang tatlo niyang anak na babae ay napangasawa ng mga sosyalistang Ingles at Pranses: sina Eleanor Aveling, Laura Lafargue at Jenny Longuet. Ang anak na lalaki ng huli ay kasapi ng Sosyalistang Partido ng Pranses.
ewan ko
anu ang mga nagwa ni sergio osmenia
mga dravidians at aryans.. jensen ang pangalan ko
pagpapaunlad ng ekonomiya ng pilipinas
anu ang mga inambag ni adam smith sa ekonomiks?
hi di ko alam
pag sasaka
ang mga sinaunang tao ay katulad ni khen saavedra
1 .sya ang nagbalik ng demokrasya sating bansa.2. sya din ang nagtatag ng peoples power revolution sa EDSA 3.soviet union lau
ano ang nagawa ni corazon aquino
nagsalsal ng kabayo
Ano ang nagawa ni mahatma gandhi ?