Ang di-tiyak ay unknow like nurse yan ay di tiyak di mo alam kng babae ba o lalaki.. janitor-DI-TIYAK doktor-DI-TIYAK at anu pa... -Hannah Mae m. lim- ^^ hope u understand god bless
Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod.Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog.Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.Talinghaga - Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahulugan ng tula.
Ang pabula (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral. Ang parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.