Ang pabula (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Ang parabula ay maikling salaysay na maaaring NASA anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.
Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.
Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
Ang parabula ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng mga kuwentong hango sa Banal na Kasulatan o Bibliya.Ang mga halimbawa nito ay "Ang Mabuting Samaritano" at "Ang Alibughang Anak".
Ang salitang parabula ay buhat sa salitang Griyego na parabole. Ito'y matandang salita na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin.
Ang parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng din ang kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kuwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay.
Ang mga detalye at mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan; ang binibigyan ng dim ay aral sa kuwento.
PAGKAKAIBA AT PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA
ang ubas at ang lobo
Ang mga elemento ng pabula ay tagpuan, tauhan at banghay :D
ano ang pagkakaiba ng pabula sa ibang panitikan
ano ang pagkakaiba ng uri pagbasa
ano ang pagkakaiba ng sawa sa ahas
ano ang pagkakaiba ng metric at English system?
Ano ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad
idontknow !
dahil
wala !
Mahalaga ang pag aaral ng pabula dahil maraming natututunang aral ang mga bata dito.At dahil mga hayop ang tauhan sa isang pabula,naaaliw ang mga bata at matatanda rito.