Ano ka? Ano siya? Ano ako? Ano tayo? Sabi nila'y Pilipino Ugat natin ay silangan Anak-dagat ang ninunong hatid dito ng barangay Galing doon sa malayo sa matandang kalupaan Dito sila ipinadpad ng magandang kapalaran 2 Naibigan itong pulo kaya'y dito nangagkuta Nanirahan, nangaglahi, nangabuhay nang sagana May ugaling katutubo, may gobyerno at bathala May samahan at ibigan, maayos at payapa May sariling wika Tayo raw ito Sa ante-panahon ng kolonyalismo 3 Walang abog Mula sa kanluran ang dayo'y sumapit Ako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay hinamig Siniil ang laya, kinamkam ang yaman Barangay ay binuwag Mga tala ay sinunog Abakada'y binawal Ipinasiyang mga mangmang Ang lahat ng katutubong kayumanggi ang kulay At naging alipin ang bayan kong irog Ma-iloko, ma-bisaya, ma-kapampangan, ma-tagalog Ito tayo Pilipino 4 At sa halip, at sa halip Pinalitang lahat-lahat Ang gobyerno, ang relihiyon, ang ugali, ang kultura Kinastila itong dila Itong puso'y kinastila 5 Edukasyon ay hulog ng langit Mga tao ay dumunong sa pagbasa at pagsulat Kastilalo'y ang panturo, kastilalo'y ang balangkas Kaya't ako'y nagkastila Sa kaluluwa at sa balat Pinagtilad-tilad - ikaw, ako't siya Sa adhika'y paghatiin - divide et impera At yumabong Ilukano'y ilukano Kapampanga'y kapampangan Bikulano'y bikulano Pangasina'y pangasinan Ang Cebuano'y Cebuano Iyang Waray laging waray Ang Ilongo ay ilongo Mga Muslim laging muslim Ang Tagalog ay tagalong Kanya-kanya tayu-tayo Masawi na ang sampangkat, malipol man ang santribu Huwag lamang tayo Huwag lamang ako Pagkat tayo'y ito Mga Pilipino 6 Ang naamis ay nagbangon, lumaban, naghimagsik Kamatayan ay sinuong, sinagupa ang panganib Bumagsak ang mapaniil na nag-iwan ng bakas Kolonyal na edukasyon, ekonomiya at sosyedad 7 Kaya't laya'y itinindig sa kislap ng mga tabak At sa Kawit nagwagayway ang maningning na sagisag Dapwa't sasansaglit Pagsasarili ay inagaw ng malakas Dinagit ang dambuhalang diumano'y bagong mesiyas Diumano'y naparito upang noon ay iligtas Ang barbarong walang dunong, walang alam sa paghawak Ng gobyerno at ng laying para lamang sa di uslak 8 Di ngayon nga Awtoridad ay naiba Napalitan ang balangkas, nangagbago ang sistema Ngunit 'yon din: ang dayuha'y panginoon Pilipino ang busabos, nakayuko, tagasunod Walang tutol 9 Edukasyon popular: kinano ang sistema Umunlad, di nga kasi: Pilipino ay dumunong Naging kano sa ugali, naging kano sa damdamin Naging kano sa kaisipan, naging kano sa pagsulong Sadyang gayon ang katwiran Masterin mo iyang wika't Ang Kultura niyang wika'y ikaw iyang mamasterin Ang nangyari: ang produkto Nitong ating edukasyon: prospektibong mandarayo, 10 Di gradwadong makabansa, hinding hindi Pilipino Divide at impera Ilukano'y ilukano Kapampanga'y kapampangan Bikulano'y bikulano Pangasina'y pangasinan Ang Cebuano'y Cebuano Iyang Waray laging waray Ang Ilongo ay ilongo Mga Muslim laging muslim Ang Tagalog ay tagalong Kundi rin lang itong akin Mabuti pang sa dayo Ito tayo Pilipino Isang lahing makaako, tayu-tayo 11 At nagdilim At kumulog at kumidlat at lumindol At ang ulan ay bumuhos at bumaha at umunos Ang sanlahi'y nagliliyab nalulunod Nagliliyab nalulunod 12 Ay, salamat sa karimlan Ay, salamat sa magdamag At sumikat ang liwayway ng maningning na liwanag Isang phoenix ang nabangon sa abo ng lumipas Nagmistulang manunubos ng naamis nating palad Kaguluhan ay inayos, mga giba ay binuo Nilipol ang kasamaan, kayarian ay binago Tenancy, ekonomiya, sosyeda, gobyerno Edukasyo'y nakaangkop sa lahat ng kailangan Nang sa gayo'y bumalikwas ang duhagi nating bagay 13 Pinabubulas ngayong muli ang kulturang katutubo Bilang tanda ng luwalhati ng kahapong sinisiphayo Isang bansang hindi dayo Isang lahi't bansang Pilipinong-pilipino Kailangan natin ngayon ay uri ng paturuang magbubuklod Sa biyaya ng magandang katubusan Sambandila't isang awit, isang wikang hindi hiram Dapat itong maging bunga nitong bagong kaayusan 14 At pag ito'y natupad na At pag ito'y naganap na Masasabing taas noo Ikaw, siya saka ako'y Mga bagong Pilipino
Republika ng PilipinasLalawigan ng QuezonBayan ng LucbanSamahangPangkasaysayangLucbanKASAYSAYAN NI APOLINARIO DE LA CRUZ" HERMANO PULI"HULYO 23 1814- NOBEYEMBRE 4,1841Si Apolinario De La Cruz ' Hermano puli" ay isinilang sa Sitio Pandak Lukban Tayabas( Quezon sa Kasalukuyan) noon Taong Hulyo 23, 1814 ng mag-asawang Pablo De La Cruz at Juana AndresNoong.Taong 1824 ng ipasok siya ng kanyang mga Magulang para maging Sacristan Minor(BatangScristan) Sa Parokya ng Bayan ng Lukban, kung saan natutuhan niyang magdasal at bumasa ng Latin sa pamamagitan ng Kura Parokong si Padre Manuel Sancho,Sa edad na labinglimang taon gulang ay sinusugo siya sa mga Kanayunan na sakop ng Bayan ng Lukban upang mamuno ng Dasal.Inirekomenda ni Padre Manuel Sancho si Puli sa Seminaryo ng Bayan ng Tayabas upang maging magaral ng pagpapari(tayabas Quezon ngayon) Subali"t hindi siya natanggap dahil sa pagiging Indiyo ( katutubong Pilipino at walang dugong Kastila) Nagpatuloy siya sa paglilingkuran bilang Sacristan sa Simbahan ng Bayan ng Lukban na nagmimisyon sa malalayong nayon ng bayan kung saan nakilala niya at nakasama si Padre Ciriaco De Los Santos isang katutubong pare na walang nakatalagang sariling Paroko.Ang Kalagayan ng mga mamamayan noong 1830 sa bayan ng Lukban at karatig Bayan pagdating sa pagsisimba ay lubhang napakahirap dahil sa malalayong lakarin at kakulangan ng tulay na madaraanan lalo pa a panahon ng tagulan kung saan tumatawid sila sa malalaking ilog na mahirap madaanan kapag lumalaki ang agos ng tubig.Sa Lugar na kinalakihan ni Apolinario De La Cruz sa Bayan ng Lukban sa Sitio Pandac na halos nasa pagitan ng Lukban at Majayjay Laguna na kanyang sinilangan .Doon ay nagkaroon ng kahilingan ang mga Mamamayan naninirahan sa labing-isang Barangay na sila ay maging "hiwalay na Bayan"tinagurian Terreno De Nasunog (Naging Bayan ng Lusiana Laguna 1849) sangayon na rin sa itinakda na ika 83 na Ordinansa ng mabuting Pamahalaan ayon sa kautusang ni Gobernador Heneral Pascual Enrile y Alcedo , na kung ang isang lugar ay mayroon limangdaang (500) Tributos (magbubuwis) at makakayang magtayo ng sariling Simbahan,Munisipyo at iba pang kailangan upang maging pamayanan ito ay idedeklarang Bayan o Visitasyon.Si Apolinario De La Cruz bilang Sacristan ay nasaksihan ang usapin at tumulong sa layunin ng mga mamayan dito ayong na rin sa tala ng Kasaysayan ng Mahayhay na sinulat ni Juan Palazon. Nasaksihan ni Puli ang karaingan ng mga mamayan na lubhang mahirap ang pagsisimba sa Inang Simbahan ng Lukban at Majayjay gayundin halos hindi na para mabendisyunan ng Kura ang mga maysakit o namamatay . kapag hindi k naman masisimba tuwing araw ng pangilin silay dumaranas ng palo o latigo sa mga paring Kastila.Noon panahon ni Apolinario De La Cruz ay marami na rin Samahan sa loob ng simbahan tulad ng sa kasalukuyan.Ang Cofradia de San Francisco na malaki ang naitutulong sa paghahanap ng pondo para sa Visitasyon na kinaaaniban ni Hermano Puli. Ayon sa mananalaysay na si Gregorio F Zaide.Dahil sa masidhing layunin makatulong sa mga mamayan at nauunawan niya ang karaingan ng mga ito naisipan niyan magtungo sa Maynila upang magkaroon pa ng kaalaman sa Theology, at Moral Philosophy.dahil ayon sa panulat ni Sturevent mula bata pa ay kinakitaan na si Puli ng katalinuhan at malalim na paniniwalang Kristiyano,gayundin Hinikayat siya ng mga taong Simbahan sa Bayan ng Lukban na ipagpatuloy ang kanyang pagpapari sa Maynila Pumasok siya sa San Juan De Dios Hospital bilang "graciado" Gagawa at magaaral ng walang bayad,itinalaga siya sa gawaing tagatulong sa pagaalaga at pagbibigay ng gamot sa mga maysakit.Gawain ng isang tunay na "Apricante" o Nurse naging masunurin siya at patuloy ang pagsimba kaya napaanib siya sa Samahan sa loob ng Ospital na kung tawagin ay Cofradia De San Jose"Dahil sa likas niyang paguugali,at tunay na maibigin sa pagbabago,kapag umuuwi siya sa Bayan ng Lukban ay tumutulong siya sa gawain Simbahan at Patuloy na sumama sa misyon sa malalayong Baryo.Noong Taon 1832 ng Umuwi siya sa Lukban sa gulang na 24 itinatag niya ang Samahang" Cofradia De San Jose la Virgen Del Rosario" Si Apolinario De La Cruz ay itinalaga at Tinaguriang "Hermano Puli" Ang pangunahing layunin nito ay mapaunlad ang mabuting pakikipagkapuwa,Katarungan Panlipunan matibay na pagbibigkis ng magkakaanib,para sa Reheliyon at pananampalataya sa Diyos at si Octavio De San George ang itinalagang Hermano Mayor at Padre Ciriaco De Los Santos ang itinalagang Ingat Yaman. Muling nagpatuloy si Hermano Puli ng kanyang gawain sa Maynila at sa pamamagitan ng sulat ugnayan niya sa mga Namumuno nagpatuloy ang kanilang kumunikasyon . Idinaraos tuwing ika- 19 ng buwan ang kanilang pagpupulong, Nagkaroon sila ng Pamunuan o Kabiselyahan na siyang namamahala sa Paglikom ng pondo 1 real na kusang loob na ipinakakaloob ng mga kasapi ng Cofradia De San Jose upang ibigay sa kanilang ingat Yaman na ginugugul sa kagastusan ng Smahan .Ang Orihinal na nagtatag nito ay 19 na katao na tinatawag na " Pondadores" Lumaganap ang Cofradia De San Jose at nagkaroon ng 500 miyembro sa Lukban 240 sa Tayabas 120 sa pagbilao 20 sa Tiaong at 40 sa Batangas nagkaroon din sila ng Miyembro 130 sa Majayjay at patuloy na lumaganap ang Samahan na umabot sa Liliw,San Pablo, Magdalena, Sta Rosa Binan at kanugnug pang Bayan hanggan sa umabot ng mahigit 4,500 kasapi. Habang dumaraan ang mga araw dumarami ng dumarami ng Miyembro ng Cofradia kaya't kinainggitan ng marami at kinagalitan ng mga Kura Paroko sina P. Manuel Sancho ng Lukban Vicareo Antonio Mateos ng Tayabas at at Padre Antonio Roman ng Mahayhay pinasubaybayan ng mga ito ang kilos ng mga kasapi ng Cofradia sa mga Cabeza at Cuadrillenos ng kani-kanilang Bayan at kahit saan magpunta ay ginagambala at pinatitigil ang pagmimisa ni Padre. Ceriaco De Los Santos anupa"t tunay na pangiinis ang ginagawa ng mga tauhan ng Simbahan tulad ng pangyayari binanggit ni Hermano Pule ang pangyayari sa Kapilya ng isang Visitasyon noon 1837 at 1838 sa Terreno De Nasunog De Majayjay na tuluyan sinamsam ang mga Hiyas poonat.Kopa na ginagamit sa kanilang pagmimisa gayundin na ang kampana kung kayang walang magamit ang Cofradia.Simula 1840 ninais ilihim ang pagpupulong,ng mga miyembro ng Cofradia De San Jose dahil sa kahirapan ng lugar na pagdarausan ng Misa gayundin tuluyan sinamsam ang kanilang mga kagamitan . Noong Oktobre 19 ,1841 Nilusob ng Awtoridadsa Bayan ng Lukban sa atas ni Padre Manuel Sancho sa Gobernadorcillo si Cristobal Rilles ang isang pagpupulong ng Cofradia sa Bahay ni Francisco De Los Santos (Aka Isko Paminta) dating Cabeza De Barangay .Nahuli ang 243 karamihan ay kababaihan na ang pinakamalaking bilang ay nagbuhat sa Bayan ng Tayabas na at nasamsam ang kaban ng grupo kasama ang sulat at larawan ni Puli.Ibinigay kay Don Joaquin Ortega Alcalde Mayor (Gobernador)ng Lalawigan ng Tayabas ang kanilang kaso subali't sinabi niya ang mga dinakip ay wala sa kanyang kapangyarihan bagkus ito ay nasa ilalim ng "Jusgado Eclesiastico De La Provincia" kaya ayaw niyang makialam dito sa halip inerekomenda ng Alkalde na palayain ang mga dinakip na Miyembro ng Cofradia pero bago sila pinalayang lahat dalawang namumunong Miyembro nito ang hinagupit muna ng Latigo ng 31 beses at isang babae naman ang pinalo dahil sa pagsuway sa kapangyarihan ng Simbahan.Inereklamo ng "Cofradia" ang naganap na panghuhuli sa mga kasapi nito sa bayan ng Lukban sa isang sulat ni " Hermano Puli" sa Gobernadorcillo ng Tayabas na si Lucas De Torres subali"t walang nangyari bunga nito naghigpit ang mga pinonu ng Bayan ng Lukban sa pagtitipun tipun ng Miyembro ng " Cofradia" upang maiwasan ang kaguluhan kapag nalaman ito ng mga Kastila. Lumipat ang samahan ng pagpupulong sa Mahayhay Laguna ayon na rin sa mga sulat ni "Apolinario De La cruz" sa kanyang pinagkakatiwalang si Octavio De San Jorge inilapit nila ang Problema sa Obispo ng Nueva Caceres(Naga ngayon) upang maging legal ang ipinaglalaban ng Samahan na magkaroon ng kalayaan sa pananalampalataya gayundin kalagayan nila sa pagsisimba .Buwan ng Hunyo 1841 nagpadala si "Hermano Puli "ng Aplikasyon sa Audensiya sa Maynila sa tulong ni Don Domingo Roxas.(Mestisong Pilipino/Mexicano)isang mayamang Negosyante sa Maynila na kilala sa pakikipaglaban sa karapatan ng maliliit na mamayan, Siya ang nagmamay-ari ng Hacienda De Caluan dating kalapit ng San Pablo Laguna at Hacienda sa Calatagan Batangas lolo ni Don Pedro P Roxas sa huli ay nagtatag ng San Miguel Brewery 1895(Ninunu ng mga angkan ng kasalukuyan Zobel.ayala at Soriano sa Maynila)Abogadong sina Toribio Pantoja,Vidal Marisfosque,Florentino Felipe,at Antonio De Ayala manugang ni Don Domingo Roxas at pamangkin ni Obispo Jose Seguie na siyan nilalapitan ni Puli sa Nuenva Caceres ( Naga)Ipinasa ang usapin kay Gobernador Heneral Marcelino Oraa subali"t hindi nagustuhan ni Hen. Oraa ang ang isang patakaran ng Cofradia De San Jose na hindi tumatanggap ng mga Kastila O Mestisong Kastila,kaya't ipinaaresto si Hermano pule noon Hulyo 8 ,1841. Napilitang magtago kasabay nito ang pagbabawal ng Cofradia De San Jose sa Majayjay Tayabas at Lukban.nagpatuloy ang pagapila ng mga pinonu ng Cofradia De San Jose hanggang sa kalagitnaan ng Hulyo.Noon ika- 19 ng Seteyembre ang natatakdang pagpupulong ng Samahan s autos ni Hen Oraa Dinakip ang lahat ng mga Pinonu ng Cofradia . at ipinasa muli kay Alcalde Ortega ang pagpapatupad ng atas na pagdakip subali't dahil ang asawa ng Alcalde(Gobernador) ng Tayabas ay kasapi din ng Cofradia hindi naging Epektibo ang pagdakip pikawalan ang ilang pinonu nito at nakipagtagpo kay Hermano Puli sa Pueblo ng Bay sa LagunaDahil sa pangyayaring pagtugis sa mga kasamahan nila naramdaman ni 'Hermano Puli na wala na silang pagpipilian Naglakbay siya sa Bayan ng San Pablo,Tiaong at Sariaya hanggang makarating sa Isabang noong Oktobre 21 1841 mabilis na kumalat ang Balita hinggil sa pagdating ni" Hermano Puli" kaya nagsidagsaan ang ang mga tao sa nasabing Nayon umabo"t sa 2,500 armado kasama ang isang grupo ng mga Ita.na nakipagtulungan sa kanila karamihan ay mga kababaihan. Sobra ang sa gali't na nararamdaman ng ng mag miyembro ng "Cofradia" dahil paniiilna dinaranas ,hindi maibigay ang hinihiling ng kalayaan para sa pananampalataya dagdag pa dito ang planong makapagtatag ng bagong Visitasyon sa lugar ng Tayabas at ang pagsamsam ng kanilang Pondo.Dahil dito tinangka nilang lusubin ang Kapitolyo ng Tayabas subali't Napigilan sila ng Asawa ng Alcalde(Gobernador) Ortega na Miyembro ng"Cofradia" . Noong Oktobre 23 1841 nagtungo sila sa Bayan ng Lukban at nagsagawa ng ng pagaalay ng Nobena para sa poon San Jose sa Simbahan ng Lukban.Dahil sa alarma at pangamba,Si Alkalde ( Gobernador) Ortega ay bumuo ng 300 kawal mga pinonu ng Barangay kasama ang kanilang mga tagasunod na magaalok ng Amnestiya kung sila ay susuko.Subali't dahil sa simboyo ng kanilang damdamin isang grupong pinamumunuan ng kasapi ng Cofradia De San Jose na may alyas na" Purgatorio" na nakahimpil sa Isabang Tayabas ay sinagupa ang mga kawal ng Cuadrilleros (makalumang pulisya) na nagtungo sa kanilang lugar.Tumulong sa Cofradia ang isang grupo ng Ita pinaulanan nila ang Pana at nagkaroon ng madugong sagupaan at ilan lamang ang nakatakas sa tauhan ni Alcalde Ortega na nahuli ng buhay at pinatay din ng araw na iyon ang kanyang Bangkay ay ibinigay sa mga mandirigmang Ita.Buhat sa Lukban ipinalipat ni Hermano Puli ang tipunan o Kampo ng "Cofradia"sa Alitao pinapagitnaan ng dalawang ilog ang iyam at ang Ipilan malapit sa Bundok Banahaw at San Cristobal.Sa munting pamayanan ito ay nagtayo ang Cofradia ng Munting simbahan.tinawag nilang munting "Camarin" at doon inubos ni Hermano puli ang kanyang oras sa pananalangin.Nakarating sa Maynila ang balitang pagpaslang kay Alcalde Ortega kaya bumuo sila ng mahigit isang libong mga kawal,Cuadrillenos kasama ang 60 kabayuhan Reguardos (guwardiya) pinamumunuan ni Col. Joaquin Huet muli noong ika 26 ng Oktobre binigyan ng pagkakataon ang Miyembro ng Cofradia De San Jose na Sumuko,subali"t hindi kasama si Hermano puli at ang kabesilyahan sa bibigyan ng Amnestiya.Binasa ni Apolinario De La Cruz ang patalastas na nakasulat sa Tagalog sa kalahatan pagkatapos ay pinunit at sinunug ito na tanda ng tuluyang pakikibaka ,Ang Alitao ay ipinagtanggol ng Humigit kumulang 3,000 armado ng Baril, rabucos(Catapults),Escopetas (Fireclocks) tatlong kanyong nasamsam sa grupo no Alcalde Ortega.Ipinangako ni " Purgatorio "aka Apolonio De La Cruz na magwawagi sila sa DigmaanSumalakay ang Puwersa ng Pamahalaan kinagabihan ng Oktobre 31 Madaling araw ng Nobiyembre 1 Armado ng kanilang Sandata pananampalataya at paniniwala at dala ng pagod at hirap na dinaranas sa araw araw na paguusig at kawalang katarungan buong tapang na lumaban ang mga Miyembro ng Cofradia, ngunit isa isa silang napabilang sa mga hanay ng mga patay at sugatan.Si Hermano Pule kasamang nakihamok dala Espadang naagaw ng kanyang mga kasama sa nasawing Alkalde Ortega sa Labanan sa Isabang ay napilitan umurong sa kagubatan sapagkat wala silang nagawa sa lakas ng kagamitan ng kalaban lalo pa ang mga bala ng kanyong pinaputok sa lugar nila mahigit sa limamangdaan ang nasawi sa Hanay ng Miyembro ng Cofradia kabilang na ang 300 kababaihan at bata , ang natira ay nagsitakas sa Bundok Banahaw.Paglipas ng gabi ng Nobeyembre 1, 1841, Hermano Puli ay sa kagubatan ng Bundok Banahaw dumaan nakarating siya sa Sariaya kung saan inabutan sila ng mga sundalong kastila muling lumaban ang kanyang kasamahan subali"t muli sila ay nagapi at nahuli ng buhay si Hermano Puli.Ayon sa tala ng kasaysayan ng Bayan ng Lukban si "Hermano puli" ay kusang loob na Sumuko nagiisa sa maykapangyarihan at isinuko siya ng dating kasamahan na nasiraan ng loob dahil sa pagkatalo ng Cofradia.nagsisilbing katanungan sa bayan ng Lukban ang personal na pagsuko ni Puli subali"t ayon sa tala nagpapatuloy ang paghabol at pagpatay ng mga kastila sa mga tumatakas na Miyembro ng Cofradia hanggat hindi nahuhuli si" Puli" kung kaya para maiwasan pa ang pagdanak ng dugo kusang loob na sumuko si Apolinario De La Cruz 'Hermano Puli"at noong Nobeyembre 3, 1841 sa gulang na 27 si Hermano Puli ay hinatulan ng Kamatayan sa bayan ng Tayabas at ng madaling araw ng Nobeyembre 4, 1841 matapos mangumpisal sa isang paring Kastila,Binaril si Hermano Puli kasama ang 3 pang kasamahan sa kabesilyahan .Pinagputol putol ang kanyang katawan Ibinalik sa bayan ng Lukban at isinabit sa apat na sulok ng pintuan bayan ang bahagi nito at ang kanyang ulo inilagay sa Hawla at inilagay sa tapat ng Bahay niya sa Sitio Pandak. Dito natatapos ang nagwakas ang buhay ni Hermano Puli .Matapos litisin at patayin si Hermano Puli ang kanyang mga kaanak at tumakas at nagtungo sa iba't ibang Bayan at karatig lalawigan gayundin isa-isang dinakip ang mga nalalabing pinonu ng Cofradia De San Jose at ang mayayamang tao tumulong ka Puli sa Maynila, sina Vidal Marisfoque, Ang abogadong Toribio Pantoja.Don Do domingo Roxas at ang kanyang dalawang anak. Manugang niya at asosyo sa Negosyong si Antonio De Ayala Atpb. Ipiniit silang lahat sa Kulungan ng Fort Santiago sa Intramuros Maynila idineklarang mga "Felibustero " o Subersibo Nagapila sa Hari ng Espanya ang anak ni Don Domingo Roxas sa Madrid subali"t bago pa ito napatawad ay inabot na siya ng kamatayan sa piitan. Noong 1843 . Buwan naman ng Enero 20, 1843 isang pangyayari ang gumimbal sa Maynila , isang grupo ng mga kawal ng hukbong kastila na pawang katutubo Pilipino sa ilalim ng" Tayabas Regiment "na pawang kaanak ng mga nasawi sa Labanan sa Alitao ang nagtangkang kubkubin ang Kampo Militar ng Kastila sa Intamuros ito ay pinamumunuang ni "Sarhento Samaniego" naganap ang madugong sagupaan ng araw na iyon kung saan ayon sa saksing si "Consul Fabre" ng Bansang Francia ang halos ikatalo ng kawal ng pamahalaan ng kastila sa mga nagrebeldeng mga sundalo na katutubong Pilipino ng Tayabas Regiment ito't dahil naiiis nilang ihingi ng katarungan ang kanilang mga kanak na nasaw sa Alitao at dala ng kanilang damdamin habang sila ay nakikipaghamok kanilang isinisigaw ay "Mabuhay ang Kalayaan ng Pilipinas" bago sumapit ang hapon isa-isa nalupig ang mga nagrebeldeng miyembro ng Tayabas Regiment sa katapusan ay nadakip ang kanilang pinonung si Sarhento Samaniego kasama ang walongpung kasamahan na binaril at piñatay noon araw din iyon at sama-samang inilibing sa isang hukay na wala kahit anong palatandaan.Sinaliksik ni Leonardo g. villa