The English term for "Kura paroko" is "parish school."
Ang kura paroko ay ang pinaka-mataas ng par sa 'sang simbahan. Namumuno ito sa simbahan. Sa english, mon senyor.
"Ng kura-paroko" is a Maori term that translates to "parish priest" in English. It refers to the priest who oversees a particular parish within the Catholic Church.
ewan quh bah.. tanung muh x lola muh... 3A1C7296-A8B2-1A9C-A4C7-4F78FCB7BF25 1.03.01
Si Padre Salvi ang tumugis kay Crisostomo Ibarra. Siya ay isang prayleng nag-ambisyon na maupo bilang kura-paroko sa San Diego, at gumawa ng mga hakbang upang madiskredit ang karakter ni Ibarra dahil sa kanyang personal na galit at ambisyon.
PILIPINAS SA PANAHON NG KASTILAEDUKASYON•Dekretong Pang-edukasyon 1863 - layunin nitong mapalaganap ang edukasyon sa ibangbahagi ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga paaralan doon.•Ang mga tinuturo ay Kristyanismo, Wastong Pag-uugali, Moralidad, Heograpiya, WikangEspanyol, Kasaysayan ng Espanya, Matematika.•Masasabing ang edukasyon para sa mga Pilipino ang isa sa mga dahilan ng paglinang atpagsibol ng damdaming nasyonalistiko na nagging sanhi ng nga pagkilos at pagtutol labansa mga patakarang kolonyal ng Espanya.•Ang mga paaralang naitayo ay ang Colegio de Sta. Rosa, Colegio de Sta. Isabel, Colegio deSan jose, Colegio de Manila, UP at UST.RELIHIYON•Unang layon ng mga kastila ay ang pagpalaganap ng Kristyanismo upang mas madalingmakuha at masakop ang Pilipinas.•Hindi nasakop ang Mindanao.•1565-dumating ang mga misyonerong Agustinian na nabibilang sa Orden ng San Agustin.•1577-pagdating ng mga Franciscan na nabibilang sa Orden ng Francisco•1581-dumating ang mga Heswita na kasali sa ordeng Society Of Jesus.•1587-dumating ang mga Dominicano na kasli sa orden ni Santo Domingo. Sila rin ang unangnagtatag ng unibersidad sa bansa, ang UST at San Juan de Letran.•1606-dumating ang mga Recoletos•Mas napadaling sakupin ang Pilipinas dahil sa Kristyanismo•Naimpluwensiyahan ng simbahan ang buhay at desisyon ng mga Pilipino.•Upang mapalaganap pa ang relihiyon, bumuo sila ng Diocese.•Hinati sa mga Diocese ang mga simbahan.•Obispo-namumuno sa isang Diocese.•Ang mga Diocese naman ay nahahati sa mga Parokya•Kura-paroko-namumuno sa isang Parokya•Ang prayle at kura-paroko ay may tungkulin na magulekta ng buwis•Binayaran ng Simbahan ang mga manggagawa na s'yang nagtayo ng mga simbahan nagawa sa bato, na kung minsan ay may gawang iskultura sa loob.•Naglilok sila ng mga istatwa ng mga santo at iba pang Kristiyanong larawan na gawa rin sakahoy o garing. TRADISYON•Doctrina Christiana- kauna-unahang aklat (1593)•Nakasentro ang panitikan sa pasyon, senakulo, moro-moro, korido, awit .
Kilalang-kilala ang pangunahing makatang Pilipino bilang si Francisco "Balagtas" Baltazar. Ang karaniwang paniniwala ng marami ay sagisag panulat ang "Balagtas". Ngunit ayon kay PadreBlas M. de Guernica, kura paroko ng bayang Bigaa (Balagtas), sa kanyang pahayag na may petsang Agosto 5, 1906, ang pangalan ng makata sa kanyang partida de bautismo ay Francisco Balagtas. Sinabi ng kura paroko na nakatala sa Indece Alfabetico del Libro de Bautismos de Bigaa na bininyagan ang makata noong Abril 30, 1788, sa pangalang "Francisco, anak na tunay ng mag-asawang sina Juan Balagtas at Juana de la Cruz, mga taong tunay ng bayang ito." Gayunman, ang kasulatan sa pag-aasawa at sa pagkakalibing ay tumutukoy kay "Francisco Baltazar na anak Nina Juan Baltazar at Juana de la Cruz. Sinabi ni Hermenegildo Cruz (na ayon kay Padre de Tavera ay isa sa dalawang awtentikong biograper ni Balagtas: ang isa pa ay si Epifanio de los Santos Cristobal) sa kanyang aklat na "Kung Sino ang Kumatha ng Florante" (Maynila: Libreria Manila Filatelico, 1906) na ang apelyidong Baltazar ay ginamit ng ating makata magmula nang siya'y manirahan sa Tondo ngunit Hindi ipinaliwanag kung saan nanggaling ang apelyidong ito at kung bakit nagbago ng pangalan ang makata nang tumira sa Tondo. Hindi naman masasabing ang ganitong pagbabago ay bilang pag-alinsunod s autos ng Gobernador-Heneral Claveria na gumamit ng apelyidong Kastila ang katutubong mga mamamayan, sapagkat ang utos ay ipinatupad noong 1849, samantalang ang kasulatan sa pag-aasawa ng makata ay may petsang 1842. maliwanag na Baltazar na ang kanyang ginamit bago ipinatupad ni Claveria ang utos. Ang totoo, bilang pag-alinsunod s autos na ito, pumili ang makata ng isa pang pangalan: Narvaez. Ayon kay Cruz, may mga nagpapatotoo na ang apelyidong Balagtas ay palayaw raw lamang sa kanya na nagbuhat sa kanyang pagkamagaling tumula. Kung gayon, bakit Balagtas din ang ginamit na apelyido ng kanyang mga pamangkin na anak ng kanyang kapatid na si Nicolasa na nakatira sa Burol, Bigaa, Bulacan at nakausap ni Cruz nang sulatin niya ang talambuhay ng makata? Gayunman, ang mga anak ng makata na nakatira sa Udyong, Bataan ay gumamit ng apelyidong Baltazar, Hindi Balagtas. Balagtas o Baltazar? Ano man ang tawag sa kanya, Hindi mababawasan ang kanyang kadakilaan.
Si Diego Silang ay ipinanganak noong Disyembre 16, 1730. Ang kanyang ama ay si Miguel Silang at kanyang ina ay si Nicolasa Delos Santos.Noong siya ay bata pa, nagtrabaho si Diego bilang katulong ni Padre Cortes y Crisolo, kura paroko ng Vigan. Duon siya naging mahusay magsalita ng wikang Kastila. Siya ay pinadala ni Padre Crisolo bilang mensahero. Dinadala niya ang mga sulat mula sa Vigan papuntang Maynila sa pamamagitan ng bangka. Sa isa sa kanyang paglalakbay, ang kanyang bangka ay inatake ng mga katutubong Zambal sa baybayin ng Zambales. Ang ilang sakay ay nalunod at pinatay ng mga katutubo. Si Diego naman ay nakaligtas ngunit naging bihag. Siya ay pinalaya sa pamamagitan ng ransom na pinadala ng mga misonaryong Rekoleksyonista.Pinakasalan niya ang biyudang si Josefa Gabriela na tubong Santa, Ilocos Sur. Sila ay 27 taong gulang nang ikasal.Nang nasa Maynila si Diego, at naghihintay sa Galleon, nakita nya na maraming mga atakeng barko ang mga Ingles sa Maynila de Bay. NoongSetyembre 24, 1762 inatake ng hukbong Ingles ang Maynila. Nasakop ang Maynila noong Oktubre 1762. Ang pagsakop ay kabilang sa Pitong Taong Digmaan.Napansin ni Diego na humihina ang hukbong Kastila at dito nya naisipang mamuno ng kilusang rebolusyonaryo sa Hilagang Luzon. Lumakas ang pwersa nito. Natatag siya ng sariling kampo sa isang mataas na bundok na kung saan matatanaw ang kabuuan ng lalawigan ng Vigan. Ito ay kilala ngayon bilang Bundok ng Silang.Si Diego Silang ay isang mahusay na pinuno at disiplinadong militar. Upang magkaroon ng pondong panustos, siya ay nanghingi ng tulong sa mga mayayaman at mahihirap na tao, depende na rin sa kakayahan ng mga ito.Habang abala ang mga Kastila sa pagkuha muli ng Maynila, iniutos ng pamahalaan na sumuko si Silang. Hindi sumuko si Silang at sinubukang pang makipagsanib pwersa sa mga Ingles. Sumulat siya ng liham sa pamahalaang Ingles sa pamumuno ni Lt. Gen. Dawson Drake. Dito niya kinilala ang pagsakop ng Maynila. Binigay niya ang kanyang pagsuporta kapalit ng pagkilala sa kanya bilang Sarjento Mayor at Alcalde Mayor ng Ilocos. Hiningi rin nya ang pagkilala sa pagtalaga ng mga opisyales sa Ilocos.Sa ilalim ng pamumuno ni Diego Silang, binigyan niya ng pagkakataong mamuno ang kapwa Pilipino. Lahat ng mga tinanggal na Kastilang opisyal ay pinalitan niya ng mga karapat-dapat na Ilokanong sibil at opisyal-militar na naaayon din naman sa kagustuhan ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang mga makatarungang batas ay ipinahayag sa iba't ibang bayan.Nagpatawag ang mga opisyales ng Espanya (Audencia) sa Maynila sa pamumuno ni Simon de Anda at nagalok ng pabuya kung sino man ang papatay kay Diego Silang. Noong Mayo 28, 1763, binisita ni Miguel Vicos at Pedro Becbec, mga kaibigan ni Diego, si Diego sa kanyang kuta sa Casa Real sa Vigan. Tinaksil nila si Diego nang binaril nila ito kapalit ng pabuya ng Audiencia.Sa hatang edad na 33, si Diego Silang ay binawian ng buhay. Dahil sa kanyang husay na pamumuno, siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela ang laban
Republika ng PilipinasLalawigan ng QuezonBayan ng LucbanSamahangPangkasaysayangLucbanKASAYSAYAN NI APOLINARIO DE LA CRUZ" HERMANO PULI"HULYO 23 1814- NOBEYEMBRE 4,1841Si Apolinario De La Cruz ' Hermano puli" ay isinilang sa Sitio Pandak Lukban Tayabas( Quezon sa Kasalukuyan) noon Taong Hulyo 23, 1814 ng mag-asawang Pablo De La Cruz at Juana AndresNoong.Taong 1824 ng ipasok siya ng kanyang mga Magulang para maging Sacristan Minor(BatangScristan) Sa Parokya ng Bayan ng Lukban, kung saan natutuhan niyang magdasal at bumasa ng Latin sa pamamagitan ng Kura Parokong si Padre Manuel Sancho,Sa edad na labinglimang taon gulang ay sinusugo siya sa mga Kanayunan na sakop ng Bayan ng Lukban upang mamuno ng Dasal.Inirekomenda ni Padre Manuel Sancho si Puli sa Seminaryo ng Bayan ng Tayabas upang maging magaral ng pagpapari(tayabas Quezon ngayon) Subali"t hindi siya natanggap dahil sa pagiging Indiyo ( katutubong Pilipino at walang dugong Kastila) Nagpatuloy siya sa paglilingkuran bilang Sacristan sa Simbahan ng Bayan ng Lukban na nagmimisyon sa malalayong nayon ng bayan kung saan nakilala niya at nakasama si Padre Ciriaco De Los Santos isang katutubong pare na walang nakatalagang sariling Paroko.Ang Kalagayan ng mga mamamayan noong 1830 sa bayan ng Lukban at karatig Bayan pagdating sa pagsisimba ay lubhang napakahirap dahil sa malalayong lakarin at kakulangan ng tulay na madaraanan lalo pa a panahon ng tagulan kung saan tumatawid sila sa malalaking ilog na mahirap madaanan kapag lumalaki ang agos ng tubig.Sa Lugar na kinalakihan ni Apolinario De La Cruz sa Bayan ng Lukban sa Sitio Pandac na halos nasa pagitan ng Lukban at Majayjay Laguna na kanyang sinilangan .Doon ay nagkaroon ng kahilingan ang mga Mamamayan naninirahan sa labing-isang Barangay na sila ay maging "hiwalay na Bayan"tinagurian Terreno De Nasunog (Naging Bayan ng Lusiana Laguna 1849) sangayon na rin sa itinakda na ika 83 na Ordinansa ng mabuting Pamahalaan ayon sa kautusang ni Gobernador Heneral Pascual Enrile y Alcedo , na kung ang isang lugar ay mayroon limangdaang (500) Tributos (magbubuwis) at makakayang magtayo ng sariling Simbahan,Munisipyo at iba pang kailangan upang maging pamayanan ito ay idedeklarang Bayan o Visitasyon.Si Apolinario De La Cruz bilang Sacristan ay nasaksihan ang usapin at tumulong sa layunin ng mga mamayan dito ayong na rin sa tala ng Kasaysayan ng Mahayhay na sinulat ni Juan Palazon. Nasaksihan ni Puli ang karaingan ng mga mamayan na lubhang mahirap ang pagsisimba sa Inang Simbahan ng Lukban at Majayjay gayundin halos hindi na para mabendisyunan ng Kura ang mga maysakit o namamatay . kapag hindi k naman masisimba tuwing araw ng pangilin silay dumaranas ng palo o latigo sa mga paring Kastila.Noon panahon ni Apolinario De La Cruz ay marami na rin Samahan sa loob ng simbahan tulad ng sa kasalukuyan.Ang Cofradia de San Francisco na malaki ang naitutulong sa paghahanap ng pondo para sa Visitasyon na kinaaaniban ni Hermano Puli. Ayon sa mananalaysay na si Gregorio F Zaide.Dahil sa masidhing layunin makatulong sa mga mamayan at nauunawan niya ang karaingan ng mga ito naisipan niyan magtungo sa Maynila upang magkaroon pa ng kaalaman sa Theology, at Moral Philosophy.dahil ayon sa panulat ni Sturevent mula bata pa ay kinakitaan na si Puli ng katalinuhan at malalim na paniniwalang Kristiyano,gayundin Hinikayat siya ng mga taong Simbahan sa Bayan ng Lukban na ipagpatuloy ang kanyang pagpapari sa Maynila Pumasok siya sa San Juan De Dios Hospital bilang "graciado" Gagawa at magaaral ng walang bayad,itinalaga siya sa gawaing tagatulong sa pagaalaga at pagbibigay ng gamot sa mga maysakit.Gawain ng isang tunay na "Apricante" o Nurse naging masunurin siya at patuloy ang pagsimba kaya napaanib siya sa Samahan sa loob ng Ospital na kung tawagin ay Cofradia De San Jose"Dahil sa likas niyang paguugali,at tunay na maibigin sa pagbabago,kapag umuuwi siya sa Bayan ng Lukban ay tumutulong siya sa gawain Simbahan at Patuloy na sumama sa misyon sa malalayong Baryo.Noong Taon 1832 ng Umuwi siya sa Lukban sa gulang na 24 itinatag niya ang Samahang" Cofradia De San Jose la Virgen Del Rosario" Si Apolinario De La Cruz ay itinalaga at Tinaguriang "Hermano Puli" Ang pangunahing layunin nito ay mapaunlad ang mabuting pakikipagkapuwa,Katarungan Panlipunan matibay na pagbibigkis ng magkakaanib,para sa Reheliyon at pananampalataya sa Diyos at si Octavio De San George ang itinalagang Hermano Mayor at Padre Ciriaco De Los Santos ang itinalagang Ingat Yaman. Muling nagpatuloy si Hermano Puli ng kanyang gawain sa Maynila at sa pamamagitan ng sulat ugnayan niya sa mga Namumuno nagpatuloy ang kanilang kumunikasyon . Idinaraos tuwing ika- 19 ng buwan ang kanilang pagpupulong, Nagkaroon sila ng Pamunuan o Kabiselyahan na siyang namamahala sa Paglikom ng pondo 1 real na kusang loob na ipinakakaloob ng mga kasapi ng Cofradia De San Jose upang ibigay sa kanilang ingat Yaman na ginugugul sa kagastusan ng Smahan .Ang Orihinal na nagtatag nito ay 19 na katao na tinatawag na " Pondadores" Lumaganap ang Cofradia De San Jose at nagkaroon ng 500 miyembro sa Lukban 240 sa Tayabas 120 sa pagbilao 20 sa Tiaong at 40 sa Batangas nagkaroon din sila ng Miyembro 130 sa Majayjay at patuloy na lumaganap ang Samahan na umabot sa Liliw,San Pablo, Magdalena, Sta Rosa Binan at kanugnug pang Bayan hanggan sa umabot ng mahigit 4,500 kasapi. Habang dumaraan ang mga araw dumarami ng dumarami ng Miyembro ng Cofradia kaya't kinainggitan ng marami at kinagalitan ng mga Kura Paroko sina P. Manuel Sancho ng Lukban Vicareo Antonio Mateos ng Tayabas at at Padre Antonio Roman ng Mahayhay pinasubaybayan ng mga ito ang kilos ng mga kasapi ng Cofradia sa mga Cabeza at Cuadrillenos ng kani-kanilang Bayan at kahit saan magpunta ay ginagambala at pinatitigil ang pagmimisa ni Padre. Ceriaco De Los Santos anupa"t tunay na pangiinis ang ginagawa ng mga tauhan ng Simbahan tulad ng pangyayari binanggit ni Hermano Pule ang pangyayari sa Kapilya ng isang Visitasyon noon 1837 at 1838 sa Terreno De Nasunog De Majayjay na tuluyan sinamsam ang mga Hiyas poonat.Kopa na ginagamit sa kanilang pagmimisa gayundin na ang kampana kung kayang walang magamit ang Cofradia.Simula 1840 ninais ilihim ang pagpupulong,ng mga miyembro ng Cofradia De San Jose dahil sa kahirapan ng lugar na pagdarausan ng Misa gayundin tuluyan sinamsam ang kanilang mga kagamitan . Noong Oktobre 19 ,1841 Nilusob ng Awtoridadsa Bayan ng Lukban sa atas ni Padre Manuel Sancho sa Gobernadorcillo si Cristobal Rilles ang isang pagpupulong ng Cofradia sa Bahay ni Francisco De Los Santos (Aka Isko Paminta) dating Cabeza De Barangay .Nahuli ang 243 karamihan ay kababaihan na ang pinakamalaking bilang ay nagbuhat sa Bayan ng Tayabas na at nasamsam ang kaban ng grupo kasama ang sulat at larawan ni Puli.Ibinigay kay Don Joaquin Ortega Alcalde Mayor (Gobernador)ng Lalawigan ng Tayabas ang kanilang kaso subali't sinabi niya ang mga dinakip ay wala sa kanyang kapangyarihan bagkus ito ay nasa ilalim ng "Jusgado Eclesiastico De La Provincia" kaya ayaw niyang makialam dito sa halip inerekomenda ng Alkalde na palayain ang mga dinakip na Miyembro ng Cofradia pero bago sila pinalayang lahat dalawang namumunong Miyembro nito ang hinagupit muna ng Latigo ng 31 beses at isang babae naman ang pinalo dahil sa pagsuway sa kapangyarihan ng Simbahan.Inereklamo ng "Cofradia" ang naganap na panghuhuli sa mga kasapi nito sa bayan ng Lukban sa isang sulat ni " Hermano Puli" sa Gobernadorcillo ng Tayabas na si Lucas De Torres subali"t walang nangyari bunga nito naghigpit ang mga pinonu ng Bayan ng Lukban sa pagtitipun tipun ng Miyembro ng " Cofradia" upang maiwasan ang kaguluhan kapag nalaman ito ng mga Kastila. Lumipat ang samahan ng pagpupulong sa Mahayhay Laguna ayon na rin sa mga sulat ni "Apolinario De La cruz" sa kanyang pinagkakatiwalang si Octavio De San Jorge inilapit nila ang Problema sa Obispo ng Nueva Caceres(Naga ngayon) upang maging legal ang ipinaglalaban ng Samahan na magkaroon ng kalayaan sa pananalampalataya gayundin kalagayan nila sa pagsisimba .Buwan ng Hunyo 1841 nagpadala si "Hermano Puli "ng Aplikasyon sa Audensiya sa Maynila sa tulong ni Don Domingo Roxas.(Mestisong Pilipino/Mexicano)isang mayamang Negosyante sa Maynila na kilala sa pakikipaglaban sa karapatan ng maliliit na mamayan, Siya ang nagmamay-ari ng Hacienda De Caluan dating kalapit ng San Pablo Laguna at Hacienda sa Calatagan Batangas lolo ni Don Pedro P Roxas sa huli ay nagtatag ng San Miguel Brewery 1895(Ninunu ng mga angkan ng kasalukuyan Zobel.ayala at Soriano sa Maynila)Abogadong sina Toribio Pantoja,Vidal Marisfosque,Florentino Felipe,at Antonio De Ayala manugang ni Don Domingo Roxas at pamangkin ni Obispo Jose Seguie na siyan nilalapitan ni Puli sa Nuenva Caceres ( Naga)Ipinasa ang usapin kay Gobernador Heneral Marcelino Oraa subali"t hindi nagustuhan ni Hen. Oraa ang ang isang patakaran ng Cofradia De San Jose na hindi tumatanggap ng mga Kastila O Mestisong Kastila,kaya't ipinaaresto si Hermano pule noon Hulyo 8 ,1841. Napilitang magtago kasabay nito ang pagbabawal ng Cofradia De San Jose sa Majayjay Tayabas at Lukban.nagpatuloy ang pagapila ng mga pinonu ng Cofradia De San Jose hanggang sa kalagitnaan ng Hulyo.Noon ika- 19 ng Seteyembre ang natatakdang pagpupulong ng Samahan s autos ni Hen Oraa Dinakip ang lahat ng mga Pinonu ng Cofradia . at ipinasa muli kay Alcalde Ortega ang pagpapatupad ng atas na pagdakip subali't dahil ang asawa ng Alcalde(Gobernador) ng Tayabas ay kasapi din ng Cofradia hindi naging Epektibo ang pagdakip pikawalan ang ilang pinonu nito at nakipagtagpo kay Hermano Puli sa Pueblo ng Bay sa LagunaDahil sa pangyayaring pagtugis sa mga kasamahan nila naramdaman ni 'Hermano Puli na wala na silang pagpipilian Naglakbay siya sa Bayan ng San Pablo,Tiaong at Sariaya hanggang makarating sa Isabang noong Oktobre 21 1841 mabilis na kumalat ang Balita hinggil sa pagdating ni" Hermano Puli" kaya nagsidagsaan ang ang mga tao sa nasabing Nayon umabo"t sa 2,500 armado kasama ang isang grupo ng mga Ita.na nakipagtulungan sa kanila karamihan ay mga kababaihan. Sobra ang sa gali't na nararamdaman ng ng mag miyembro ng "Cofradia" dahil paniiilna dinaranas ,hindi maibigay ang hinihiling ng kalayaan para sa pananampalataya dagdag pa dito ang planong makapagtatag ng bagong Visitasyon sa lugar ng Tayabas at ang pagsamsam ng kanilang Pondo.Dahil dito tinangka nilang lusubin ang Kapitolyo ng Tayabas subali't Napigilan sila ng Asawa ng Alcalde(Gobernador) Ortega na Miyembro ng"Cofradia" . Noong Oktobre 23 1841 nagtungo sila sa Bayan ng Lukban at nagsagawa ng ng pagaalay ng Nobena para sa poon San Jose sa Simbahan ng Lukban.Dahil sa alarma at pangamba,Si Alkalde ( Gobernador) Ortega ay bumuo ng 300 kawal mga pinonu ng Barangay kasama ang kanilang mga tagasunod na magaalok ng Amnestiya kung sila ay susuko.Subali't dahil sa simboyo ng kanilang damdamin isang grupong pinamumunuan ng kasapi ng Cofradia De San Jose na may alyas na" Purgatorio" na nakahimpil sa Isabang Tayabas ay sinagupa ang mga kawal ng Cuadrilleros (makalumang pulisya) na nagtungo sa kanilang lugar.Tumulong sa Cofradia ang isang grupo ng Ita pinaulanan nila ang Pana at nagkaroon ng madugong sagupaan at ilan lamang ang nakatakas sa tauhan ni Alcalde Ortega na nahuli ng buhay at pinatay din ng araw na iyon ang kanyang Bangkay ay ibinigay sa mga mandirigmang Ita.Buhat sa Lukban ipinalipat ni Hermano Puli ang tipunan o Kampo ng "Cofradia"sa Alitao pinapagitnaan ng dalawang ilog ang iyam at ang Ipilan malapit sa Bundok Banahaw at San Cristobal.Sa munting pamayanan ito ay nagtayo ang Cofradia ng Munting simbahan.tinawag nilang munting "Camarin" at doon inubos ni Hermano puli ang kanyang oras sa pananalangin.Nakarating sa Maynila ang balitang pagpaslang kay Alcalde Ortega kaya bumuo sila ng mahigit isang libong mga kawal,Cuadrillenos kasama ang 60 kabayuhan Reguardos (guwardiya) pinamumunuan ni Col. Joaquin Huet muli noong ika 26 ng Oktobre binigyan ng pagkakataon ang Miyembro ng Cofradia De San Jose na Sumuko,subali"t hindi kasama si Hermano puli at ang kabesilyahan sa bibigyan ng Amnestiya.Binasa ni Apolinario De La Cruz ang patalastas na nakasulat sa Tagalog sa kalahatan pagkatapos ay pinunit at sinunug ito na tanda ng tuluyang pakikibaka ,Ang Alitao ay ipinagtanggol ng Humigit kumulang 3,000 armado ng Baril, rabucos(Catapults),Escopetas (Fireclocks) tatlong kanyong nasamsam sa grupo no Alcalde Ortega.Ipinangako ni " Purgatorio "aka Apolonio De La Cruz na magwawagi sila sa DigmaanSumalakay ang Puwersa ng Pamahalaan kinagabihan ng Oktobre 31 Madaling araw ng Nobiyembre 1 Armado ng kanilang Sandata pananampalataya at paniniwala at dala ng pagod at hirap na dinaranas sa araw araw na paguusig at kawalang katarungan buong tapang na lumaban ang mga Miyembro ng Cofradia, ngunit isa isa silang napabilang sa mga hanay ng mga patay at sugatan.Si Hermano Pule kasamang nakihamok dala Espadang naagaw ng kanyang mga kasama sa nasawing Alkalde Ortega sa Labanan sa Isabang ay napilitan umurong sa kagubatan sapagkat wala silang nagawa sa lakas ng kagamitan ng kalaban lalo pa ang mga bala ng kanyong pinaputok sa lugar nila mahigit sa limamangdaan ang nasawi sa Hanay ng Miyembro ng Cofradia kabilang na ang 300 kababaihan at bata , ang natira ay nagsitakas sa Bundok Banahaw.Paglipas ng gabi ng Nobeyembre 1, 1841, Hermano Puli ay sa kagubatan ng Bundok Banahaw dumaan nakarating siya sa Sariaya kung saan inabutan sila ng mga sundalong kastila muling lumaban ang kanyang kasamahan subali"t muli sila ay nagapi at nahuli ng buhay si Hermano Puli.Ayon sa tala ng kasaysayan ng Bayan ng Lukban si "Hermano puli" ay kusang loob na Sumuko nagiisa sa maykapangyarihan at isinuko siya ng dating kasamahan na nasiraan ng loob dahil sa pagkatalo ng Cofradia.nagsisilbing katanungan sa bayan ng Lukban ang personal na pagsuko ni Puli subali"t ayon sa tala nagpapatuloy ang paghabol at pagpatay ng mga kastila sa mga tumatakas na Miyembro ng Cofradia hanggat hindi nahuhuli si" Puli" kung kaya para maiwasan pa ang pagdanak ng dugo kusang loob na sumuko si Apolinario De La Cruz 'Hermano Puli"at noong Nobeyembre 3, 1841 sa gulang na 27 si Hermano Puli ay hinatulan ng Kamatayan sa bayan ng Tayabas at ng madaling araw ng Nobeyembre 4, 1841 matapos mangumpisal sa isang paring Kastila,Binaril si Hermano Puli kasama ang 3 pang kasamahan sa kabesilyahan .Pinagputol putol ang kanyang katawan Ibinalik sa bayan ng Lukban at isinabit sa apat na sulok ng pintuan bayan ang bahagi nito at ang kanyang ulo inilagay sa Hawla at inilagay sa tapat ng Bahay niya sa Sitio Pandak. Dito natatapos ang nagwakas ang buhay ni Hermano Puli .Matapos litisin at patayin si Hermano Puli ang kanyang mga kaanak at tumakas at nagtungo sa iba't ibang Bayan at karatig lalawigan gayundin isa-isang dinakip ang mga nalalabing pinonu ng Cofradia De San Jose at ang mayayamang tao tumulong ka Puli sa Maynila, sina Vidal Marisfoque, Ang abogadong Toribio Pantoja.Don Do domingo Roxas at ang kanyang dalawang anak. Manugang niya at asosyo sa Negosyong si Antonio De Ayala Atpb. Ipiniit silang lahat sa Kulungan ng Fort Santiago sa Intramuros Maynila idineklarang mga "Felibustero " o Subersibo Nagapila sa Hari ng Espanya ang anak ni Don Domingo Roxas sa Madrid subali"t bago pa ito napatawad ay inabot na siya ng kamatayan sa piitan. Noong 1843 . Buwan naman ng Enero 20, 1843 isang pangyayari ang gumimbal sa Maynila , isang grupo ng mga kawal ng hukbong kastila na pawang katutubo Pilipino sa ilalim ng" Tayabas Regiment "na pawang kaanak ng mga nasawi sa Labanan sa Alitao ang nagtangkang kubkubin ang Kampo Militar ng Kastila sa Intamuros ito ay pinamumunuang ni "Sarhento Samaniego" naganap ang madugong sagupaan ng araw na iyon kung saan ayon sa saksing si "Consul Fabre" ng Bansang Francia ang halos ikatalo ng kawal ng pamahalaan ng kastila sa mga nagrebeldeng mga sundalo na katutubong Pilipino ng Tayabas Regiment ito't dahil naiiis nilang ihingi ng katarungan ang kanilang mga kanak na nasaw sa Alitao at dala ng kanilang damdamin habang sila ay nakikipaghamok kanilang isinisigaw ay "Mabuhay ang Kalayaan ng Pilipinas" bago sumapit ang hapon isa-isa nalupig ang mga nagrebeldeng miyembro ng Tayabas Regiment sa katapusan ay nadakip ang kanilang pinonung si Sarhento Samaniego kasama ang walongpung kasamahan na binaril at piñatay noon araw din iyon at sama-samang inilibing sa isang hukay na wala kahit anong palatandaan.Sinaliksik ni Leonardo g. villa