answersLogoWhite

0


Best Answer

Kilalang-kilala ang pangunahing makatang Pilipino bilang si Francisco "Balagtas" Baltazar. Ang karaniwang paniniwala ng marami ay sagisag panulat ang "Balagtas".

Ngunit ayon kay PadreBlas M. de Guernica, kura paroko ng bayang Bigaa (Balagtas), sa kanyang pahayag na may petsang Agosto 5, 1906, ang pangalan ng makata sa kanyang partida de bautismo ay Francisco Balagtas. Sinabi ng kura paroko na nakatala sa Indece Alfabetico del Libro de Bautismos de Bigaa na bininyagan ang makata noong Abril 30, 1788, sa pangalang "Francisco, anak na tunay ng mag-asawang sina Juan Balagtas at Juana de la Cruz, mga taong tunay ng bayang ito."

Gayunman, ang kasulatan sa pag-aasawa at sa pagkakalibing ay tumutukoy kay "Francisco Baltazar na anak Nina Juan Baltazar at Juana de la Cruz.

Sinabi ni Hermenegildo Cruz (na ayon kay Padre de Tavera ay isa sa dalawang awtentikong biograper ni Balagtas: ang isa pa ay si Epifanio de los Santos Cristobal) sa kanyang aklat na "Kung Sino ang Kumatha ng Florante" (Maynila: Libreria Manila Filatelico, 1906) na ang apelyidong Baltazar ay ginamit ng ating makata magmula nang siya'y manirahan sa Tondo ngunit Hindi ipinaliwanag kung saan nanggaling ang apelyidong ito at kung bakit nagbago ng pangalan ang makata nang tumira sa Tondo. Hindi naman masasabing ang ganitong pagbabago ay bilang pag-alinsunod s autos ng Gobernador-Heneral Claveria na gumamit ng apelyidong Kastila ang katutubong mga mamamayan, sapagkat ang utos ay ipinatupad noong 1849, samantalang ang kasulatan sa pag-aasawa ng makata ay may petsang 1842. maliwanag na Baltazar na ang kanyang ginamit bago ipinatupad ni Claveria ang utos. Ang totoo, bilang pag-alinsunod s autos na ito, pumili ang makata ng isa pang pangalan: Narvaez.

Ayon kay Cruz, may mga nagpapatotoo na ang apelyidong Balagtas ay palayaw raw lamang sa kanya na nagbuhat sa kanyang pagkamagaling tumula. Kung gayon, bakit Balagtas din ang ginamit na apelyido ng kanyang mga pamangkin na anak ng kanyang kapatid na si Nicolasa na nakatira sa Burol, Bigaa, Bulacan at nakausap ni Cruz nang sulatin niya ang talambuhay ng makata?

Gayunman, ang mga anak ng makata na nakatira sa Udyong, Bataan ay gumamit ng apelyidong Baltazar, Hindi Balagtas.

Balagtas o Baltazar? Ano man ang tawag sa kanya, Hindi mababawasan ang kanyang kadakilaan.

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Bakit kinahiligan ng mga hapon ang pagsulat ng maikling tula?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Mga Nobela Dula Sanaysay Maikling Kuwento noong panahon ng hapon?

putang ina mo


Bakit naghiwalay ang dalawang bansang Korea?

Dahil Hindi sila magkasundo


Bakit sinakop ng bansang Hapon ang mga bansa sa Southeast Asia?

dahil trip nila


Translation of magandang hapon in tausug?

magandang hapon : translate in english magandang hapon is the informal way to say good afternoon magandang umaga is good morning magangang hapon is good afternoon magandang gabi is good evening.


How do you say good afternoon in Tagalog?

To say "good afternoon" in Tagalog, you can use either "Magandang hapon" or simply "Hapon."


Bakit tinawag na mickey mouse money ang pera ng hapon?

Because Japanese government issued the Philippines fiat peso to be Japanese peso but after a few years it is change and named as Mickey Mouse Money


What does hapon translate?

Hapon is the Tagalog word for Japan. Tagalog is spoken in the Philippines.


How do you say 'Good afternoon too' in Tagalog?

You can say "Magandang hapon din" or "Magandang hapon rin".


May pagkakatulad ba ang pagsulat ng Filipino ng tanaga sa pagsulat ng haiku ng hapon?

May pagkakatulad ang pagsulat ng tanaga sa Filipino at haiku sa Hapon dahil pareho silang maikli at may 5-7-5 na sukat. Pareho rin silang naglalaman ng mensahe o damdamin sa loob ng limitadong bilang ng pantig. Subalit, may kaibahan sa estruktura at nilalaman ng bawat uri ng tula ayon sa kani-kanilang kultura at tradisyon.


What is the ilonggo word of magandang hapon?

maimbag nga malem


What is the English word of hapon?

afternoon


Ano ang mga halimbawa ng mga salitang magkasingtunog?

tuyo-tuyo,hapon-hapon,puno-puno