Tagalog Translation of forecast: panukala
Houses/mga bahay
Ano ang kasingkahulugan ng balakid? *
Tagalog translation of PROPOSAL: panukala
hypothesis sa english kamo? sa ingles ito ay tinatawag na"wild guess" o napakatamang sagot na makikita mo talaga ang kahulugan
Ang nasa 20 dollar bill ng Estados Unidos ay si Andrew Jackson, na naging ikalawang pangulo ng bansa mula 1829 hanggang 1837. Siya ay kilala sa kanyang mga polisiya at mga nagawa sa panahon ng kanyang panunungkulan, pati na rin sa kanyang papel sa paglikha ng Democratic Party. Nagkaroon ng mga panukala na palitan si Jackson ng isang babaeng personalidad sa hinaharap, ngunit hanggang sa ngayon, siya pa rin ang nakalarawan sa perang ito.
Ang salitang "hypothesis" sa Filipino ay "hipotesis." Ito ay tumutukoy sa isang pansamantalang paliwanag o proposisyon na sinusuportahan ng mga datos o obserbasyon, na maaaring subukan sa pamamagitan ng karagdagang pananaliksik o eksperimento. Sa mga larangan ng siyensya at estadistika, mahalaga ang hipotesis sa pagbuo ng mga teorya at pagsusuri ng mga resulta.
Marahil, hindi na bago sa iyong paningin ang tambak na basura sa sulok ng mga kalye, sa tapat ng palengke, sa mga bakanteng lote at sa tapat ng iyong bahay. Ito'y nagpapatunay na malaki na ang suliranin sa pagtatapon ng basura. Maraming panukala na ang iminungkahi ngunit karamihan dito'y mga pansamantalang solusyon lamang. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga panukalang pangmatagalan ang resulta sapagkat higit na mabilis tayong nakapag-iipon ng basura kaysa sa kakayahang magtapon nito. Ang modyul na ito ay magtuturo sa iyo ng isang posibleng solusyon sa suliranin sa pagtatapon ng basura at kung paano ka maaaring makibahagi dito. Ang solusyon sa mga nabubulok na basura ay ang paggawa ng kompost.
1. Natututo tayo na maging isang responsableng mamimili o mabuting prodyuser. Napag-iisipan ng bawat indibidwal kung paano gagamitin ng maayos ang salapi at matututunan ang kahalagahan ng pagbabadyet.2. Nauunawaan natin ang mga pangyayari na naganap at nagaganap na nakaiimpluwensiya sa ating pamumuhay at ng buong bansa.3. Nakapagbibigay tayo ng matalinong opinyon at panukala kung paano mabibigyan ng solusyon ang mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap ng ating pamayanan at bansa.4. Nakagagawa tayo ng isang matalinong desisyon upang matugunan natin ang pansariling suliranin na may kinalaman sa ating kabuhayan.5. Nagiging mahusay tayong botante, sapagka't mas naiintindihan natin ang responsibilidad ng ating mga lider sa pagpapalago ng ating ekonomiya.Ref: EKONOMIYA Para sa Mataas na Paaralan (St. Bernadette Publishing House Corporation)
Pagsasalaysay Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. katulad ito ng pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat; epiko at mga kwentong bayan. PAGLALARAWAN - Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarwan, gaya ng pang-uri at pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o nadarama. - napapagalaw at napakikislot din ng paglalarawan ang ating mga guni-guni, imahinasyon at nakatatawag ng paningin at pansin ng mga mambabasa Pangangatwiran - Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos) paglalahad - pagkukuwento ; pagsasalaysay
Ø Mga Pangunahing Uri:· Basiko o Payak na pananaliksikTinatawag din itong puro o pundamental na pananaliksik na isinasagawa sa mga laboratoryo o klinikang pang-eksperimento.· Nilapat na pananaliksikIto ang paglalapat ng mga kaalaman sa mga gawaing pampananaliksik, o paggamit ng mga kaalaman sa pananaliksik na magagamit para sa pagpapaunlad ng lipunan. Kabilang dito ang mga protokol (protokolo) o mga sinusunod at tinutupad na paraan sa mga pananaliksik na klinikal.· Empirikal o mala-siyentipikong pananaliksikGaling ito o batay sa karanasan o eksperimento kaya malasiyentipiko. Nangangailangan ito ng isang masusing pagsusuri ng mga bagay at mga katibayan tungkol sa makatotohanang impormasyon.· Applied ResearchGinagamit ito batay sa hinihingi ng panahon at gumagamit ito ng kalkulasyon at estadistika.· Ganap na Pananaliksik (Pure Research)Isinasagawa ito ng mga taong naglalayong maunawaan ang isang bagay na nagpapagulo sa kanilang isip. Ginagawa ito sa pansariling kasiyahanØ Iba pang mga Uri:· Pang-akademyaIba ito sa pananaliksik na pangedukasyon sa ibaba sapagkat isinasagawa ito ng mga mag-aaral, hindi sila ang pinag-aaralan ng mananaliksik. Nagsasaliksik ang mga estudyante upang makapagsulat ng mga takdang-aralin, sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming bilang ng mga aklat hinggil sa isang paksa, at nagtatala sila sa kanilang mga talaan. Ginagamit din ang gawing ito ng mga manunulat ng mga hindi kathang-isip na mga manuskrito o akda, upang maging tama ang kanilang mga impormasyong ginagamit sa pagsusulat.· Pang-aghamTinatawag din itong pamamaraang pang-agham o pamamaraang siyentipiko. Isang pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik ang makaagham na metodo. Ginagamit ang pananaliksik upang mapainam ang mga pagkaunawasa mga larangan ng biyolohiya, inhinyeriya, pisika, kimika, at iba pa. Dahil sa pang-agham na gawi ng pagsasaliksik, maaaring maisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga bagong gamot na panglunas ng mga karamdaman, ang paglalang ng mga mas hindi-mapanganib na mga sasakyan, at kung paano makapag-aani ng mas maraming mga pagkain sa mga bukirin. Nagmumula sa mga pamahalaan, mga pribadong korporasyon, at mula sa nagbibigay-kusang mga samahan ang suportang pampananalapi sa ganitong uri ng mga pananaliksik.· PampamilihanIsa itong sangay sa larangan ng sikolohiya sapagkat pinag-aaralan at sinusuri sa pananaliksik na pangmerkado o pangmarket ang kung ano ang mga bagay na binibili ng mga tao at kung paano sila naglilibang pagkatapos ng kanilang mga trabaho.· Pang-edukasyonMay kaugnayan sa pagsusuri kung paano natututo ang mga tao sa ganitong uri ng pananaliksik, partikular na sa mga paaralan.· PangkasaysayanSinusuri rito ang lahat ng uri ng mga dokumentong katulad ng mga personal na talaan, mga liham, mga batas, mga resibo, mga sertipiko ng pagpapatibay, mga pahayagan, mga magasin, mga aklat, at mga kasangkapang tulad ng mga alahas, mga aparato, at mga kagamitang pantahanan. Ginagamit ito ng mga arkeologo.· PangwikaTinatawag din itong pananaliksik na lingguwistiko sapagkat pinag-aaralan ang kung paano ginagamit ng mga tao ang sinasalitang wika, ang mga tunog sa wikang sinusuri, at maging ang pag-iimbistiga ng gawi sa pamumuhay ng mga mamamayang nasa isang pook.· Sa mga disiplinaMay isinasagawa ding mga pananaliksik na nagkakaugnayan ang iba't ibang larangan ng mga kaalaman. Kasama sa pangmakadisiplinang pananaliksik ang multidisiplinaryo, interdisiplinaryo, at transdisiplinaryo. Sa antas na pang-multidisiplinaryo o maramihang mga larangan, isinasagawa ang pagsusuri mula sa iba't ibang mga anggulo, at ginagamitan ng sari-saring mga pananaw ng mga larangan, ngunit hindi nagkakaroon ng pagsasanib. Sa interdisiplinaryo o sa pagitan ng mga larangan, nililikha ang isang katauhan ng metodolohiya o pamamaraan, isang identidad ng panukala (teoriya) o konsepto (diwa), na nagdurulot ng mas pinagsanib at mauunawaang mga resulta. Samantala, mas lumalaktaw sa mga gawi ng mga naunang may-ugnayang panlarangang pananaliksik ang transdisiplinaryo o nagpapalitang (nagsasanib na) mga larangan: sapagkat nagsasanib ang mga larangan o disiplina, kabilang ang pagkakaisa ng mga epistemolohiya, partikular na ang Panukala ng mga Agham Pantao o Teoriya ng Agham Pangtao
Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw .Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sapaligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu.Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas.Malungkot na nakapanungaw ang Datu.Nakatuon ang ma paningin sa sa bughaw na kabundukan. Nakakunot ang noo at tikom ang mga labi. Nagbuntong-hininga nang malalim."Malungkot na naman kayo, mahal na Datu," narinig niya sa may likuran. Bumaling ang Datu. Nagtanong ang mga mata ni Tandang Limay. Isa ito sa bumubuo sa "Konseho ng Matanda.""Ikaw pala. Nalulungkot nga ako, Tandang Limay. Naalaala ko ang aking kabataan," at nagbuntung-hininga muli. Humawak siya sa palababahan ng bintana."Nakita mo ba ang bundok na iyon?" nagtaas ng paningin ang Datu."Oo, aking Datu, ngunit ano ang kinalaman niyon sa inyong kalungkutan?" tanong ni Tandang Limay. Napag-usapan na ng "Matatanda" ang napapansin nilang pagkamalungkutin ng Datu. Siya nga ang naatasang magsiyasat tungkol dito."Doon ako sa mga bundok na iyon laging nangangaso. Natatandaan mo marahil na malimit akong mag-uwi ng baboy-ramo at usa sa aking ama at mahal ko sa buhay.""Opo, Kayo mahal na Datu ang kinikilalang pinakamagaling sa pana noon. Napabantog sa ibang kaharian ang inyong katangian sa pangangaso," sang-ayon ni Tandang Limay."Iyan ang suliranin ko ngayon. Para bang gusting-gusto kong magawa uli ang mga bagay na iyon, ngunit napakatanda ko na upang pagbalikan ang kabundukang iyon. Napakalayo na ang mga pook na iyon para sa mahina kong katawan," at muling nagbuntung-hininga ang Datu."Hindi na nga ninyo makakayanan ang maglakbay nang malayo. Ngunit maaari naman kayong magkaroon ng ibang libangan," pasimula ni Tandang Limay."Bahagi na ng aking buhay ang pangangaso. Hindi na rin ako makadarama ng kasiyahan kung iba ang aking magiging aliwan," malungkot na umiling ang Datu.Naging usap-usapan sa buong kaharian ang suliranin ng Datu. Nabalita rin sa ilang bayan ang pagkamalungkutin ng pinuno ng Masinlok.Makalipas ang ilang araw, dumating sa palasyo ang isang salamangkero. Matanda na siya at mabalasik ang mukha. Malaki ang paghahangad niya sa kamay ni Prinsesa Alindaya, prinsesa ng Masinlok ngunit malaki rin ang pag-ayaw nito sa kanya.Nagbigay ng kaukulang paggalang ang panauhin.May magandang panukala ako tungkol sa inyong suliranin kung inyong mamarapatin, mahal na Datu," saad ng salamangkero."Sabihin mo at handa akong magbayad sa inyong kapaguran," turing ng Datu."Magpapatubo ako ng isang bundok sa kapatagan ng Masinlok na malapit sa inyong palasyo para sa inyong pangangaso ipakasal lamang ninyo sa akin si Prinsesa Alindaya," pahayag ng panauhin."Kung matutupad mo ang iyong sinabi ay ibibigay ko sa iyo ang kamay ng aking anak," mabilis na pasiya ng Datu.Madaling kumuha ng isang maliit na batumbuhay ang salamangkero. Ito'y parang isang batong mutya. Itinanim niya itong tila isang binhin ng halaman. Biglang-biglang sumipot sa pinagtamnan ang isang maliit na puno. Tumaas nang tumaas iyon. Lumaki nang lumaki hanggang sa maging isang bundok."Aba, anong laking bundok! Di ba iyan tumubo sa itinanim na batong mutya ng salamangkero?" paksa ng usapan ng mga tao.Samantala sa palasyo, iniluhang gayon na lamang ni Prinsesa Alindaya ang naging pasiya ng ama. Ipinagdamdam niya nang labis na tila siya ay kalakal na ipinagpalit lamang sa isang bundok. At sa lalaki pa naming kanyang kinamumuhian. Laging lumuluha ang magandang prinsesa. Nagkaroon siya ng karamdaman. Naging malubha ang kanyang sakit. Dumating ang araw na itinakda ng Datu sa pagkuha sa kanya ng salamangkero."Ikinalulungkot ko na hindi ko mapasasama sa iyo ang aking anak. May sakit ang mahal na prinsesa. Magbalik ka sa ibang araw," saad ng Datu sa salamangkero.Umuwing masamang-masama ang loob ng matanda. Galit nag alit siya sa Datu. Sinapantaha niyang gusto na nitong sumira sa usapan. Nagulong gayon na lamang ang kanyang loob. Lagi niyang naiisip si Prinsesa Alindaya at ang kanyang kabiguan. Hindi niya napansing palaki nang palaki ang bundok. Ito'y kanyang nakaligtaan."Mahal na Datu, halos natatakpan na po ng bundok ang buong kapatagan. Malapit na pong humangga ang bundok sa tabing-dagat. Wala na pong matitirhan ang mga tao," sumbong ng matatanda sa Datu."Hulihin ngayon din ang salamangkero. Putulan siya ng ulo. Lubhang nakapipinsala sa kaharian ang bundok na pinatubo niya," mabalasik na utos ng hari. Natakot siya sa maaring mangyari sa kaharian.Namatay ang salamangkero ngunit patuloy pa rin sa paglaki ang bundok. Araw-araw ay pataas ito nang pataas na lalong ikinabahala ng mga tao. Walang maisipang gawin ang Datu. Palubha nang palubha ang suliranin.Nakaabot ang balita hanggang sa malalayong kaharian. Nakarating iyon sa pandinig ni Prinsipe Malakas ng Pangasinan. Balita siya sa taglay na lakas at kabutihang loob. Agad siyang naglakbay patungong Masinlok. Humarap sa Datu ang matikas na prinsipe."Nakalaan sa inyo ang aking paglilikod, mahal na Datu," magalang na badya niya."Nakalaan akong magbigay ng kaukulang gantimpala. Humiling ka kahit anong bagay kapag nagtagumpay ka. Lunasan mo ang suliranin ng kaharian, Prinsipe ng Pangasinan," pahayag ng Datu."Wala po akong hinihintay na gantimpala, aking Datu. Tayo na sa labas."Si Alindaya na noo'y magaling na ay naganyak sa tinig ng panauhin. Sumilip siya sa siwang ng pintuan. Malakas na malakas ang pitlag ng puso ng dalaga.Nanaog ang Datu pati ang prinsipe. Madali nilang sinapit ang paanan ng bundok.Sa isang kisapmata, binunot ng prinsipe ang bundok. Parang pagbunot lamang ng isang maliit na punong-kahoy. At sa isang iglap din, ipinatong niya iyon sa kanyang likod na walang iniwan sa pagbalikat ng tinudlang baboy-ramo. Mabilis din siyang humakbang na papalayo at ihinagis ang bundok sa lugal na kinaroroonan nito ngayon.Bumalik ang prinsipe at ang Datu sa palasyo sa gitna ng pagbubunying mga tao. Galak na galak ang kaharian. Pagdating sa palasyo, niyakap ng Datu ang prinsipe. Iniutos niya ang malaking pagdiriwang para sa karangalan ng prinsipe noon ding gabing iyon.Gabi ng kasiyahan, nagsasayaw noon ang prinsesa pagkat nahilingan ng amang Datu. Walang alis ang tingin ng prinsipe sa magandang mananayaw. Nabatubalani siya ng magandang prinsesa. Walang humpay ang palakpak ng prinsipe matapos ang pagsasayaw nito.Kiming umupo ang prinsesa sa tabi ng Datu. Siya'y tahimik na nakatungo."Ang aking anak, si Prinsesa Alindaya, mahal na prinsipe, nakangiting pagpapakilala ng Datu. Yumukod ang prinsipe at ang prinsesa nama'y nag-ukol ng matamis na ngiti.Walang alis ang paningin ni Prinsipe Malakas sa dalaga. Hindi matagalan ng prinsesa ang kabigha-bighaning titig ng prinsipe."May sasabihin ka, Prinsipe Malakas?" tanong ng hari upang basagin ang katahimikan."Hinihingi ko ang inyong pahintulot na makausap ko ang mahal na prinsesa, mahal na Datu," ang hiling ng prinsipe."Higit pa sa riyan ang maibibigay ko," sang-ayon ng Datu.Hindi nagtagal at nasaksihan sa Masinlok ang marangyang kasal nina Prinsesa Alindaya at Prinsipe ng Pangasinan. Nagsaya ang kaharian sa loob ng anim na araw.Samantala, ang guwang na nilikha ng pagkabunot sa bundok ay napuno ng tubig ito'y naging isang lawa.Naging maganda at matulain ang lawang ito na tinawag ng mga tao na "Lawa ni Alindaya" sapagkat nagpapagunita ng kagandahan ng prinsesa at ng pag-ibig niyang siyang dahilan ng pagkakaron ng Bundok na Pinatubo