Meron ka bang tutol?
Objection your Honor in Tagalog is "Tutol, iyong Karangalan."
Eva Linda has: Performed in "Sangre" in 1971. Performed in "The Action Man" in 1972. Performed in "Trahe de trahedya" in 1972. Performed in "Trubador" in 1972. Performed in "May lihim ang gabi" in 1972. Performed in "The Cat Patrol" in 1972. Performed in "Ito ang batas" in 1973. Performed in "Alyas Blackie" in 1973. Performed in "Kung Fu Showdown" in 1973. Performed in "Dyesebel" in 1973. Performed in "Anak ng asuang" in 1973. Performed in "Hotline" in 1974. Performed in "Master Samurai" in 1974. Performed in "They Call Him Chop-suey" in 1975. Performed in "Darna vs. the Planet Women" in 1975. Performed in "Pagbablik ng aapt na alas" in 1976. Performed in "Tutol ang lupa sa patak ng ulan" in 1977. Performed in "Berdugo ng maton" in 1977.
The cast of Ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa - 1974 includes: Flordeliza Lito Anzures Gloria Diaz Mario Escudero Ellen Esguerra Pedro Faustino Ray Marcos Elizabeth Oropesa Babsy Paredes Vic Vargas Ruel Vernal
Anna Marin has: Performed in "Babalik ka rin" in 1973. Performed in "Halik na lumalatay" in 1975. Played Grace in "Teribol dobol" in 1975. Performed in "Tutol ang lupa sa patak ng ulan" in 1977. Performed in "Maga-Patuka na lang ako sa ahas" in 1977. Performed in "Ang pagbabalik ni Harabas at Bulilit" in 1977. Performed in "Berdugo ng maton" in 1977. Played Inday in "Tatak ng Tundo" in 1978. Performed in "Magulong daigdig ng isang bubuyog" in 1978. Performed in "Bruce liit" in 1978. Performed in "Kadete" in 1979. Performed in "Bokyo" in 1979. Performed in "Tom Cat" in 1979. Performed in "1041 Mabini, hatinggabi" in 1979. Performed in "Kuwatog" in 1979. Performed in "Tomcat" in 1979. Performed in "Chopstick Kid" in 1979. Performed in "Pader at rehas" in 1980. Performed in "Ding Galing" in 1980. Performed in "Pabling" in 1981. Performed in "Moral" in 1982. Performed in "Lagablab sa lupang pangako" in 1982. Performed in "Sa bawat tunog ng kampana" in 1983. Played Minerva in "E.T. is Estong Tutong" in 1983. Played Minerva in "Estong Tutong: Ikalawang yugto" in 1983. Performed in "Esperanza" in 1997. Played Woman with Buntis in "Chavit" in 2003. Performed in "Bressola de Nadal" in 2010. Played Matandang Raquel in "Magpakailanman" in 2012. Played Felicia Mendiola in "Villa Quintana" in 2013. Played Raquel in "Bukod Kang Pinagpala" in 2013.
Lita Tresierra has: Played Maria Toro in "The Dead Zone" in 2002. Played Hotel Waitress in "Naked Josh" in 2004. Played Teenage Girl Waitress in "False Pretenses" in 2004. Played Lieutenant Vega in "Act of War: Direct Action" in 2005. Played Nereida in "The Ecstasy Note" in 2006. Played Dr. Deena Alexie in "Durham County" in 2007. Played Mary Cummins in "No Brother of Mine" in 2007. Played Nurse in "Dr. Jekyll and Mr. Hyde" in 2008. Played Cindy in "The Girl in the White Coat" in 2011.
Limang (5) Halimbawa ng Maingat na Pagpapasiya Nag-aral ka ng mabuti sa halip na maglaro ng paboritong mobile games kaya nakapasa ka kinabukasan sa pagsusulit. May pinagagawa ang iyong boss na alam mo sa sarili mo na ito ay mali at masama ngunit ang kapalit nito kapag hindi mo ginawa ay matatanggal at maalis ka sa iyong trabaho. Kaya ginawa mo ang tama at hindi mo pinagsisihan kahit tuluyan kang tinanggal sa trabaho. Marami ang tutol sa inyong pagmamahalan at gusto ng iyong mga magulang na hiwalayan mo ang taong mahal mo ngunit hindi mo ginawa sapagkat mahal na mahal mo ito. Gusto ng mga magulang mo ay ang kurso na hindi mo naman gusto at ang kapalit nito kapag hindi mo sinunod ay hindi ka makakapag-aral at hindi ka makakapagtapos ng kolehiyo. Pinakita mo sa magulang mo na ito talaga ang gusto mo kaya napilit mo sila at napapayag na rin sa iyong desisyon. May dumating na mas magandang oportunidad sa'yo na makapagtrabaho sa ibang bansa at tinanggap mo ito kahit ikaw ay single parent at mahihiwalay ka sa iyong anak. Ang maingat na pagpapasiya o pagdedesisyon ang dahilan kung bakit ang tao ay nakagagawa ng tama at naayon. Ito ay bunga ng mabuting malalim, kritikal at pagkamalikhaing pag-iisip sa mga bagay bagay na nararapat na humantong sa paggawa ng mabuti at tama. Mga Kahalagahan ng Maingat na Pagpapasiya Nagiging maayos at mabuti ang mga desisyon sa buhay. Nagkakaroon ng landas ang buhay na tinatahak. Nakagagawa tayo ng mabuti para sa ating sarili at sa ating kapwa. Nakaiiwas sa mga suliranin at mga problema. Nasusunod ang mga pansariling kagustuhan basta naayon sa tama. Nakakamit ang mga minimithi at pangarap sa buhay. Nakararamdam ng saya at galak ng kalooban. Mga Hakbang sa Paggawa ng Wasto at Maingat na Pagpapasya Mangalap ng kaalaman. Magnilay-nilay sa mga nagawang mga aksyon. Humingi ng gabay sa Diyos Tayain ang damdamin sa napiling pasya. Pag-aralan muli ang pasya.
Willie Revillame dyowa ang dating dancer na si Aiko Climaco.?TRUE BA ANG nakarating sa aming tsika na may syota naman pala si Willie Revillame at hindi totoong single pa ito?Say ng isang mapagkakatiwalaang source, dancer ng Wowowee dati ang dyowa ni Willie. Open secret na nga raw sa mga kasamahan niya sa trabaho ang kanilang relasyon.Medyo matagal na rin daw ang itinatakbo ng relasyon ni Willie kay Aiko Climaco na sinasabing miyembro ng Wowowee Dancers dati. Maganda si Aiko at talagang seksing-seksi pa.Ang maganda lang sa relasyon ng dalawa, that is, kung totoo ngang meron silang relationship, ay nagagawa pa rin ni Aiko ang mga nais niyang gawin. Hindi raw ito pinipigilan ni Willie. Katulad na lamang ng pagsasayaw, hindi raw tutol si Willie na magsayaw pa rin si Aiko kahit sila na. Hindi nito pinipigilan ang dalaga. Puwede naman daw na sabihin ni Willie kay Aiko na tumigil na sa pagsasayaw dahil kayang-kaya naman niya itong buhayin pero hindi niya ito ginawa.Minsan nga ay nagsayaw pa sa Fantastik, isang youth-oriented program ng Singko si Aiko.So, kung totoo ang tsismis na ito, hindi pala talaga single si Willie.Teka, ano na ang nangyari sa palipad-hanging panliligaw ni Willie kay Shalani Soledad? Gimik lang ba 'yon para pag-usapan ang kanilang show together?
Banaag at SikatBanaag at SikatNi Lope K. SantosAng buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya'y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng Tao'y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya'y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya'y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.Si Delfin ay Hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya'y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat Hindi kasing radikal nito.Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito'y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga Tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga'y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila'y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.Sa tulong ni Felipe noong ito'y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito'y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, Hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay Hindi pinagmanahan.Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito'y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na Hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado't Hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang Hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng Hindi sasalubong.Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya'y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba't ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama't utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, Hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan Nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo - ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming Tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, "Tayo na: iwan nati't palipasin ang diin ng gabi."
Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.Malinaw na ipinakita ng nobela ang agam-agam na kinakaharap ng bawat guro. Ano ang dapat piliin, ang makapaglingkod sa pamayanan kapalit ng isang kahig, isang tukang pamumuhay, o ang makatikim ng karangyaan kapalit ng pagtalikod sa propesyong nais na tahakin? Ang karakter ni Aling Rosa ang nagsilbing tagapag-tibay sa agam-agam na ito. Siya ang nagpamukha kay Amelita at Mauro ng magiging kapalit ng pagiging ideal ng mag-asawa: ang paghihikahos sa aspetong pinansyal, ang pagiging "Sampu, sampera."Ang nobela ni Arceo, bagama't halos animnapung taon na ang nakaraan mula sa pagkakalathala nito, ay maliwanag pa ring sumasalamin sa kalagayan ng mga titser sa kasalukuyang panahon. Sila ang nagsisilbing tagapaghubog ng kaisipan ng susunod na henerasyon, ngunit sila'y binibigyan lamang na maliit na pahalaga. Isang patunay nito ang laganap pa ring paggigiit ng mga guro para sa mas mataas na sahod, na kung pagbigyan man ng pansin ng gobyerno'y di pa rin sapat para sa trabahong kanilang ginagawa.Marahil luma na sa atin ang kasabihang, "kung ayaw mong maghirap, huwag kang magtitser." At ang kalumaan nito siguro ang naging dahilan kung bakit tinatanggap na lamang natin itong isang masakit na katotohanan na walang solusyon. "Ang pagtuturo'y isang bokasyon, hindi propesyon," wika nga. Ang kaisipang ito na rin marahil ang dahilan kung bakit pinipili ng ibang mga guro sa kasalukuyan ang magtrabaho sa ibang bansa kaysa sa sariling bayan: una'y nagagawa nila ang gusto nilang gawin, at ikalawa'y nagagawa nila ito ng may natatanggap na pagpapahalaga at pribilehiyo. Sa lipunang ito,marahil kailangan na nating buwagin ang kaisipang kailangang magsakripisyo ng mga guro. Marahil kailangan na nating bigyan ng mataas na pagtingin at kabayaran ang pagsisilbing ginagawa ng mga titser ng lipunan. Sila ang tagapaghulma ng mga susunod na "tituladong" mamamayang tinitingala ni Aling Rosa. Sila ang gagawa ng mga bagong "Dr.", "Atty.", "Engr.", "PhD" at iba pa. Bakit kailangan nilang maghirap pinansyal?Pamagat: TitserAwtor: Liwayway A. ArceoUri ng Panitikan: Nobela, isang serye mula sa magasing Liwayway noong 1950'sWika: PilipinoTaon ng Paglalathala: 1995Tagapaglimbag: Ateneo de Manila University PressProtagonista: Amelita Martinez at MauroLugar: Isang pamayanan sa kanayunanPunto de bista: Ikatlong PersonaTema: pakikialam ng ina sa pag-aasawa at propesyon ng anak, pag-iibigan ng dalawang guro sa kabila ng kahirapan
Isa rin akong OFW dito sa Dubai.Tama si Miss S. A. sa kanyang kwento at babala para sa ating mga kababayan na nagnanais pumunta ng Dubai. Ang Dubai ay masasabi kong hindi tunay na PARAISO, sa halip kung minsan ay SAKRIPISYO.Noon sa Pilipinas simple lang ang buhay ko. Kahit papano tatlong beses din naman kumakain sa maghapon. Tama lang ang ulam, masarap din naman sa simpleng panlasa at sigurado rin ang sustansya.Masarap sa pakiramdam na kasama ang pamilya, nakakalaro ko ang mga anak ko. Hanggang sa nabalitaan ko ang Dubai. Maganda raw, malaki sweldo, madali ka raw aasenso at higit sa lahat madali lang makatuntong sa bansang ito.Nakilala ko kababayan natin na galing sa Dubai. Ang galing nyang mangusap, makamandag ang dila. Tango lang at puro "Ah, Oo, ganun ba?" lang ang masasabi mo sa husay niyang mambola. May kilala raw siyang employer. Naenganyo ako mag-apply kahit tutol ang misis ko.Kailangan daw ang P60,000 para sa ticket at Visa. Ang sweldo raw ay 2,000 dirhamo at libre na tirahan. Sa loob-loob ko 2-3 months pala ay mababawi ko na yun gagastusin ko. Buo na ang desisyon ko. Pagkakataon ko na marahil ito, nasambit ko sa sarili.In boiling temperature, P60,000 ang nahiram ko. Malaki ang interest rate kada buwan. Hamak na mas mataas sa height ko. Ito ang terminong gamit sa ganitong klaseng scheme ng pautang. Kailangan na raw ibigay ang pera, maliwanag pa sa sikat ng araw nahawakan nya yung P60,000.00. Pero umabot pa ng ilang buwan bago dumating ang Visa.Pumapatak ang interest sa utang pero nakumbinsi ko ang sarili ko na OK lang at mababawi ko rin kaagad yun. Ang sarap sa pakiramdam! 'Di ko na naisip yung utang, dyan na raw ang Visa. Kulang na lang ipagsigawan ko sa mga kapit-bahay ko na makakapunta na ko sa Dubai.Sa anak ko nasabi ko lang na mabibili ko na mga gusto niya. Lumuwas ako at pinuntahan ang bahay ng "hunyango". Andun ang Visa pero wala ang ticket na sa usapan ay kasama sa P60,000. Lintek! Ang sabi ko. Hindi na raw sinagot ng employer kuno ang ticket dahil ang mahal na raw ng Visa na Visit Visa pa pala. Wala pa kong kaalam-alam tungkol sa Dubai Visas (processing & application/fees). Kapit sa patalim, wala na kong magawa 'di na raw mababalik yun pera. Naibayad na raw para sa Visa.Kailangang kong makahanap ng mahigit P40,000 para sa ticket. Pero sadyang mabuti ang Diyos, isang linggo lang ang lumipas may mabuting kamay na nagpahiram ng pera, tuloy ang Dubai!Masama ang loob ng misis ko hanggang sa airport. Malaki nga naman ang responsibilidad na iiwan ko (kaliwa't kanan na patubuan) isama pa ang malaking sakripisyo (pag-iwan sa mga bata at 2 - 3 taon ang lilipas bago ulit kami magkatabi ni misis).Tutol siya sa umpisa pa lang ng aking pag-a-apply. Pero ganito talaga yata ang buhay, lagi na lang may pagsubok. Maganda ang anyo ng Dubai. Pagsayad ng paa mo sa airport, dalawang kulay ang mangingibabaw sa iyong paningin. Puting kasuotan para sa kalalakihan at itim sa kababaihan.Kundura at abaya. Ito ang kasuotan ng mga tinatawag na emarati o lokal. Magagalang, propesyunal at kagalang-galang ang mga immigration officer, maging ikaw ay estranghero lalo na sa kanilang mga kalahi. Malayo sa estilo, asal at pag-uugali ng mga immigration officer sa sarili nating bayan.Kalahi mo na dadaragin ka pa at kukutongan pa. Sa loob-loob ko, ang dali lang palang mahulaan ng magiging kapalaran. Parang sabong, dalawang kulay lang ang pagpipilian. Puti o itim. Nakahinga ako ng maayos nang makalabas na ako ng airport. Andyan na ang sundo ko.Abangan ang naging buhay ko sa Dubai at iba nating kababayan. At ang kalokohan ng pekeng recruiter kuno na nanloko ng ilan nating mga kabayan.
Ramil Rodriguez has: Performed in "Palanca" in 1960. Performed in "Jukebox Jamboree" in 1964. Performed in "Libis ng baryo" in 1964. Performed in "Umibig ay di biro" in 1964. Performed in "Hi-sosayti" in 1964. Performed in "Leron leron sinta" in 1964. Performed in "The Dolly Sisters" in 1964. Performed in "Mga batang turista" in 1965. Performed in "Apat na kagandahan" in 1965. Performed in "Gintong recuerdo" in 1965. Performed in "Paano kita lilimutin" in 1965. Performed in "Magnificent bakya" in 1965. Performed in "Bye-bye na sa Daddy" in 1965. Performed in "Maraming kulay ng pag-ibig" in 1966. Performed in "Mga pag-ibig ni Christine" in 1966. Performed in "Walastik sa Downtown" in 1966. Performed in "Double Date" in 1967. Performed in "Valentine Wedding" in 1967. Performed in "Sitting in the Park" in 1967. Performed in "Sandwich Shindig" in 1968. Performed in "Pitong krus ng isang ina" in 1968. Performed in "Kulay rosas ang pag-ibig" in 1968. Performed in "To Susan with Love" in 1968. Performed in "Innamorata" in 1973. Performed in "Death: By Installment" in 1973. Played Rodrigo in "Florinda" in 1973. Performed in "Gemma: Babaing Kidlat" in 1974. Performed in "Dalawa ang nagdalantao sa akin" in 1974. Performed in "Vilma and the Beep Beep Minica" in 1974. Performed in "Postcards from China" in 1975. Performed in "Ang daigdig ay isang patak ng luha" in 1976. Performed in "Apat ang naging Mister Ko" in 1976. Performed in "Ang halaga ay luha, laman at dugo" in 1976. Performed in "Hinog sa pilit" in 1976. Performed in "Tutol ang lupa sa patak ng ulan" in 1977. Performed in "Blood Run" in 1978. Performed in "Peter Maknat" in 1980. Performed in "Rosa ng candaba" in 1981. Played Pelayo in "Story of Three Loves" in 1982. Performed in "Puppy Love" in 1982. Played Miguel in "Diary of Cristina Gaston" in 1982. Performed in "Palengke Queen" in 1982. Played Alex in "Sinasamba kita" in 1982. Performed in "Alex San Diego: Wanted" in 1983. Performed in "Summer Holiday" in 1983. Performed in "Sendong Sungkit" in 1984. Played Atty. Syjuco in "Kaya kong abutin ang langit" in 1984. Performed in "Barok Goes to Hong Kong" in 1984. Performed in "Tender Age" in 1984. Played Doctor in "Bulaklak ng magdamag" in 1985. Performed in "Super wan-tu-tri" in 1985. Played Mr. Salameda in "Inday Bote" in 1985. Played Gren in "Paalam... Bukas ang kasal ko" in 1986. Played Suitor of Chita in "Inday-Inday sa balitaw" in 1986. Performed in "Blusang itim" in 1986. Played Dr. Esguerra in "Alabok sa ulap" in 1987. Played Mr. Ferrer in "Ayokong tumungtong sa lupa" in 1987. Played Father of Efren in "Bunsong kerubin" in 1987. Performed in "The Brown Ninja" in 1987. Played Sam in "Asawa ko huwag mong agawin" in 1987. Played Mr. Ramirez in "Boy Negro" in 1988. Performed in "Ibulong mo sa Diyos" in 1988. Performed in "Super Inday and the Golden Bibe" in 1988. Played Ron Katigbak in "Tamis ng unang halik" in 1989. Performed in "Jessa: Blusang itim 2" in 1989. Played John in "Anak ng demonyo" in 1989. Performed in "Kung sino pa ang minahal" in 1991. Played Ronald in "May minamahal" in 1993. Performed in "Aguinaldo" in 1993. Performed in "Ikaw lamang, wala nang iba" in 1994. Performed in "Muntik na kitang minahal" in 1994. Played Butch in "Pare ko" in 1995. Performed in "Sambahin mo ang katawan ko" in 1995. Played Bernard in "Taguan" in 1996. Played Mr. Bersola in "Ikaw naman ang iiyak" in 1996. Played Mr. Legaspi in "Do Re Mi" in 1996. Played Ramon Sanvictores in "Bayarang puso" in 1996. Played Atty. Miranda in "Mula sa puso" in 1997. Played Don Armando Castillo in "Wala nang iibigin pang iba" in 1997. Performed in "Hamog sa magdamag" in 1998. Played Chito in "Tatsulok" in 1998. Played Tony in "Dahil ba sa kanya" in 1998. Played Mr. Miranda in "Mula sa puso" in 1999. Played Mr. Acosta in "Higit pa sa buhay ko" in 1999. Played Mr. Torrevilla in "You and Me Against the World" in 2003. Performed in "Love to Love" in 2003. Played (2007) in "Bakekang" in 2006. Played Pedring in "May bukas pa" in 2009. Played Eugene Barrera in "Love Me Again" in 2010.