Tagalog Translation of INFATUATION: paghanga
Tagalog Translation of INFATUATION: paghanga
"Pag tangi" is the exact word for admiration. The root word is "Tangi" or unique. This explains why you call admiration as "pag tangi" since you admire something that is unique whether its a person or something dear to you.
pakikipag ugnayan sa kasing edad
Ang kahulugan ng "tinitingala" ay ang pagkilala o pagpapahalaga sa isang tao o bagay bilang mataas o kahalagahang tao. Ito ay pagsunod, paggalang, o pagtingala sa isang tao o prinsipyo na may dakilang halaga o kahalagahan. Ang "tinitingala" ay nagpapahayag ng paghanga o respeto sa kabutihan at husay ng isang tao o gawain.
Ang papuri ay tumutukoy sa pagkilala o pagbibigay halaga sa magandang katangian, gawa, o tagumpay ng isang tao o bagay. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng paghanga, pagpapahalaga, o pagsuporta. Sa kultura, ang papuri ay madalas na ginagamit upang palakasin ang loob ng iba at hikayatin ang positibong pag-uugali. Maaari rin itong maging isang paraan ng pagpapakita ng respeto at pagkilala sa mga nagawa ng isang indibidwal.
Ang talumpati ni Jose Rizal para kina Luna at Hidalgo ay nagpapakita ng kanyang mataas na paggalang at paghanga sa kanilang mga kontribusyon sa sining at agham. Binibigyang-diin ni Rizal ang halaga ng edukasyon at ang papel ng mga Pilipino sa pagpapalaganap ng kaalaman at kultura. Sa kanyang talumpati, inilarawan niya ang kanilang mga tagumpay bilang inspirasyon para sa mga kabataang Pilipino, na dapat ipagpatuloy ang laban para sa kalayaan at kaunlaran ng bayan. Ang mensahe nito ay nag-uudyok sa pagkakaisa at pagsisikap para sa mas magandang kinabukasan ng Pilipinas.
Ang luhang marangya na paghahanda ni Kapitan Tiago para sa malapit na piyesta ay nagpapakita ng kanyang pagnanais na ipakita ang kanyang estado sa lipunan at makipagsabayan sa mga mayayaman. Sa kanyang isip, ang extravagant na handa ay simbolo ng kanyang yaman at kapangyarihan, na naglalayong makuha ang respeto at paghanga ng kanyang mga kababayan. Sa ganitong paraan, ang kanyang mga paghahanda ay hindi lamang para sa piyesta kundi pati na rin para sa kanyang sariling prestihiyo at katayuan sa lipunan.
Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin 1. Ang paggamit ng padamdam na pangungusap na may natatanging gamit. Sa pagsulat ng ganitong uri ng pangungusap, ginagamit ang bantas na pandamdam (!) bilang hudyat ng matinding damdamin. Narito ang mga halimbawa: Paghanga: Wow! Naks, ha! Ang galing! Pagkagulat: Ay! Ngiii! Naku! Takot: Inay! Naku po! Ayyy! Tuwa: Yahooo! Yehey! Yipeee! Pag-asa: Harinawa! Sana nga! Magkakatoto sana! Inis/Galit: Buwisit! Kakainis! Ano ba!..
1. Pasalaysay o PaturolIto ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi tiong nagtatapos sa tuldok.Mga HalimbawaSi Norberto ay isang matagumpay na arkitekto.Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay.2. PatanongIto ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan nito.Mga HalimbawaSaan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin ng Pilipinas?Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang semester?Kanino makukuha ang mga klas kards?3. PadamdamIto ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam. Maaari ring gamitin ang tandang pananong.Mga HalimbawaAy! Tama pala ang sagot ko.Ano? Hindi mo pa natatapos ang proyekto natin?Yehey! Wala na namang pasok.4. Pautos o PakiusapAng pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.Mga HalimbawaPautosMag-aral kang mabuti.Nararapat lamang matutong sumunod ang mga mag-aaral ng seminary sa patakaran ng Bible School.PakiusapPakibigay mo naman ito sa iyong guro.Maari bang iabot mo ang aklat na iyan?
"Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya at salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at mga siklab at pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao sa bayan at nagsigayak na para makiisa. Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainan na kasuotan at mga alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat tahanan at hinahatak ang mga tao upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa kaniya, paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na ito. Marami ang dapat na higit pagkagustasan ng may kabuluhan at marami ang hinaing ng bayan na hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit ala siyang lakas ng loob upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay naghihintay na ang mga tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili na magkasakit upang higit na makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan siya ng taga-pangasiwa ng simbahan habng siya ay may sakit. Sinumulan ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang santo bandang alas otso ng umaga. Kahit sa prusisyon ay incapacitate ang pagkaka-iba ng antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga ginggon. Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tyago, na inaabangan naman nila Maria Clara, Ibarra at ilan pang mga Kastila."
Buod_ng_Tuwaang_(Epiko_ng_Bagobo)">Buod ng Tuwaang (Epiko ng Bagobo)Ang Tuwaang, epiko ng mga Bagobo, ay isang mahabang tula na nagsalaysay ng mga kabayanihan ni Tuwaang. Si Tuwaang ay siyang puno ng Kuaman. Balita siya sa katapangan, lakas at kakisigan. Isang Araw tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang humingi ng tulong. Tinawagan ni Batooy si Tuwaang. Nagpaalam si Tuwaang sa kapatid niyang babae na kinagigiliwan iyong tawaging Bai, ibig niyang tulungan ang nasabing dalaga. Ayaw mang pumayag ni Bai sapagkat ang gagawin ni Tuwaang ay lubhang mapanganib, hindi rin napigil si Tuwaang sa gagawin niyang pagsaklolo. Sumakay si Tuwaang sa kidlat. Ang karaniwan niyang sasakyan ay hangin. Ngunit sa pagkakataong ito'y himingi siya ng pasintabi sa hangin sa hindi ito ang gamiting sasakyan sapagkat siya'y nagmamadali.Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng Binata ng Pangavukad. Dinulutan si Tuwaang ng itso (ikmo at bunga). Ang pagdudulot ng itso sa panauhin ay kaugalian nga mga Muslim. Pumunta si Tuwaang at ang Binata ng Pangavukad sa lupain ni Batooy. Pagdating nila roon, dahil sa kagandahang lalaki ni Tuwaang aya halos hinimatay ang mga tao sa laki ng paghanga sa binata ng Kuaman. Pumanhik si Tuwaang at sa laki ng pagod dahil sa paglalakbay ay nakatulog siya sa pagkakaupo sa tabi ng dalagang may lambong ng kadiliman ang dalaga ng Buhong. Nang magising si Tuwaang, dinulutan ang dalawang itso at sila'y ngumanga. Mula pa ng dumating sa lupain ni Batooy ay walang nais kausapin ang dalagang may lambong ng kadiliman. Hinintay niya si Tuwaang upangdito sabihin ang kanyang malaking suliranin. Nagkagusto ang binata ng Pangumanon sa dalaga. Malaki naman ang pag-ayaw ng dalaga, subalit nais kunin ng Binata ng Pangumanon ang dalaga sa dahas. Kaya napilitan siyang humingi ng saklolo kay Tuwaang at kay Batooy.Hindi pa gaanong natatagalan ang pag-uusap ni Tuwaang at ng dalaga ng Buhong ay dumating naman ang Binata ng Panumanon. Walang taros na pinagtataga ng Binata ng Pangumanon ang tauhan ni Batooy. Para lamang tumatabas ng puno sa isang tubuhan at sa ilang saglit nakabulagta nang lahat ang mga kawal ata tauhan ni Batooy. Nanaog si Tuwaang at nagharap ang dalawang malakas at makapangyarihang lalaki. Ginamit ni Tuwaang ang kanyang kampilan. Sa lakas ng pagtatagaan aya naputol ito. Itinapon ni Tuwaang ang puluhan nito at kaagad na tumulong ang punong malivutu. Gayon din ang nangyari sa binata ng Pangumanon. Ginamit naman ni Tuwaang ang iba pang sandata niyang palihuma, gayon din ang balaraw hanggang nabali rin sa puluhan ang mga itao. At sabay na nagtapon ng baling puluhan ang dalawa at ito'y naging punong maunlapay. Nang magkaubusan na sila ng mga armas, sinunggaban ng Binata ng Pangumanon si Tuwaang at ibig durugin sa kanyang binti. Hindi nasaktan s i Tuwaang. Sinunggaban naman ni Tuwaang ang Binata ng Pangumanon at tinangkang ihampas sa malaking bato. Nang sasayad na ang katawan, ang bato ay naging alabok. Tinawagan ng Binata ng Pangumanon ang kanyang patung. Ito'y isang dangkal na bakal na ipinulupot kay Tuwaang. Ang patung ay bumuga ng apoy. Inunat ni Tuwaang ang kamay at namatay ang apoy. Tinawagan naman ni Tuwaang ang kanyang patung at nagliyab ang Binata ng Pangumanon at namatay.Ngumaga si Tuwaang at ibinuga ang tabug ng nganga sa tauhan ni Batooy at sila'y nabuhay na lahat. Iniuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman. Pagdating nila sa Kuaman ay may ligalig na nagaganap. Pagkatapos na magapi ni Tuwaang ang kalaban, minabuti niyang doon na sila sa bayan ng Katu-san, ang lupaing walang kamatayan.hope this helps you.....