1. Pasalaysay o Paturol
Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi tiong nagtatapos sa tuldok.
Mga Halimbawa
Si Norberto ay isang matagumpay na arkitekto.
Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.
Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay.
2. Patanong
Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan nito.
Mga Halimbawa
Saan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin ng Pilipinas?
Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang semester?
Kanino makukuha ang mga klas kards?
3. Padamdam
Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam. Maaari ring gamitin ang tandang pananong.
Mga Halimbawa
Ay! Tama pala ang sagot ko.
Ano? Hindi mo pa natatapos ang proyekto natin?
Yehey! Wala na namang pasok.
4. Pautos o Pakiusap
Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.
Mga Halimbawa
Pautos
Mag-aral kang mabuti.
Nararapat lamang matutong sumunod ang mga mag-aaral ng seminary sa patakaran ng Bible School.
Pakiusap
Pakibigay mo naman ito sa iyong guro.
Maari bang iabot mo ang aklat na iyan?
Chat with our AI personalities