answersLogoWhite

0


Want this question answered?

Be notified when an answer is posted

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: What is nagbubuklod?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Magbigay ng pangyayari sa ating kasaysayan na nagpapatunay na ang wika ang nagbubuklod ng bansa?

pangyayari sa ating bamsa na nagpapatunay na ang wika ay nagbubuklod ng bansa?


Ano ang meaning nang P. A. N. I. T. I. K. A. N. or acrostic?

Ang P. A. N. I. T. I. K. A. N. ay isang acrostic na maaaring magtakda ng mga salitang naghihimagsik o nagbubuklod sa isang konsepto o mensahe. Karaniwang ginagamit ito sa panulaan o panitikan upang magbigay-diin o kaakit-akit sa mga mambabasa.


Anu-ano ang pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Filipino?

edukasyon pinapahalagahan ang edukasyon dahil kailangan ito para maunlad ang pamumuhay kapag nakapagtapos pananalig sa diyos ang dapat unahin sa lahat dahil siya ang gumawa sa ating lahat pagtulong sa kapwa ay mahalaga sa ating lahat marami pa katulad ng paniniwala sa kabilang buhay,matapat sa tungkulin,weak ka


Ano ang ugnayan ng wika sa tao?

ang wika ay isang paraan upang mag kaunawaan ang mga tao o mamamayan sa isang Lugar kung saan ay nag kakaroon ng isang magandang ugnayan ang tao sa kapwa niLa. ito rin ang nagbibigay daan upang mas higit niLang maintindihan ang kanilang nararamdaman, saLoobin at mga opinyon.


Kahalagahan ng wika sa pagkamit ng mabisang komunikasyon?

Ang wika ay mahalaga sa pagkamit ng mabisang komunikasyon dahil ito ang pangunahing kasangkapan sa pakikipag-ugnayan sa iba. Sa pamamagitan ng wika, mas nauunawaan at naipahahayag nang maayos ang kaisipan at damdamin. Binibigyan ng wika ng kahulugan at konteksto ang mga salita at simbolo, na nagbubuklod sa tao at nakapagpapaunawa sa kaniya sa kaniyang kapwa.


Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa pagkakaroon natin ng isang wikang nagbubuklod sa ating Filipino?

Sa pamamagitan ng pagtangkilik ng sarili nating wika at pahalagahan ito, nang sa ganon ay maipaparamdam natin na may paki alam tayu sa ating bansa at maipapakita natin ang pagpapahalaga dito.At dapat Hindi natin ito kakalimutan upang Hindi lulubog ang ating sariling wika kasi kapag pinabayaan natin ito para narin nating binabalewala ang lahat ng nag sakripisyo upang makamit lang ang soberanya.Isa pahh dapat Hindi natin ito ipagpapalit anu mang wika ang ating gusto dahil para sakin pag Hindi mo tinangkilik ang ating sariling wika para mo naring tinalikuran ang lahat pati narin ang pagka pilipino mo.Kaya dapat nating paunlarin at pahalagahan ang sarili nating wika nang sa ganun ay magiging is a kang tunay na pilipino. Ik a lot rightRoblox user: omgabrilunicor


Ang Hindi lumingon sa pinanggalingan ay Hindi makakarating sa paroroonan?

ang taong Hindi kumilala sa kanyang pagkatao ay Hindi magtatagumpay sa kanyang adhikain


Ano ang kahalagahan ng linggwistika sa nagtuturo ng wika?

Kahalagahan ng WikaMahalaga ang wika sapagkat:ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.Ang wika ay katangi-tanging gamit ng tao sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Mahalaga ang wika dahil ito ang batay ng pakikipagugnayan at pakikipagtalastasan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa sangkatauhan. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika.Ito ay isang sistemang gamit sa pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at panununtunan. Sa paraang ito nagkakaintindihan ang isa't-isa,.Napakahalaga ng wika subalit kung ito ay wala Hindi magkakaintindihan ang bawat tao. Kahit ano pa man ang gamit o nakasanayang wika ng bawat indibidwal, ngunit tayong mga Pilipino ay may sarikling wika madami ngunit sariling atin kagaya na lamang ng Tagalog, Bisaya, Cebuano, Pangalatok, mga wika sa Mindanao at madami pa. Dapat natin itong pahalagahyan sapagkat ito ay yaman nating mga Pilipino.ito ang gamit natin sa pakikipag komunikasyon. ang wika ang nagsisilbing paraan na magagamit natin paramakausap ang iba.ang komunikasyon ay ang pinag sama-samang kaalaman at opinyon na mahalaga upang magkaunawaan, makatulong sa negosasyon, sa paghahatid ng impormasyon at pagsagot sa mga kuro kuro sa pamjamagitan ng analisasyon. Bilang mamamayang Pilipino,obligasyon natin na payabungin ito,dahil ito ay simbolo ng yaman ng wika na nag-uugnay sa bawat Pilipino at sa mundo, ito ay nagbibigay ng epektibong pakikipagtalastasan sa ibang tao sa mundo at ito ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakaisa ang mundoMawawalan ng saysay ang gawain ng sangkatauhan kung wala ang wika. Dahil ang wika bilang pakikipagugnayan ay ginagamit sa pakikipagkalakalan, diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng kaalaman sa agham, industriya at teknolohiya. Ang wika bilang pakikipagtalastasan ay ginagamit sa pagtungo, paghahanapbuhay at paninirahan sa ibang bansa.ito ang diwa ng isang pahayag,,..ang wika ang ngsisimbolo ng kalayaan ng isang tao,,batay kung paano niya ito ginamit,,,,,,Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao Hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin.Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito.*Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan*Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan*Ang wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan*Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga taoNakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika1. sa sarili2. sa kapwa3. sa lipunankailangan nating tangkilikin ang ating sariling wika.....................kung WALANG WIKA...WALANG KOMUNIKASYON...AT KUNG WALANG KOMUNIKASYON...WALANG PAG-KAKAUNAWAAN...Ang kahalagahan ng wika sa ating bansa ay makakatulong ito upang mag kaintindihan o mag kaunawaan....ang wika ay isang mabisang instrumento sa pakakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayan ng bansa.Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapa-abot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumikha ng tunog. Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.


Anu ano ang kahalagahan ng pag aaral ng panitikang pilipino?

ISANG MAHALAGANG salik ang wika sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng ating mga mithi at nararamdaman. Sa bawat aspekto ng ating pag-iral ay gumagamit tayo ng wika--kapag nagpapalitan ng mga sikreto sa pagitan ng ating malalapit na kaibigan, kapag sumasagot sa klase o nagsusulat ng iba't ibang term paper, sa mga oras ng review para sa eksamen, lahat ay gumagamit ng wika. Dito nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao.Ngunit gaya nga ng nabanggit kanina, kailangang hasain ang wika sa isang kaukulang lebel upang magamit ito nang maayos. Kaya naman may mga kurso tayo sa grammar o balarila, at sa literature o panitikan. Sa pamamagitan ng mga kursong ito, lumalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng iba't ibang mga salita upang makamit nila ang kanilang mga nais gawin. May matibay na relasyon ang pagbabasa at pagsusulat, sapagkat hindi maaaring umiral ang isa kung wala ang isa pa. Habang umuunlad ang ating kakayahan sa pagbabasa ay inaasahang umuunlad din ang ating kakayahan sa pagsusulat.Answer" Sadya talagang napakahalaga ng ating wika dahil dito ay mas lalo pang nagbubuklod buklod ang bawat isa sa ating bansa."


Talambubay ng may akda na si Princess O Canlas?

Iba ang Pinoy ni Princess O. Canlas Source: Kabayan On Line sari sari Source: Papelmeroti Ang Pilipinas ay binubuo ng iba't ibang lalawigan, at bawat lalawigan ay may kanya-kanyang bernakular. Ngunit iba-iba man ang salita, iba-iba mang lugar ang kinalakihan, iisa lang ang ugat na pinagmulan. Tayo ay Pilipino. Mahirap malaman kung ang isang tao ay Pilipino nga o hindi sa kasalukuyang panahon. Sapagkat ang iba sa atin ay mas nananalantay ang dugong banyaga. At kung minsan pa'y mahirap ding alamin sa kanilang gamit na wika. May maitim at mayroon namang maputi. May matangos ang ilong at mayroon namang sarat. May matangkad at mayroon din namang pandak. Ngunit isang katangian ang nagbubuklod sa mga Pilipino upang sila'y makilala mo at masabing: "IBA ANG PIN'Y!" Ang pagkakawanggawa ay may taglay na iba't ibang katangian. Sapagkat ang taong mapagkawanggawa ay masasabi ring matulungin sa kapwa, magalang, mabait, mapagbigay, mapagpaumanhin, mapagtimpi, o mapang-unawa. At ang pagkakawanggawang ito ang makikita sa mga Pilipino. Isang katangiang higit sa kayamanan. Mapapansin hanggang sa kasalukuyan na ang Pinoy ay may kusang loob na pagtulong sa mga taong nasa kanyang paligid, kilala man niya ang mga ito o hindi. Sa lansangan, ang mga bata ay tinutulungang makatawid nang matiwasay. Ang matatanda ay inaalalayan sa kanilang paglalakad. Ang maraming dala-dalahan ay tinutulungan sa pagbibitbit. Ang mga hindi sinasadyang mahulog na bagay ay pinupulot upang iabot. Ang mga upuan sa pampublikong sasakyan ay ipinagkakaloob ng mga kalalakihan sa matatanda o sa kababaihan. Pagbibigay ng pagkain sa mga nagugutom. Pagbabahagi sa mga nangangailangan. Pagtanggap sa mga bisita nang may sigla, paghahain ng pagkain kahit kung minsan ay wala ng matira para sa kanila. At minsan nama'y pag-ako sa mga gawaing naiwan ng iba. At ang lahat ng mga ito ay ginawa ng kusang-loob at hindi napilitan lamang. Iyan ang Pinoy. Likas sa mga Pilipino ang pagkakawanggawa. At ang kalikasang ito ay dapat ingatan at pagyamanin pa. Nababatid ba natin na ang katangiang ito ay nakapagkukubli ng mga pagkukulang na ating nagawa sa mata ng Diyos? Sa iyong paggawa ng kabutihan, maaring may mga pagkakataon na ika'y hindi napasalamatan o nginitian man lamang ng iyong tinulungan. At ang iyong ginawa akala mo'y walang saysay o walang kabuluhan. Ngunit may Isang higit sa lahat ay nakakaalam. At Siya ang tanging makapagsusukli sa iyong kabutihan. Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay may katumbas na gantimpala sa Panginoon. Ngunit hindi man natin makamit ang biyayang iyon dito sa lupa, makasisiguro tayong sa langit ay ipagkakaloob ng Diyos ang gantimpala. Tayo'y mga Pilipino, at nananalantay rin sa ating ugat ang dugong Kristiyano. Ang pagkakawanggawa ay patuloy nating ihandog o ibahagi sa ating kapwa. At hayaang ang ibang bansa ang magsabing, Pinoy ay dakila!


Script ng balagtasan tungkol sa Sipag at Talino?

SIPAG O TALINOLakandiwa: Alin ang mabisang puhunan ng tao? Sa pagpapaunlad ng bayan?Sipag: sipagTalino: talinoLakandiwa: ako nga palang lakandiwang nangbuhat pa sa Bulacan. Buong galang na sa inyo'y bumabati't nagpupugay. Taglay ko din ang pag-asang, naway maging matagumpay. Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi'y balagtasan. Paksang aking ilalatag, patiwari'y mahalaga. Pagkat nasasangkot dito'y Bayan nating sinisinta.Sa pag-unlad nitong bayan, puhuna'y ano baga, Ang SIPAG ba o TALINO ,alin ang mas mahalaga.? Kaya't inyong lakandiwa,ngayo'y muling nag-aanyaya ng dalwang mambibigkas ng mahusa'y at kilala. Ang hiling ko'y , salubungin ng palakpak ang dalawa. Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.Sipag: Kapag baya'y umunlad. Ang papko'y pinupukol. Sa gobyerno at mga tao, sama-sama't tulong-tulong. Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati'y ano ngaun? Wala na ngang trabaho. Kabuhaya'y urong-sulong. Kasipaga'y puhunan nating lahat sa gawain, maliit man o malaki. Mahirap man ang gampanin. Kung ang ating kasipagan, itatabi't magmamaliw. Pilipinas year 2000, di natin masalapi.Talino: Akong aba'y inyong lingkod, isinilang na mahirap, at ni walang kayamanan, maaaring mailantad. Pamana ng magulang ko, ay talinong hinahangad, pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad. Sa gobyerno at lipunan, mga tao'y may puhunan na kanilang tataglayin, habang sila'y nabubuha'y. Ang talino ang nagbubuklod, sa pambansang kalayaan, nagbibigkis sa damdamin, makayao't makabayan.Lakandiwa: Matapos maihayag ang panig ng magtatalo, ngayo'y aming ihahanda sa lawak ng pagtatalo. Bawat isa'y magpapalaong sa impormasyon at sa mga issue. Kaya't inyong timbangin upang inyong mapagsino.Sipag: tuwing mayroong magagalak na halalan sa ating bayan, sinusuri mga kandidata, may nagawang kabutihan, ang anong natapos na kurso, ay di na inaalam. Kakayahan nya't sipag, tangaing pinag-uusapan, aanhin mo ang talino kung di naman nagagamit, mga tao'y umaasa, lalo't silay nagigipit. Matalinong naturingan, tamad naman walang bait. Nawawalan ng bansag, kaluluwa ang kapalit.Talino: nalimutan ng kantaro'y, mga bayaning namatay, na nagtanggol sating bayan , ng laya ay makamtan. Ngunit dahil sa talino, taglay nila nung araw, ngayon tayong lahat alipin pa ng dayuhan. Iba nga'y naging presedente o kongresman. Lahat sila ang talino ay di natin matawaran. Mga batas na pinatupad sa ating bayan, pinuhunan ay talino , kaya't sila'y naging gabay.Sipag: Sa dami ng matalino, namumumuno sa ating bansa, Ibat-ibang pagpapasya at maging paniniwala. Utos dito utos doon, sila'y di gumagawa, kaya't laging nababalang kapakanan naming dukha. Samantalang kung masipag itong mga punong halal, sa problema at kalamidad, sila'y laging naririyan, hindi na kailangang tawagin sila kung saan, pagkat pagtulong nila'y kambal ng kasipagan.Talino: Tila yata nalimutan nitong aking katunggali, sa pagtulong ay talino ang gamit palagi, pag maroong kalamidad, manlloko'y andiyan palagi, kay'yt anong mahalaga, Talino'y ipagbunyi. Matataas na gusali, Super market, pubric at mall, fly overs,sky ways, at ibat-ibang kominikasyon. Lahat ng yan ay nagawan, talino'y naging puhon, kayat bayan ay umunlad, angt biyaya;y tuloy-tuloy.Sipag: SIPAG ANG KAILANGAN !!Talino: TALINO ANG PUHUNAN !!Sipag: matalino nga tamad naman!Talino: ang taong tamad ginagamit ang talino para sumipag.Sipag: sipag.!Talino: talino.!Lakandiwa: Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa. Pagtatalo nitong dalwa, mahuhusay na makata, pagkat tila nag-iinit, at di masawata. Lahat ng katwiran, nakatatak sating diwa, ang talino ay wika, kayamanang handog ng Dyos, lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa't loob. Kasipagan at talino, pasaning walang toos, kaya't dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos. Ang talino'y syang utak sa balangkas na paggawa. Ang sipag namay syang bisig sa planong binabadya. Kung ang isa'y mawawala, walang silbing magagawa. Kaya't kapwa mahalaga. PANALO SILANG KAPWA!!-jobie anne francisco


Ano ang halimbawa ng sawikain tungkol sa kabataan?

Answer:Iba ang Pinoyni Princess O. CanlasAng Pilipinas ay binubuo ng iba't ibang lalawigan, at bawat lalawigan ay maykanya-kanyang bernakular. Ngunit iba-iba man ang salita, iba-iba mang lugarang kinalakihan, iisa lang ang ugat na pinagmulan. Tayo ay Pilipino. Mahirapmalaman kung ang isang tao ay Pilipino nga o hindi sa kasalukuyangpanahon. Sapagkat ang iba sa atin ay mas nananalantay ang dugongbanyaga. At kung minsan pa'y mahirap ding alamin sa kanilang gamit nawika.May maitim at mayroon namang maputi. May matangos ang ilong atmayroon namang sarat. May matangkad at mayroon din namang pandak.Ngunit isang katangian ang nagbubuklod sa mga Pilipino upang sila'ymakilala mo at masabing: "IBA ANG PIN'Y!" Ang pagkakawanggawa ay maytaglay na iba't ibang katangian. Sapagkat ang taong mapagkawanggawa aymasasabi ring matulungin sa kapwa, magalang, mabait, mapagbigay,mapagpaumanhin, mapagtimpi, o mapang-unawa. At angpagkakawanggawang ito ang makikita sa mga Pilipino. Isang katangiang higitsa kayamanan.Mapapansin hanggang sa kasalukuyan na ang Pinoy ay may kusang loob napagtulong sa mga taong nasa kanyang paligid, kilala man niya ang mga ito ohindi. Sa lansangan, ang mga bata ay tinutulungang makatawid nangmatiwasay. Ang matatanda ay inaalalayan sa kanilang paglalakad. Angmaraming dala-dalahan ay tinutulungan sa pagbibitbit. Ang mga hindisinasadyang mahulog na bagay ay pinupulot upang iabot. Ang mga upuan sapampublikong sasakyan ay ipinagkakaloob ng mga kalalakihan sa matatandao sa kababaihan. Pagbibigay ng pagkain sa mga nagugutom. Pagbabahagisa mga nangangailangan. Pagtanggap sa mga bisita nang may sigla,paghahain ng pagkain kahit kung minsan ay wala ng matira para sa kanila. Atminsan nama'y pag-ako sa mga gawaing naiwan ng iba. At ang lahat ng mgaito ay ginawa ng kusang-loob at hindi napilitan lamang. Iyan ang Pinoy.Likas sa mga Pilipino ang pagkakawanggawa. At ang kalikasang ito ay dapatingatan at pagyamanin pa. Nababatid ba natin na ang katangiang ito aynakapagkukubli ng mga pagkukulang na ating nagawa sa mata ng Diyos? Saiyong paggawa ng kabutihan, maaring may mga pagkakataon na ika'y hindinapasalamatan o nginitian man lamang ng iyong tinulungan. At ang iyongginawa akala mo'y walang saysay o walang kabuluhan. Ngunit may Isanghigit sa lahat ay nakakaalam. At Siya ang tanging makapagsusukli sa iyongkabutihan. Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay may katumbas nagantimpala sa Panginoon. Ngunit hindi man natin makamit ang biyayang iyondito sa lupa, makasisiguro tayong sa langit ay ipagkakaloob ng Diyos anggantimpala.Tayo'y mga Pilipino, at nananalantay rin sa ating ugat ang dugong Kristiyano.Ang pagkakawanggawa ay patuloy nating ihandog o ibahagi sa ating kapwa.At hayaang ang ibang bansa ang magsabing, Pinoy ay dakila!Munting AlaalaNi AuraNaiisip mo ba ang mga nangyayari sa bawat araw, nagtataka lang ako sa mga tao sa tuwing pinagmamasdan ko sila mula sa aking kinalalagyan.Sa dami ng kanilang mga ginagawa tila napakarami na nilang nalimutan mga bagay, mga pinalampas na pagkakataon o oras.Bakit nga ba tila masyadong masalimuot ang buhay ng tao, kaylan ka pa bang huling umakyat ng bubong para matulog o para magpahangin, huling humiga sa isang mahabang bangko at tumingala lamang sa langit habang pinagmamasdan ang mga ulap, ang huling beses na naligo ka sa ulan o nagtampisaw sa baha, kaylan ka huling naupo sa tabi ng kalsada habang katabi ang iyong mga kaibigan. Kaylan kayo huling kumain ng mami sa kanto ng magkakasama, yung huling beses na dinalaw mo ang iyong elementary school o high school, kaylan ka ulit bumalik sa dati nyong tambayan at nagpalipas oras tulad ng dati nyong ginagawa, kaylan ka huling naglaro ng teks. Masyado na bang marami ang mga bagay na hindi mo na nagagawa pero ano nga nga ba ang pumipigil sa tao para magawa ang mga dati ay nagagawa nya?Sa paglipas ng panahon naaalala mo pa ba ito o itinabi mo na rin tulad ng iyong mga laruan, kaylan mo pa ba huling hinawakan ang paborito mong laruan, o binasa ang mga secret notes sa likod ng mga school notebook mo, o tinignan ang mga matataas na grade na ibinigay sayo ng teacher mo, bakit ba hindi na pwede pang ulitin ang mga gawain na ito o bakit sa paglipas ng panahon ay unti-unti na ring nalilimutan ng tao ang mga simpleng bagay na ito na dati-rati ay labis na nagpapasaya sa tao?Gaano nga ba kadaling limutin ang munting kasiyahan na ito? totoo nga bang habang tumatanda ang tao ay nawawala na rin ang kakayahan niyang maligayahan sa mga munting bagay. Gaano na nga ba kalaki ang mundong ginagalawan mo ngayon o pakiramdam mo lamang ay malaki ito. Nakalimutan na ba nga tao ang mga kaligayahang inihain sa kanila ng kalikasan, at lumikha sila ng maliliit na mundo sa gitna nang napakalaking mundong ito,.Naniniwala lamang ako na ang mundo ang syang umiiwan sa kalikasan pero kaylan man ay hindi iiwan ng kalikasan ang mundo.