A morpheme is the smallest grammatical unit in a language that carries meaning. It can be a word itself (like "book") or a part of a word (like the prefix "un-" in "undo"). Morphemes are classified into two main types: free morphemes, which can stand alone, and bound morphemes, which must attach to other morphemes to convey meaning. Understanding morphemes is essential for analyzing the structure and formation of words in linguistics.
mga halimbawa ng morpema
Ang morpema ang pinakamaliit na bahagi ng wika na nagtataglay ng sariling kahulugan. Hindi ito dapat ipagkamali sa pantig na likha ng mga salita kung isinusulat o ang bawat saltik ng dila kapag binibigkas. Maraming mga pantig ang walang kahulugan sa sarili kaya Hindi maaaring tawaging morpema. Ang morpema ay maaaring isang salita o bahagi lamang ng isang salita. May tatlong anyo ang morpema : ang morpemang salitang - ugat, ang morpemang panlapi, at ang morpemang binubuo ng isang ponema. 1. Morpemang salitang-ugat - ito ay binubuo ng salitang walang kasamang pan- lapi. Ito ay mga salitang payak. Tinatawag din itong malayang morpema. Halimbawa : ilog, bahay, araw, lupa, bandila 2. Morpemang panlapi - ito ay may taglay na kahulugan sa sarili. Ngunit Tina- tawag ang ganitong morpema na di-malayang morpema. Hindi sila makakatayo sa kanilang sarili. kinakailangan pa itong samahan ng isang malayang morpema upang magkaroon ng ganap na kahulugan. Iba - ibang pusisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita kaya may iba - ibang uri din ng panlapi ayon sa pusisyon nila sa loob ng salita. Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita. Halimbawa : magbasa, umibig, paalis, makahuli Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita. Halimbawa : sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita. Halimbawa : ibigin, sulatan, sabihan, gabihin Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita. Halimbawa : mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan Laguhan - kapag makikita ang mga panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng salita. Halimbawa : magdinuguan, pagsumikapan, ipagsumigawan 3. Morpemang binubuo ng isang ponema - makikita sa mga sumusunod na halimbawa : doktor - doktora, abogado - abogada MIKAELA, <3
Ang morpemang diversional ay mga morpema na nagdadala ng bagong kahulugan o nagbabago ng kategoryang gramatikal ng isang salita, tulad ng paglikha ng bagong salita. Samantalang ang morpemang inflectional ay mga morpema na nagdadagdag ng impormasyon tungkol sa gramatika ng isang salita, tulad ng bilang, kasarian, o panahon, nang hindi nagbabago ang pangunahing kahulugan nito. Halimbawa, sa salitang "bata," ang pagdagdag ng "-an" upang maging "bataan" ay isang morpemang diversional, habang ang pagdagdag ng "s" upang maging "batas" ay isang morpemang inflectional.
Ang Morpolohiya ay:Ang maka-agham na pagaaral ng mga morpema o makabuluhang yunit ng mga salita.Ito ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba't ibang morpema.Ito ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang salita na may angking kahulugan. Ito ay maaaring panlapi o salitang ugat.