Ang morpema ang pinakamaliit na bahagi ng wika na nagtataglay ng sariling kahulugan. Hindi ito dapat ipagkamali sa pantig na likha ng mga salita kung isinusulat o ang bawat saltik ng dila kapag binibigkas. Maraming mga pantig ang walang kahulugan sa sarili kaya Hindi maaaring tawaging morpema. Ang morpema ay maaaring isang salita o bahagi lamang ng isang salita.
May tatlong anyo ang morpema : ang morpemang salitang - ugat, ang morpemang panlapi, at ang morpemang binubuo ng isang ponema.
1. Morpemang salitang-ugat - ito ay binubuo ng salitang walang kasamang pan-
lapi. Ito ay mga salitang payak. Tinatawag din itong malayang morpema. Halimbawa : ilog, bahay, araw, lupa, bandila
2. Morpemang panlapi - ito ay may taglay na kahulugan sa sarili. Ngunit Tina-
tawag ang ganitong morpema na di-malayang morpema. Hindi sila makakatayo sa kanilang sarili. kinakailangan pa itong samahan ng isang malayang morpema upang magkaroon ng ganap na kahulugan.
Iba - ibang pusisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita kaya may iba - ibang uri din ng panlapi ayon sa pusisyon nila sa loob ng salita.
Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita. Halimbawa : magbasa, umibig, paalis, makahuli
Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita. Halimbawa : sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa
Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita. Halimbawa : ibigin,
sulatan, sabihan, gabihin
Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay NASA hulihan ng salita. Halimbawa : mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan
Laguhan - kapag makikita ang mga panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng salita. Halimbawa : magdinuguan, pagsumikapan, ipagsumigawan
3. Morpemang binubuo ng isang ponema - makikita sa mga sumusunod na halimbawa : doktor - doktora, abogado - abogada
MIKAELA, <3
Chat with our AI personalities