answersLogoWhite

0

AKO'Y PILIPINO



Pilipino ako sa anyo, sa kulay,

Sa wika, sa gawa at sa kalinangan.

Ang mutyang bayan ko'y Perlas ng Silangan,

Kilala sa ganda at sa iwing taglang na yaman.


Sa mga ugat ko ay nananalaytay,

Magiting na dugo ng raha at lakan;

Ang kasaysayan ko'y di malilimutan

Ng aking kalahi't liping pinagmulan.


Maraming bayaning nagbuwis ng buhay,

Di nag-atubili sa tawag ng bayan,

Nabuwal sa dilim at nagdusang tunay

Upang kalayaan ay aking makamtan.


Ikararangal ko itong lahi,

Di ikahihiya sa alinmang lipi;

Busilak ang puso, malinis ang budhi

Mamatay ay langit kung bayan ang sanhi.


Taas noong aking ipinagmalaki

Pilipino akong may dangal na lahi,

Sintang Pilipinas ang bayan kong saksi,

Dinilig ng dugo ng mga bayani.



BANDILA NG LAHI

Hayun, lumilipad sa kaitaasan;

Ang ating bandilang kay gandang pagmasdan.


Kay ganda ng kulay: pula, puti, bughaw;

May tatlong bituin, sa gitna ay araw.


Kapag itinataas ang ating bandila,

Iyong maririnig, awit na pambansa.


Ang bandilang ito ay dapat mahalin,

Katulad din nitong Inang Bayan natin.



ANG WIKANG PILIPINO

Wikang Pilipino ay ating mahalin

Ito ang sagisag nitong bansa natin,

Binibuklod nito ang ating damdamin

Ang ating isipan at mga layunin.


Wikang Pilipino ay maitutulad

Sa agos ng tubig na mula sa dagat,

Kahiman at ito'y sagkahan ng tabak

Pilit maglalagos, hahanap ng butas.


Oo, pagkat ito'y nauunawaan

Ng Wikang Pambansa sa baya'y ituro,

Tatlumpu't dalawang taong sinapuso

Ng bata,matanda; lalo na ng guro.


Mapasok na nito'y maraming larangan

Ng mga gawain na pampaaralan,

Transaksyon sa bayan at sa

sambayanan.


Iya'y lumitaw na sa mga bayani,

Rizal, Bonifacio, Del Pilar, Mabini,

Kaya't kabataan, sikaping mag-ani

Sa sariling bayan ng dangal at puri.


********************************************************





User Avatar

Wiki User

9y ago

What else can I help you with?

Related Questions

Uri ng tuldik at diin?

Uri ng tuldik at diin: 1. Malumay 2. Malumi 3. Mabilis 4. Maragsa


5 hal salita ng mga uri ng diin at tuldik?

Sa Filipino, ang mga uri ng diin ay ang sumusunod: tuldik (mga marka na nagpapakita ng tamang bigkas), pahilis (nagtuturo ng diin sa huli ng salita), pataas (nagtuturo ng diin sa simula ng salita), baba (nagtuturo ng diin sa gitna ng salita), at tuldik na pangungusap (nagpapakita ng tono sa mga tanong o utos). Ang bawat uri ng diin at tuldik ay mahalaga sa wastong pagbibigkas at pag-unawa ng mga salita sa konteksto ng pangungusap.


Tatlong uri ng pang-abay?

ang tatlong uri ng pang-abay ay ang sumusunodkapag tumutugon sa kalanungan na paanopang-abay na pamaraan . . . . . .. . . . .


Tatlong uri ng di formal na wika?

panlalawiganinkolokyalbalbal


Sino ang pangunahing lumilinang ng likas na yaman?

Ano ang tatalong uri ng likas na yaman at tatlong uri ng mineral


Ano ang tatlong uri ng pangisdaan?

ang tatlong uri ng pangisdaan ay ang comercial fishing,aquaculture at municipal fishing


Ano ang uri ng lathalain?

tahas basal lansakan


ano ang tatlong urin na alipin sa visayas?

Alipin○ Ang alipin o oripun sa Bisayas ay tumutukoy sa pinakamababang uri ng lipunan noong sinaunang panahon ng Filipinas. 8. Tatlong Uri ng Alipin o ...


Halimbawa ng diin at tuldik?

Sa wikang Filipino, ang diin at tuldik ay mahalaga sa tamang pagbigkas ng mga salita. Halimbawa, ang salitang "bata" ay may diin sa unang pantig, samantalang ang "báta" (na may tuldik) ay nangangahulugang "child" at may ibang kahulugan. Ang tamang paggamit ng tuldik, tulad ng "báy" (na may tuldik sa 'a') na nangangahulugang "to pay," ay nagbabago rin ng kahulugan. Ang mga tuldik at diin ay nakakatulong upang maipahayag ng tama ang mensahe sa komunikasyon.


Ilarawan ang tatlong uri ng pangkalahatang klima sa asya?

di ko alam


Ano ang tatlong uri ng di-formal na wika?

balbal,kolokyal, lalawiganin


What does Mga uri ng bigkas translate to in English?

The Filipino words "Mga uri ng bigkas" can be translated into the English words "Types of pronunciation".