answersLogoWhite

0


Best Answer

Segunda Katigabak - Ang unang pag-ibig ni Rizal. Sa gulang na 16 na taon, pagkaraan ng pag-aaral sa Ateneo, nagsimulang umibig si Rizal sa isang dalagang 14 na taong gulang taga-Lipa, Batangas. Ang dalaga ay kaibigan at kasama sa inuupahang bahay ng kapatid ni Rizal na si Olimpia na ang-aaral sa kalehiyo ng La Concordia. Ito ang pag-ibig sa unang pagkikita at ito rin ang kauna-unahang pagkabigo sa pag-ibig ni Rizal sapagkat ang dalaga ay nakatakda ng ikasal sa isang Manuel Cruz. Leonor Valenzuela - Sa pag-aaral ni Rizal ng medisina ay tumira siya sa bahay ni Donya Concha Leyva. Malapit sa lugar na iyon ang bahay nila Juan at Sanday Valenzuela na may anak na dalaga na si Leonor na kilala sa palayaw na Orang. Si Leonor ay matangkad na babae na kasing-taas ni Rizal. Dahil sa aking taglay na ganda ng dalaga, si Rizal ay humanga. Madalas silang namamasyal ng binata sa kanilang lugar. Niligiwan siya ni Rizal sa pamamagitan ng mga liham na isinulat sa inbisibol na tinta na ginawa niya buhat sa pinaghalong asin at tubig. Mababasa lamang ang anumang nakalagda kung itatapat ang papel sa liwanag ng kandila o lampara. Sila ni Rizal ay naging magkasintahan sa sandaling panahon lamang. Leonor Rivera - sweetheart sa loob ng 11 na taon; ayaw ng ina ni Leonor kay Rizal dahil sa pagiging pilibustero.
Consuelo Ortega y Perez- nang umalis si rizal sa pilipinas, nakatagpo niya sa nmadrid si consuelo. bagama't hindi maliwanag kung nagkaroon ng unawaan o umibig si rizal sa babaing ito, ito ay pinaghandugan niya ng isang tula na " sa iyo, Bb. C.O. y P.". sa kanyang tala arawan naman ay isinulat ni xonsuelo ang alaala ng araw na si rizal ay tumigil sa tahanan ng kanyang magulang. ang huling pangungusap na isinulat ni consuelo ay "ang araw na lumipas ay isa sa mga araw na lagi na'y manantili sa aking alaala". O Sei San - Nagsimula ang pag-iibigan nina Rizal at Seiko nang lumipat si Rizal sa Legasyon ng Espanya sa Azabu, distrito ng Tokyo. Nakita ni Rizal ang isang magandang babae na dumaan sa harap ng gate ng Legasyon. Hindi niya alam kung paano niya makikilala ang babae kaya ang ginawa niya ay nagtanong-tanong siya sa mga empleyado at sinabi ng isang hardinerong Hapon na Seiko Usui ang pangalan ng babae.nang sumunod na araw ay hinintay ni Rizal si Seiko, nagpakilala siya dito at tinanggal ang sumbrero. Ito kasi ang naging kaugalian ng mga Aleman. Medyo mahina si Rizal sa Niponggo kay tinutulungan siya ng hardinero na magpakilala. Sinabi ng hardinero na isa siyang manggagamot na galing sa Maynila at bisita ng Legasyon. Humanga si Seko kay Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong marunong ng wikang Niponggo ay pinipilt niya para lang makausap siya kaya ang ginawa ni Seiko ay nagsalita siya ng wikang Pranses at Ingles. Simula noon ay araw-araw na silang nagkikita at tinawag ni Rizal si Seiko na O-Sei-San. Madalas silang mamasyal at sinasabi na ang nagbuklod kina Rizal at Seiko ay ang sining. Nakita rin ni Rizal kay Seiko ang katangian na hinahanap niya sa isang babae mahinhin, maganda, kabigha-bighani, at matalino. Ang nagustuhan naman ni Seiko kay Rizal ay ang pagiging maginoo, may dignidad, matapang, at maraming talento na tao. Bukod sa pagiging magkasintahan ay naging tutor din ni Rizal si Seiko sa wikang Niponggoat gumagabay sa kanya sa pag-oobserba sa mga Village at Shrine sa Tokyo.

Pagkaalis ni Rizal naiwang bigo sa pag-ibig si Seiko. Nagluksa siya sa pagkawala ni Rizal. Taong 1897 pagkatapos ng mahatulan si Rizal, nagpakasal siya kay Ginoong Alfred Charlton, isang guro. Ngunit namatay din ito noong Nobyembre 2, 1915.
Namatay si Seiko sa edad na 80 noong May 1, Doon na sana titira sa Tokyo si Rizal dahil bibigyan siya ng trabaho ng Legasyon at makakasama niya pa si Seiko subalit mas pinili niya pa rin ang misyon niya sa pagpapalaya sa Pilipinas. Bago umalis si Rizal ay sumulat siya sa diary. Napakaloob dito na hindi niya makakalimutan ang mukha ni Seiko sa kanyang isip at binabanggit niya pa rin ang pangalan nito, ayon din sa kanya ay walang ibang babae na nagmahal at nagsakripisyo sa kanya tulad ni O-Sei-San. Umalis si Rizal na mabigat ang loob, bumalik sa Europa para sa isang misyon at sinakripisyo ang sarili. Gertrude Beckett - kulay asul ang mata. Labing walong taon si 'Gettie' nuon ng humanga sa isang Filipino na nangungupahan sa kanilang paupahan. Pero si rizal ay agad lumisan papuntang Paris upang pigilan ang nararamdaman kay Gettie, para ipagpatuloy ang kangyang mga Gawain para sa pilipinas, iniwanan niya dito ang Group carving upang tanda ng kanilang sandaling pag iibigan.

Nellie Boustead - Palaisip at relihiyosa, palaging pinangingibabaw ang dangal, intelektuwal, at may sariling desisyon. Minamahal ni antonio luna si nelly. Nagkakaroon ng di unawaan si rizal at nelly ukol sa paniniwala ni rizal sa relihiyon dahil sa protestante si nelly.Nang magsabi si rizal kay ginoong boustead ay hindi ito tumutol at ibinigay pa ang kanang suporta.Pinilit ni nelly na maging isang protestante si rizal ngunit di niya ito pinagbigyan, sa bandang huli ay naghiwalay rin silang magkaibigan. Josephine Bracken - May anyong europeang-europea maliban sa taas na limang talampakan at kalahating pulgada lamang. Nagpunta si josephine bracken sa dapitan para ipagamot ang mata ng kanyang ama-amahang si george. sa unang pagkikita ay nabighani na si rizal kay josephine at ganoon din si joephine kay rizal. sa loob ng isang buwang pananatili ni G toufer at josephine ay nagpasya si rizal na pakasalan si josephine. si josephine ay anak ni james bracken, isang sundalong naglilikod bilang private sa 28th regiment of foot at ng isang babaeng intsik. nang mamatay ang tunay na asawa ni james ilang araw matapos isilang si joephine ay ipinarehistro niya ang bata bilang lehitimong anak. ngunit dahil sa di niya kayang alagaan ang bata ay ipinaampon niya ito sa magasawang Taufer.

Julia - nakilala ni rizal noong abril 1877.Nakilala sya ni rizal sa ilog dampalit, losbanos, laguna.labing anim na taon si Rizal ng makilala ang dalagita. sa pagkakatayo ni rizal sa may dalampasigan ay napagmasdan niya ang maraming kababaihang nagsisipaggugo ng kanilang mga ulo. isang magandang dalagita ang nakita ni rizal na lumabas mula sa malalagong halaman. ang dalagang narinig ni rizal na nagngangalang julia ay nagsabi sa kanyang lola na nais niyang manghuli ng paru paro bago umuwi ng kanilang bahay. dahil sa narinig ay nagpakitang gilas si rzal sa paghuli sa paru paro ngunit nakawala ang paru paro. sinikap nyang makahuli ng paru paro at ibinigay ito sa dalaga. nagkakilala sila ng dalaga at inihatid ang mag lola sa kanilang bahay sa los banos laguna. subalit tulad ng ibang kabataan, ang paghangang kanyang nadama ay agad na nawala ng makilala ang dalagang taga-lipa, batangas.
Bb. L - si binibining L ay higit na mas matanda kaysa kay rizal at pinaniniwalaang guro ni rizal na si Jacinta Ibardo Laza. nakatira si Bb L sa bahay ni Nicolas regalado na kaibigan ni Rizal. madalas dalawin ni rizal si Bb L ngunit ang puso nya ay para kay Segunda Katigbak. natigil lang ang pagdalaw nya dito ng pagbawalan siya ng kanyang ama.

User Avatar

Wiki User

8y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Sino ang mga babae sa buhay ni Jose Rizal?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp