Ang "hungkag" ay isang salitang Filipino na nangangahulugang walang laman o walang sustansya. Sa kwento ng "Ibong Adarna," ang pagiging "hungkag" ng ibon ay maaaring tumukoy sa kawalan nito ng pisikal na kapangyarihan o enerhiya dahil sa pagkukumpuni ng prinsipe.
siya ang isa sa mga nagbantay ng kabayo
The cast of Sino ang reyna - 1970 includes: Merle Fernandez Eddie Gutierrez Divina Valencia
-cleaR
Siya ang Hari ng Berbanya na may asawa na si Donya Valerana at tatlong anak na sina Don Diego, Don Juan, at Don Pedro.
Narito naman sa ibaba ang lahat ng mga tauhan sa koridong Ibong Adarna [10].Ibong Adarna - Ang makapangyarihang ibon ng punong Piedras Platas na naninirahan sa Bundok TaborDon Juan - Isa sa mga Prinsipe ng Kahariang Berbanya, bunsong anak ni Haring FernandoDonya Maria - Ang Prinsesa ng Kahariang Reino de los Kristal, anak ni Haring SalermoHaring Fernando - Ang Hari ng Kahariang Berbanya, ama Nina Don Pedro, Don Diego at Don JuanDon Pedro - Isa sa mga Prinsipe ng Kahariang Berbanya, panganay na anak ni Haring FernandoDon Diego - Isa sa mga Prinsipe ng Kahariang Berbanya, pangalawang anak ni Haring FernandoHaring Salermo - Ang Hari ng Kahariang Reino de los Kristal, ama ni Donya Maria BlancaDonya Juana - Isa sa mga Prinsesa ng Kaharian sa Armenya, kapatid ni Donya LeonoraReyna Valeriana - Ang Reyna ng Kahariang Berbanya, ina Nina Don Pedro, Don Diego at Don JuanAng Ermitanyo - Matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga tumulong kay Don JuanErmitanyong Uugod-ugod - Ang tumulong kay Don Juan na mapanumbalik ang dati nitong lakas matapos siyang pagtaksilan Nina Don Pedro at Don DiegoDalawang Ermitanyo - Mga tumulong kay Don Juan na makarating sa Kahariang Reino de los Kristal(kaharian kristal)Donya juana'' at Donya Leonora'' - Ang dalawang magkapatidArsobispo '' - Ang Humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya LeonoraLobo '' - Ang Gumamot kay Don Juan sa Kaharian sa Armenya, alaga ni Donya LeonoraAng Higante '' - Bihag niya si Donya JuanaAng Serpyente '' - Malaking ahas na may pitong ulo, bihag niya si Donya LeonoraDonya Juana'at'Donya Isabela'-ang dalawang kapatid ni Donya Maria BlancaIta-mga alaga ni Maria Blanca at HaringSalermo
Sino-sino ang namumuno sa tindahang kooperatiba?
Kaligirang Kasaysayan ng Ibong AdarnaMaria Grace N. Bolus 1st Year - BAng Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Walang tiyak na petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz. Si Huseng Sisiw, ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng tula.LagomUmiinog ang tula sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego, at Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas doon sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ng kahit sino man sa kanila ang ibon upang mapagaling si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng kung anong sakit na Hindi kayang gamutin ng karaniwang mediko. Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari.Ang magkakapatid ang nakahanay na magiging tagapagmana ng korona't setro ng hari.Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe. Ngunit Hindi sapat iyon sa haharapin nilang pagsubok. Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa matarling na awit ng Adarna at maiputan nito.Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna nang tulungan ng nasabing prinsipe ang isang matandang nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng matanda si Don Juan, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid.Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang malalim na balon. Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal.Napaibig din si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga'y kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo. Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit niya.Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan. Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.Anyo ng tulaAng korido [Esp., corrido] ay isang anyo ng tulang Espanyol na gumagamit ng sukat na wawaluhin at karaniwang may isahang tugma. Ayon sa pag-aaral ni Damiana L. Eugenio, karaniwang pinapaksa ng korido ang buhay o pakikipagsapalaran Nina Charlemagne (Carlo Magno) at Haring Arthur (Arturo), at ang kaligiran ng Troya, Gresya, at Roma. Kasama sa mga elemento ng tula ang matimyas na pag-iibigan, ang relihiyosong paniniwala, at ang kagila-gilalas o pantastikong pangyayari. Mula sa banyagang padron ang korido, ngunit pagsapit sa Filipinas ay kinasangkapan ng mga katutubong Filipino upang itanghal ang kanilang naiibang kaligiran.Ang paggamit ng terminong "korido" sa Filipinas ay waring pagtatangkang tabunan ang katutubong tulang dalít na ang sukat ay wawaluhin din at may isahang tugma, ani Virgilio S. Almario, na nag-aral nang malalim hinggil sa katutubong uri ng tulang Tagalog.Samantala, ang koridong Ibong Adarna ay binubuo ng 1,056 saknong, at umabot sa 48 pahina. Maraming alusyon ang ginamit na Hindi lamang mula sa Europa, bagkus maging sa Gitnang Silangan. Bagaman sa unang basa'y mahihinuhang may bahid ng Kristiyanismo ang talakay ng tula, nalalahukan din yaon ng mga konseptong gaya ng sa Budismo at Islam, ayon na rin sa pag-aaral ni Roberto T. Añonuevo.PunaAng dalumat ng Ibong Adarna ay Hindi nalalayo sa mga epikong bayan sa Filipinas. Maraming ibon sa Filipinas, at gaya sa epikong Kudaman at Manobo ay marunong ding magsalita at may kapangyarihang manggamot, lumipad nang mataas, at tumulong sa sinumang makapagpapaamo rito. Ipinaliwanag ito nang malalim ni Añonuevo sa kaniyang akda hinggil sa dalumat ng ibon.Paggamit sa koridoHinalaw ang Ibong Adarna, at isinapelikula, isinalin sa dulang panradyo, teatro, sayaw, at sa kung ano-ano pang pagtatanghal. Pinakialaman din ng kung sino-sinong editor ang nasabing korido pagsapit sa teksbuk, at ang orihinal na anyo nito ay binago ang pagbaybay at isinunod ayon sa panlasa o paniniwala ng editor at publikasyon.Sa kasalukuyan, ang Ibong Adarna ang isa sa mahahalagang akda na pinag-aaralan ngayon sa mataas na paaralan, alinsunod sa kurikulum na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon.Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang bahagi ng Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay Hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas. Ito'y tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula sa alinmang bansa sa Europa. Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating sa Mehiko at di nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas. Kung titingnan, ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat Hindi tiyak kung sino talaga ang totoong umakda nito. Nang isalin sa Wikang Tagalog ang naturang korido, ipinagpapalagay na ganito ang mga nangyari:* Ang pangalan ng orihinal na may-akda, na nagmula sa kung saan-saang bansa sa Europa ay Hindi na isinulat ng mga sumunod na nagpalimbag,* Ginamit ng mga tagapagsalin ang kanilang pangalan, ngunit ito'y di isinama sa pagpapalathala,* Ang mga kauna-unahang salin ng akdang ito ay pawang sulat-kamay at nang maglaon ay Hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang mga pangalan ng nauna sa kanila at,* Sapagkat Hindi nga tiyak kung sino talaga ang totoong may-akda ng korido, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag ng isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag.Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito'y isalin sa katutubong wika. Ang bawat kopya ng akdang ito ay ipinagbibili sa mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga bayang nagdiriwang ng pista. Ngunit marami noon ang di marunong bumasa kaya't iilan lamang ang mga kopyang napalimbag. Sa kabutihang-palad, di nagtagal ay itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng komedya o moro-moro.Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya ngayong pinag-aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949 .Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si José de la Cruz (o Huseng Sisiw), isang makatang kaalinsabay ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ang kumatha ng Ibong Adarna. At dahil nga sa kawalang-katiyakan kung sino ang orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan nito sa Panitikang Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo mismo sa Pilipinas.
Senador Estor Yah Hee
Sino? in Tagalog is "Who?" in English.
The English translation of "sino siya" is "who is he/she."
sino si Alvin Yapan