answersLogoWhite

0


Best Answer

Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang kaibigan? Para sa akin maraming ibig sabihin ng kaibigan, kaibigan sa kasiyahan lang or sa gimmick lang, kaibigan kapag may kailangan lang sayo, kaibigan lang sa tsismisan, kaibigan lang na may makakasama at makaka-usap, kaibigan lang siya kapag may nakukuha sayo. Yan lang ang mga halimbawa ng salitang kaibigan. Sa tingin ninyo ba masasabi mo na agad na kaibigan kapag bago palang kayo magka-kilala?.
Para sa akin ang tunay na kaibigan ay ang taong NASA likuran mo sa oras ng kagipitan, taong mahihingahan mo sa oras na may problema ka at feeling depress ka, at siya ang taong magpapalakas ng iyong loob at susuporta sa iyo kahit sa anong bagay. Yun ang matatawag kong tunay na kaibigan, yung tanggap ka kahit ano ka at kahit ano meron ka, yung kahit anong mangyari nandiyan siya sa likod mo, siya rin yung taong hindi mag-aatubiling magsasabi sayo kung tama ba o Mali na ang ginagawa mo , taong tutulong sayo na hindi mag-hihintay na ano mang kapalit, taong maiiyakan mo, taong masasabihan mo ng kahit anong sekreto mo, taong I maitetreasured mo habang ika'y nabubuhay, at kahit anong pag-subok ang dumating sayo nandiyan siya hindi ka niya iiwan. Kapag ganyan ang taong kaibigan mo masasabi mo na siya ang tunay mong kaibigan.
Naaalala ko tulo'y ang isa kong kaibigan, siya ang kaisa-isang tao na naging kaibigan ko nung time na down na down ako siya yung taong nasa likuran ko nag-papalakas ng aking loob, taong nagtuturo sa akin, taong tumutulong sa akin sa aking kagipitan, taong itinuring akong parang isang kapatid hindi lang isang kaibigan, masyadong malalim ang aming pinag-samahan bilang mag-kaibigan, kapag nag-kakasakit ako siya ang nag-aalaga sa akin siya ang taong itinuring kong para kong isang kapatid na babae, sa kanya ko naramdaman ang pag-aalaga ng isang nakakatandang kapatid na babae, napakabait niyang tao hindi lang sa kaibigan niya kundi pati na rin sa kanyang pamilya .marami ring mga pag-subok din ang dumating sa aming buhay, at maraming pagsubok din ang dumating sa aming dalawa bilang pag-kakaibigan, siya ang iniodolo ko sa isang kaibigan dahil siya ang taong tumutulong na hindi nag-hihintay ng anumang kapalit, Masaya siya na nakakatulong sa ibang tao at sa kanyang mga pamilya, siya ang taong kahit wala siya basta maibigay niya sa kanyang kaibigan at sa kanyang pamilya ay Masaya na siya, siya ang taong may napaka simpleng personalidad.
Sampung taon na rin ang nakakalipas na kami'y magkahiwalay at malayo sa isa't isa", subalit ang aming pag-hihiwalay ay hindi naging hadlang para maputol ang aming pag-kakaibigan, marami naring unos ang dumating sa kanyang buhay pero nanatili pa rin siyang matatag at lumalaban para sa kanyang pamilya. Matagal tagal na ring panahon na kami'y malayo sa isa't isa katulad ng sabi ko hindi naging hadlang ang aming pag-hihiwalay hanggang ngayun ay nariyan pa rin siya na nag-aalala sa akin, nagpapalakas ng aking loob, at gumagawa ng paraan upang kami'y makapag-usap. Binabalik ko naman ang mga kabutihan na ibinigay niya sa akin, nagtutulungan kami, at nandito pa rin kami nagsasabi ng mga pangyayari sa aming buhay.
At dahil na rin sa sobrang hirap sa ating bansa umalis siya, nag-trabaho bilang care giver sa Cyprus, na kahit masakit sa kanyang kalooban na mag-alaga ng ibang tao kesa mag-alaga sa kanyang sariling ina ay tinitiis niya yun, nakikipag sapalaran siya upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya at mga kapatid, napakabait niyang tao walang katulad, nagsasakrispisyo, lumalaban, nag-titiis na malayo sa kanyang pamilya para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, kung iisipin mo napakahirap ng kanyang sitwasyun nasa bahay lang nag-aalaga ng 2 matanda at malayo sila sa kabihasnan, kaya ang ginagawa ko lahat ng sinusulat ko ay ipinapadala ko sa kanya upang maibsan ng kahit konti ang kanyang kalungkutan, kapag siya'y tumatawag puro nalang pag-hingi ng pasensya ang iyong maririnig, pasensya na dahil bihira siya makatawag , at humihingi siya ng pasensya dahil hindi daw niya mabayaran ang mga tulong ko sa kanya, isa lang ang sinasabi ko sa kanya wala siya dapat ihingi ng pasensya dahil binabalik ko lang ang mga kabutihan na ginawa niya sa akin, at isa pa ang pag-kakaibigan ay hindi nag-bibilangan kung ano at mag-kano naitulong mo sa kanya.
Para sa akin sa panahon ngayun napakahirap na makahanap ng totoong tao na maitretreasured mo habang ika'y nabubuhay, totoong kaibigan mo na nandiyan sa tabi mo sa hirap o ginhawa, sa lungkot at saya, at naaalala ko pa ang kantang " kung tayo'y matanda na sana'y di tayo mag-bago" nakakatuwa kasi para naman kaming 2 taong nag-iibigan dahil yan ang lagi niya kinakanta at sabi niya sa akin pagmarinig ko raw yang kanta na yan ay para ko na rin siya kasama.
Munti ko lang hiling na kahit nasa malayo na siya sana'y lagi siyang patnubayan ng poong may kapal, lagi siyang maging matatag. Kaya ang aming pag-kakaibigan ay hindi mawawala habang ako'y nabubuhay.

User Avatar

Wiki User

βˆ™ 8y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Anonymous

Lvl 1
βˆ™ 4y ago

Ang tunay na kaibigan ay Yung taong handa Kang damayan at di ka iiwan

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Sanaysay tungkol sa kaibigan
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Sanaysay tungkol sa kahirapan ng pilipinas sa panahon ng kastila?

pahingi ng sagot!


Magbigay ng dalawang halimbawa na sanaysay tungkol sa mga tao?

ipaliwnag ito ;sa wato at sapat na pagkain kabataan lulusog din


Anu ang mga kasabihan tungkol sa tapat na kaibigan?

dedicated,masipag,mahaba ang pasensya,skilled person


How many Halimbawa ng talumpati tungkol sa agrikultura islogan tungkol sa agrikultura?

islogan tungkol sa agrikultura


Paano sinimulan ni Plato ang kaniyang sanaysay?

Si Plato ay nagsimula sa pamamagitan ng paglalarawan sa isang pagtitipon sa bahay ni Arkias na pinupuno ng mga kaibigan at mga kilala. Si Socrates ang pangunahing karakter at tagapagsalita sa sanaysay na ito, at sa pamamagitan ng kanyang talumpati ay unti-unting naipapakita ang mga konsepto at mga ideya ni Plato.


What is the English word of tungkol?

tungkol sa


Magsaliksik tungkol sa mga indones sa kanilang pamumuhay?

tungkol sa mga indones


Sanaysay tungkol sa kadakilaan at kapangyarihan nd diyos?

Ang kadakilaan at kapangyarihan ng Diyos ay hindi maipapaliwanag ng buong kahulugan ng tao sapagkat ito'y labis na labis sa ating pang-unawa at kakayahan. Sa kabila nito, sa pamamagitan ng pananampalataya at pagmamahal, nagiging tangi nating alam na ang Diyos ay nagpapamalas ng kanyang kabutihan at kapangyarihan sa ating buhay at sa buong nilikha. Bunga nito, tayo'y tinutulak na magbigay-pugay at sumamba sa Kanyang kadakilaan at kapangyarihan sa pamamagitan ng ating mga gawa at pananampalataya.


Halimbawa ng slogan tungkol sa mais?

slogan tungkol sa mais


What is regarding in Tagalog?

"Regarding" can be translated to "patungkol sa" or "tungkol sa" in Tagalog.


Ano ang pinagkaiba ng alamat sa sanaysay?

ang alamat gawa at ang sanaysay at


What is the Tagalog for essay?

Essay in Tagalog is "Sanaysay or sanay sa pagsasalaysay"