answersLogoWhite

0

Ang kasaysayan ay mga pangyayarig naganap sa bansa sa nakalipas na panahon. Ito ay kuwento ng nakaraan ng isang bansa. Mahalagang tuklasin ang kasaysayan ng isang bansa dahil ang kasalukuyan ay nakaugat sa nakaraan nito. Ang anumang katangian at nakagawiang pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan ay mauunawaan lamang kung aalamin ang kasaysayan ng bansa.

Hindi nakasulat na kasaysayan

Nauukol ang hindi nakasulat na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas sa panahong ang mga unang taong nakarating sa bansa ay hindi pa marunong magbasa at sumulat sa paraang tulad ng sa ngayon. Wala silang gaanong naiwang bagay na magpapatunay sa kanilang uri ng pamumuhay.

Upang maunawaan ang kasaysayan ng mga Pilipino, umaasa lamang ang mga arkeologo sa mga nahuhukay nilang mga artifacts at fossils. Ang mga arkeologo ay naghahanap ng mga mahuhukay na mga bagay na magbibigay ng ideya kung ano ang anyo ng mga tao noon at ng kanilang paligid gayundin ng kanilang kultura o mga paraan ng pamumuhay.

Ang mga artifacts ay mga nahukay na kagamitan tulad ng palayok, pulseras, hikaw at plato. Ang mga fossils ay mga bungo at kalansay o mga marka ng mga halamaan at hayop na nabuhay noon. Ang mga artifacts at fossils ay masusing pinag-aaralan para sa pagkakakilanlan ng tao.

Ang mga arkeologo ay mga antropologo rin. Ang arkeolohiyaay pag-aaral sa mga artifacts at fossild. Ito ay isang bahagi lamang ng antropolohiya. Ang antropolohiya ay pag-aaral sa tao at sa kanyang kultura. Kailangang mahusay na arkeologo rin ang isang antropologo. Kailangang bago makagawa ang antropologo ng konklusyon tungkol sa nakaraan ng tao at ng kanyang pamumuhay, mahalagang masuri at mapag-aralam ang mga artifacts at fossils.

Nakasulat na Kasaysayan

Matapos mahukay ang mga artifacts at fossils, maingat na nililinis at itinatala ang eksaktong lokasyon kung saan natagpuan ang mga ito. Sinusuring mabuti ang lahat ng mahahalagang bagay at inaalam ang taon kung kailan ito nalikha sa tulong ng prosesong radio carbon dating.

Ang nakasulat na kasaysayan ng tao ay nauugnay naman sa bahagi ng kanyang kasaysayan kung kailan siya ay nagsimula nang magbasa, magbilang, at sumulat. Ito ay ang panahong isinusulat na ng mga tao ang mga nangyayari sa kanila.

Hindi mahirap unawain ang nakaraan ng bansa dahil may mga mapag-aaralang mga bagay na naiwan ng mga natatanging tao o karakter ng kasaysayan ng bansa.

ito ay ang hindi tama.

User Avatar

Daniella Bogan

Lvl 10
3y ago

What else can I help you with?

Related Questions

Kailan dumating angmga hapon sa pilipinas?

kailan dumating ang mga hapon sa pilipinas


Mga impluwensya ng hapon sa pilipino?

Ang mga impluwensya ng Hapon sa mga Pilipino ay makikita sa iba't ibang aspeto ng kultura, sining, at pagkain. Halimbawa, ang mga tradisyonal na sining tulad ng origami at ikebana ay nakilala at tinangkilik sa Pilipinas. Sa pagkain, ang mga pagkaing Hapon tulad ng sushi at ramen ay naging popular sa mga Pilipino. Bukod dito, ang mga salitang Hapon ay pumasok din sa bokabularyo ng mga Pilipino, lalo na sa mga kabataan.


Ano ang sitwasyon ng wika sa panahon ng hapon?

nung dumating yung mga hapon sa pilipinas, gusto nilang gawing pambansang wika ang Filipino at wikang hapon. - keris Filipino


Mga salita ng mga hapon na namana ng mga pilipino?

Maraming salitang Hapon ang namana ng mga Pilipino, lalo na noong panahon ng pananakop ng Japan sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay "suki" (regular customer), "kawaii" (cute), at "bento" (packed meal). Ang ilang mga terminolohiya sa pagkain at kultura, tulad ng "sashimi" at "sushi," ay bahagi rin ng ating vocabulary. Ang mga salitang ito ay nagbigay-diin sa impluwensya ng kulturang Hapon sa lokal na pamumuhay.


Ilang taong sinakop ng hapon ang pilipinas?

Ang Hapon ay namahagi sa Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa loob ng tatlong taon na ito, naranasan ng Pilipinas ang matinding pananakop at paghihirap sa ilalim ng Hapones.


Mga positibo at negatibong epekto ng pananakop ng hapon sa Pilipinas?

spell your anwer


Paano nakarating ang bansang Hapon sa Pilipinas noon?

Ang bansang Hapon ay nakarating sa Pilipinas noong World War II nang sakupin nila ang bansa mula 1942 hanggang 1945. Ang Hapon ay nagsagawa ng mga military campaign sa Asya-Pasipiko at naging bahagi ng kanilang layunin ang pagkontrol sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng kanilang malakas na puwersa at estratehiya, nagtagumpay sila sa pagsakop sa bansa hanggang sa sila'y mapalayas ng mga Amerikano.


Saan nagmula ang salitang guisad sa baguio?

anh salitang baguio ay nag mula sa pinakamataas na lugar sa pilipinas na kung saan laqing tinatamaan nq baqyo


Pamumuhay noon panahon ng Hapon sa Pilipinas?

tanga kya nga ngtatanung hndi alm eh


Anong bansa ang sumakop sa pilipinas matapos sakupin ng bansang hapon?

Matapos ang pananakop ng Hapon sa Pilipinas, ang bansa ay nasakop ng Estados Unidos. Ang mga Amerikano ay nagkaroon ng kontrol sa Pilipinas mula 1945 hanggang 1946, matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong Hulyo 4, 1946, opisyal na ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos.


Larawan ng impluwensya ng mga hapones sa mga pilipino?

mga larawan ng impluwensiya ng mga hapon sa pilipinas


Paano nabuo ang salitang pilipinas?

Ang salitang "Pilipinas" ay nagmula sa pangalan ng hari ng Espanya na si Felipe II. Noong panahon ng kolonisasyon ng mga Espanyol, ipinangalan ang bansa sa kanya bilang "Las Islas Filipinas" noong 1543. Ang terminong ito ay nagmula sa salitang "Islas" na nangangahulugang mga pulo, kaya't ang "Pilipinas" ay tumutukoy sa mga pulo na pinangalanan sa ilalim ng kanyang pamumuno. Sa paglipas ng panahon, ang pangalan ay naging "Pilipinas" sa paggamit ng mga lokal na wika.